Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6 : Veston Kajik Vela Rosa

Luella's POV

"Kapag nakita kitang kinulang sa tela sa araw na 'yon, Rose. I will fucking rip all your clothes!"

Paulit-ulit na pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Dante kahapon. Kaya hanggang ngayon nagdadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko ba itong binabalak namin ni Janice.

Nakakaloka kasi si Janice, e, isa lang naman ang lamang namin sa botohan. Siya sana iyong mananalo kaso ayaw niya, gusto niya maging tao-tao lang sa event. Support gano'n. Napasampal na lamang ako sa aking noo. Wala ka talagang mapapala sa babaeng iyon, ganda lang talaga ang kaya niyang I-ambag.

Hayss.

Habang nakatayo sa tapat ng MMalls, pinagmamasdan ko ang mga tao na naglalakad-lakad. Punta doon, pasok dito at balik saan. Nakakaloka. Nakakasilaw din at nakakaitim ang sikat ng araw. Mukhang tag-init ngayon kasi hindi ko pa nararamdaman ang ulan. Ilang months na, ang damot naman. Chos! Kulang lang po talaga ako sa dilig.

Nilibot ko ang paningin sa paligid.
Dinig ko ang malalakas na tawanan at mga boses ng mga tao sa loob pero ang mga mata ko ay nakatuon kay Janice na kasalukuyang nagmamadali pabalik mula sa kaniyang sasakyan. May nakalimutan daw siyang kunin. Hindi niya sinabi.

Ipinangako niya na gagastusan niya ako sa pageant na aabangan ng lahat sa susunod na linggo. Siya ang tipo ng tao na laging may magandang plano at may tiwala sa kaniyang sarili, pero bulakbol pagdating sa klase. Ewan ko ba sa babaeng 'yon, ang tamad-tamad. Nakakapagtaka nga't lagi siyang pumapasa.

Ano kaya ang sekreto niya?

Habang hinihintay ko siya, naisip ko ang mga damit na bibilhin namin. Paniguradong bibili iyon ng mga sexy at kita ang kaluluwa. Gusto niyang mapansin kaagad ako ng mga tao. Maarte kasi siya sa mga damit, lagi kong napapansin ang revealing niyang suot, mamahaling alahas at bags. Hindi naman bago sa akin iyon dahil halos mga mag-aaral sa Dreamweaver University gano'n, tulad niya. Halos mayayaman.

"Tangina naman ang mga ito! Ayaw pa kasi sumama ni Mang Ben. Kakainis. Luella!" rinig kong tawag ni Janice mula sa likuran ko. Nang lumingon ako, nakita ko siyang may dalang malaking shopping bag na puno ng mga bagong damit. Malaki pa ang kaniyang ngisi na para bang tuwang-tuwa sa araw na ito.

Tsk. Sino ba namang hindi matutuwa, aber? Gagawin ba naman akong barbie.

Kumunot ang noo ko. "Ang dami naman niyan!"

"Nakakainis nga e! Ayaw sumama ni Mang Ben. Gusto niyang sunduin 'yong pinsan kong si Maraya,"

"Maraya?" parang narinig ko na ang pangalan na 'to. Saan nga ba?

"Maraya Sustania Montessori, Luella. 'Yong sikat na artista. Oo pinsan ko 'yon!"

Nanlaki ang mata ko. "Seryoso? Pinsan mo 'yon? Shocks! Kaya pala ang ganda mong gaga ka!" mangha kong sabi habang inaalala saan ko nakita si Maraya. Napanood ko yata ang dating interview niya sa TV6. Hindi ko lang maalala kung kailan iyon. Matagal na kasi. Isa pa, matagal na rin sa showbiz si Maraya. Hindi lang siya artista, kundi model, singer at kilalang writer din. Oo, sikat na sikat ang babaeng iyon. Lagi ko siyang sinusubaybayan noon sa TV6. Natigil lang noong may kumalat na issue kasama ang kaniyang non-showbiz na boyfriend. Hindi nilabas sa social media ang iba pang rason ng pagkawala ni Maraya sa showbiz. Gano'n din ang impormasyon ng kaniyang boyfriend.

"Bumalik na siya sa showbiz?"

Mabilis siyang umiling. "Hindi na siya babalik, Luella. Wala siyang maalala."

"What do you mean?" anong walang maalala?

"Na aksidente siya five years ago. Nahulog sa bangin ang sinasakyan niyang itim na van kasama ang kaniyang boyfriend na si Kendric Orson Welles na kasalukuyang namamahala sa KW Company. Yes, they are both alive pero hindi maalala ni Maraya ang lahat. We found her sa Benguet kasama ang kaniyang gupi-guping sasakyan. Tinulungan siya ng mga tao doon, akala nila patay na kaya sinugod nila sa hospital. Mabuti na lang buhay pa ang pinsan kong gaga. Dinala namin siya sa America kinabukasan. Doon namin pinagpatuloy ang paggagamot sa kaniya. When we found out that she lost all her memories, labis kaming nasaktan. Lalo na ang ama at ina nito. Galit na galit si Tito sa pamilyang Welles, kaya ipinangako nitong wala sinuman sa mga Welles ang makakaapak muli sa pamilya namin. Limang taon ang ginulgol namin sa America para lang bumalik sa dati ang sigla ni Maraya tapos guguluhin lang ni Kendric? No way! So, nag-desisyon si Tito na pabalikin na siya ng Pilipinas. Gusto daw nito ipagpatuloy ang sinimulan nitong kurso noon. Hindi natapos dahil pumasok kaagad sa showbiz ang gaga. Hindi ko naman siya masisisi, marami talagang gustong kumuha sa kaniya. Maganda, mayaman, matalino at kilala ang pamilya." Nagkibit-balikat siya.

"Ikaw. Bakit hindi ka mata-"

"Halika na nga!"

So, iyon pala ang buong kuwento bakit siya nawala. Sayang, gandang-ganda pa naman ako sa kaniya.

"Fan girl ka ba ng pinsan ko?" nahimigan ang pangungutya sa boses.

"Sino namang hindi magkakagusto sa kaniya, Janice? Ang perfect perfect niya! Ang ganda rin ng boses. Nakaka-inlove."

She rolled her eyes. "Sus! Mas magaling pa ako do'n."

Inirapan ko siya sabay lagay ng kamay sa kaniyang braso.

PUMASOK kami sa loob ng mall at kaagad na nagpunta sa mga boutique sa ikalawang palapag. Habang naglalakad, nag-uusap kami patungkol sa pageant at kung ano-ano ang dapat paghandaan, kung ano ang magiging tema ng aking outfit, at kung paano ko ilalayag ang aking sarili sa maraming tao. Magaling si Janice sa mga ganitong bagay. Hindi pa siya sumali sa mga beauty pageants pero may alam siya. Kitam! Dito yata siya nababagay e. Ang galing. Pakiramdam ko magiging ver. 2 Maraya itong si Janice. Bagay kasi sa kaniya ang pagmomodel. Tamad lang talaga.

Pagdating namin sa isang boutique, tinawag niya ang atensyon ng saleslady at sinimulan naming tingnan ang mga damit. Dami niyang pinasukat sa akin, hindi ko na mabaling. Jusko! Aatakehin yata ako sa kaniya.

"Subukan mo 'to!" sabi niya, sabay turo sa isang simpleng, eleganteng pulang dress. "Perfect para sa iyo! Kailangan mo ng outfit na makakuha ng atensyon!"

Sumang-ayon ako dahil wala naman akong magagawa pa saka mabilis na pumasok sa fitting room. Nang suotin ko ito, tumingin ako sa salamin at nakita ang aking sarili - parang hindi ako. Ang ganda ko, palagi naman e. Niloloko ko lang ang sarili ko kapag sabihin kong hindi ako maganda.

It suits me. Tumakbo ako palabas, sinalubong ako ng magarbong palakpak mula kay Janice. Tuwang-tuwa na naman ang gaga.

"Wow! Ang ganda! Bungad na bungad ka sa stage sa suot na 'yan!" masaya niyang sambit habang tumatakbo papalapit sa akin. "Kaya tamang-tama, 'di ba? bibilhin ko 'to. Ang ganda mo, Luella. Panalo na."

Hindi pa nga nagsisimula e.

Maya-maya pa ipinagpatuloy namin ang paghahanap at nakakita ng iba pang mga dresses, tops, at accessories. Napuno ang shopping bag, hindi lang ng damit kundi pati utak ko napuno ng chismis patungkol kay Hershey. May bagong post na naman kasi ang Dreamweaver. Kaka-published palang non, galing website ng KD group, kung saan nagtipon-tipon ang mga officers ng DU.

"Ang landi talaga. Siguro natutuwa na iyon ngayon dahil usap-usapan na naman siya sa buong campus."

Pumasok kami sa isang food court. Tamang-tama, kumakalam na ang sikmura ko. Gutom na ang mga bulate ko sa loob.

"Wala namang masama sa post na 'yan ah," asik ko. Normal na post lang naman iyon, engagement lang gano'n. Pinakita kasi doon sina Dante at Hershey, namimili ng damit sa Mall. Hindi ko alam saang mall iyon, baka rito din sa MMalls?

"Hindi e! Kung makakapit ang Hershit na ito para bang wala ng bukas!"

Binuksan ko ang sariling cellphone. May panibagong post na naman pero hindi na galing sa KD, galing na sa mga estudyante ng Dreamweaver University.

"May nanalo na sa intramurals!"

"Ang cute nilang dalawa!"

"Sila ba ang sasabak sa DWU?"

"Ang pogi mo, Davian!"

"Aasawahin!"

"Ano po full name ng lalaki? May facebook ba siya? IG, telegram at twitter?"

"Pansinin mo ako, Davian!"

"Mag-jowa ba sila?"

Nakakaloka. Hindi sila mag-jowa teh, kami ang totoong mag-jowa. Mag-asawa pa nga. Baka kapag malaman niyo ang real wife, mangisay kayo sa galit.

Napabuntonghininga ako. Nilingon ko si Janice na abala sa pagtitipa sa kaniyang cellphone. Gigil na gigil ang gaga, para bang may kaaway.

"Anong ginagawa mo?"

"May nireplayan lang,"

"Kailangan talagang manggigil?"

Padabog niyang binaba ang Iphone 15 fully paid niya sa ibabaw ng lamesa dahilan nang paglingon ng mga tao sa amin. Siraulo talaga.

"Nakakagigil talaga ang Hershit na iyon, Luella. Tuwang-tuwa naman siya sa mga positive comments na natanggap. Mas maganda ka pa nga ron, e. Matangkad lang talaga siya at medyo malaman-" bumaba ang kaniyang mga mata sa dibdib ko. "-laman ang hinaharap."

"Hayup ka!"

Tumawa siya ng malakas at kinuha muli ang cellphone sa ibabaw ng lamesa. Sa pagkakataon na ito, hindi na siya nanggigigil, masaya na ang mukha niya.

"May nakuha na akong make up artist, Luella. Ang galing ng baklang 'to! Hindi tayo magsisisi!"

"Sino naman 'yan?" tanong ko habang sumusubo sa kaniyang harapan. Gutom na e. Hindi ko na talaga mapigilan. Nauna na ako kay Janice. Amoy masarap pa naman.

Nagtipa muna siya. Mas lalong lumaki ang kaniyang ngisi.

"Si Veston Kajik Vela Rosa."

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro