Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

HIS TURN

"Are you really sure na ito ang gusto mong trabaho, Jasper?" tanong sakin ni Mama at tumango ako habang inaayos ang buhok ko sa salamin.

"Yes, tsaka natanggap na ako. I want to keep myself busy. At mas maganda din naman ito, may magagawa din ako sa mga lahi natin. Patutunayan sakanila na hindi tayo katulad ng iba."

Nakita ko ang pag ngiti ni Mama sa salamin, aalis na ako sa bahay at dun na ako sa condo ko titira dahil mas malapit naman ang building Namin dun.

"Napalaki talaga kita ng maayos, text me if nasa condo ka na ha? Marami pa akong gagawin. Good luck to you Jasper."

Marami nang nangyari, si Alia ay napadalas ang party, si Silias naman at Moira ay sigurado na akong malapit na silang ikasal. I mean hindi pa nag p-propose si Silias pero nararamdaman ko na mag propropose na yan. Okay na sa akin ang lahat, siguro malas lang talaga ako sa pag ibig na yan kaya hahanap na lang ako ng hustisya para sa amin mas maganda pa yun.

It's my turn.

"Welcome here, Jasper." sabi sa akin ng boss ko sabay yakap sa akin. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Thank you sa pag tanggap."

"Of course, matalino ka ano. Talagang tatanggapin kita. Actually, mas mission na nga ako para sayo." nanlaki ang mga mata ko. Nandito ako kasi ngayon sa building namin na parang normal na building lang pero building talaga ng mga bampira.

"Ano yun?" tanong ko.

"Hindi mo naman pwede gawin agad, pwede ka mag chill—" pinutol ko na ang sasabihin niya. I want myself to be busy.

"Kaya kong gawin agad." nakita ko ang agad na pag kunot ng mukha niya dahil sa sinabi ko.

Peke siyang tumawa at napa cross arms.

"What?" muli siyang nag lavas ng pekeng tawa. "Agad agad? Are you sure?" tumango ako at nawala na ang ngiti sa labi niya.

"If gusto mo, then go. But, kaya naisip ko sayo ang mission na ito dahil..." umikot siya sa akin ng mabagal habang hawak hawak ang baba at inoobserbahan niya ako.

"Matikas ang katawan, gwapo. Nasayo ang katangian ng lalaki na magugustuhan ng isang babae sa unang tingin." nag taka naman ako at konektado ba ito sa mission ko?

Tumigil siya sa harap ko at inalagay ang dalawamg kamay niya sa baiwang niya.

"Pero nakaka dismaya nung nabalitaan ko na nag panggap kang gay para maging close sa babaeng gusto mo?" muli siyang tumawa at nakaramdam ako ng kahihiyan. "Na disappointed ako sa part na yun, hindi mo dapat ginagamit ang gender ng iba. Dapat nag pakatotoo ka sa sarili mo."

Hindi na lang ako sumagot dahil akong isasagot ko? Ewan!

"May gender equality tayo dito." ngiting pahabol niya at ngumiti na lang din ako.

"Ano ba yung mission?" tanong ko na lang dahil gusto ko na malaman at anong connect sa pag mumukha ko.

"Well, ang pag mumukha mo ang perfect para sa mission na ito dahil babae ang tratrabahuhin mo."

What the hell? Hustisya ang gusto ko hindi babae. Hindi na lang ako kumibo at baka may sasabihin pa siya

"Kilala mo ba ang mga Reyes?" ngiting tanong niya at sinensyasan niya akong sumunod sakaniya. Pumunta siya sa desk niya at pinakita sa akin ang mga random pictures ng isang babae.

"Belle Reyes?" tanong ko.

"Yes, kilala mo ba siya?" tanong naman niya sa akin.

"Familiar."

"Talagang familiar dahil kamag anak yan ng girlfriend ng pinsan mo. Kaya iniimbistigahan namin si Moira."

"Moira is pure and innocent, I know her." pag tanggol ko naman kay Moira dahil hindi pwede ang iniisip nila.

"Who knows, Jasper? Si Belle naman ang tratrabahuhin mo. Hindi si Moira."

"I can do both."

"What?"

"Matagal ko na siyang kilala, mas madali ang trabaho sa akin na yun."

Kalauanan naman ay pumayag na siya dahil may point naman ako. Binigay niya sa akin ang documents at binasa ko isa isa yun.

Iniwan siya ng Papa niya noon at ng Mama niya. Yun ang kwento niya, pero ayoko namang pag hinalaan si Moira. Baka naman plano nila lahat ang nangyari sakanila ni Silias? No, it can't be.

Ang Reyes kasi, marami na silang napatay na lahi namin, ang iba dun ay mga katulad namin na wala namang masamang balak sa mga tao. Akala nila pare-parehas lahat ng bampira na dugo ang nais. Hindi kami ganung klaseng bampira.

Alam ko ang kwento nito.

Natigil ito dati nang namatay si Brad Reyes, pag tapos ng mahigit sampung taon, naulit ulit ito. Nag simula ito nung may isang babaeng tinurukan ng isang venom, may anak siyang half blood at hindi pa na aadopt ang pagiging bampira.

Ang venom na yun ang nag sanhi ng pag wawala niya at pag atake sa anak niya. Pero bago niya maatake ang sarili niyang anak, pinatay na siya ng asawa niyang tao.

Dahil dun, nag simula ulit ang tahimik na gera naming mga bampira at mga Reyes na yan. Hindi namin sila pinapatay. At ang tanging gusto namin ay katahimikan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro