Chapter 3 : He's dangerous
Luella's POV
Ang masasabi ko lang...hindi madali ang medicine. Ang daming mga ginagawa beh, hindi lang discussion at recitation. May ginagawa pang activities na ngayon ko lang na-realized na mahirap pala. Nakakaloka si Sir Howitzer, gusto yata tadtarin ang buong katawan ko. May iniwan na naman siyang takdang-aralin sa amin pero mas mahaba na ito ngayon, sa libro namin mismo hahanapin ang sagot. Ako'y naloloka na. Lalo na kay Janice na walang ginawang matino sa buhay, parang hindi takot mabagsak.
Sa bagay, mayaman naman iyon, kaya niyang bayaran ang grades niya. Mapapa-sana all ka na lang talaga.
So, iyon nga, umuwi akong sabog at pagod. Sa gate pa lang parang gusto ko nang humiga at yakapin ang malambot kong unan. Shocks! Wala na akong lakas. Sana hindi ako sumbatan ni Dante mamaya. Nagkita na naman kasi kami ni Klane, may tinanong lang. Nahuli niya akong tumatawa sa hallway kasama si Klane na tila wala pakialam sa mundo. Joke lang ito nang joke habang ako natatae na sa mala-laser na titig ni Dante. Kung hindi dahil sa apat na princes, hindi iyon aalis sa puwesto niya.
"Hays, kapagod naman this day..."
Pagkaapak na pagkapak ng mga paa ko sa grand entrance ng mansyon, parang gusto ko nang takbuhin ang distansya ng hagdan. Grabe, nakakapagod.
Inayos ko ang bag ko at tiningala ang malaking chandelier ng mansyon ngunit napatigil ako nang makita si Dante.
"Dante," mahina ngunit sapat na para marinig niya. Suot niya pa rin ang uniform ng DU. Mukhang kanina pa naka-uwi. Anong oras na kasi ngayon, hindi ko napansin dahil abala ako sa Lab kanina.
Sa grand library, nakatayo si Dante sa tabi ng magarbong fireplace, nakatalikod sa akin habang nagsasalita sa kaniyang telepono. Seryosong-seryoso, ayaw paabala.
Dahan-dahan akong humakbang, mas lalo namang kumunot ang kaniyang noo. Sino kaya ang kausap nito? Babae?
Nang makalapit, huminto siya. Binaba niya ang telepono at lumingon sa akin.
His expression shifted. "You're late," malamig niyang sabi.
Pumikit ako ng mariin, walang lakas na pumatol ngayon sa kaniya. Gusto kong umakyat sa sariling kuwarto to rest pero mukhang hindi yata ako papayagan nito.
Napapansin ko sa kaniyang mga mata na marami siyang gustong itanong sa akin. And I cannot just leave him here, mag-aaway na naman kaming dalawa.
"Maraming ginawa sa school. Buong araw akong abala," sagot ko sa mahinahong boses.
"Buong araw abala?" may halong pilyo ang kaniyang tanong. "O abala kay Klane?"
Ano na namang kinaputok ng butchi ng lalaking ito? Bakit galit na galit siya kay Klane? Kakilala pa lang naman no'n e, and we just talked lang kanina sa campus. Wala naman siyang ginawang masama. Ito talaga si Dante, ma-issue. Ano naman ngayon kung magkasama kami ni Klane? Siya nga hinahayaan ko e.
Iisipin ko na talagang may crush 'to sa akin kapag gan'yan siya lagi.
"Ano na naman 'to, Dante?" walang gana kong tanong.
"I'm talking about the little scene I witnessed on campus today," he said while his eyes narrowed in accusation.
"I saw you meeting with Klane. Remember when I warned you to stay away from him?" naalala ko nga iyon, pero wala namang masamang ginawa sa akin si Klane. Sa katunayan nga niyan ay tinulungan niya ako pa kanina. Ang laki talaga ng problema mo, Dante. Pasalamat ka't crush kita, kung hindi! Naku na lang ang masasabi ko.
"I just ran into him," giit ko dahil iyon naman ang unang nangyari bago kami nakita ni Dante. "He's a fellow medical student. There's nothing wrong with that."
"Oh, is that right?" he scoffed. "And what were you doing, holding hands and whispering sweet nothing in each other's ears?"
"Ano bang problema mo kay Klane, Dante? Wala naman siyang ginawang masama sa akin!"
Umiinit na ang ulo ko, Dante, ah. Pepektusan na talaga kita kapag hindi ka pa tumigil.
"He's a bad Influence. You know what he's like. " He's not bad, mabait si Klane. Nga lang, baliw minsan. Kahit na hindi nakakatawa 'yung jokes niya tinatawanan niya. Ako naman itong gaga, sinabayan din siya. Nakakaloka.
Matagal pa ba itong matapos? Inaantok na ako, oh.
"Hindi talaga kita maintindihan, Dante. Paiba-iba utak mo e. We're not doing anything wrong. You act like he's some kind of criminal."
Nakaka-stress ka, ah.
"He's a distraction, Luella. You need to focus on your studies!"
Kumunot ng bahagya ang noo ko at natawa ng mahina sa kaniyang sinabi. Si Dante ba 'to? Himala't may pakialam na siya ngayon sa pag-aaral ko. Akala ko walang pansinan at pakialamanan sa campus?
"And I can't do that with Klane around? Is that what you're saying? Sa tingin mo pinapabayaan ko ang pag-aaral ko ngayon?"
Dante's gaze hardened. Napalunok ako upang ibsan ang kabang naramdaman. I can't believe him! Kung anuman ang dahilan nang kinaputok ng ugat niya ngayon, sana malunasan na kaagad dahil ayokong nag-aaway kami sa maliit na bagay kagaya nito.
"I'm just trying to protect you, Luella. Hindi mo ba napapansin 'yon?"
Lumapit ako sa hamba ng hagdanan. Nanatili pa ring matigas ang aming mga mukha. Hindi magpapatalo.
"From what, exactly? From making my own choices? From having my own friends?"
"You have two friends, already. Hindi pa ba enough 'yon? Kailangan talaga lalaki?"
"My gosh, Dante! Bakit ka gan'yan ngayon? We already talked about this, right? We can do whatever we want! Kasal lang naman tayo sa papel! I have my own life and you have too!"
Grabe ka, Dante, nafu-frustrate na ako sa'yo. Ngayon lang ako nairita nang todong-todo sa kaniya. Dahil siguro sa activities at pagod kaya mainit ang ulo ko ngayon. Sinabayan pa ni Dante, wala namang kabuluhan ang usapan.
Binalik ko ang tingin sa kaniya. Nakaawang ang kaniyang bibig. Hindi na sumagot.
Tumikhim ako at nagpasya na pumasok na sa sariling kwarto upang magpahinga.
"This is not working, Dante. I'm going to my room."
***
KINAUMAGAHAN hindi kami nagpapansinan ni Dante sa hapagkainan. Napansin naman iyon ni Aling Waning subalit mas pinili nitong manahimik kaysa makiusisa. Kahit pagod ako kagabi, naalala ko pa rin ang walang kabuluhang sagutan namin ni Dante kaya habang kaya ko pang umiwas, iiwasan ko muna siya kahit masakit. Hoay! Sino namang matutuwang iiwasan ang crush, aber? Oo crush ko siya pero ayoko munang isipin iyon sa ngayon. May alitan kami kagabi, gusto kong humingi siya ng tawad sa akin.
Siya kasi nagsimula e.
Kung anuman man ang problema niya kay Klane, labas na ako do'n.
"May gagawin ka ba mamaya, Luella?" tanong ni mama sa kalagitnaang ng pananahimik namin. Tanging tunog lang ng hininga at kubyertos ang naririnig sa buong mansyon.
"Bakit, ma? May I-uutos ka?"
"Oo sana. May inorder kasing lotion si Fiang sa akin, diyan sa kabilang mansyon. Papasuyo ko sana sa'yo pagkatapos mong kumain, 'nak. Ayos lang ba sa'yo? Hindi ka ba mali-late sa klase?"
Ngumiti ako at marahang binaba ang kutsara at tinidor. Katatapos ko lang kumain. "Yes naman, ma. Kilala ko rin 'yang si Fiang, e. Hindi ba't siya 'yong may kuyang gwapo, ma? Ano nga ulit pangalan non?"
Napaatras ako nang biglang gumalaw si Dante sa kaniyang kinauupuan. Padarang niyang nilapag ang kubyertos kayat nag sanhi iyon ng malakas na ingay.
Sungit naman.
"Anong oras ang first sub mo? Ihahatid kita,"
Nabalik ang tingin ko sa kaniya. "Hindi na kailangan, Dante. Nand'yan naman si manong, papahatid ako sa kaniya."
"Kararating lang ni Arnold, Luella. Ako na ang maghahatid sa'yo. Prepare yourself. I'll wait outside." Iyon lang at nauna nang lumabas, ni hindi na nagsipilyo. Sa bagay, mabango naman at mas maputi pa sa singit ko 'yung mga ngipin niya. Ako, kailangan kong masipilyo, lakas ko pa naman tumawa. Baka maamoy nila ang hininga ko at mahulaan ang ulam ko. Magseselos na naman si Janice, mukhang pagkain pa naman 'yon. Hindi naman tumataba.
Ano kaya ang sikreto niya?
"Mag-iingat kayong dalawa, ah? At ikaw naman, Luella, huwag mong inaasar 'yang si Dante. Kagabi pa wala sa mood 'yan,"
"Bakit po siya wala sa mood, ma? Broken-hearted ba siya?"
"Abay ewan ko sainyong dalawa!" napasimangot ako.
Nilahad niya sa akin ang paperbag at tinulak ako nang bahagya upang tumuloy na. Tinawanan ko lamang siya saka lumabas ng mansyon.
Nadatnan ko si Dante sa labas, nakasandal sa kaniyang sports car. Nang makita ako, binuksan niya ang front seat. Dali-dali naman akong lumapit ngunit nawala ang excitement ko nang pumasok siya roon at nakitang driver seat iyon.
Tangina mo talaga, Dante. May pa gano'n-gano'n kapang eksena e driver seat naman pala ang bubuksan mo.
"Ano pang hinihintay mo?"
Umirap ako. Binuksan ko ang backseat at doon umupo. Nilapag ko ang paper bag sa aking tabi habang nakasimangot ang mukha.
"Hindi ka talaga magso-sorry, Dante?"
Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "Para saan?"
"Sa mga sinabi mo tungkol kay Klane!"
Nagkibit-balikat siya. "Wala naman dapat ika-hinging tawad, Luella. Totoo naman lahat 'yung sinabi ko kahapon sa'yo. He's dangerous."
"Paano mo naman na sabi na gano'n nga talaga si Klane?"
Ito na naman kaming dalawa. Si Klane na naman ang pag-uusapan namin. Sana ayos lang siya ngayon. Hindi sana natisod iyon o bumangga dahil bukambibig namin siya lagi ni Dante. Epal kasi 'to e, ayaw na lang aminin na nagseselos siya sa aming dalawa. Dami pang sinasabi.
Dinaan muna namin kina Fiang ang order nitong lotion. Pagkatapos ay bumalik muli ako sa sasakyan, medyo disappointed pa dahil wala roon ang kaniyang poging kuya.
Dante cleared his throat. Muli na naman naming pinag-usapan ang tungkol kay Klane. May crush yata siya do'n e.
"I'm telling you, Klane is dangerous." Hindi ba siya nagsasawa sa paulit-ulit na sinasabi niya?
"I don't think so. Mabait naman siya sa akin. Hindi lang talaga kayo close," asik ko naman.
Natatanaw ko na hindi kalayuan ang malaking building ng Dreamweaver University. Syempre, hindi na naman ako isasama ni Dante sa loob. Ayaw niyang makita kami ng mga babae niyang magkasama. Baka iisiping mag-jowa kami kahit gusto ko 'yung mangyari. Charot!
"Don't be fooled. I saw him with my own eyes getting into a fight with some tambay,"
"Hindi ako maniniwala sa'yo."
Nagkasalubong ang kaniyang kilay.
Tumigil ang sasakyan sa gilid ng university kung saan nakaparada ang mga jeep at tricycle.
"You're so naive if you think he's harmless."
"Bakit mo bini-big deal ang usapang 'to ah? Hindi ba't sinabi mong walang pakialamanan? Anong nangyari?"
"I care about you, Luella. Ayokong multuhin ni Lola sa kadahilanang hindi ko ginagampanan ang pagiging asawa ko sa'yo. And I don't want you to get hurt."
Kinagat ko ang ibabang labi, pinipigilan ang ngisi ko. Gago ka talaga, Dante. Nakuha mo na naman ako sa paganyan-ganyan mo. Naku!
Tumikhim ako. Takot din multuhin ni Lola."I appreciate that, but I can take care of myself, Dante."
"Not from someone like Klane. He's a dangerous man." Lagi niya talagang pinu-push si Klane. Hindi ba siya nauumay kay Klane? Hindi ako interesado sa lalaking 'yon, gusto niya lang makipag-kaibigan, iyon lang.
"Nagseselos ka ba sa kaniya?" kantyaw ko sa kaniya na sinasabayan pa ng mahinang tawa.
Nagseselos 'to panigurado.
"Bakit naman ako magseselos? I know I'm better than him, Luella. Walang dapat ka-selosan. And I'm just trying to protect you. Huwag ka ngang assuming."
"Weh? Talaga lang, ah? Sure na 'yan?
Sinamaan niya ako ng tingin kasabay nito ang pagbukas ng pintuan.
"Hindi ako magseselos sa gano'ng klaseng lalaki, Luella."
And the moment my feet stepped on the ground, pinaharorot niya nang mabilis ang sasakyan. Muntik pa akong matumba dahil sa gulat. Mabuti na lang wala akong sakit sa puso.
"Hayup ka talaga, Dante!"
Pinagpagan ko ang maiksi kong palda gano'n din ang blouse kong nadapuhan ng dumi dahil sa ginawa niya. Nakakainis naman, Dante, oh! Excited ka talagang makita ang mga babae mo, noh? Ang landi mo naman.
"Ice cream! Ice cream kayo riyan!"
Nabaling ang tingin ko sa aleng nagtitinda ng ice cream. Gusto ko sanang bumili kaya lang masyado pang maaga para kumain ng ice cream. Babalikan ko na lang mamaya o bukas.
Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago nagpasya na pumasok sa loob ng Dreamweaver University.
Panibagong stress na naman.
"ROSE!" muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa lakas ng boses ni Janice. Lokong babaeng ito. Ano na naman kaya ang nahithit nito? Ang taas ng energy niya ngayon, ah.
"Nakakahiya ka. Ang lakas ng boses mo," sambit ko nang nakalapit na silang dalawa sa akin.
Benelatan niya lang ako at hinila papuntang canteen. "Anong gagawin natin dito? May pasok tayo, ah," angil ko.
"Wala pa si Sir Howitzer. Lagi namang busy sa department iyon. Nga pala, naayos mo na ba ang ppt natin? Next next week na 'yon, hindi ba?"
Nagpakawala ako ng hininga. "Ginagawa ko pa lang." Sagot ko saka nilibot ang tingin sa canteen. Kaonti lang ang mga estudyante ngayon dahil may sari-sarili silang mga klase. Kami lang yata ang wala pa.
"Nakalimutan ko nga pa lang sabihin sa'yo, Luella. May patagisan tayo ng talino next month. Sino ang sasabak? Kalaban natin ang Law,"
"Huh?" Kumunot ang noo ko. Kailan ito sinabi? Wala akong matandaan.
"Syempre si Luella na 'yan! Ang talino kaya niyan. Ay! Si Dante pala makakalaban mo kapag sumabak ka, Rose. Baka lapagan ka na naman ng mga Articles non at Republic Act!" umalingawngaw ang tawa niya sa canteen. Nakakainsulto ah.
Naalala ko na naman 'yong sagutan namin about sa articles at republic act na 'yan. Grabe, para akong masisiraan ng ulo!
"Tigilan mo ako. Nandiyan naman si Aia at Farrah, kaya na nilang dalawa 'yan," walang gana kong sagot saka sumandal sa sandalan.
Ayokong ma-stress kay Dante. Aminado naman akong kaya kong siyang talunin pero ayokong masiraan ng ulo dahil sa kaniya. For sure, may lalabas na namang articles diyan. Marami naman akong alam pero kapag usapang law, shut up na lang. Kaya naman siguro nina Aia at Farrah 'yan. Matalino din sila. Nangunguna nga lang ako sa klase.
Proud 'yarn?
"Hindi muna ako sasabak diyan, Luella. Ayokong mapahiya,"
"Ano ka ba! Anong mahihiya? E ang talino mo nga. For sure matatalo mo sina Wade at Dante!" confident na gatong ni Janice. So, silang dalawa ang sasabak mula sa law. Hindi madaling laban 'to. Top 1 at top 2 ang magkasama.
"Sino ang top 2 sa block natin?"
Every block may rank. Nasa top 1 ako habang nasa top 3 naman si Aia. Si Janice lang ang wala dahil hindi naman daw importante iyon. Ang mahalaga ay nakapagtapos. Kaloka.
"Si Klane Howitzer! Matalino 'yon, hindi nga lang halata. Kayo na lang kayang dalawa? Friends na kayo, right?"
I shrugged my shoulder. Baka mas lalong uusok ang ilong ni Dante kapag makita niya kaming magkasama ni Klane. Magiging world war talaga ito imbes na patagisan.
"Hindi kami ganoon ka-close. Ayaw mo ba talaga Aia? Susuportahan ka naman namin,"
Umiling siya. "Pass muna ako, Luella. Ayokong kalabanin ang Fuego at Salvatore."
Tsk. Ano ba kasing meron sa dalawang 'yan? Aside sa matalino sila, ano pa? Hindi naman siguro sila magchi-cheat. Hays, anong gagawin ko? Paniguradong itutulak ako ni Sir Howitzer sa patagisan na ito kahit ayaw ko.
Aabsent na lang kaya ako sa huwebes? Magagalit kaya siya?
"Kung anuman man 'yang binabalak mo huwag mo na ituloy. Kahit ayaw mo, pipilitin ka pa rin ni Sir Howitzer. Competitive ang matandang 'yon e,"
"Tungkol saan ba ang paksa?"
"Sabi nila, hindi daw ito literal na patagisan talaga,"
"Ano?"
"Hindi ko rin alam, Luella. Kung sasabak ka, tutulungan ka namin ni Janice. Marami akong libro sa bahay na may mga Articles at Republic Acts. Possible kasi na lalabas iyon since Law at Medicine ang magkakaharap."
Akoy maloloka. Ganito ba talaga kapag matalino?
Ayokong makaharap si Dante! Mahihimatay ako!
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro