Prologue : Who is the real one?
•READ AND COMPREHEND•
"I heard from Klane na hindi ka uuwi ngayong taon sa Isabela. Bakit, Rose? Hindi ka pa rin ba naka-move on sa lalaking 'yon?"
Pumikit ako ng mariin. Nasa labas kami ng mansyon, dinadama ang bawat haplos ng hangin at huni ng mga ibong malayang lumilipad sa aming harapan. Kasama ko ngayon si Janice, kauuwi niya lang galing ibang bansa at katatapos lang ng shoot nila. Suot pa nito ang huling dress mula sa shoot. She's a famous model, isa siya sa mga models ng Thread & Treasures. Pagmamay ari ni Hiraya Cristiana Corazon.
Janice is really pretty, matangkad at kawangis-wangis ang kaniyang mukha. Hindi tulad sa akin na medyo malaman-laman na ang katawan ngayon dahil iyon ang gusto ni Davian sa akin. That bastard, akala niya makakatakas siya sa akin. Hindi. Hindi pa ako tapos sa kaniya kaya manigas siya riyan, walang uuwi ng Isabela hanggat gusto ko pa rito.
"Sinong nagsabing magmo-move on ako? Walang magmo-move on." Matigas na sagot ko at marahang tumayo. Ngumiti ako ng matamis sa kaniya habang ang mukha nito hindi makapaniwala sa naging reaksyon ko. Hindi ako magmo-move on, kahit si Davian, hindi ko hahayaan. Pinili niya 'to, panindigan niya.
"He's one of the prince, Rose! You can't just order him around like that."
"You're wrong, Janice. Alam niyang kaya ko."
Binaba ko ang suot na roba, revealing my black one piece. Tumaas naman ng bahagya ang kilay ni Janice habang pinagmamasdan ang buong katawan ko.
Inirapan ko siya. "Alam kong hindi ako kasing-ganda mo kaya tigilan mo na 'yan. Hindi pa rin ako madi-discourage,"
"Gaga! Ang ganda kaya ng katawan mo! And, ang pretty mo. Ikaw lang yata ang nag-aasume na pangit ka. Kakaloka." She rolled her eyes at muling umupo sa kaniyang upuan.
Tinawanan ko lamang siya at akma na sanang tatalon sa pool nang may narinig kaming tawanan. Nangunguna ang boses ng mga lalaki.
Sino naman kaya ang mga iyon? Sa pagkakaalam ko mamaya pa uuwi si Davian. May bagong kaso na naman kasi siya kaya laging ginagabi iyon. Paminsan, napapahamak, mabuti na lang may asawa siyang Doctor. Yes, nakapagtapos ako. Alam ko ang gagawin. Nagagaling ko kaagad ang mga sugat na natamo mula sa mga ka-trabaho niya. Ewan ko kung tungkol pa rin ba iyon sa kaso o may patayan na talagang involved. Nakakaloka siya. Kung ako sa kaniya, samahan niya na lang ako sa ospital, kanila naman iyon, e. Bakit hindi na lang siya nag-medicine.
Simula pa lang...para na sa akin talaga 'yon, lahat ng ito at hindi para sa kaniya.
"Did you hear that?" Napatayo muli si Janice. Binaba niya ang kaniyang hawak na shoal at hinintay ang mga taong papasok sa loob ng mansyon.
"Mukhang kaibigan yata ni Davian ang mga 'yon,"
"Princes, you mean?"
"Oo. Wala namang ibang kaibigan si Davian kundi 'yung mga princes lang."
Umirap ako at umupo. "Hindi mo sure."
Sa pagkakaalam ko may childhood friend siya at lagi niya 'yong kasama noon sa Dreamweaver. Dahil sa kakulitan ko noon, nauuwi sa ere ang kanilang lambingan. Abay kasalanan ko ba 'yon? Tinadhana kami e kaya wala siyang magagawa. Palagi naming pinag-aawayan ang Stella na 'yon, napaka-maldita, bagay na bagay talaga silang magsama ni Davian, suplado e. Kung hindi siguro ako babae, inupakan na ako no'n sa mukha sa sobrang inis.
Panahong naging stalker ako.
Umasim ang mukha ko nang maalala ang mukha ni Davian noon sa akin. Laging napapa-walkout dahil sa akin. In the first place naman, it's not my fault. Kasalanan iyon ng...basta. Kung hindi dahil sa taong 'yon, wala ako ngayon sa posisyong ito. She helped me reach my dreams, and she also helped me play this game.
"Rose!" Nilapitan ako ni Janice sabay tapik ng aking balikat. Napatingin muli ako sa kaniya ngunit nagtama ang mga mata namin ni Davian na kasalukuyang nasa likuran ni Janice.
Damn.
Kasama nito ang kaniyang mga kaibigan, including Stella, ang childhood friend niya na matagal niya nang gustong ligawan. Tangina, ang saya naman.
Umiwas ako ng tingin. Hindi naman kami laging nagpapansinan kaya ayos lang na iwasan ang walang hiya na ito ngayon.
"Hindi mo ba babatiin ang asawa mo?"
"Maka-asawa ka naman parang tunog sincere. Alam mong sa papel lang kami mag-asawa ni Davian, Janice. Pinanghawakan ko ang desisyong ito kahit alam kong magtitiis ako sa huli."
Kitam, ang saya ng buhay ko, ano? Kulang na lang saksakin ko ang puso ko sa katangahang 'to. Alam ko namang hindi ako magugustuhan ni Davian. Sino ba naman ako? Hindi naman ako si Lu-Isang hamak na salot lamang sa kaniyang buhay, but who cares? I came here with a purpose, kahit alam kong masasaktan ako.
"Sa bagay, pero ang sama ng tingin niya, lalo na sa suot mong kitang-kita ang cleavage. Alam mong ayaw na ayaw niya ng babaeng ganito. Iniinis mo ba?" sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.
Mahina akong natawa sabay sapak sa kaniya ng mahina. "Gaga ka talaga, hindi ah! Hayaan mo iyon, andyan naman si Stella. Gusto niya ng babaeng pinag-iwanan na ng panahon." Umirap muli ako at sa puntong ito. Lumusong na talaga ako.
Dinama ko ang tubig sa ilalim ng pool, at sa tuwing kakapusin na ng hininga, umaahon ako. Natamaan ko si Janice, kausap na nito ngayon ang isa sa mga Prince's. Hindi ko nga lang kilala kung sino iyon, ngunit nang magtama ang mata namin, nakilala ko siya. Si Primo, kaklase ni Davian noon sa law.
"Luella!" at siya lang ang walang hiyang tumatawag sa akin ng Luella. Ke-taas taas naman kasi, bakit 'yan pa. Puwede namang Luna.
Umahon ako. Lumapit silang dalawa sa akin habang may mga ngiti sa labi. Kumunot naman ang noo ko, may kalokohan na namang naisip ang dalawang 'to. Hindi ba nagseselos si Kylene sa closeness ng dalawang 'to? Ang tibay naman ng babaeng 'yon.
"Ang ganda mo talaga,"
Tinarayan ko siya. "Nambola ka pa. Nga pala, anong ginagawa niyo dito?"
"Hindi mo alam?"
"Magtatanong ba ako kung alam ko?"
"Birthday ni Davian bukas, Luella. Grabe ka naman, kapag ako nasa posisyon ni Davian masasaktan talaga ako."
Binatukan ko siya. Ang oa naman kasi. "Mabuti na lang wala ka sa posisyon ni Davian, ang sakit sa ulo non e, hindi ko siya kaya. Bahala siya, sabihin mong advance happy birthday na lang."
"Seryoso ka? Hindi ka sasama sa celebration?"
Kinuha ko ang roba habang pinapanood ang mga kaibigan ni Davian hindi kalayuan sa amin. May mga kasama silang mga babae pero hindi ko kilala iyon. Girlfriend siguro ng mga princes na 'to. Nasa ihawan si Davian, nag-uusap silang dalawa ni Stella. Tango at maliit na ngiti lamang ang ginagawad. Saya niya, 'no? Kapag ako kaharap niyan laging nakabusangot. Para bang malaki akong sumpa sa buhay niya, siya nga 'tong sumpa sa buhay ko, e. Gago 'to.
Lagot ka sa akin mamaya.
"Hindi ka talaga sasama mamaya sa salo-salo? Mukhang masaya naman, Rose. Sama tayo?"
Binuksan ko ang malaking cabinet at kumuha ng spaghetti strap do'n at maiksing sexy short. Bago hinarap si Janice na wala pa yatang balak umuwi sa kanila.
Hindi ba siya natatakot kay Wade? Paniguradong mag-aalburoto na naman iyon sa kahahanap sa kaniya. Hulog na hulog, e. When ko kaya maranasan 'yan? Takot si Davian, e. Hindi naman ako mahirap mahalin, gagong 'yon, gusto talaga ng manang. Hindi ako na-inform, sana noon ko pa pinalitan ang fashion sense ko.
"Hindi ka ba pagagalitan ni Wade? Baka kanina ka pa hinahanap non,"
"Duh! Alam niyang nandito ako. Magagalit lang iyon kapag lalaki ang kasama ko. So, ano?"
"Bakit gusto mong sumama? Hindi ka ba nauumay sa dalawang iyon?"
"Nauumay? Kanino naman ako mauumay? Stella and Davian? Huwag ka ngang pahalatang affected diyan! Kung ako sa'yo, rarampa ako. Mas maganda ka pa nga do'n e. Imposibleng hindi ka papansinin ni Davian. Sus!"
"Siraulo!"
SO AYUN nga, napilit ako ni Janice na sumama sa party dahil asawa naman daw ako ni Davian at may malaki akong karapatan dahil bahay namin ni Davian ito kahit na ang totoo niyan ay bahay lang talaga niya 'to, hindi ako kasali. Paano kung palalayasin niya ako? Saan ako pupulutin nito? Kakaloka. Wala pa akong sapat na pera ngayon para tumira ng mag-isa, hindi ko pa keri kaya tiis-tiis muna ngayon hanggat kompleto pa ang mga ngipin ko.
Sabay kaming bumaba ng hagdan ni Janice. Gano'n pa rin naman ang suot ko, sexy short pa rin at spaghetti strap habang sa kaibigan ko naman ay oversized shirt at pajama. Hindi naman halatang overprotective si Wade, ano?
Nadatnan namin sina Primo at iilan nitong kaibigan sa ibaba, nagtatawanan habang may mga kasamang babae sa tabi. Hindi ko sila pinuntahan, sa halip ay tinungo ko ang kusina at akma na sanang bubuksan ang ref nang mabunggo ang noo ko sa isang matigas na bagay.
Kinagat ko ang ibabang labi. Tatamaan ko na sana ang pader na iyon ngunit nagulat ako nang makita sa harapan si Davian. Nakataas ang kilay, walang kangiti-ngiti ang mukha.
Tumikhim ako at mabilis na umalis. Dumaan ako sa kabilang daan saka binuksan ang ref kaso wala na 'yung laman. Tanging gatas na lang at apple ang natira. Seryoso? Kagro-grocery ko lang kahapon, ah? Tangina naman. Mukhang ako pa yata ang magugutom sa gabing 'to.
"Wala ka man lang sasabihin sa akin?"
Hinarap ko siya. "Anong gusto mong marinig, Davian? Iniiwasan na nga kita, hindi ba? Kaya gawin mo din 'yon,"
"Really? Matigas ka pa rin hanggang ngayon. Nakaya mo?"
"Mananatili ba ako dito kung hindi ko kaya?"
Napansin ko ang pag atras ni Janice. Akala niya siguro mag-aaway na naman kaming dalawa ni Davian. Siya naman nagsimula e, papansin talaga. Anong gusto niyang marinig sa akin, happy birthday? Manigas siya.
"Alam mo ang rason bakit ka nandito, Luella. Dapat nga ginagampanan mo ng maayos iyon, hindi ako lagi ang mag-aadjust sa'yo!"
Luella. Fuck.
Tumawa ako at palihim na kinuyom ang kamao. "Wow naman, ako pa talaga? Sino itong harap-harapang nagloloko, ako ba, Davian? Ako?" iniinis mo talaga ako, Davian Terron!
Padabog niyang binaba ang hawak na baso dahilan ng malakas na tunog nito na umalingawngaw sa buong mansyon.
Tangina. Rinig na rinig iyon ng mga kaibigan niya panigurado.
"Nagloloko? Nakita mo ba akong nagloloko, Luella? Kailan 'yan, ah at sino ang babaeng 'yan para maiharap ko sa harapan mo!"
"Huwag mo akong sigawan, Davian!"
"You started this fucking fight, Luella. Hindi naman hahantong sa ganito kung ginagampanan mo lang ng tama ang papel mo sa mansyon na 'to. Mahirap ba maging asawa ko, ah? Iyan na nga lang ang trabaho mo, hindi mo pa magawa ng tama," mas lalong lumalim ang kaniyang mga mata.
"Asawa ba talaga kita?"
Napaatras ako. Natamaan sa kaniyang sinabi. Damn it. Malamang, ako ang una at ako ang original.
Marahas akong lumapit sa kaniya at sinampal ang kaniyang mukha. Tangina. Sa tuwing naalala ko ang ginawa ninyong dalawa noon, hindi ko mapigilang hindi magtanim ng sama ng loob. Walang-wala na nga ako, ayaw mo rin sa akin.
"Ang kapal ng mukha mo, Davian. Kung hindi dahil sa Lola mo, hindi ko 'to gagawin! Sinasayang ko lang ang ilang taong pamamalagi sa mansyon na ito na dapat sa iba ko ginawa noon!"
Buwesit kasi. Sinimulan 'to ng Lola mo kaya tatapusin ko.
"Sige, gawin mo, Luella. Hindi lang ikaw ang masisira rito, sisirain ko rin ang buhay ng lalaki mo. Don't fucking play with me, Luella Rose, kilala mo ako at alam mo kung paano ako magalit." Matigas na huling sabi niya at galit itong lumabas ng kusina.
Pinuntahan niya ang mga kaibigan niyang nakatayo na ngayon. Gulat at nagtataka.
Lumunok ako. Mariin kong pinunasan ang mga luha sa aking pisnge at mabilis na lumisan.
Lumabas ako ng mansyon.
"Rose! Saan ka pupunta?!" Sinundan ako ni Janice.
"Where's your car? Aalis tayo dito, Janice. Hindi na ako babalik! Pagod na pagod na ako, ayoko na. Please, help me,"
Tumango siya at tinungo namin ang garahe kung saan naka-park ang mga sasakyan ngunit nagulat kami nang wala na roon ang sasakyan ni Janice, miski siya ay nagulat din.
"What the hell? Where's my fucking car!"
"Aalis ka pa talaga, ah?"
Nabaling ang tingin ko kay Davian. Nasa likuran niya si Wade, nang makita si Janice sa aking tabi, nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay.
"Wade..."
"Let's go home, Janice. Ayokong nadadamay ka sa away mag-asawa na ito."
"Pero si Rose, Wa-"
Ngumiti ako kay Janice. Alam kong gusto niya akong tulungan pero tama si Wade, away naming dalawa ni Davian ito. Kapag nadamay si Janice, malaking gulo 'to sa pagitan ng dalawang pamilya. Hindi din kasi basta-basta ang mga Fuego, malakas din ang kapit nila sa bansa.
"Sorry and thank you." Mahinang bulong ko bago sila nawala sa paningin ko.
Binalik ko ang tingin kay Davian. May hawak itong wine glass sa kamay habang salubong ang kilay sa akin. "Anong kailangan mo?"
"Saan ka pupunta? Sa lalaki mo?"
Tumawa ako. "Mukha ba akong ikaw, Davian? Kung magkakaroon man ako ng boyfriend, wala ka na do'n dahil mag-asawa lang naman tayo sa papel. Hindi tayo opisyal na mag-asawa talaga. Ginawa lamang natin ito dahil sa sariling kagustuhan. You promised na hindi ka mahuhulog sa akin, then why are you doing this? Nilunok mo na ba ang pangakong iyon?"
That damn promise again. He did promised pero hindi para sa akin.
"Don't make me laugh, Luella. Inalagaan ko lang ang reputasyon ko. Bakit naman ako mahuhulog sa isang kagaya mo? You're nothing, you don't have anything. Natamasa mo lang naman ang mga ito dahil sa akin, lahat ng ito, 'yang damit mong kinulang sa tela, galing 'yan sa akin. 'Yang inapakan mo, sa akin din 'yan. The moment you stepped here, woman, iyon din ang araw na naging pagmamay ari kita kaya whether you like it or not? You will stay here. Or else..."
Tangina talaga. Ang lakas naman ng loob ng hayup na 'to ngayon, hindi naman ganito ang ugali niya noon. Ngayon, basang-basa niya ang nasa isip ko.
Papaano niya natiis ang ugaling 'to ni Davian? Ganito ba talaga siya sa kaniya?
"Cat got your tongue?"
"Tangina mo. Hindi pa ako tapos, Davian. Hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko, wala akong pakialam kung sinuman ang babaeng lalandiin mo diyan kahit kaibigan mo pa wala akong paki-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang hagitin ni Davian ang kamay ko. Sinandal ako nito sa pader.
"Ano ba!"
"Do your fucking job properly, Luella." Diniin niya ang 'Luella' na parte saka umigting ang kaniyang panga.
What the hell, Davian Terron.
"Bitawan mo 'ko." Matigas na sambit ko at tinulak siya ngunit nahuli niya ang kamay ko kasabay nang pagdampi ng aming mga labi.
Shit! Panandalian lamang iyon. Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata nang tingnan niya ako.
Imbes na labanan ang nakakamatay na tinging 'yon, pinili ko na lamang ibaling sa ibang direksyon ang aking atensyon. Subalit, ako'y natigilan nang mamukhaan ang babaeng nasa labas ng aming gate. She was holding a little girl while looking at me with sad eyes.
Luella Rose. She smiled at me kahit malungkot ang kaniyang mga mata.
Napatingin ako sa batang hawak niya. Namumula ang mga mata habang nakaawang ang bibig.
My little girl.
"You fucking chose this." Huling sabi ni Davian saka iritadong tumalikod.
Tangina. Tama pa ba 'tong desisyon ko?
***
A/N: Last revised ko na ito. Hindi ko na papalitan o dagdagan. Kung anuman ang mababasa niyo sa bawat kabanata hanggang wakas, iyon na po talaga iyon. Salamat! Basahing mabuti at unawain. Kung hindi talaga kaya ng utak unawain, huwag na pilitin. Maraming salamat at mag-iingat ang lahat!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro