Chapter 8 : Dream
Dream.
***
"So, hindi ka pupunta ngayon dahil bibisitahin mo si Dante? Ang sweet mo namang girlfriend, Rose," sarkastikong tumawa ang gaga sa kabilang linya habang naririnig ang tunog ng mga machine sa loob ng kwarto.
Nasa bahay ako ngayon, nag aayos. Katatapos lang ng shift ko sa ospital. Napagpasyahan kong puntahan si Dante sa kaniyang condo unit dahil nabalitaan kong paminsan na lang daw itong kumakain dahil sa kaso ni Stella na ngayo'y hawak niya. Hindi nga sana niya hahawakan ang kaso ng babaeng 'yon ngunit pinilit ko siya. May tiwala sa kaniya si Stella at paniguradong aamin iyon kay Dante.
He decided na manatili muna pansamantala sa Tagaytay para mas lalong matutukan ang kaso ng kaniyang kaibigan at para na rin hindi ako madamay sa anumang alitan nila. Stella was involved in a murder. Siya ang inakusahang pumatay sa ina ni Hiraya Cristiana Corazon, kasabwat nito si Ella na naging ex kalandian ni Pierson noon.
Galit na galit si Hiraya nang nalaman niya ang nangyari sa kaniyang ina. At mas lalo pang namuo ang galit nang nalamang si Dante ang hahawak ng kaso ni Stella. I feel sorry for her, gusto ko rin naman makamit ang hustisya pero walang kasalanan si Stella. Hindi niya iyon gagawin sa ina ni Hiraya. I was with her that night, nag-uusap kami sa isang coffee shop sa BGC. She was with me the whole night. Nangyari ang pagpatay noong gabing din 'yon, eleven pm. Natagpuang maraming saksak sa dibdib ang ina ni Hiraya habang tulog ito sa sariling bahay sa Isabela.
She has nothing to do with this, that's why pinilit ko si Dante na hawakan niya ang kaso ni Stella. She was scared, hinahanap siya. Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon. Ayaw pa rin itigil ni Hiraya. Galit na galit ito, dumating na sa punto na kinamumuhian nito ang mga Salvatore.
Masakit din para kay Pierson ito.
Ulit. Nawalan na naman siya ng mahal sa buhay at involved na naman ang mga Salvatore. I'm sorry. Ayokong mangialam sana, pero naging kaibigan ko na si Stella at wala siyang ginawang mali sa gabing iyon. I can be her witness if needed.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Binaba ko ang hawak na cellphone at kinuha ang itim na jacket sa kama. Bibisitahin ko muna si Dante, baka pinapabayaan na non ang kaniyang sarili. Malalagot talaga siya sa akin.
"Aalis na po ba kayo, Ma'am?"
"Yes, manang. Baka bukas pa ako makakabalik. Pakisabi kay Mama."
Tumango ito. "Mag-iingat ka po, Ma'am."
Lumabas ako ng mansyon, tinungo ang garahe upang ilabas ang sasakyang gagamitin ko ngayon. Napili kong gamitin ang ford ni Dante, mabilis iyon sa biyahe at panigiradong hindi ako matatagalan.
Habang sa kalagitnaan ng biyahe, hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Alam kong masakit kay Hiraya ang nangyari sa kaniyang ina pero wala siyang sapat na ebidensya na akusahan si Stella. Mahirap lamang sila at walang sapat na pera para magbayad ng mga tao para gawan ng masama ang kaniyang ina.
Hindi rin sila magkakilala, so bakit si Stella ang dinidiin ngayon? She can't even defend herself! Kung ako kay Hiraya, pagtuunan niya ng pansin ang totoong may sala, hindi 'yung porket magkasama sina Ella at Stella ay siya na ang may kasalanan. Damn it!
I can't just sit and wait here habang involved si Dante sa kaso ni Stella. He's in danger din. May patayang nagaganap kaya hindi ito basta-basta. Dante has been acting strange lately. Nag-aalala ako, minsan niya na lang din sinasagot ang mga tawag ko.
It was already late. The Sky was bruised purple and the hallway was quiet. Ang tanging nagsasahi lamang ng tunog ay ang aking mga paa. I reached Dante's door, my hand hovering over the door knob. It was unlocked.
I pushed it open. My heart is hammering in my chest.
Natagpuan ko siyang nakadapa sa sahig malapit sa kaniyang pintuan. Dali-dali akong lumapit sa kaniya. His face was pale. His eyes were closed and a blood stain appeared around his head.
"What the..." The sight of him gave me a jolt, and a flood of nausea swelled in my throat.
"Dante?" marahan kong tawag sa kaniya habang ang boses ay nanginginig. Don't panic, Rose. Calm down. "Dante, wake up..."
Hindi siya kumikibo, ngunit isang mahinang ungol ang lumabas sa kaniyang mga labi dahilan nang pagkagulat ko. Mahina na ang kaniyang paghinga, tila nahihirapan. Damn it.
"Fvck! Hey, baby, can you hear me? Don't close your eyes, please....Dante, I'm here!"
Kinuyom ko ng mariin ang aking kamao. I want to stand up and ask for help but I cannot just leave him here. Damn. I don't know what to do. Shit! Shit!
You are a fvcking Doctor, Rose! You can save him, but there's nothing here. Tangina.
"Help!"I shouted. My voice echoes the hallway. "Someone help!"
Pero walang sumagot, only the unnerving silence. I knelt beside him, my fingers trembling as I reached out to his hand. It was cold, clammy, and felt oddly heavy. No...
"Dante, stay with me," pagmamakaawa ko. My voice choked with fear. "Please stay with me."
Nilibot ko muli ang tingin sa buong hallway, pero wala akong mahagip na anumang bagay. I closed my eyes again but I heard a sound of a key turning in a lock.
I looked up, my heart leap-frogging in my chest, to see a woman standing at the end of the hallyway. Her face mask of cold furry.
It was Stella. Kumurap-kurap ako, pilit pinoproseso kung si Stella ba itong nasa harapan ko. Parang hindi man lang takot ang kaniyang mukha. Naka-suot ito ng mamahaling damit at maraming alahas. What the hell is going on?
She stepped into the hallway. Her eyes narrowed, her lips twisted in a cruel smile na ngayon ko lang nakita. Damn.
"You think you can get away with this? she sneered. "You wanted him dead, didn't you?"
Before I could protest, she whipped out her phone. Her fingers went to the screen. Malaki pa ang ngisi na tila tuwang-tuwa sa ginagawa.
"What the hell, Stella? Imbes na tawagin ang pulis, why don't you help him? Dalhin natin siya sa ospital!" sigaw ko sa kaniya at pilit pinapatayo si Dante, but she laughed.
"You killed him."
Nanlaki ang mata ko.
"I'm calling the police," she said. "You're going to pay for what you did.
Masama ko siyang tiningnan. "What are you talking about?" I gasped. "I was just trying to help him. Natagpuan ko siyang nakaratay na dito sa labas! Akala ko ba tutulungan mo si Dante, huh? Ano 'to, Stella? Hinayaan mo-"
"I didn't beg him to help me finish this fvcking thing, Rose! You insisted! At ngayon kasalanan ko pa? You killed him!"
"Hindi ko siya pinatay!"
But my voice fell on deaf ears. Stella seemed to enjoy the look of terror in my eyes and the growing shock in my voice. She watched me with a chilling glee as the sirens wailed in the distance, approaching with an ominous, inescapable inevitability.
I closed my eyes again. Napasinghap ako, naramdaman ang malapot na dugo ni Dante sa kamay at damit ko.
When the police arrived. Her face contorted with righteous anger, she pointed at me, her voice ringing with conviction. Hindi ko inaasahan iyon, aapila pa sana ako pero hindi ko maibuka ang bibig. Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng aking luha habang nakatingin sa katawan ni Dante na tinutulungan na ngayon. I'm scared.
"She attacked him!" akusa niya sa akin. "She tried to kill him. I saw it all!"
The accusation hung in the air. Heavy and suffocating. I was arrested. The officers swayed by Stella's accusation and the blood on the floor, didn't question my story. My protestations were drowned out by the clanging of the handcuffs. The gnawing fear that I might never be able to prove my innocence.
The night, once filled with a sense of concern had transformed into a nightmare. The mountain air, which had once seemed so refreshing, now felt as heavy as the weight of the accusation hanging over me.
"He defended you! She saved him! Alin ba doon ang hindi mo maintindihan, Stella?"
"She chose to help you kahit ayaw ni Dante! And yet, ito ang isusukli mo? How dare you! Ang kapal ng mukha mo!"
Ngumisi si Stella. "Yes, she saved my life, but Davian won't defend her this time."
Wake me up from this dream. Hindi ko na alam ang gagawin.
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro