Prologue
Kasabay ng napakalakas kong tili ang pagguhit ng kidlat sa madilim na kalangitan. Sandaling lumiwanag ang paligid, dahilan para makita ko siyang nakatayo malapit sa akin.
"Bakit ba lagi kang galit sa tuwing nakikita mo ako?" Pagak siyang humalakhak at naupo sa malaking bato na nasa harapan ko.
Kumapit ako nang mahigpit sa mga damo kung saan ako nakadapa. Humahangos man dahil sa sobrang pagot at sakit ng katawan, pilit akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Because you keep on trying to kill us everytime we meet!"
Lumitaw na naman ang nakakabwisit niyang ngisi nang magtama ang mga mata namin. "I like it when your eyes turn orange."
Ako naman ang ngumisi. "Yeah? Well, I like it when I see you bleed."
Bigla siyang natawa at napahimas sa kanyang magkabilang panig ng panga. "May galit ka nga talaga sa akin."
Gamit ang natitira kong lakas pinilit kong bumangon. Huminga ako nang malalim nang tuluyang makatayo at inayos ang natabingi ko nang pencil skirt, pati na ang cropped cardigan kong puno na ng putik.
Gosh! Kung alam ko lang na makikita ko ang siraulong 'to, dapat hindi na ako nag-pink! My Yaya will kill me once she sees the dirt on my clothes! She's scarier than all the enemies we have faced!
Tinanggal ko ang stilettos na may bahid na rin ng putik at maingat itong inilagay sa gilid ko.
"You and your high heels," he scoffed.
"It's Jimmy Choo, okay?!" I yelled, drawing lightning up the midnight skies again.
Pinagpagan ko ang sarili ko at tumayo nang tuwid sa kanyang harapan. Pilit kong itinago ang nanginginig kong mga kamay sa pamamagitan ng kuyom ng mga ito.
If I die tonight, then at least I will die fighting. I'm not Gianna Las Valiente for nothing.
"Let's settle this once and for all." I raised both of my fists, grinning. "To the death."
He suddenly crossed his legs, looking at me with a smirk up his face. "I heard you are the guardian of vampires?"
His words caught me off guard. What is this idiot up to now?
"So what?" I raised an eyebrow, slowly putting my fists down.
"Oh, do I have news for you!" He laughed maniacally, making me feel nervous all of a sudden.
"Can we just kill off each other? Mas kinakabahan ako sa tawa mo eh," pag-amin ko.
Bigla siyang tumayo at nagsimulang humakbang patungo sa akin, hindi tinatanggal ang kakaibang titig sa mga mata ko.
Pilit akong nanatiling taas-noo. Ayokong umatras dahil baka isipin niyang takot ako sa kanya. Hindi ako mahina kagaya ng iniisip ng lahat.
I may like all things pretty and glittery, but I can fight till the end.
Nagsimulang lumitaw ang kulay kahel na ilaw mula sa mga kamay kong nakakuyom.
Sa bawat hakbang niya ay napapahugot ako nang hininga, hinahanda ang sarili sa maari kong katapusan.
Before I could even unleash the bolt under my palms, he stopped at his tracks... right in front of me.
While looking at my eyes, he slowly parted his cherry red lips. What I saw next made me gasp.
"F-Fangs?" My eyes widened in shock and dismay.
He closed his mouth and smirked. "I'm a vampire and you're the guardian of vampires. You know where I'm getting at right?"
"No..." Napasinghap ako, nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa gulat.
"You're my bodyguard now, Gianna..."
Holy mother of thunder!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro