D. T. S, Mi amor.
Darkness was the first thing that greeted me when I opened my eyes. Nakahiga ako sa isang kahoy na kama, na walang komportableng kutson maliban sa isang unan at kumot. The room was messy, the window was broken, the table was broken, and so was the chair in front of me.
Where am I? Why is it so dark? How did I end up in this room? I want to open my mouth to scream, but I don't have the strength to do that. My whole body is weak. Marami rin akong mga pasa sa katawan na hindi ko alam saan ko nakuha ang mga ito.
Anong nangyari sa akin? Bakit wala akong maalala sa huling nangyari sa akin?
Nilibot ko ang tingin sa buong silid. Even though it's dark, I can still see the condition of the room because of the moon serving as a light. Am I trapped?
Dahan-dahan kong ginalaw ang aking mga paa. Kahit nanghihina pinilit ko pa ring tumayo. Lumapit ako sa nakasiwang na pintuan at marahan na binuksan iyon.
Nalaglag ang aking panga nang bumungad sa akin ang maaliwalas na kabuon ng lugar. Kakaibang-kakaiba sa silid ko na parang bodega.
"Nasaan ako? Anong klaseng lugar ito?" Hinakbang ko ang aking mga paa hanggang sa umapak ito sa makintab na tiles ng mansyon. Kahit naguguluhan pinatatag ko pa rin ang aking sarili.
I headed towards the grand staircase. My mouth was still agape as I gazed at the entire mansion. Hindi ako makapaniwala. Ang ganda! Ang gara at mukhang mamahalin ang mga kagamitan na nandito. Marami akong nakikitang gawa sa ginto, sobrang kintab na animoy araw-araw nililinis.
Malawak din ang kanilang tanggapan. May malaking chandelier sa hapag, kusina at sa ibang sulok ng mansyon. Para tuloy akong nanliit dahil sa suot kong ilang araw na yatang hindi napapalitan. Saka marami rin akong pasa sa katawan, magulo ang buhok at nakapaa pa. Jusko, hindi ko pa nakikita ang mukha ko pero alam kong hindi na ako nagmumukhang tao ngayon.
"May salamin kaya dito?"
Lumapit ako sa malaking bintana. Babasagin ito at makikita ang buong kabuoan ko. Inayos ko ang aking magulong buhok at pilit na ngumiti sa babasaging bintana.
"Ang pangit ko nga! Saan ba ako galing? Bakit ganito ang ayos ko? Kaloka. Ilang araw na kaya akong hindi naliligo?" tanong ko sa aking sarili habang binibilang ang daliri. Putcha! Para akong basahan na pakalat-kalat sa buong mansyon.
There is a large piano on the side. Next to it is a large vase containing various flowers. There is also a door there, but it is freely open, and the large pool outside, surrounded by tall walls that is clearly visible.
"Shit! Gaano kaya kayaman ang may ari nito? Anong trabaho niya? Ang bigatin kasi ng mansyon e! Kahit saan ka tumingin, sumisigaw ang kabonggahan at kayamanan ng lugar."
Hinawi ko ang malaking kurtina malapit sa pintuan. Nanlaki kaagad ang mga mata ko nang makarinig ng tawanan galing sa pool. Boses ng babae at lalaki. Shit. May tao.
Aatras na sana ako upang magtago ngunit ako'y natigilan nang may lumapit na kasambahay sa akin. Nakayuko at may hawak na roba.
"A-Anong kailangan mo?" medyo kinakabahan kong tanong. Hindi ko kasi siya kilala, ang ibig kong sabihin, wala akong kilala dito. Hindi ko rin alam kung bakit ako napunta sa lugar na 'to. Anong kailangan nila sa akin? Sila din kaya ang may gawa nitong mga pasa ko sa katawan?
Nanlaki ang aking mga mata at marahas na umatras kasabay nito ang malakas na alingawngaw na nanggaling sa vase na nasa likuran ko. Mas lalo akong natakot nang makita ang gulat sa kaniyang mga mata at mga yapak ng mga tao sa aking likuran.
Yumuko ako. "H-Hindi ko sinasadya! H-Huwag niyo akong saktan, please...hindi ko sinasadya!"
Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay habang lumalayo sa kaniya. Umiling-iling naman siya, mas lalo pang lumapit sa akin.
"What's happening here?"
"Senyorito..."
I became even more scared when I heard the deep, cold, and angry voice of a man. I bowed my head, trying to fight the fear and anxiety I was feeling.
Kitang-kita ko sa sahig ang kaniyang mga paa. Nakatayo siya sa aking tabi, at ramdam na ramdam ko ang kaniyang matalim na titig.
"Why is she outside? Didn't I tell you not to let her out until Rida arrives?! Do you want to die, huh?"
"Senyorito! Patawad, hindi ko po alam-"
"Tangina. Papasukin mo ulit 'to sa silid niya! Paparating na si Rida kaya ayusin mo ang trabaho mo, Waning." Seryosong sabi nito at umalis na walang lingon-lingon.
Unti-unti kong inangat ang tingin. Napasinghap ako nang makita ko ang buong kabuoan ng lalaki. So firm-what I mean is, his body is beautiful. You can clearly see the firmness of his body and muscles. Does he go to the gym every day? Who is he?
"Ma'am, bumalik na po tayo sa sariling silid niyo po," magalang na tawag sa akin ng kasambahay.
Napabuntonghininga ako. "Kilala niyo po ba ang l-lalaking 'yon?"
"Hindi niyo po kilala?" gulat niyang tanong.
Magtatanong ba ako kung kilala ko?
Umiling ako at hilaw na ngumiti. "Asawa niyo po, ma'am. Si Senyorito Alixir."
Natigilan ako at nanlalaking matang humarap sa kaniya. "WHAT?!"
"May masakit po ba sainyo, ma'am? Mukhang hindi pa po kayo magaling," saad nito. Hindi pinansin ang gulat sa aking mukha.
Papaano ko naging asawa ang masungit, nakakatakot at supladong lalaking 'yon? Kahit hindi ko pa nakita ang buong mukha niya alam kong may ibubuga din siya. Pero...anong asawa ang sinasabi nitong babaeng 'to?
Paano ko nakayanan ang presensya ng taong 'yon? E takot na takot nga akong lumapit.
"P-Paano ko naging asawa 'yon?"
"Matagal na po kayong kasal, ma'am. May anak pa nga po kayo, si Young Master Ross."
Bigla akong napahawak sa aking ulo nang bigla itong kumirot. Dali-dali namang lumapit ang kasambahay sa akin ngunit mabilis ding napahinto nang mapansin ang maliit na pigura sa pintuan.
"Young Master! Bakit kayo nandito? Pagagalitan po ako kapag mahuli kayo ng iyong ama!" napansin ko ang panginginig ng kamay ng kasambahay.
Inangat ko ang ulo upang balingan ng tingin ang batang lalaki. Walang emosyon ang kaniyang mukha, lumilitaw sa kadiliman ang kaniyang asul na mga mata. Napansin ko rin ang pamumugto nito na parang kagagaling lang sa pag iyak.
Sino ang batang 'to? Bakit hindi ko maalala? Wala rin akong nararamdaman na kahit ano. O dahil ito sa nangyari sa akin kaya wala akong maalala? Fuck!
"I want to see mommy," mahina ngunit buo niyang sabi. Sapat lang na marinig namin.
Tila natataranta namang tumayo ang kasamabay saka lumapit sa kaniya. "Bukas na lang, young master. Kailangan magpahinga ng mommy mo. Halika, ihahatid na kita-"
"I know she's bad! I know she hates me, but still! She's my mom and I love her!"
Nanlaki ang mga mata ko. What the hell is going on here? Para akong bagong silang, walang kaalam-alam sa mundong kinagagalawan.
"Ross, ayokong mawalan ng trabaho, kaya makinig ka sa akin, okay? Ihahatid na kita bago pa tayo mahuli ng daddy mo. Kapag malaman niyang nakipagkita ka sa mommy mo, alam mo na ang mangyayari."
Pumikit ng mariin ang batang lalaki. Pinunasan niya ang kaniyang pisnge sabay talikod. "I want to eat with mommy." Then, he left.
Pumikit ako ng mariin. Marahan kong hiniga ang katawan sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang tigas nito, hindi ako komportable. Ilang araw na kaya akong nakahilig sa kamang 'to? Ang garbo garbo ng mansyon tapos sa bulok lang na silid ako nilagay? Asawa ko ba talaga 'yon? Bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin? Para akong may malaking kasalanan sa kaniya.
Tumagilid ako. Kinuha ko ang kumot sa aking paanan at niyakap iyon ng mahigpit habang pilit inaalala ang huling nangyari bago ako napunta sa sitwasyong ito. Ngunit kahit anong gawin ko, nauuwi lamang sa malalim na buntonghininga. Tangina.
Dadapa na sana ako para muling mag-isip kaya lang napatigil ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Akala ko kasambahay iyon ngunit naamoy ko ang pabango ng isang lalaki. Mabango at mukhang mamahalin.
Bigla na namang nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan. Kahit nakatalikod ako sa kaniya, ramdam na ramdam ko ang malalim at matalim na titig nito sa aking likuran. Kung nakakamatay lang ang titig niya, kanina pa siguro ako nakahandusay.
Anong kailangan niya?
Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama. Pigil hininga naman ako, natatakot sa maaari niyang gawin.
"Enough with the game, Maria. Hindi ka ba napapagod sa paulit-ulit mong pagsisinungaling? Do you still want to take my child away from me? Is this really how desperate you are to take everything from me? Aren't you ever satisfied?"
Kumunot ang noo ko. Ako ba ang kausap niya? Anong sinasabi nito. At bakit ko naman ilalayo si Ross sa kaniya gayong anak namin siyang dalawa?
"Rida told me everything. He saw you leave with my money. How dare you! If you hadn't been hit by a car, you wouldn't have come back here. Why, because you don't have money to pay for the hospital? Did you lose the money you had, or did you hide it?"
Lumapit siya sa akin. Hinawi niya ang kumot sa aking katawan. "A-Ano ba!" mabilis kong angil.
Hinarap ko siya at mabilis na napalunok nang bumungad sa aking harapan ang kaniyang mukha.
Tangina. Ang guwapo!
His eyebrows are thick, and he has blue eyes just like Ross. He has a prominent nose, thin lips, and above all, he looks like a model! So handsome. If only he didn't frown...
"That trick won't work on me anymore, Maria. Stop it. Is this another one of your games, huh? Akitin ako para makatas ka at makapagnakaw sa akin? Pwes, nagkakamali ka!"
Nagulat ako nang marahas niyang hapitin ang mukha ko. Nilapit niya ito sa mukha niya habang sinasakal ang leeg ko. Shit!
"Whatever you're planning, I won't let you get it. I'll be watching your every move. Wrong move, Maria. I won't hesitate to end your useless life." He said and pushed me, causing my back to hit the bed.
Tiningnan niya lang ako. Walang emosyon ngunit ramdam kong puno ng galit ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung anong ire-react sa kaniyang ginawa.
Maya-maya naramdaman ko ang init na dumaloy sa aking pisnge. Umiyak ako.
Bakit? Damn it.
Gulong-gulo ako. Sino ba talaga sila sa buhay ko? Bakit galit na galit ang lalaking 'yon sa akin? Napagkamalan pa akong magnanakaw. E di ko naman gawain 'yon.
At sino naman 'tong si Rida-hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla na namang sumakit ang ulo ko. May lumalabas na imahen sa utak ko.
I...I..I saw him there. Alixir.
"What the hell is your problem?! Kung gusto mo akong pahirapan harapin mo ako!"
"B-Bitawan mo 'ko, hindi kita kilala! Sino kayo! Bitawan niyo ako, uuwi na ako!"
"Tangina, Maria! Ito ba talaga ang gusto mo? Magbulag-bulagan sa katotohanan? You are my damn fucking wife, hindi ang lalaking 'yon!"
May lalaking tumapik sa kaniyang balikat. "She's just tired, Xir. Sa bahay na kayo mag-usap."
"I said, I don't know you! Who the fuck are you?"
"Paulit-ulit? Asawa mo nga ako! Matagal na tayong kasal at may anak tayo! Si Ross!"
Umiling-iling ang babae. "Hindi ako naniniwala. Iwan niyo na ako, please...gusto kong-"
"You've done enough, Maria. Pagod na pagod na akong umintindi sa mga pinanggagawa mo!"
Natigilan ako. Dahan-dahan kong inangat ang isang kamay. I saw a ring there, a silver one. Tinanggal ko 'yon at tiningnan ng mariin.
"D. T. S. Mi amor."
Panibagong luha na naman ang tumulo galing sa aking mga mata. I don't know why, bigla na lang sumikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
Bakit may ganito sa singsing ko?
***
ANNOUNCEMENT
Hello, everyone! You have finally reached the last chapter of TUT. Gusto kong nagpasalamat sainyo dahil tinapos niyo talaga ang kuwento. I know some of you naguguluhan pa rin dahil bakit gano'n, gan'yan ang nangyari. Pero iyon talaga ang gusto kong mangyari. Read all the chapters of this story and you will know what really happened.
Again, thank you.We will meet again pero matagal pa yata, chariz! So, itong last part na ito ay part ng TUT. Yes, I decided na gawan siya ng book 2 at ito ang unang kabanata. Pero kung satisfied na kayo sa ending nilang dalawa, no need na basahin ang pangalawang version. Kung gusto mo naman ulit masaktan? Bukas ang pangalawang libro para sa'yo.
***
Chapter closed.
art by aly.
Ito po ang magiging look ni Davian sa Rewritten Script. Medyo dark na kumpara sa naunang mukha niya dahil sa part na 'to, lagi na siyang galit eme~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro