You will stay here forever
Naghahangos si Mr. Salvatore. Duguan ang kaniyang ulo, braso at balikat. Kanina pa siya nakayuko habang panay ang tawanan ng mga tao sa kaniyang paligid. Ubos na ang kaniyang mga tauhan, pinatay ng tauhan ni Romel kaya siya na lamang ang mag-isang humihinga ngayon. Gusto niya pang tumayo at lumaban, gusto niyang ipaglaban ang sarili niyang hinahangad ngunit impossible 'yon. He knew that at this point, he had no chance left. In a few hours, he will take his last breath.
Pumikit siya ng mariin. Narinig niya mula sa kaniyang likuran ang malakas na tawa na nanggaling sa babaeng kinamumuhian niya. Akala niya kakampi ang mga ito ngunit isa rin pa lang lapastangan at pera lang din ang habol sa pamilya nila.
"Hoy, Tanda! Anong niyuyuko-yuko mo diyan? Tinatanong ka namin. Anong nangyari sa lupa na ipinangako mo ah? Bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin hawak? Patay na 'yong tarantadong 'yon ah. Sino nga ulit 'yon?"
Kinuyom ni Lorenzo ang kaniyang kamao. Naalala niya ang masakit at walang awang pagpatay sa kaibigan niya na si Cardinal. Labis niyang pinsagsisihan iyon, gusto niyang tumulong subalit natatakot siya. Natatakot na baka ang pamilya niya ang magiging kapalit kapag hindi niya sinunod ang inuutos sa kaniya. Hindi niya ginusto ang kadumal-dumal na pangyayaring iyon. Mahal niya ang kaibigan at gagawin niya ang lahat para matulungan lamang siya nito. Ngunit, dahil sa kagustuhan na kunin ang lupa mula sa kanila, nakagawa siya ng malaking kasalanan na hindi niya namamalayan.
"Bakit mo 'yon ginawa papa?! Pumatay ka! Pinatay mo ang papa ni Hiraya!" halos sumabog si Maxrill sa sobrang galit.
Basang-basa ito ngunit klaro pa rin ang mukha nito. Lorenzo sees the intense anger that he has never witnessed before in his eldest son. He wanted to explain everything, he wanted to say that he didn't mean it. But something is holding him back. He couldn't bear to see the pain, disappointment, and anger in Maxrill's eyes. Instead of answering, he turned away.
"Ano? Hindi ka magsasalita? Hahayaan mo na lang 'to? Gago ka ba? Hindi ka ba nag-iisip?! Dahil lang sa lupa papatay ka ng tao? Tangina, pa!"
"Maxrill! Huwag mong pagtaasan ng boses ang papa mo! Ayusin mo ang pananalita mo!" singit naman ng kaniyang ina na si Mrs. Cynthia.
Panandalian niya lamang itong tinapunan ng tingin. Binalik niya kaagad sa ama niyang walang hinto-hintong humakbang. Nang marating na nito ang sukdulan ng hagdan, huminto ito.
"Pinatay niya ang papa ni Hiraya, mama. Sinong matutuwa non ah? Mahal na mahal no Hiraya ang papa niya! Pinakatiwalaan tayo ng mga Corazon tapos ito ang gagawin ninyo? Bakit? Bakit mo nagawa sa kanila iyon ah? Wala namang ginawa si Tito Leighton sa'yo ah. Sagutin mo ako!"
"Maxrill! Tumigil ka na!"
"Hindi ako titigil hanggat hindi ko maririnig mula sa bibig mo ang gusto kong marinig!" matigas na gatong ni Maxrill.
Pumikit ng mariin si Mrs. Cynthia. Marahas niyang pinunasan ang kaniyang mga luha bago binalik ang tingin kay Maxrill na ngayo'y hindi na maipinta ang mukha. Galit na galit. Walang luha sa mga mata nito. Walang emosyon.
"Maxrill..."
"Ma, hindi ka man lang ba nakokonsensya? Nakatutuwa 'yon? Papa ni Hiraya ang namatay dito at tangina nasaksihan niya 'yon! Akala niya ako ang pumatay! Akala niya mamamatay tao ako kagaya ng ama ko!"
"Tumigil ka na, Maxrill!" umalingawngaw sa loob ng mansyon ang malakas at buong boses ni Lorenzo.
Hinarap niya si Maxrill. Tumawa lang naman ito ng malakas. "Bakit nga ba ako may amang mamamatay tao?" natatawang sambit nito at bago pa man iyon gatungan ng kaniyang ama, tumalikod ito. Walang lingon-lingong lumabas ng mansyon.
Tinungo niya ang kaniyang sasakyan at galit na sinuntok ang manibela. "Tangina."
Sa kabilang dako, mabilis na dinaluhan ni Mrs. Cynthia ang kaniyang asawa. Hinawakan niya ito sa mukha habang umiiyak.
Ngumiti naman si Lorenzo. Hinaplos niya ang buhok nito. "Alam mo naman kung bakit ko ginawa 'yon, hindi ba?" tumango si Mrs. Cynthia. "Mahal na mahal ko ang pamilyang ito, Cynthia. Gagawin ko ang lahat para lamang ma-protektahan ko kayo kahit may kapalit. Alam kong mali 'yon, pinatay ko ang matalik kong kaibigan. Wala akong choice, Cynthia! Ayokong magdusa kayo sa kasalanang nagawa ko. Habang nabubuhay pa ako gagawin ko lahat, kahit na magiging demonyo ako. Wala akong pakialam."
"Maintindihan din ni Maxrill ang lahat."
"Si Dante. Alam niya ang lahat. Maghihiganti 'yon sa anak ni Romel."
Ngumisi ng mapakla si Lorenzo. Naging sunod-sunuran siya sa mga Jacinta. Malakas ang kapit nila sa NC kaya ang lakas ng loob nitong pabagsakin siya. Una pa lang alam niyang marumi na maglaro ang mga ito ngunit tumaya pa rin siya. Naubos ang kaniyang pera, bumagsak ang mga negosyo nila sa Tagaytay, at bumaba ang benta nila.
Pabalik-balik siyang inaabangan ng mga tauhan na nagmula sa NC upang silingin siya sa perang naubos niya sa club. Wala siyang nagawa kundi isangla ang meron siya subalit hindi naging sapat iyon. Hanggang sa nadamay ang maisan nila sa Isabela City. Napuruhan ang kanilang rancho, pinasok ang kanilang bahay at sinira ang PGC nila na ilang taong pinatayo.
Hindi naging madali ang lahat para kay Lorenzo. Hindi pa siya natuto, gusto niyang ibalik ang nasira. Kaya no'ng nalaman niyang tinakwil ang mga Jacinta sa NC, doon siya nagkaroon ng masamang plano. Ngunit, sa huli siya pa rin ang natalo.
Hindi niya natuloy ang kaniyang paghihiganti sa mga ito dahil naunahan siya. Hindi niya namalayan na nasa malapit lang pala ang taong tatapos ng kaniyang buhay. At iyon ay si Ella. Ang babaeng kilala nilang girlfriend ni Maxrill na inaasahang tutulong sa kanila.
Hindi lang kay Ella galit ang buong Salvatore. Galit din sila sa mga Jacinta gano'n din sa sikat, puno ng sikreto at malakas na club. Ang NC.
Nang malaman ni Davian ang pangyayaring iyon. Nagpasya siya na maghiganti. Sa puntong iyon, wala na siyang pakialam. Gusto niya lang maghiganti sa mga Jacinta. Tamang-tama nagkaroon ito ng utang sa kanila na kailaman hindi nai-sumbat ni Lorenzo sa kanila.
Mariing kinuyom ni Davian ang kaniyang kamao habang nakatingin sa kabaong ng kaniyang ama. Hindi sila umiyak ni Maxrill, nakatingin lamang sila sa ama.
Pinapangako na tatapusin nito ang labang hindi natapos ng kaniyang ama.
***
"Nasa Davao sila ngayon, Davian. Anong susunod na gagawin natin?"
Inapakan niya ang sigarilyo. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo, sinalubong ang nakangising labi ni Maxrill.
"Hahayaan muna natin siyang I-enjoy ang buhay niya sa ngayon. Kapag tuluyang nang umapak sa buhay ko ang mga paa niya, hindi ko na 'yan pakakawalan." Sinamaan niya ng tingin ang monitor.
Napangisi siya nang makita si Klaus sa monitor. Naka-cap na itim at may hawak na bato. Kitang-kita niya sa monitor ang ginawa nito sa bahay ng mga Jacinta. He burned the entire place na walang pagdadalawang isip. He was pleased as he watched it disappear sa maraming tao.
He licked his lips. "You already killed her parents, right?"
Tumawa si Maxrill. "Hindi ko sila pinatay. Nasagasaan sila,"
"Nasagasaan? Paano mo nalaman?" kunot noong tanong nito. Akala niya si Maxrill ang tatapos sa mga iyon ngunit nagkamali siya.
Disappointed written on his face. Gusto niya sanang makitang nahihirapan din ang mag-asawang 'yon ngunit impossible nang mangyari iyon dahil natagpuan nang patay ang dalawa sa Davao. Nasagasaan.
"Baka nakakalimutan mong may mga tauhan din akong nagbabantay sa kanila? Oo patay na silang dalawa. Ang huli nilang nakita ay sasakyan ni Louis. 'Yan..." Tinuro niya ang pulang sasakyan na nakaparada sa gilid ng litrato. "Tugmang-tugma ang plate number ng sasakyan."
Tamad itong bumalik sa kinauupuan habang nilalaro naman ni Davian ang ballpen sa kamay.
"Hindi na ako magugulat kung mabubura sa mundo ang lalaking 'yan. I'm sure Luna won't let that guy live. Be careful with that woman, Dante. She's worse than Romel.
"Hindi ako magpapauto, Maxrill."
Binalik niya ang tingin sa monitor. Nagtagis ang kaniyang mga ngipin sa ngiti nito na para bang wala lang aa kaniya ang mga trahedyang nangyari sa pamilya niya. Ito siya nag I-enjoy habang wala nang natira sa kanila.
"Hanggang saan kaya aabot ang matamis na ngitang 'yan, hmm..?"
"Kung kinakailangan mong itago ang totoong ikaw, itago mo."
Tinapik ni Maxrill ang kaniyang balikat. Ngumiti ito sa kaniya at nilahad ang location ni Luna. Tinanggap niya naman kaagad 'yon at nagpasalamat bago bumalik sa litratong hawak.
"Inaasahan ka ni Lola sa dinner mamaya. Pumunta ka,"
"Alam ko na ang sasabihin niya,"
"Alam mo na rin ang gagawin."
Tumango ito sa nakakatandang kapatid saka padabog na umalis sa kaniyang kinauupuan. Tinungo niya ang maliit na cabinet, nilagay niya doon ang litrato ng dalaga. Bago nagpasya na bumaba upang salubungin ang bisita.
Hindi kalayuan nakita niya ang babaeng kanina pa naghihintay sa kaniya. "Stella..."
"Davian! Kumusta? Ang tagal mo naman!" ngumuso ito na ikinatawa lamang ni Davian.
Mahina niyang piningot ang ilong nito at kinindatan. "Nagtatampo ka na naman. Tara na?"
"Hmp! Kanina pa naghihintay si papa si bahay! Uubusin daw nila ang lechon!"
"Tara! Bilisan mo!" at siya na mismo ang humila sa kamay ni Stella.
Malakas naman itong tumawa at nagpahila na lamang.
Ito ang gustong buhay ni Maxrill. Kahit simple masaya. Hindi tulad sa ginagalawan niya ngayon, nakukuha niya naman ang lahat pero may malaking puwang sa kaniyang puso. Hindi pa siya nakukuntento. Hindi niya alam kung habang-buhay na ba ito o may taong pupuno nito.
Habang pinagmamasdan niya si Stella, hindi niya maiwasang hindi mapakunot-noo. Hindi kalayuan, may nakita siyang babaeng sobrang pamilyar.
Is that Luna?
Pupuntahan niya na sana ang babae upang tingnan subalit nawala na ito sa kaniyang paningin. Sinalubong siya ng malaking ngisi ni Stella habang may hawak na bundok na pagkain.
"Ang dami ah!" he chuckled.
Inirapan siya ng dalaga. "Malamang! Paborito mo 'to e!"
Ngumiti siya. "Salamat, Stella."
Wala siyang naramdaman. Blangko ang kaniyang isipan habang kumakain habang nakikipag-daldalan kay Stella.
Kung anuman ang kulang sa kaniya, umaasa siya na balang araw mapupuno ito.
Tatapusin niya muna ang larong hindi natapos ng kaniyang ama. Sa puntong ito, hindi siya magpapa-uto. Kikilitasin niya ng maigi ang mga taong pumasok sa kaniyang buhay.
Lalo na si Luna.
Unang kita niya sa dalaga, sumalubong kaagad ang kaniyang kilay. Ibang-iba ang babaeng kasama niya sa nakita niya noon. Lagi itong tahimik, walang buhay kung magsalita. Kakaibang-kakaiba sa babaeng nakita niya sa Davao no'ng nakaraang buwan.
Anong nangyari? Nalaman na kaya nito ang nangyari sa bahay nila kaya siya malungkot ngayon? O nagpapanggap lang siya?
Imbes na maawa, palihim itong ngumisi. "Miss niya na siguro ang lalaki niya," kinagat niya ang labi. "Alin kaya sa mga lalaki?"
Lumapit siya sa natutulog na katawan ng dalaga. Kumunot ang kaniyang noo nang mapansing nanginginig ito.
"Tch."
Nilapitan niya ang remote at hininaan ang aircon. "You will stay here forever, Luella Rose."
***
More ayuda~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro