Special Chapter
"Anong gagawin mo? Pupuntahan mo si Luella sa poder ni Davian? Nahihibang ka na ba?"
Galit kong tinapunan ng tingin ang kaibigan. "Hindi pa ako nahihibang sa lagay na 'to, Ella. Gusto kong pumunta roon para bigyan ng babala ang kakambal ko!"
"Para saan? Mula kay Davian? Alam nating lahat saan nagsimula ang gulo, Luna. Huwag ka nang sumali! Hinahanap tayo ngayon ng mga pulis!"
Umismid ako. "Bakit naman ako hahanapin ng mga pulis? Sa pagkakaalam ko wala akong kasalanan ah? Baka ikaw kamo ang huhulihin?"
"Kahit na-"
"Baka nakakalimutan mong may malaki ka ring kasalanan sa mga Salvatore? Huwag mo akong idamay sa kagaguhan mo sa buhay, Ella. May sarili akong problema at iyon ang uunahin ko!"
"Uunahin mo si Luella? Patawa ka. Babalaan o aagawin mo ang hindi naman talaga sa'yo?"
Nanlilisik ang aking mga matang bumaling kay Ella. Kinuyom ko ng mariin ang aking kamao habang pinipigilan ang sariling huwag pagbuhatan ng kamay ang kaibigan dahil siya na lamang ang nag-iisang kasangga ko sa buhay. Wala nang sa natira sa akin, lahat iniwan ako. Hindi naman ako nagsisisi, para sa akin mas mabuti iyon kaysa madamay sila sa kasamaang gagawin ko.
Hindi ko gusto si Davian. Plinano ko ang lahat. At hindi alam ng kakambal ko iyon. Akala nito may gusto ako kay Davian ngunit nagkakamali siya. Hindi ako magkakagusto sa halimaw na iyon.
Putcha. Naalala ko na naman ang pangyayari bago ako napunta sa tarantadong buhay na 'to.
"Wala akong kinalaman diyan, mommy! Wala akong ginawa sa mga Salvatore!" galit kong sigaw habang naniningkit ang mga mata ni daddy sa akin.
Alam ko na sila ang may malaking atraso sa mga Salvatore. Pinatay nila ang importanteng kasapi ng pamilyang iyon. Lorenzo Salvatore. Hindi ko alam kung anong rason nila bakit nila nagawa iyon pero tangina! Pati ako sinisisi sa mga nangyari. Ano bang alam ko sa ginawa nila? Nananahimik lamang ako! Nagulat na lang ako na napagkasunduan nilang ipakasal ako kay Davian. Hindi ko kilala ang lalaking iyan at wala akong balak na magpakasal sa kaniya!
Buwesit. Dahil sa mga kaganapang ito, maraming nagbago. Mas lalong nagkagulo ang pamilya namin dahil sa kasakiman nila.
Galit akong bumalik sa aking silid. Nadatnan ko si Luella na mahimbing na natutulog sa aking kama. Mabuti pa siya, walang pinoproblema. Tahimik, nakatago at walang matinding ginagawa. Ako, halos saluin ko lahat ang mga paratang na hindi naman dapat sa akin.
May balak pa silang ipagkanulo ako sa mga Salvatore? Hindi ba nila naisip na maghihiganti ang pamilyang 'yon? Sa akin nila ibubunton ang galit nila!
Pero asa naman silang papayag ako. Lalayas ako!
Hindi pa man sumikat ang araw nagpasya na akong lumabas ng bahay. Tulog na ang mga kasamabahay gano'n din ang gwardiya sa labas. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko habang tinatahak ang daan palabas ng gate.
Sumilay ang ngisi sa aking labi nang maaninag ang sasakyan ni Louis sa labas. Nang makita niya ako, dinaluhan niya kaagad ako at siya na mismo ang naglagay ng bag ko sa loob.
"Hindi ito palalampasin ng mga Salvatore, Luna! Madadamay ako!" galit niyang untag pero hindi ko iyon pinansin.
Bakit naman siya madadamay? Wala naman siyang ginawang masama gano'n din ako. Sina mommy at daddy ang may malaking kasalanan sa kanila. Dapat sila ang magbabayad, hindi ako. Tangina namang buhay 'to oh. Pati kamalasan nila sa akin binunton.
"Hindi kita puwedeng isama sa mga lakad ko, Luna. May trabaho din ako na kailangang pagtuusan ng pansin!"
"Puwede bang magmaneho ka na lang, Louis? Huwag kang mag-alala hindi ako magiging pabigat sa'yo!"
"Hindi pa ba pabigat ito? Dinadamay mo ako!"
I angrily threw my cellphone at him. It hit him on the head, causing the car to stop. "You're really a fucking bastard! Anong silbi mo kung hindi mo ako tutulungan?! Kaya nga kita tinawagan kasi ikaw lang ang makakatulong sa akin. Hindi mo ba naiintindihan iyon?!"
"Kasi...Luna, hindi mo ako utusan."
Umirap ako. "Hindi ka madadamay, Louis. Sundin mo na lang ako. Saka sigurado akong wala silang gagawin sa'yo." Kasi ako meron.
Wala akong tiwala kay Louis. May connection ang pamilya nila sa mga Salvatore. Kaya kapag matapos ito, hindi ko siya hahayaang mabuhay. Gagamitin ko muna siya habang nagkagulo pa.
Tangina, saan ba ako pupunta?
"May bahay ba kayo sa Davao?" basag ko sa katahimikan.
Nagpakawala siya ng hininga. "Oo. May bahay doon ang ate ko."
"Puwede ba tayong manatili muna doon? Huwag kang mag-alala, aalis din ako pagkatapos. Hindi naman ako magtatagal doon."
Tagal kasi mag-reply ni Ella. Ano na kaya ang ginagawa non ngayon sa Isabela? Nakulong na ba? Putcha kasi e! Jinowa ang anak ni Lorenzo. Ewan ko kung anong pumasok sa kokote ng babaeng iyon. Ayoko nang alamin. Idadamay niya rin ako panigirado.
"Paano si Luella? Hindi ka ba nag-aalala sa maaaring mangyari sa kaniya?"
Bahagya akong gumalaw. Binalik ko ang tingin sa labas habang hinahampas ng hangin ang mga puno na aming nadadaanan. Umuulan, malakas na halos manlabo ang paningin ko.
Tumikhim ako. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.
Pilit akong ngumiti. "Kaya niya na 'yon. Alam niya na ang gagawin." Walang emosyon kong sagot.
Matalino siya. Magagawan niya ng paraan ang lahat. Mahal ako non e, hindi ako ipapahamak ng babaeng 'yon. Kung sakaling siya ang aatasang magpakasal kay Davian, wala na akong magagawa. Siya na ang bahala sa lahat. Pagod na akong maging sunod-sunuran sa magulang namin. This time, siya naman ang gagalaw kasi ayoko na. Pagod na ako.
"TANGINA! TANGINA! Luna, anong gagawin ko?"
Inapakan ko ang sigarilyo at tinapon. Nasa labas kami ngayon ng bahay, usual nag-uusap dahil ayokong marinig ng ate niya ang pag-uusapan namin. Chismosa 'yon e. Kapag malaman niyang about sa Salvatore panigiradong kakalat ang chismis.
"I killed your parents!"
Tumikhim ako. Tumawa ako ng mapakla habang pabalik-balik ang tingin sa malaking puno papuntang bahay. "Paano mo sila pinatay?"
Kabadong-kabado ang kaniyang mukha. Nanginginig pa ang kamay at tuhod niya habang nakatayo sa aking harapan. He looks scared. Kulang na lang bumagsak ito sa lupa sa kapipigil niya sa kaniyang sarili. Hayst! Ang bakla naman nito. Imbes na malungkot sa pagkamatay nila, inismiran ko lamang. Alam kong darating ang panahon na pagbabayaran nila ang ginawa nila kaya hindi na bago sa akin ito. Kung sakaling mamatay man ako ngayon o bukas, lubog kong tatanggapin iyon. Hindi ako mabait, hindi ako matapat at alam kong makasalanan akong tao. I'm just waiting for my time. Habang kaya ko pang gumalaw ngayon, gagalaw ako.
Nilapitan ko ang kahoy na upuan. Mariin kong tiningnan ang litrato doon. Mukha ni Daisy ang nandoon sa litrato, kapwa nakangiti habang magkayakap. I want to hug them, kiss them and tell them that I love them, but I can't. Ayokong mapahamak silang dalawa at kahit gustuhin ko man, hindi papayag si Klaus. Galit siya sa akin, kinamumuhian niya ako. Kapag magkrus man ang landas namin, hindi siya magdadalawang isip na patayin ako.
Natawa ako ng mahina bago binalik kay Louis ang tingin. Hanggang ngayon takot na takot pa rin siya.
"Wala naman sigurong nakakita sa ginawa mo?"
"Hindi ko 'yon sinadya! Nawalan ako ng preno at nabangga ko sila—"
"That's enough. Aalis na ako bukas, hindi na ako magpapakita sa'yo."
"P-Paano ako? Ipapakulong mo ba ako?" nagmamakaawa ang kaniyang mga mata.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Hinaplos ko ng marahan ang kaniyang panga saka nilabas ang baril sa aking likuran.
I smiled sweetly at him. "Hindi kita ipapakulong, Louis..." Nilapit ko ang labi sa kaniyang tainga. "Isasama kita sa hukay nila."
Tatlong putok ang umalingawngaw sa buong paligid na naging dahilan ng malakas na sigaw ni Ate Klare. Ang nakakatandang kapatid ni Louis.
Nilingon ko siya. Bakas sa mukha ang takot nang harapin. Ngumisi lamang ako at muling tinago ang baril sa aking likuran.
"W-What did you do?!"
"Hindi ako tumatanggap ng sorry at hindi sinadya, Ate Klare. Kung buhay ang kinuha sa akin, buhay din dapat ang kapalit."
Bago pa man siya tuluyang maloka sa nasaksihan, umalis na ako. Ginamit ko ang sasakyan ni Louis pabalik sa nasabing lugar.
Napag-desisyunan kong dalawin ang magaling kong kapatid sa poder ni Dante. Sarap na sarap na siguro siya doon.
Tumawa ako. "Hanggang dito na lang, Luella. Salamat sa lahat." At mas lalong binilisan ang sasakyan.
Sa pagkakataon na ito ako na ang gagalaw. Tatapusin ko ang labang tinakbuhan ko noon. Huwag kang mangingialam kung ayaw mong kalimutan kita bilang kakambal ko.
***
"Ano ba naman 'yan, Diana?! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mong labhan ang damit ni Chiko?! Tingnan mo kung anong nangyari? Mas lalong nadumihan ang puti! Naghalo-halo ang mga kulay!" iritado akong tinulak nanay palayo sa mga labahin.
"Sorry po..."
"Alam mong masama ang ugali non tapos ito pa ang ginawa mo sa damit niya!"
Kita ko ang dimasya sa kaniyang mukha. Imbes na singhalan ulit ako, pinili niya na lang pumasok sa loob ng bahay habang nagmamaktol. Sinunandan naman siya nina China at Chino. Ang kambal nitong pamangkin. Umirap pa sa akin si Chino habang hilaw naman na ngumiti si China.
Hays. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Binalik ko ang atensyon sa mga damit at kaagad na napasinghap nang hindi na mamukhaan ang mga puti. Para na itong basahan kung titingnan. Pambihira naman oh!
Ngayon lang ako pumalpak!
Kalma, Diana, hindi ka sasaktan ni Chiko. Magkapatid kayo e. Pero hindi naman ako tinuturing na kapatid non. Sa katunayan nga niyan ay masama ang pakikitungo nito sa akin, kulang na lang pagbuhatan ako ng kamay. Kung wala ang kambal baka nakahilata na ako ngayon sa labas.
Don't cry, Diana. Malalampasan mo din ito.
Ano ang dapat lampasan? Dito na nakatadhana ang buhay ko. I am now living with them kahit na minsan hindi ako tinuturing na anak ni nanay. Mas mahal niya si Chiko kumpara sa akin.
Napahilamos ako sa aking mukha. Inayos ko ang basa kong damit at nagpasya na pumasok na sa loob.
Ngunit, mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang may napansing bagay na papunta sa akin. Shit!
"Ang lakas naman ng loob mong pumasok pagkatapos mong gawing basahan ang mga damit ko?!"
Napapikit ako nang marinig ang pagbagsak ng babasaging baso sa aking likuran. Naramdaman ko sa aking paa ang iilang butil nito. Ngunit, tumayo pa rin ako ng tuwid, hindi pinansin ang hapdi na nanggaling sa paa ko.
"Anong gagawin ko sa mga damit na 'yon ah, Diana?! Ang mamahal no'n! Tangina naman!"
"I-I bibili na lang kita ng ba—"
Mapakla siyang tumawa. "May pera ka? Saan ka naman kukuha ah? Akala mo bibigyan ka ng pera ni nanay?! Huwag kang umasa! Buwesit!" Pagalit siyang bumalik sa kusina. Marahas niyang binuksan ang ref at kumuha ng tubig doon.
Umiwas ako ng tingin. Unti-unti akong yumuko upang kunin ang mga bubong ng baso sa aking paanan. Ngunit bago ko pa man mahawakan iyon, isang marahas na kamay ang pumigil non dahilan nang pagbaling ko sa kaniya.
Kita ko ang pag-igting ng panga ni Chiko. Ang sama pa ng kaniyang tingin sa akin.
"Tangina! Huwag mong hawakan 'yan! Halika nga dito!"
Hinila niya ako papuntang living roon. Nagpatianod na lamang ako dahil ayoko nang dagdagan ang galit niya. Tama na ang kasalanang nagawa ko. Mananahimik muna ako sa ngayon.
Kaya ko namang patulan si Chiko, kaso sa puntong ito, kasalanan ko. Wala akong magagawa kundi sundin siya.
"Umupo ka riyan. Huwang kang gumalaw, Diana, malilintikan ka talaga sa akin," inis niyang banta.
Tahimik akong tumango. Pinagmamasdan ko lang siya habang may inaabot sa hindi gaanong kataasang cabinet. Nang nakuha niya na ang hinahanap niya, bumalik siya sa akin.
"Nakita daw nina River at Percival ang mga mata mo. Hindi ba't sinabi kong isusuot mo lagi ang contact lense mo? Bakit ang tigas ng ulo mo!" gigil na naman siya.
Mas lalo akong yumuko. "N-Nakalimutan ko," mahinang sagot ko.
Marahas niyang hinawakan ang panga ko at pinaharap sa kaniya. "You know I hate it when someone saw your real eyes, Diana..."
"So, don't fvcking show your blue eyes again. Naiintindihan mo?"
Kinagat ko ng mariin ang labi.
I know. Naiintindihan ko.
***
Ito na po talaga ang huling ayuda. I hope you like it! Thank you saur much, everyone! 🫶
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro