Epilogue
Luella Rose Jacinta
Unang apak ko pa lang sa mansyon ng mga Salvatore, parang gusto ko nang umatras. Mahigpit ang kapit ko sa damit ko habang nakasunod sa ginang. Gusto kong tumakbo at magtago ngunit imposibleng mangyari iyon. Malawak ang mansyon, pinalilibutan ito ng mga maliliit na kahoy at malaking fountain sa gilid. Kapag tumakas ako, mawawala ako. Maraming pasikot-sikot ang mansyon.
Kinuyom ko ng mariin ang kamao. Hindi matingnan-tingnan ng deretso ang ginang na nasa aking harapan.
"Lumapit ka, Luna. Hindi kita sasaktan," mahinahong tawag sa akin ng ginang.
Dahan-dahan akong lumapit. Kahit kinakabahan pinatatag ko pa rin ang sarili ko. Pilit kong kinukumbinse ang sarili na hindi niya ako sasaktan. Totohanin niya ang salitang binitawan niya.
Akala nila sa Luna ako. She even mentioned my real name. Paano niya nalaman 'yon? Kilala niya kaya ako?
"Nasaan si Davian? Tawagin niyo."
Iginaya ako ng isang katulong. Humila siya ng isang upuan at ngumiti sa akin bago umalis sa aming harapan. Tumango ako, kahit kinakabahan.
The old lady stood up when she heard footsteps from the second floor. I didn't turn around or even try to find out where that footstep came from. My head remained bowed, with no intention of speaking.
Hindi naman siguro sila magagalit, ano? Sariwa pa sa akin ang nangyari sa bahay namin, ang pagkawala nina mommy at daddy at paglayas ni Luna. Naiwan akong mag-isa. They are the only ones I rely on now, and this is another new identity. My new life.
Wala akong karapatang magreklamo. Nakaplano na ang lahat. I will use Luna's identity to survive. The lady promised that she would not hurt me and would help me with my needs in exchange for taking care of her grandson, Davian Terron Salvatore.
Unang tagpo ng aming mga mata para akong kinapos ng hininga. May asul siyang mga mata na siyang naging dahilan kung bakit paulit-ulit kong pinagsisihan ang lahat. Ang mga nangyari sa akin.
Umigting ang kaniyang panga. Iritado niyang binagsak ang pinggan sa hapag at walang pasabi-sabing umalis.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Tumayo ako at marahang niligpit ang mga plato. Nang mapansin ako ni Aling Waning, natataranta siyang lumapit sa akin at akma na sanang babawiin sa akin ang mga pinggan nang iniwas ko iyon.
"Ma'am..."
"Ayos lang po, Aling Waning. Ako na po bahala," walang lakas ang boses.
Tinungo ko ang lababo at hinugasan ang mga pinggan habang mabigat ang aking nararamdaman. Ilang buwan na ang lumipas, gano'n pa rin ang ugali ni Davian sa akin. Hindi ako kinakausap, laging galit sa akin kulang na lang itaboy ako.
Pero hindi niya puwedeng gawin iyon dahil may kasunduan kami. Kasunduang hanggang wakas papanindigan ko.
Dalawang taon kong inaral lahat. Mula sa personaliad ni Luna, sa mga kaibigan at sa kursong kinuha niya. Nakilala ko ang kaibigan niyang si Janice, madaldal, makulit at mahilig mangopya. Naging source niya ako sa mga takdang-aralin. Wala namang kaso sa akin iyon dahil unang pagkikita namin 'yon as me. As Luella. Sinabi ko sa kaniya na tawagin niya akong Luella Rose o Luna. She chose Luella Rose instead. Mukha daw kasing mabait at iyon ang unang beses na nalaman niya ang pangalan ko.
So, all this time hindi niya sinabi sa lahat ang totoo niyang pangalan? Plinano mo rin ba ito, Luna?
Niligpit ko ang mga gamit ko. Nilingon ko si Davian hindi kalayuan, may kausap itong tatlong lalaki at isang babae. Nagtatawanan pwera lamang sa kaniya na tahimik na tumatango.
"Rose! Uuwi ka na? Sabay na tayo!"
Hilaw akong ngumiti sa kaniya. "Mamaya pa ako, Janice e. Dadaan muna ako ng Lib,"
Ngumisi siya. "Mag-aadvance reading ka sa klase ni Prof Howitzer, 'no?"
"Kind of." I whispered.
Wala naman akong gagawin sa mansyon. Maiinis lamang sa akin si Davian. Ayoko rin naman siyang makausap kaya mananatili muna ako ng tatlong oras dito. That should be enough for Davian's peace of mind. Arte niya e.
"Ay! Sayang. Sige mauna na ako sa'yo, Rose! Mag-iingat ka ah?"
Pilit akong ngumiti sa kaniya at kumaway. Nang mawala na siya sa paningin ko, nagpakawala ako ng mabigat na buntonghininga.
Hahakbang na sana ako, subalit akoy napahinto nang mapansing may pares na sapatos sa aking harapan.
Unti-unti kong inangat ang ulo. Napaatras kaagad ako nang mapagtantong si Davian ang nasa harapan ko.
"Davian..."
His jaw clenched. His face was serious while his blue eyes were intensely staring at me. Damn.
"Where are you going? Your class is over, right?" may diin ang boses.
Tumikhim ako. Kinuyom ko ang kamao. "Mananatili muna ako rito. Mag-aaral." Sagot ko.
"Ano namang pag-aaralan mo? Akala ko matalino ka na? You even bragged about it to me back then." Iritado niyang sambit.
Kinagat ko ang pang ibabang labi. "Ah... kailangan ko rin mag advance reading, Davian. Ayoko-"
"Umuwi na tayo. Sumabay ka sa akin."
Hindi niya na ako hinintay sumagot. Nauna na siyang umalis habang pinapanood ko naman siya.
Nagpakawala ako ng hininga at hindi na umapila pa. Sinundan ko siya habang mabibigat ang bawat hakbang ko.
Doon nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko. Ang unti-unting pagbabago ng aking sarili, nabuhay ng kusa na hindi ko namamalayan. Lola mentioned na isang beses lang mabuhay ang tao, swerte mo kung biniyayaan ka ng pangalawang buhay.
When she died, marami akong iniyak no'n. Napamahal na ako sa kaniya, marami siyang itinuro sa akin na sa kaniya ko lang natutunan. Sa kaniya ko lang din naramdaman ang totoong pagmamahal. Pagmamahal na kailan man hindi maibibigay ng mga magulang ko.
***
"Congratulations sa inyong dalawa! Tangina ang ganda mo, Luella! Pasok na pasok ang beauty mo sa agency ni Madam Hiraya!" malakas na sigaw ni Janice habang tinataas ang baso na may lamang wine.
We are inside the bar right now. The wedding just ended, and I can say that those were the best moments that happened in my life.
Kami lamang mga babaeng nandito ngayon dahil lumabas ang mga asawa namin. Kasama din namin ang legendary na si Madam Hiraya Cristiana Corazon. Wala rito si Maxrill, kasama din nina Dante iyon. Ewan ko kung saan nagpunta ang mga lalaking 'yon. Bigla na lang nawala sa kinauupuan nila.
"Baliw ka! Wala akong balak maging model, 'noh!" asik ko.
"I'm sure Dante won't agree either if you join," sagot naman ni Madam Hiraya. Shocks! Ang ganda niya talaga. Nagmumukha kaming tae sa kaniya. Mabuti na lang si Janice ang katabi niya, mukhang okay na.
"Heh! Ang oa naman ni Dante. Malamang na makikita ang buong balat mo doon, fashion show e!"
"Depende din sa susuotin iyon, Janice,"
"Kahit na! Ang oa pa rin ni Dante,"
"Baliw na baliw lang talaga kay Luella." Aniya.
I smiled and raised the glass I was holding. They also raised their drinks and were about to clink the glasses nang biglang napatay ang ilang sa loob ng bar. Nawala din ang music.
"Tangina! Bakit nawala ang ilaw?!" sigaw ni Aia. Nakuha niya na ang pagmumura ni Janice.
"Huy! Brownout ba? O baka naman hindi kayo nagbabayad ng kuryente?!"
Tumawa sina Farrah at Madam Hiraya. Kahit madim nakikita pa rin namin ang isa't isa dahil sa damit naming kumikinang.
Hayup na 'to. Kitam nag I-enjoy kami e.
"Ano ba 'yan. Sino ang Manager niyo dito? Kakausapin ko. Promise usap lang,"
Dahan-dahang lumapit si Janice sa bar counter. Hinampas niya ang lamesa at akma na sanang sisigawan ang lalaking nandoon nang makarinig kami ng music-hindi, taong kumakanta.
Sabay kaming napalingon sa pintuan ng bar. Napaawang ang aming bibig sa gulat nang mamukhaan kung sino-sino ang mga taong kapapasok pa lang ng bar.
Nangunguna si Wade na may dalawang kandila, sumunod naman si Klane na may dalang cake, at sa likuran niya sina Dante at Maxrill na may dalang maliit na box habang hawak naman ni Dante ang mikropono. Siya ang kumakanta ng kanta ni Tj Monterde.
Napahawak ako sa aking bibig kasabay nang unti-unting pagtulo ng aking mga luha habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin.
Unang stanza pa lang ng kanta ay para na akong mahimatay sa kilig. Dante has a beautiful voice; I've never heard it before. No wonder he has so many instruments in his room because he's actually good at it!
Aasarin ko talaga siya mamaya.
Nang papunta na sa chorus ang kanta, mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Huling hakbang na, maabot niya na ako.
Huminto sila sa aming harapan, titig na titig sa kanilang mga asawa. Gano'n din si Dante. Kinindatan pa ako. Loko talaga!
"Hiraya Cristiana Corazon. Will you be my wife?"
Nanlaki ang mga mata namin nang lumuhod sa harapan ni Madam Hiraya si Maxrill. Gaya rin namin umiyak din si Madam Hiraya.
"Oh my gosh!"
"Handa ka na bang lumakbay na kasama ako?"
"Yes! Yes, Maxrill! Handa na ako!"
"Fuck! Thank you! I love you!" may kasama talagang mura?
Nagyakapan silang dalawa. Ngumiti kaming lahat lalo na kay Dante na nakasimangot na ngayon.
"I thought I would go first, kuya? Why did you propose right away?" reklamo niya.
Natawa naman sina Wade at Klane habang naguguluhan namin kaming nakatingin sa kanila.
"Sorry, Dante. Hindi makapaghintay e!"
Humingi rin siya ng pasensya sa akin at tumango lamang ako. Bago pa man tuluyang ma-beastmode si Dante, ako na ang kusang lumapit sa kaniya.
I stood in front of him and took the microphone. I signaled the DJ to play the second stanza before looking at Dante again.
"Mahal na mahal kita, Dante. Hindi ako magsasawang sabihin ito lagi sa'yo. Salamat dahil tinanggap mo ako, salamat dahil hindi mo ako pinabayaan at salamat dahil hinintay mo ako," hinaplos ko ng marahan ang kaniyang pisnge. Inalis ang luhang nagbabadya sa kaniyang mga mata.
"I'm also ready to start a family with you, Dante. Ikaw lang, sa'yo lang ako." The last thing I said before the second stanza of the song came out.
I sang while staring intently at Dante. I wanted to wipe away his tears, but I held myself back.
Habang kinakanta ko ang kanta, lumalabas naman ang mga imahen sa aking isipan. Mga alaala na aming pinagsamahan noon. Mula sa magkaaway, bangayan, kulitan at selosan. Paminsan natatawa ako dahil hindi ko kayang alalahanin ang mga kalokohan ko noon. Para akong baliw na baliw sa kaniya.
Sino namang hindi mababaliw sa kaniya aber?
Sa huling linya ng kanta, sabay naming tinapos iyon ni Dante habang magkadikit ang aming noo.
"Mahal na mahal kita, Luella Rose Salvatore. Hindi ako bibitaw hanggang dulo. Sa'yo pa rin babagsak at uuwi ang aking puso..."
"Walang Article ang makakapantay sa pagmamahal ko sa'yo. You're my own courtroom, and I will defend you no matter what happens."
Marahan akong tumango kasabay nito ang pagdampi ng aming mga labi.
Sa huli, nagwakas din ang aming kuwento. I thought this wasn't our story, but we fought for it and proved that this story is ours.
The Unwritten Thesis is now signing off.
***
Be aware po sa mga sumunod na kabanata. Extra chapters po iyon.
Another Salvatore? Hmm...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro