Chapter 30 : Marry
Luella's POV
Maraming nangyari sa buhay namin. Paghihirap, sakit, at pagkawala, ngunit hindi iyon naging handlang para sumaya ulit at tumayo sa sariling mga paa. Marahil na hindi gaanong kadali ang lahat sapagkat naging parte rin sila ng buhay natin. Matagal natin silang nakasama at araw-araw nating nilalabanan ang lungot. Ngayon, handa na muling bumangon mula sa pagkakalunod at handa na ring sumubok.
Nasa Scarleus Lagoon kami ngayon. Dito napagpasyahan nina Wade at Janice na isagawa ang kanilang kasal. Beach theme malamang ang ginawa nila at imbitado lahat. Nandito nga rin sina Maxrill at Hiraya, ang bongga ng damit nila mga te. Parang bagong collection ni Madam Hiraya. Ang yaman at expensive ng dating.
I'm just wearing something simple, it fits the theme today. It's just not as revealing as the people here at the wedding. Halos sila kasi ay kulang na lang maghubad dahil sa suot. Wala namang atraso iyon kay Janice dahil beach ito at malamang mag-bikini ka talaga, 'no pero mamaya pa kami maliligo dahil gusto ko pang kausapin itong dalawa kong kaibigan. Kanina pa kasi nila ako inaasar dahil ako ang nakasalo sa bulaklak ni Janice. Pambihira.
"Yieee! Ikaw ang nakakuha sa bulaklak ni Janice, Luella. Ibig sabihin ikaw ang susunod na ikakasal?" parang tangang sabi ni Aia.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Hindi ko nasalo. Sumabit lang sa suot ko," sagot ko naman dahil 'yon ang totoo. Sumabit sa damit ko ang walang hiyang bulaklak na 'yon. Kakaloka. Dinumog tuloy ako ng dalawa.
"Alam mong hindi kami maniniwala sa palusot na 'yan, Luella. Ayaw mo rin ba?"
Wala pa sa plano kong magpakasal ngayon dahil marami pa akong aayusin sa hospital. Aalis na kasi ako sa St. Jerome at lilipat na sa Salvatore. Oo mga ante, ako na ang magpapatakbo non simula ngayon dahil iyon ang pinagkasunduan namin ng Lola ni Dante. Ayoko rin namang balewalain lang iyon dahil may trabaho din si Dante, may kaso siyang hinahawakan ngayon. Nakalimutan ko kung kanino iyon, sa pagkakaalam ko ay artista.
Good thing he didn't come today. I don't want to be embarrassed in front of my friends. Parang mga tanga e, hindi pa rin nagbabago. Gano'n pa rin ang mga ugali. Parang baliw.
"What the heck! Leave me alone!" I was busy pulling back my shawl.
Hayup na mga babaeng 'to! Hindi lang chismis sa bulaklak ang gusto nila, gusto din nila tanggalin ang suot ko. Tangina talaga.
"Dali na, Luella! Maliligo ka rin naman e! Dami mo pang arte!" reklamo naman ni Farrah. Wala na itong suot na pang-itaas ngayon kaya't kitang-kita ko ang maumbok niyang boobs gano'n din ang hurba ng kaniyang katawan.
Tangina ng mga 'to. Pagandahan ba ng katawan 'to? Talong-talo na ako kung gano'n. May anak na ako samantalang sila ay wala pa so mas maganda ang katawan nila sa akin. Lalo na itong si Aia na no boyfriend since birth. Alagang-alaga ang katawan.
"Wala naman dito si Davian kaya ayos lang na ibandara mo 'yang katawan mo, girl! Dali na, sumisikat na ang araw oh!" Tinuro niya pa ang papalubog na araw. Gaga, anong sisikat?
"Sandali nga. Kitam nahihiya ako e!"
"Sus! Ngayon ka pa nahiya? E dati nga pangarap mong pumunta ng Boracay para maka-swimsuit ka tapos ngayon nasa harapan mo na ang tubig, nahihiya ka na?" wala talagang preno ang bibig nitong si Farrah.
"Eh kasi naman..."
"Girl, wala kaming pakialam kung may anak ka na. Ang sexy mo kaya oh!"
Pinanlakihan ko ng mata si Janice hindi kalayuan. Mas lalong lumakas ang kaniyang tawa nang nag-tagumpay ang dalawa sa gusto nila. Nahubad nila ang maiksing tela sa aking katawan, revealing my black one-piece. Tangina!
"Hayup ka! Ikahihiya mo 'yan? Putcha ka ang ganda ng katawan mo! Ang kinis, walang bakas na stretch marks!"
Napaawang ang bibig ni Aia. Titig na titig sa katawan ko ang gaga.
Nahihiya ko naman 'yung tinakpan pero sinapak nila ang kamay ko kaya napabuntonghininga na lamang ako. Wala na, naipakita ko na sa lahat ang matagal ko nang tinatago at lagot talaga ako kay Dante kapag malaman niyang nag-swimsuit ako.
"Kaya pala may magagalit e," bulong ni Farrah habang tinatahak namin ang daan papuntang dagat.
"May itatago din naman pala," gatong naman ni Aia.
Inilingan ko na lang silang dalawa at nauna nang tumakbo kaya lang nadulas ako dahilan nang pagkadapa at pagsubsob ko sa buhangin kasabay nang nakakabinging tawanan na umalingawngaw sa buong lugar.
Nangunguna pa ang boses ni Janice.
"Tangina mo, Luella! Maganda nga tanga naman!"
"Nakunan niyo ba ng litrato?"
"Aia! Farrah! Kunan n'yo!"
"May dala ba kayong selpon, Farrah!"
Tawa sila nang tawa habang ako ay napailing na lang sa kanila at inis na pinagpagan ang sarili.
Tunay na kaibigan ko talaga sila. Napaka-supportive. Sabay humalakhak, kinuhanan pa ako ng picture. Talagang-talaga. Pero kapag gusto ko ng maayos na picture laging busy ang sinasagot. Mga plastik!
"Ayos ka lang ba?" tawang-tawa parin si Farrah. Sarap ibaon sa lupa ang mukha. Saya e.
"Mukha ba akong ayos lang?"
"Ito naman galit agad. Sorry na!" At natawa na naman.
Napailang na lamang ako. Medyo humupa na ang tawa ngayon ni Aia, pero kapag nagtatagpo ang tingin namin pinipigilan niya ang sarili niyang tumawa.
"Huwag mong pigilan. Matatae ka niyan," irap na sabi ko.
At tumawa nga ang gaga. Hayup talaga!
"Ano ba! Tigilan niyo ako ha!"
"Ito naman hahaha! Sorry. Nga pala, may sasabihin pala kami sa'yo,"
Kumunot ang noo ko. "Ano iyon?"
"Nandito si Dante,"
"Tapos?"
"Nakita niya ang pagkadapa mo kanina, Luella! Hindi lang kami ang natawa, gano'n din siya!"
And because of that, I turned even redder with shame and wished the ground would swallow me up so I wouldn't have to hear their loud laughter.
Damn it.
***
"Anong balak niyo ngayong undas?"
"Gusto mo sindihan kita?" pabalang na sagot ni Aia kay Janice.
Nagsitawanan naman ang lahat pwera lamang sa aming dalawa ni Dante. Kanina niya pa ako tinititigan, halos hindi na ako makasabay sa kalokohan ng mga kaibigan ko dahil sa kaniya. Ewan ko bakit gan'yan 'yan makatitig. Para bang mawawala ako. Kikiligin na ba ako niyan, Dante? Ang landi naman.
Masaya naman siya kanina, so bakit mukhang biyernes santo ang mukha nito? Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawa sa kaniya. Baka gusto lang magpapansin.
Lumapit ako sa kaniya, sinawalang bahala ang pagbaling ng mga kaibigan ko sa amin.
"Are you okay? May nagawa ba akong mali?" napanguso ako. Baka sakaling matablan.
Umarko ang kaniyang kilay. Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tumitig lang ito sa akin.
Tumikhim ako. "May gusto ka bang kainin? Anong gusto mo? Kukunin ko," subok ko ulit pero deadma pa rin ang natanggap ko. Hindi ba siya nauumay sa mukha ko? Titig na titig e, para bang ngayon lang nakita ang mukha ko.
If you are wondering what happened after our daughter's funeral. We talked, and I quickly understood everything, but I didn't accept his ring because I wasn't ready yet. I need to first fix myself with him. He agreed with me and promised that he wouldn't leave me.
Gano'n din kay Klaus, hindi ko siya pinakulong sa ginawa niya noon sa magulang namin dahil ayokong mawalan ng ama si Daisy. Wala na siyang ina tapos kukunin ko pa sa kaniya ang ama niya? Ayoko. Si Klaus na lang ang natira sa kaniya at ayoko siyang masaktan.
Maraming nangyari pagkatapos no'n. Nakatakas si Rida ayon kay Dante, at namatay naman si Aling Waning. Bago siya nawalan ng buhay non, natamaan niya sa balikat si Rida ngunit itoy nakatakas. Masakit, at nagsisi ako nang malaman lahat. Hindi madali, ilang buwan akong nanahimik para ayusin at I-proseso ang lahat. Gayunpaman, hindi ako iniwan ni Dante. He stayed while I was healing myself.
Nabunyag din ang mga sikreto na hindi namin nalalaman. Lalo na 'yung tatlong pintuan na naiwan sa NightClub. Isa sa mga pintuan ay silid ng mga kriminal, rapist at mga taong kumapit sa patalin para lamang magkaroon ng magandang kinabukasan. Nang malaman 'yon gusto kong sumuka dahil nasaksihan ko ang loob ng tatlong pintuan. Maraming mga katawan ng babae, puno ng pasa, nakahubad halos at hindi na makapagsalita. Para silang nabaliw. Takot na takot. Ayaw magpahawak.
Nakulong na ang mga namumuno sa mga pintuan na iyon ngunit nakatago pa rin sa dilim ang puno't dulo ng club na 'yon. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya. Masyado kasi siyang mailap at delekado ayon kay Klaus. Ngayon na nabunyag ang nilalaman ng NightClub, hindi ito palalampasin ng may-ari ng NC. Gagalaw at gagalaw din iyon, hindi nga lang ngayon, hindi natin alam.
I leaned back in my chair. Janice, Aia, and Farrah are still talking while their husbands are drinking on our side. Madaldal din pero mas malala itong si Janice.
I felt Dante's warm hand on my waist, which made me turn to him. Wala na sa akin ang kaniyang atensyon. He is laughing with Klane and Wade while squeezing my waist.
Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo dahil sa kaniyang ginawa. I was about to remove his hand when he looked at me. I immediately stopped and stared into his blue eyes.
"Don't take my hand away. Eat there first, we'll go back to our room together later."
He didn't wait for me to answer. He immediately turned to his friends and started chatting with them there.
I let out a deep sigh. I took food from the table and ate.
Hindi naman pinalampas ni Janice iyon. Nilingon niya ako at tinawanan na naman ng gaga. Hindi maka move on e.
"Tigilan niyo ako ha! Kumakain ako," banta ko sa kanila.
Ngumisi lamang si Farrah. "Dadalawin niyo ba ni Davian si Terra?"
Marahan akong tumango. Napansin ko ang paggalaw ni Dante dahilan nang paglingon ko sa kaniya. Ngumiti siya at tumango. Napansin kong namumula na ang kaniyang mukha.
Lasing agad? Ang weak naman nito.
"Sasama kami! Gusto rin naming dalawin si Terra,"
"Baka gusto mo ring dalawin ka ni Terra?" sagot ko kay Janice.
Napangiwi naman siya sa sinabi ko at dinaan sa tawa ang kaba. Epic talaga lagi ang mukha ni Janice. Takot 'yan sa multo e, hindi daw siya makakatulog ng maayos.
"Pagkatapos? May ikakasal ba ngayong taon?"
Farrah and Klane exchanged glances. Klane furrowed his brow while her gaze kept shifting back and forth between Dante and me.
"Hindi ko nga sabi sinalo iyon!" gigil na sagot ko.
"We know you didn't catch that, Luella. Aren't you happy that fate itself found a way for you to get married?"
Biglang tumibok ang aking puso. Nagulat ako dahil ngayon ko lang ulit ito naramdaman pagkatapos ng nangyari sa anak ko. Ngayon lang ulit nagpapansin ang puso ko. Akala ko hindi na ito titibok kay Dante, subalit ako'y nagkamali.
It found its home.
Unti-unting nabaling ang tingin ko kay Dante. Nagkatinginan kaming dalawa. I thought he would break away from that gaze, but I was surprised when he pulled me closer to him by the waist and whispered.
"I will marry you, Luella Rose Jacinta. And there's nothing you can do about it."
Napaawang ang bibig ko kasabay nang pag harumentado ng aking puso.
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro