Come on, make me
Bumuntonghininga ako. Nakatuon ang tingin ko sa nakabukas na bintana ng aming classroom. Bawat pasok ng hangin, tinatangay ang mahaba, mabulaklak na kurtina nito. Paminsan tumatama sa mukha ko at ako'y napapikit ngunit hindi naman masakit. Hindi rin ako nagreklamo, nakapukos lamang sa kawalan ang aking isipan.
Anim na buwan na akong nag-aaral sa Dreamweaver University. Gano'n pa rin, walang pinagbago. Maingay, feeling matalino at ganda pa rin ang ambag ng mga iilang kaklase ko. Wala naman akong karapatang magreklamo kasi kani-kaniya naman kami dito. Ang ayoko lang ay umaasa sa mga masipag mag-aral. Inaabuso ng iba.
Janice is my friend. Ayos lang sa akin na nangongopya siya pero nililimitahan ko dahil ayokong mahuli ng prof namin. Panigiradong ibabagsak kami non kapag malaman niyang sa akin nanggaling ang mga sagot ni Janice.
I can't say no din naman dahil siya lang ang nag-iisa kong kaibigan dito sa DU. Siya lang ang nagkusang lumapit sa akin. Madaldal, makulit, wala yatang araw na wala itong naibahagi na chismis. Araw-araw may pasalubong siyang chismis. Hindi lang sa loob ng Dreamweaver, kundi sa kabilang sikat din na school like High University at Weston De University. Halos mayayaman nag-aaral dito. Masyado ding mataas ang kanilang standard.
Sino naman kasing hindi makakilala sa dalawang university na 'yan. Bukambibig lagi 'yan ng mga taga-DU e. Nakaririndi na nga minsan.
Pumikit ako ng mariin. Hinawi ko ang kurtina sa aking mukha at inayos 'yon, ngunit ako'y napatigil nang mapansin ang pigura ni Dante hindi kalayuan. Nasa canteen siya, nag-iisa. May tatlong textbooks sa kaniyang lamesa na kasalukuyang binabasa nito.
Kumunot ang noo ko. Hindi pa ba siya tapos sa mga libro na 'yan? Kulang na lang sambahin niya 'yan sa sobrang abala. Wala ng oras sa akin! Kidding. May oras nga, gisahin naman. Sinasali ako sa mga katarantaduhan niya sa buhay. Alam ko namang matalino siya, kailangan ba talagang ipamukha sa akin? Nakakaloka ah.
Umirap ako. Tumayo at nilapitan si Janice na kasalukuyang nakadapa sa kaniyang sariling lamesa. Tulog at humihilik pa.
Grabe. Nakaya niya ang ingay ng classroom namin?
"Janice, gising!"
"Hmm..." mahinang ungol nito. Pinunasan niya ang kaniyang labi, nagbabakasakali na may tumulong laway doon. Ew!
"Janice, kain tayo. Libre mo,"
Unti-unting bumukas ang kaniyang mga mata. Sumandal siya sa hamba ng upuan at mariin akong tiningnan. "Natutulog 'yong tao e. Anong gusto mo?"
Humikab pa.
Tumikhim ako. Pinakita ko sa kaniya ang malapit na milkteahan dito sa Dreamweaver University. Nang makita niya 'yon sumilay ang mapanlarong ngisi sa kaniyang labi. Kita na e!
"Tara! Wala kang cash diyan? Card dala ko e,"
"Wala akong cash. Hindi ba't binayad ko na kahapon sa ambagan natin?"
Hilaw siyang ngumiti. "Are you serious? Wala ka talagang pera? Nganga?" umawang pa ang kaniyang bibig. Hindi makapaniwala.
Wala naman talaga akong pera. Nakahawak nga ako ng twenty thousand pero donation 'yon. Binigay ko kahapon sa bahay-ampunan. Walang-wala talaga ako ngayon. Nakakahiyang humingi kay Dante, baka sumbatan niya ako ng mga Articles at Republic Acts. At baka sabihing palamunin ako. Argh!
"Wala talaga?"
"May gcash naman siguro doon," walang pakialam kong sagot.
"Siguro. Tara!"
Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng lamesa saka kumapit sa kaniyang braso. Sabay kaming lumabas ng classroom habang wala pa ring tigil sa kakaingay ang mga classmates namin. Sigaw dito, sigaw doon at takbo dito, takbo doon. Gan'yan sila ka mapagpanggap. Akala niyo matino kaming mga med students? Nagkakamali kayo.
"Kumusta ang mata ni Davian?"
Napalunok ako. Hindi ang pasa niya ang naalala ko, iba. Imbes na sagutin siya, ngumiti lamang ako at hinila ang kaniyang kamay palabas ng campus ngunit, bago pa man tuluyang makaapak ang mga paa ko sa sementadong hagdan, may malalim, buo at seryosong boses ang nagpatigil sa akin.
"Luella."
Literal na napabaling ako sa taong 'yon. Gano'n na lamang ang pagtibok ng aking puso nang mapagtanto kong si Dante ang nasa harapan namin.
"Davian!"
Bitbit niya ang mga textbooks niya. Wala siyang dalang bag puwera lamang sa pitaka. Nakapamulsa ang kanang kamay, nakatayo ng tuwid at nasa ayos ang suot na eyeglasses.
Putcha. Ang pogi!
"Saan kayo pupunta?" tanong nito. Na kay Janice ang tingin. Ibig sabihin, siya ang kinausap niya.
Umiwas ako ng tingin. Inabala ang tingin sa mga naglalagasan na mga dahon. Takot salubungin ang kaniyang mga matang nakakalunod. Sa tuwing tinititigan ko 'yon, naaalala ko ang pinagsaluhan naming halik—halik? Smack lang iyon. Hindi niya sinadya. Ginawa niya lamang 'yon dahil gusto niyang pagtahimikin ang bibig ko.
Tsk.
"Luella? Huy! Kinakausap ka ni Dante!"
"Huh? Ano 'yon?" Nakayuko ang ulo.
"May bago akong biling libro. It's all about politics and crimes. Baka gusto mong basahin?"
Napanguso ako. Unti-unting kong inangat ang ulo subalit mabilis din akong umiwas. Putchang blue eyes kasi 'yan e! Pakiramdam ko hinuhubaran ako. Tangina nitong si Dante, sarap dukutin ang mata.
"D-Dala mo ba?" at talagang nautal ka pa, Luella. Talandi nito.
"Naiwan ko sa bahay. Kailan matatapos ang klase mo? Sabay na—"
Hindi ito si Dante. May sumapi bang good spirit sa kaniya? Bakit ang bait bait nito ngayon sa akin? Sa pagkakaalam ko, masungit, snobber at gusto lagi mapag-isa. Anong nangyari? Bumait yata ng five percent?
"Huwag kang assuming. Pagkatapos mong basahin 'yon, I want you to memorize every article that stated on that book because on Sunday, I will ask you." At tumalikod.
Napanganga naman ako. What the hell was that?
Anong article? Gagawin niya na naman kaya ang ritwal niya? Hayup na Dante na 'to. Hindi naman exam week ah!
"Argh!" Pumadyak-padyak ako habang tinatahak namin ang hallway papuntang milktea shop. Tawang-tawa naman si Janice na para bang alam niya ang nangyayari.
Binabawi ko na pala. Masama siyang damuho!
***
"Gising, Luella! The books are here!"
Padabog kong sinipa ang kumot sa aking paanan. For god's sake, six am pa lang. I want to sleep more! Ngayon nga lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magpahinga pinagdamot pa ni Dante. Ang sarap niyang bigwasan.
"Ano ba! Ang aga-aga!" iritado kong reklamo.
"This is the best time to study, Luella Rose. Get up, fix yourself and eat your breakfast. I will wait at the pavilion."
"Ayoko—"
"I can't hear you."
Inis akong bumalikwas. Dinampot ko ang cellphone ko sa sahig. Nagpakawala ako ng ilang mura nang makitang kakatungtong pa lang ng six am. Punyeta talaga!
Nilapitan ko ang salamin. Tiningnan ko ang buong mukha ko sa salamin. Ni-check kung may mga stress pimples ba akong nakuha dahil kay Dante. Tinapik-tapik ko pa ang pisnge ko to wake myself up. Tamad kong binagsak ang balikat. Tinungo ko ang banyo, naghilamos, ninudnod ang mukha sa kojik saka nagsilpilyo.
Hindi na ako nagpalit ng damit dahil mamaya ko pa balak maligo. I'm fine with my pajymas naman. Hindi naman malaswa tingnan and I'm comfortable with it. Bahala si Dante. Hindi naman ako mabaho.
"Magandang umaga, Luella. Ang aga mo ah!"
Nilapitan ko si Aling Waning. Niyakap ko siya habang palihim na nagrereklamo patungkol sa kabaliwan ni Dante. Tawang-tawa naman ito, sinabihan pa akong mag-aral ng maayos. Napanganga na lang ako.
Pagkatapos kumain niligpit ko ang pinagkainan ko. Hinugasan ko ang pinggan bago lumabas ng mansyon para pumunta sa Pavilion.
Inangat ko ang isang kamay upang sanggain ang sikat ng araw na tumatama sa aking mga mata. Nakangiti ako habang tinatahak ang daan ng Pavilion. Marami akong mga nakasalamuhang mga kasambahay, binati ako at binati ko rin naman sila pabalik. Baka isipin nilang maldita ako hoay!
Hindi kalayuan nahagip ko na si Dante. May eyeglasses na naman siyang suot habang nanunuthot sa sariling kape. Napanguso ako nang mapansing maraming mga nakalatag na papel doon. Magazine, tatlong textbooks niya at isang libro na hindi pamilyar sa akin. Iyon siguro ang tinutukoy niyang bagong biling libro.
Padabog akong umupo sa kaniyang harapan. Ibinaba niya ang cup na hawak saka tumingin sa akin.
"Part two ba 'to ng ritwal mo?" Sinandal ko ang likod sa upuan.
"This is also related to your course, Luella. I bought this dahil narinig ko sa isa mong kaklase na kakailanganin niyo 'to sa subject niyo kay prof Pritzer?"
Kumunot ang noo ko. "Sinong Prof 'yan? Baka hindi ko 'yan classmate. Wala kaming Prof na Pritzer. Howitzer lang," tamad na sagot ko.
Marahas siyang tumikhim. Para bang sinabing 'whatever'
"You can start here. Nabasa ko na ito at saulo na ang nilalaman. It's your turn now. Pagkatapos mong magbasa magtatanong ako about this,"
Hilaw akong ngumiwi. "Bakit ba kasi? Kailangan ba talaga 'to?"
Hindi siya sumagot. Nagpukos lamang ito sa magazine na binabasa.
Hayst. Hindi ko talaga mapipigilan ang damuho na 'to. Gagawin niya yata akong apprentice niya e.
Kinuha ko ang libro. Unang pahina pa lang sumakit na kaagad ang mata ko. The fvck. Ano 'tong mga numero dito, ang dami. Bawat pahina may sanggunian. Sinubukan kong itatak lahat sa isip ko pero waley pa rin.
Binaba ko ng marahan ang libro saka nagpasya na nakawan ng tingin si Dante. Taray! Seryosong-seryoso ah. Salubong ang kilay nito habang binabasa ang hawak gamit ang kaniyang mga mata.
Nakapangalumbaba ako. Mariin siyang pinagmamasdan habang unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi.
Kahit saang anggulo ang lakas ng dating. Ang pogi. Sa tuwing bumaba ang adams apple niya sinasabayan ko naman ng lunok. Ang hot! Rawr!
Binaba ko ang tingin sa maugat nitong braso. Kapit na kapit ang mga ugat sa bawat galaw niya. Ang hahaba ng kaniyang mga daliri, maugat din iyon at mukhang masarap hawakan.
Mapapa-choke me, daddy ka na talaga sa lakas ng karisma nitong si Dante.
Binalik ko ang tingin sa kaniyang mukha. Nagulat ako nang nagtama ang aming mga mata. Shit!
Natataranta ko namang binalik sa binabasa ang atensyon. Pumikit ako ng mariin upang iwasan ang eksenang nasaksihan.
I heard him sigh's. Naramdaman ko ang paglapag ng magazine sa lamesa kayat napatingin ako doon.
"Are you done staring at me?"
Nanlaki ang mga mata ko. Marahas kong binaba ang hawak na libro at dinuro-duro siya.
"H-Hindi kita t-tinititigan, 'noh! Assuming!"
"Oh, really? Hindi kasi 'yan ang napansin ko."
"Hindi nga! I was busy reading! Asa ka namang titigan ko. Ang swerte mo naman kung gano'n." Gatong ko pa pero deep inside nagtatambol sa kaba ang puso ko. Putcha!
"Sa tingin mo maniniwala ako?" Nakataas ang kilay.
Tinaasan ko rin naman siya ng kilay. Hindi magpapatalo. "Talagang-talaga. Look at this, nakalahati na ako—" hindi ko natapos ang sasabihin nang kunin niya ang libro mula sa kamay ko.
Napalunok ako nang ayusin niya 'yon. Mas lalong nag-init ang mukha ko nang baliktarin niya 'yon. Shuta! Baliktad pala?
"Ah...ano..."
He licked his lips. Sumandal siya sa upuan at ngumisi. Ngising nakahihimatay.
Wala na akong makapang salita kaya ang ginawa ko, dinaan ko sa tawa ang hiya. Tinapik-tapik ko ang libro habang nakatingin sa kaniya. Wala namang reaksyon ang mukha niya, nakataas lamang ang kilay habang hawak ang pang ibabang labi.
Jusko. Patawarin niyo po ako kung akoy makakasala ngayong araw. Hindi ko po ito ginusto.
"How will you defend yourself, huh? Do you think I'm a fool? Kanina pa kita napapansin, Luella Rose,"
"H-Hindi nga sabi e!" ang kulit-kulit naman nito.
"You looked guilty. Don't act like that. They might use your words against you if you act guilty in front of people. Act natural."
Anong pinagsasabi nito?
"I'm not guilty, Attorney. Alam ko kung anong nagawa ko at paninindigan ko iyon!"
"Papaano? By defending your own guiltiness? You looked like an idiot if you do that,"
"Hindi ito korte para magpalitan ng mga sasabihin, Dante. Huwag mo akong akusahan diyan!"
"Bakit naman kita aakusahan kung ikaw mismo ang gumawa ng mali?"
What the fvck. Argh! Ayoko na. Gusto ko nang mag-walkout. Buwesit na lalaking 'to. Lahat-lahat na lang. Baka kapag malaman niyang crush ko siya hindi lang ito ang aabutin ko. Mas malala pa.
Like, paano mo nasabi na crush mo 'ko? Justify your damn answer. Ugh!
"Ewan ko sa'yo! Kung ayaw mong maniwala bahala ka!" iritado kong sambit.
Humalakhak naman ang damugo. He leaned closer, hinuhuli ang tingin ko pero matigas ako. Panay iwas ako. Akala mo ah.
Sumuko din naman siya. Sumandal siyang muli sa kaniyang kinauupuan.
"Come on..."
"What?" irap na tanong ko.
"Make me..."
"Come on, make me believe you."
***
Ayuda for today's bidyo. Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro