Chapter 5 : Mad, Dante
Luella's POV
"Ang aga aga nakabusangot ka na naman diyan. Nag-away na naman ba kayong dalawa ni Dante?"
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nilabas ko ang notebook mula sa aking bag at pilit pinasok sa aking isipan ang mga salitang naroon. May quiz kasi kami ngayon at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na buksan ang mga notes ko dahil hindi ako makapukos sa bahay. Galit pa rin sa akin si Dante, hindi niya ako pinapansin at kinakausap. Sinubukan ko naman siyang kausapin para hindi mapanis ang laway ko. Pero wala pa rin akong natanggap na sagot.
Isang linggo na, bored na bored na ako sa bahay. Pati si Aling Waning, hindi din makausap ng maayos si Dante. Ang oa niya sa part na 'yan, nagtanong lang naman ako e. May masama ba ron?
Maraming nangyari sa isang linggong pag-iiwas niya sa akin. Kasama niya lagi ang mga campus princes, gano'n din ang mga top beautiful faces ng Dreamweaver University. Rinig ko pa sa mga second year na si Dante at Hershey daw ang magri-represinta sa kanilang departamento ngayong paparating na intramurals. Both beauty and brain daw. Papayag kaya si Dante? Kung papayag siya, manonood talaga ako. First time niya 'to e at paniguradong mananalo siya dahil hindi lang pogi ang Lolo niyo, matalino at malakas din ang karisma. Baka pati judge mainlove sa kaniya. Chos! So iyon nga ang chismis na nakalap ko. Hindi lang 'yon, nalaman ko din na anak sa labas si Hershey. Ama nito si Mayor Deogracia, na kasalukuyang namamahala ngayon sa Isabela City. Wala raw ang mayor dito sa city dahil abala ito sa siyudad. Naiwan si Hershey dito sa Baguio kasama ang kaniyang ina at dalawang kapatid na nag-aaral sa Weston De University. Hindi ko na inalam kung sino-sino ang mga iyon. Ayokong manghimasok sa personal life nila kaya konting information lang 'to.
Naging usap-usapan siya sa buong campus no'ng Friday. No'ng nalaman nang lahat na magiging representative sila, bumaha ang chismis sa kanilang dalawa. May mga negative comments and positive. Pero halos hate comments talaga naririnig at nababasa ko. Syempre, maraming magseselos, si Davian Terron Salvatore 'yan e. Hindi lang sisikat ang pangalan mo kapag kasama mo 'yang si Dante, dadami pa haters mo. O hindi ba? Sumikat nga si Hershey pero hindi nila pinalampas ang personal life nito.
Kumalat ang pagiging anak nito sa labas, ang mukhang pera nito at pagpatol kuno nito sa matanda. Imbes na pansinin iyon, pinili ni Hershey na manahimik. Unbothered queen, e. Deadma sa bashers. Mas lalo niya lang ginalit ang mga supporters ni Dante sa pamamaraang laging paglapit dito. Pati ako, nanggagalaiti minsan sa gilid, ako dapat ang kasama ni Dante, hindi 'yong babaeng iyon. Pero naalala ko, galit nga pala siya kay atras ang walang karapatan.
Napabuntonghininga muli ako. Hinarap ko si Janice na kanina pa pala nakatingin sa akin. Nang mapansin niyang nakaharap na ako sa kaniya, do'n lang din gumalaw ang kaniyang katawan.
"Anong problema mo?"
"Sa wakas naman, Rose! Kanina pa kita tinatanong at tinatawag. Deadma!"
Kumunot ang noo ko. "Ano ba 'yan? Kitam nag I-imagine ako e!" panira talaga ng moment itong si Janice.
"Hanggang imagine na lang talaga kay Dante, ano? I understand, my friend..." lumapit siya sa akin at tinapik-tapik ang balikat ko. "Marami pa namang pogi diyan. Pwede din 'yong si Klane, hindi ba't nakausap mo na 'yon? Iyon na lang habuli-"
Binatukan ko siya. "Gaga. Hindi na kami nag-uusap ni Klane. Mag-iisang buwan na. Tapatin mo nga ako, Janice. Anong kailangan mo?"
Oo isang linggo ko nang hindi kinakausap si Klane dahil baka magalit na naman ang tigre at buwesitin na naman ako buong araw-natigilan ako nang may na-realized. Wait...what if, kakausapin ko muli si Klane? Papansinin kaya ako ni Dante?
Nagkatinginan kaming dalawa ni Janice. "Alam ko na ang tingin na 'yan, Rose. Hindi ako magpapakopya."
Tila nabalik ako sa wisyo kasabay nang pagkunot ng aking noo. "Anong sabi mo? Magpapakopya? Ikaw nga 'tong laging nangongopya sa akin e. Baka ikaw kamo ang hindi ko pakokopyahin?" Mabilis kong tinago ang notebook.
Nanlaki naman ang mata niya. "Joke lang e hihihi. Hindi ka naman mabiro, Rose..." nag puppy eyes pa ang gaga. Kadiri.
"Ayoko."
"Para namang wala tayong pinagsamahan niyan, Rose. Hindi ko naman kokopyahin lahat e,"
"Oo kasi iiwan mo na naman ang pangalan ko. Sus! Nahiya ka pa ah,"
Ngumisi siya. "Sige na, Rose, malapit na ang oras ni Sir Howitzer oh! Please..."
"Ayoko."
"Sige na huhuhu! Maawa ka naman sa maganda mong kaibigan," dugtong niya habang sinusundot ang tagiliran ko.
"Ayoko pa rin."
"Maawa ka sa akin, Luella Rose Jacinta...ililibre kita after ng klase ni Sir Howitzer. Promise!"
Tila nabuhay ang natutulog kong diwa. Nilingon ko muli siya, napasinghap kaagad nang makitang mas lalong lumaki ang kaniyang ngisi habang ang isang kamay nito palihim na kinukuha ang notebook sa loob ng aking bag.
"Hehehe. Promise, last kopya ko na 'to,"
"Siguraduhin mo lang, Janice. Ayokong bumagsak kasama ka. Malilintikan ako kay Dante."
"Oo na! Magagalit ang tatay mo!"
Sabay kaming natawa. Gaga.
PAGKATAPOS ng klase namin kay Sir Howitzer, tinupad nga ni Janice ang kaniyang sinabi na lilibrehin niya ako. Nasa labas kami ngayon ng campus, tutungo daw kami sa coffee shop nila malapit lang dito sa campus.
Ngayon ko lang nalaman na may negosyo pala sila dito, akala ko sa Cagayan De Oro lang.
"Anong gusto mo?"
"Kahit ano lang, Janice. Huwag lang masyadong mapait," sagot ko habang nagbabasa ng magazine. Naroon kasi ang mukha ni Pierson at Hiraya. Kilala na sila ng buong mundo ngayon. Para na ngang mga artista ang atake.
Hiraya Cristiana Corazon is a famous fashion designer. She was wearing a long black gown, her dark hair pulled back in a sleek ponytail. Beside her is her husband, Pierson Maxrill Salvatore, a renowned architect. He was wearing a tailored black suit, matching his wife's elegant attire. They looked like a picture of perfection.
Napatalon ako sa gulat nang napansin ni Janice ang aking nakamamanghang reaksyon. Lumapit siya habang
may pagtataka ang boses, "Dante at Pierson? Magkamukha sila." Tumango ako. Hindi niya alam na magkapatid sina Dante at Pierson. Hindi naman kasi siya interesado sa talambuhay ng mga Salvatore. May sarili siyang buhay at iyon ang pinagkakabalahan niya ngayon. Mas importante ang imahe niya kaysa sa iba.
"Alam mo ba," simula ni Janice, na tila nababasa ang aking isipan. "Sinabi ni Hiraya sa isang interview na wala siyang ibang hinahangad kundi ang maging supportive tulad ni Pierson." Nakangiti niyang sabi. Sana gano'n din si Dante. Lagi kasing galit sa mundo e.
Marami pa siyang sinabi patungkol kina Hiraya at Pierson. Magaganda halos iyon at muntikan pa nga akong mabilaukan sa kaniyang mga sinasabi. Parang hindi si Janice ang kaharap ko. May something e.
"Ang lakas naman ng hugot mo ngayon. In love ka ba ha?" kantyaw ko sa kaniya.
Umasim naman ang kaniyang mukha. "Siraulo! Hindi ako maiinlove, 'no! Itaga mo 'yan sa baga mo, Luella Rose. Hindi ako maiinlove."
"At bakit sa baga ko pa? Sa'yo na lang! Idadamay mo pa baga ko." Irap na sagot ko saka sinimulan nang sipsipin ang kapeng ni-order niya sa aming dalawa. May kasama pa iyong croissant kaya naman tuwang-tuwa ang mudra. Parang hindi pinapakain sa mansyon.
"Nga pala, may sasalihan ka bang event ngayong paparating na intramurals?"
Napaisip din ako. Gusto kong sumali sa Miss DWU kaso ayokong kalabanin si Dante. Baka uusok lalo ang ilong non kapag nakita niya akong naka-swimsuit sa maraming tao. Sa ibang event na lang siguro ako. Puwede rin sa food com.
"Ikaw?"
"Tao-tao lang siguro ako. Wala akong ganang sumali sa anumang events, Rose."
"Sumali ka sa DWU, Janice. Paniguradong makukuha ka!" masayang sabi ko.
Hilaw niya akong tinawanan. "Magtigil ka nga. Baka aabutin ng dalawang oras ang question and answer dahil sa akin. Wala akong makokopyahan doon. It's a big no talaga, Rose. Ikaw na lang kaya?"
"Ayoko!"
"Sus! Ayaw mo lang talagang makatapat si Davian. Talo ka na ba?"
Inirapan ko siya. "Talo saan? Sa pagkakaalam ko hindi ako tumatanggap ng defeat, Janice."
"Oh! Iyon naman pala, edi go ka na sa Miss DWU! I will support you, Rose. Magpapadala ako ng make up artist, mga kakailanganing suotin sa pageant na iyon. Sumali ka na, please... papangit ng mga kaklase natin e," umasim ang mukha ko.
"Shhh. Baka marinig ka ng mga kaklase nating babae." Kahit totoo naman. Kami lang yatang dalawa ni Janice ang medyo patok e. At kami lang ding dalawa ang pasok sa top beautiful faces ng Dreamweaver University. Kaya kung pipili man sila ng representative sa Med. Nasa aming dalawa lamang ni Janice.
Ang tanong, papayag kaya ang lahat?
"Ano! Wala na bang itataas 'tong boto ninyo kay Farrah? Sure na kayo niyan?" umuusok na ang ilong ngayon ni Xen sa inis. Isa sa mga kaibigan ni Farrah nang hindi man lang umusad ang tatlong votes sa kaniyang pangalan. Lamang na lamang na kaming dalawa ni Janice.
"Sabi kasi sa'yo, Xen, e. Huwag na kasi ako-"
"Hindi puwede! Dapat si Farrah ang magiging representative ng med, guys! Maganda, matalino at mabait! Paniguradong maipapanalo niya ang department natin!"
Dami namang sinasabi ng babaeng 'to. Kitam wala ngang boboto kay Farrah, pinipilit pa. Nakakaloka. Gusto ko nang umuwi oh. Kanina pa kami dito, hindi matapos-tapos ang voting kay Farrah. Akala mo vip.
"Matagal pa ba 'yan, Xen? Nagugutom na ako," reklamo ni Janice.
"Guys! Botohin natin ang karapat-dapat! Hindi lang ganda ang ambag, dapat matalino din!" ang tingin naka kay Janice.
Palihim akong natawa. Umismid lamang si Janice at hindi pinatulan ang sinabi nito. Confident siya na hindi sa kaniya iyon kaya wala siyang pakialam.
"Xen, tama na. Kung sinuman ang mananalo sa voting, iyon na. Susuportahan na lang natin. Para rin naman sa atin 'to." Tumango siya sa lahat puwera lamang sa akin na medyo may katarayan ang kaniyang tingin.
Nagkibit-balikat ako. Pakialam ko sa kaniya. Alam ko namang mapagpanggap talaga ang babaitang 'yan.
"So, si Luella na ang representative natin?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?"
"Huwag ka na magsalita, Rose. You're welcome. Deserve mong manalo kaya ikaw na ang magiging representative natin. Kasama mo si Klane na halos sinakop ang buong class sa botohan!" Masaya niyang sabi ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magsalita. Nag-desisyon kaagad itong si Janice dahil alam niyang magrereklamo ako. Putcha.
"Hindi puwede?" alam kong marami akong natanggap na boto mula sa mga kaklase namin, akala ko trip-trip lang iyon kaya dinaan ko sa tawa. Subalit...what the fuck. Magkikita kami ni Dante sa iisang stage? Jusko. Ang dami kong gagawin, ah. May patagisan pa akong sasabakin at kalaban ko rin doon si Dante.
"Isantabi mo muna ang nararamdaman mo kay Davian, Rose. Kalaban natin sila."
Oo kalaban natin sila pero mapipigilan mo ba ang pusong nanghuhumaling? Hoay ang oa.
PAGKAUWI ko ng mansyon nadatnan ko si Dante sa sala. Nanonood ng marvels habang kumakain ng popcorn. Si Aling Waning naman nagwawalis sa kusina. Naka-duster pa. Amoy asim.
"Hello! Mama! Kumusta ang buhay?" masayang bati ko sa kaniya. Syempre good mood ako ngayon. Ewan ko ba.
"Ang saya mo, ah. Siguro may nangyaring maganda sa school?" Tumigil siya sa pagwawalis. Hinarap niya ako at tinanggap ang kamay kong magmamano.
"Wala naman, ma. Gano'n pa rin," nahimigan ang masayang boses sa aking sinabi.
"Kumain ka na ba?"
"Hindi pa! Anong ulam ngayon? Mukhang masarap ah-"
"Adobo."
Napapitlag ako nang naramdaman ang presensya ni Dante sa aking likuran. Patay na ngayon ang tv at ubos na rin ang kinakain niyang popcorn.
"Uy, Dante, kumusta?"
He looked amused. "I'm fine. How about you? Ang saya mo ah,"
"Ah oo naman. Ako kasi ang nanalo sa botohan namin kanina bilang magre-represinta sa med para sa paparating na intramurals. Medyo kinakabahan na pero keri naman. Si Janice naman na bahala sa make up artist at mga damit na susuotin ko kaya no need to buy na. Magpo-provide din ang mga kaklase namin syempre!"
Nilingon ko siya. Seryosong-seryoso ang kaniyang mukha. He didn't talk back. "Ang daldal ko ba? Sorry!" Lumapit ako sa malaking lamesa at akma na sanang uupo nang...
"What? Akala ko ba hindi ka mahilig sumali sa mga gan'yan? Bakit ka pumayag na manalo?"
Late reaction?
Hinarap ko siya. Umigting ang kaniyang panga. Napalunok tuloy ko dahil sa titig nitong nakakamatay. Jusko! Napansin nga ako pero galit naman. Nakakaloka.
"Sila ang bumoto sa akin, Dante. Wala rin akong magagawa pa dahil ako talaga ang gusto nila."
"Huwag kang sumali."
"Ano? Hindi puwede!" mabilis na angil ko.
"So, gusto mong ipakita 'yang katawan mo sa maraming tao? Sana pina-billboard mo nalang 'yan kung gano'n!"
Sinasabi ko na nga ba. Magagalit talaga siya. Pero nakapag-desisyon na ang lahat. Ayokong mag back-out baka magalit sila sa akin. At napakababaw naman ng rason ni Dante, ayaw niya lang. Ayoko din namang sabihin sa mga kaklase ko na ayaw ko nang sumali dahil ayaw ni Davian. Baka dadagsain ako ng mga haters niya. Argh!
"Normal lang 'yan sa pageant, Dante, at napag-desisyunan na." Wala na akong makapang salita. Gosh! Galit na galit na.
"Decided?" He slammed his fist on the table, making the mugs rattle. "This isn't some silly classroom election, this is a pageant! Magsu-suot ka ng bikini doon!"
Yumuko ako. Damn it. Aling Waning, help me!
"Gosh! Pageant 'yan malamang, Dante. Hindi big deal 'yan! It's about confidence and empowerment." Pumikit ako ng mariin.
Hilaw siyang tumawa. "Confidence? Empowerment?" parang alam ko na saan papunta 'to ah. Hindi niya naman hawak textbook niya pero bakit pakiramdam ko may lalabas na namang article dito ngayon.
At hindi nga ako nagkamali.
"You really need to consider Article 26 of the Civil Code. You know, the part about personal rights-" kitam. Hindi nga ako nagkamali.
Mababaliw na naman ako. Kakaloka!
"There's also Republic Act No. 10175, about cybercrime. What if those photos circulate online? You're risking your life, Luella! This is about dignity for goodness's sake!"
"Hindi naman ako magpo-post ng mga hindi kaaya-aya, Dante. It's a pageant! Everyone does it!"
Ano na namang kinaputok ng butchi nito. Dumudugo na utak ko sa kaniya.
"Everyone? That's exactly the problem-fuck! Kapag nakita kitang kinulang sa tela sa araw na 'yon, Rose. I will fucking rip all your clothes!"
Problema nito? Ang laki naman ng galit niya.
***
Don't forget to vote and leave a reaction. Thank you! Happy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro