One more sorry
Insert chapter lang po.
***
"Kumusta naman ang palitan ninyo ni Davian, Luella? Sino nanalo?" natatawang simula ni Janice. Nasa lab kami ngayon, tambay muna kasi wala pa prof namin sa ikatlong subject. May meeting daw. Nasa labas naman ang iilang classmates namin, may sariling mundo. Kami lang dalawa ni Janice sa loob.
"Sa tingin mo?" irap na tanong ko.
Tangina. Anong laban ko sa mga Articles at Republic Act non? Halos lumuwa mga mata ko sa mga sinabi niya. Hindi ko kinaya. Ginawa ba naman akong panelist. Imbes na ako 'yong magtatadtad ng tanong, ako tuloy ang binagsakan. Hindi ko kinaya ang katalinuhan ni Dante. Salong-salo niya na lahat. Halos sumabog utak ko sa kaniya. Mayroon din naman kaming mga Articles na pinag-aaralan pero hindi ko masingit sa pagtatalo namin. Sarap tahiin ng bibig e, pabida talaga.
Umalingawngaw sa loob ng laboratory ang halakhak ni Janice dahilan nang pagbaling ng iilang classmates namin sa amin.
"For sure si Davian ang nanalo,"
I rolled my eyes. Talagang-talaga. Ginisa ako e. Lahat ng mga sinabi ko dinudugtungan niya ng mga chuchu na nanggaling sa mga textbooks niya. Akoy naloloka sa totoo lang. Gusto kong mag walkout pero hinihila niya ako pabalik.
Naalala ko na naman ang kalokohan niya. Buwesit! Ewan ko kung anong nakain ng bakulaw na 'yon. Bigla na lang akong sinunggaban. Muntikan pa nga kaming mag-away ulit kung hindi lang kami pinigilan ni Aling Waning. Hayup na lalaking 'yon. Sinabihan pa ako ng mag-aral ng mabuti. Ano bang ginagawa ko ngayon? Baka gusto niyang pumalit sa pwesto ng patay na nasa harapan ko ngayon?
"Dante, wala nga sabi akong maintindihan! Hindi Law ang kinuha ko. Bakit ako pa ang pinili mong makipagtalo ngayon sa'yo ha?" tamad kong sambit.
Hinarap niya ako. "Because you are the top one in your class. Titingnan ko kung totoo nga ba ang sinabi nila,"
Napairap ako. Mukha bang nagloloko bulletin board namin sa school?
"Matalino naman talaga ako! Hindi nga lang sa Law-"
Lumapit siya sa malaking lamesa kung saan nakalapag ang mga textbooks niya. He took one from there and faced me. He grinned devilishly. Damn it! Ito na naman siya, sisimulan niya na naman ang ritwal niya. Bakit ba kasi ako umuwi!
"Ano ba! May gagawin pa ako!"
"Makapaghintay 'yan, Luella. Gusto ko rin ng makakasama ngayon sa pag-aaral dahil exam namin bukas. You just have to guess what these Articles or Republic Acts are for. If I'm satisfied with your answer, I'll let you go."
Alam kong gigisahin niya ako kaya bago magsimula, minasahe ko muna ang ulo, balikat at kumembot sa kaniyang harapan. Ininat-inat ko pa ang dalawang braso ko at gumewang na naman.
Nanonood lang naman siya sa akin. Nakataas ang kilay habang pinapalit ang pahina ng libro. Letse! Ang kapal ah? Ang kapal din ng mukha niyang isali ako sa kabaliwan niya.
"Handa ka na ba?"
"Umayos ka!" lintik lang talaga ang walang ganti.
Unang Article para akong mahimatay. Ang layo-layo ng sagot ko sa tanong niya. Tawa naman siya nang tawa. Sinabihan pa akong matalino na ako sa lagay na 'yon? Putcha sarap bigwasan.
"Next!" inis kong singhal.
Tumawa muli siya at naglapag ng Article. Yawa! Dito yata ako ma-oospital ah.
"Article 213, Section 4-what does it mean?"
Punyeta. 'Yan ang sagot ko.
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Inirapan ko naman kaagad.
"Hindi ko alam!" I hissed. Tiningnan ko ang kaniyang mga libro, hindi kalayuan may nakita akong..."Uhm... Isn't it about bicycles?"
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Mukha sa akin pa yata siya mabo-bobo ah.
"Bicycles, really? That's not even close. It's about labor rights or something!"
"Kita mo! Mukhang hindi ka rin sigurado ah!" reklamo ko. Imbes na sagutin ay tinalikuran niya ako. Kumuha na naman ng panibagong libro. Jusko! Tama na please...
"Okay, let's try this one. Republic Act 1123. What's that about?"
Ano nga ba? Ay wait-transportation 'yon, hindi ba? Narinig ko 'to sa klase ni Prof Howitzer e!
Ngumisi ako ng malaki kay Dante. Ngumisi rin naman siya. Mukhang alam niya na alam ko ang sagot ah.
Akala mo ah. Matalino talaga ako.
"Public Transportation!" confident kong sagot. May pa kindat-kindat pa ako.
Unti-unting nawala ang ngisi ni Dante. Napalitan ng pikon iyon. The fvck? Huwag mong sabihing mali?
"Mali pa rin?" reklamo ko na naman.
"Nasa kurso niyo 'to ah! Bakit hindi mo alam?" parang natri-stress na tanong niya.
"Sa pagkakaalam ko tinuro 'yan ni Prof Howitzer. Transportation daw 'yan..." Si Sir may kasalanan. Mali-mali ang tinuturo sa amin.
Hinilot niya ang kaniyang noo. "Transportation? You're killing me!"
"Akala ko ba tutulungan kita? Bakit mukhang ako yata ang nag-aaral ah?"
Ako kasi ang sumasagot. Pambihira. Ganito ba sila mag-study? Nakaka-stress naman pala. Ngayon na nasaksihan ko, halos masiraan ako ng ulo.
"Hindi ko na kaya, Dante. Break muna please..."
Umiling siya. Napasimangot naman ako. "Walang magbi-break. Umayos ka, marami pa akong ilalapag at sasabihin mo this time kung ano ang tama sa mga 'to."
Mukhang naaamoy ko na ang mangyayari ah. Anong level na kaya 'to? Medium? Hard?
Republic Act 10173. 'Yan ang huling Act na nilapag niya. Binigyan niya ako ng isang minuto na pag-isipan ito ngunit hindi ako pumayag. Nilapag ko kaagad ang nasa isipan ko. I cannot just stand here and do nothing. Kaya ko naman sigurong manalo kahit hindi ako Law student.
Competition lang ang atake? Ito kasing si Dante e. Gusto makipagtalo. Akala ko aral lang, palitan pala ng sagot 'to.
This must be the hard one. I can feel it. I can touch it. I can see it.
"What you don't understand is that the Republic Act 10173 explicitly states..." bahagyang tumaas ang kaniyang kilay habang pinapalit-palit ang pahina ng libro.
Pero asa naman siyang hahayaan ko siyang magsalita.
"Dante, alam mong hindi 'yan tama. That Act only applies to certain conditions!" I shot back habang seryosong nakatingin sa kaniya. Whatever it was, at this moment, it didn't matter.
Unti-unting sumilay ang ngisi sa kaniyang labi. "Have you even read it?"
Napalabi ako. "I mean, come on! I have pages of references here. You can't dispute me with no backing." Ayan na, lapagan na ng mga resibo.
Kitam. Hindi na 'to study mga ante. Debate na 'to.
Suminghot muna ako ng sariwang hangin bago sumagot. "I don't need backing if my point is solid," mayabang na sagot ko. "What you are saying doesn't make sense in real life situations. It's too theoretical, roo rigid!"
Palaban ang medicine, Dante. Baka nakakalimutan mo.
"You can't genuinely believe that your institution is any match for actual laws and studies,"
"You say that your like textbooks are the only source of truth!" I fired back. "Sometimes, real situations don't fit into neat little boxes defined by law!"
Mas lumalim pa ang palitan namin ng mga sagot. Hindi na namin namalayan na nagdidilim na pala. Hindi matanggap ni Dante 'yon kaya ang ginawa niya, inabala niya ang sarili niya sa mga libro niya habang ako naman ay nakaupo sa kaniyang harapan, nagtitipa ng mga mensahe para kay Janice. May ni-send siyang pdf file para sa panibagong klase namin bukas.
Nilingon ko si Dante. There was a part of me that knew he was right. Pero mataas ang pride ko, lalo na parang debate na ang atake. Hindi ko gustong matalo dahil alam ko kung saan ako papanig.
No'ng unang tanong niya, medyo nganga ako doon kasi hindi ko talaga alam. Ngayon na parang pamilyar sa akin 'to, nilubos-lubos ko na.
"Aminin mo na kasi Dante that you view everything through this legalistic lens, and you ignore the human element!"
"And you're ignoring the facts!" seryoso niyang hatol. "You can't just argue against established principles because you feel like it! That's literally how chaos happens!" Umigting ang panga.
Bumuntonghininga ako. "Maybe, chaos is what we need..."
"Look, wala akong pakialam kung nasa iyo lahat ang mga Articles sa mundo. Life isn't about being right all the time."
"And life isn't about just going with your gut either."
Marami pa kaming pinagtalunan. Nasubok ang galing ko, hindi lang sa kalokohan kundi sa katalinuhan din. May mga nilapag siya na ni isa wala akong nasagot kasi wala naman akong makapang sagot, at 'yon ang malaking problema.
"Sino pa ba? Mukha ba akong mananalo sa bakulaw na 'yon?" gigil kong tanong.
Tumawa na naman siya. May pa tapik-tapik pa sa balikat ko. "Akala ko matalino ka? Nangunguna ka nga sa klase natin e!"
"E kung isampal ko sa'yo mga textbooks niya?" inis kong sagot.
"Harsh mo naman! Tanggapin mo na lang na talo ka,"
I gritted my teeth. Tanggap ko naman na mas matalino siya sa akin pero ang unfair niya! Hindi niya ako binigyan ng chance para gisahin din siya ng mga tanong. Dinaan niya lang sa seryoso ang lahat habang ako gusto nang lumayas sa harapan niya. Kung hindi ko lang talaga crush baka sinupalpal ko na. Argh!
Hindi ko matanggap. Matalino ako 'no! Pambihira ka, Dante. Mamaya ka sa akin.
"Wala kang laban sa taong may resibo." At humalakhak na naman. Sa bagay. Natawa na lang din ako.
***
Bitbit ang hindi kabigatan kong bag, tinungo ko ang court. May PE kami ngayon sa klase ni Prof Jowie, magba-basketball daw kami. Pagkatapos ay puwede nang umuwi. Sarap naman ng buhay kung ganito lagi.
Nilapag ko sa ikalawang row ang bag ko at akma na sanang hahakbang nang mapahinto ako. Mataimtim kong pinapanood sina Dante at Stella hindi kalayuan. Kamot nang kamot si Dante sa kaniyang noo na tila ba'y hindi alam ang sasabihin.
Napairap ako. "Talaga lang Dante, ah? Sa harap ko pa talaga kayo naglandian?" pait kong sabi.
Imbes na panoorin ang kanilang mala-teleseryeng drama. Iritado akong umupo habang hinihintay ang mga kaklase ko.
Ilang oras ang kanilang ginulgol doon. Muntik ko nang sipain ang bato sa paanan ko kung hindi lang dumating si Janice. Mukhang napansin naman nilang may paparating na mga tao kaya nagpasya silang umalis.
Nagtama pa ang mga mata namin ni Dante. Inirapan ko naman. Cheater husband ka ah! Sasakalin talaga kita.
"Aray!"
"Foul 'yon, Sir!"
"Ano ba, Jacinta! Bubugbogin mo ba kami?"
"Kalmahan mo lang, Luella! Masisira ang beauty mo!"
"Nananadya 'yan Sir!"
"Gago! Broken 'yan. Intindihin niyo na lang!"
Muli kong kinuha ang bola. Nagsi-atrasan naman ang mga kaklase ko. Mga kalaban ko. Bakas sa kanilang mga mukha na kinakabahan sila. Akala siguro nila babanggain ko sila.
Ngumisi ako. Tumakbo ako at isho-shoot na sana ang panghuling bola nang matamaan ko si Dante sa mga bleachers. Prentang nakaupo na tila hindi ako nahuli kanina.
Muli na naman akong napairap. Sinamaan ko ng tingin si Farrah. Umatras naman kaagad ito at sumenyas sa mga kasamahan na papasukin ako.
I did it. Nai-shoot ko ang bola mismo sa harapan ni Dante.
"Tangina!"
"Hala!"
"Dumudugo ilong ni Davian!"
"Nasapol sa mata!"
Dali-daling lumapit si Sir kay Dante. Tinanong nila ito kung ayos lang ba ito o kailangan niyang pumunta sa infirmary.
Sinamaan ako ng tingin ni Sir. "Mukha bang ring si Davian, Jacinta?" Umalingawngaw sa court ang malaks na boses ni Sir.
Narinig ko naman ang mahinang hagikgik ni Janice. Pinipigilan niya ang tawa niya. Hayup!
"Pasensya po Sir. Akala ko po kasi ring." Walang gana kong sagot at tumalikod. Hindi ko na hinintay na gatungan ni Dante ang sinabi ko.
Kinuha ko ang bag ko at umalis sa court. Ngunit, hindi pa man ako nalalayo, narinig ko ang boses ni Dante.
"What's wrong with you?!"
Hindi ko siya pinansin. Sunod naman siya nang sunod sa akin. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Pambihira!
"Huwag mo akong susundan!" inis kong singhal.
"Ano bang problema mo, Luella? Hindi ka man lang magso-sorry sa ginawa mo?"
"Bakit naman ako magso-sorry? Kasalanan ko bang napunta sa'yo ang bola?"
Kinagat ko ang labi. Natanaw ko na ang malaking gate ng Dreamweaver University. Mabuti naman. Gusto ko nang umuwi, bahala na bukas.
"Stop! We need to talk-"
"Ano pa ba dapat ang pag-usapan, Dante? Sorry? Sorry kung natamaan ka ah? Sorry kasi lumanding sa mukha mo ang bola, sorry kung mukha kang ring-"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ang kaniyang malambot na labi na lumapat sa akin.
"Isa pang sorry, sa kama ang bagsak mo."
***
Heyyah!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro