Chapter 29 : Star
Luella's POV
"She's a girl..." the doctor said while looking at my child soundly sleeping in my arms. "And she's really beautiful. She has blue eyes that she probably inherited from his father." That's not a question, that's a statement.
I nodded and gently stroked my child's chubby cheek with one finger. I can't help but shed tears while watching my baby, Terra. Despite everything I've been through, I was given a blessing that I will carry until the end. I am happy because this is our daughter, I am happy because she inherited Dante's blue eyes, which I liked so much about him, and I will never get tired of gazing into the eyes that captured my heart.
"Terra is so beautiful, dad!"
"Of course, namana niya sa mommy niya!" Klaus said with a laugh. Nasa harapan namin siya ni Daisy, habang si Daisy naman ay malaki ang ngising nakatitig kay Terra. Bakas ang gigil sa kaniyang mukha.
"Can I hold her, Mama Luella?"
Marahan akong tumango. "Oo naman, Daisy."
"Be careful, Daisy. You might wake up Terra," his father reminded her.
Daisy happily nodded and slowly approached Terra's clenched hand and held it. Kinikilig pa siya habang pabalik-balik ang kaniyang tingin sa aming dalawa ni Klaus.
Natawa na lang kami sa kakyutan niya. Manang-mana talaga sa ama.
I smiled while watching the two of them. I treat Daisy like my own child because she looks exactly like my twin, Luna. I don't know why Luna left her child. Hindi naman ito pasaway, makulit at matigas ang ulo. Sa katunayan nga n'yan ay mabait ito at laging sumusunod sa mga sinasabi ni Klaus. He really raised his daughter well. Kung tinanggap lang 'to ni Luna, magiging masaya siguro sila ni Klaus.
Araw-araw laging hinahanap ni Daisy ang mama niya. Lagi naman siyang pinagsabihan ni Klaus na huwag niya nang hanapin ang mama niya dahil hindi na 'yon babalik pa. Iniwan na sila. Umiiyak si Daisy, gusto niyang maramdaman ang yakap ng kaniyang ina, ang haplos ng kaniyang ina at ang pagmamahal nito. Paminsan nasasaktan ako sa tuwing pinapakalma ni Klaus si Daisy. Nasasaktan din siya para sa anak pero hindi niya iyon pinapakita dahil alam niyang masakit umasa.
Nanatili kami sa Canada. Doon kami dinala ni Klaus. Ang laki ng utang na loob ko sa kaniya dahil hindi lang tinulungan niya ako, kundi siya rin ang nagbayad ng lahat sa ospital. Noong nagkasakit si Terra, siya ang nanatili sa hospital dahil nagtatrabaho ako noon para makatulong sa gastusin. Sinabihan niya naman akong hindi na kailangan pero hindi ako pumayag dahil ayokong isipin ng mga magulang niya na pera lang ang habol ko kay Klaus.
Alam nilang hindi anak ni Klaus si Terra dahil sa mata pa lang nito ay halatang iba na ang ama. Ngunit, hindi nila ako tinanong noon. Ngumiti lamang sila sa akin at tinanggap kami ng buo.
Nasaksihan ko ang paglaki ni Terra sa Canada. Ang unti-unti niyang pagsanay sa lugar at pananalita. Nasanay din sa kanila si Terra at napamahal din ang pamilya ni Klaus sa kaniya.
When Terra arrived, my world became more colorful. The pains I experienced before disappeared, and the mistakes I made were replaced with happiness.
"Do you believe that I am one of those stars, Mama?" Turo niya sa mga bituin sa kalangitan na nagniningning.
I looked over at her, surprised by her words. She was only four years old, and I didn't expect her to be thinking about such things.
I caressed her long hair. "Do you want to be a star?" I said with a laugh.
She also laughed, causing her eyes to squint. And upon opening her eyes, I was taken aback. The sparkle in her blue eyes danced with the wind, as if I were taken to the ocean with her and Dante. Hand in hand, smiling as we walk along the vast sands of the ocean.
"Yes, mommy!"
"Why do you want to be a star, Terra?"
She turned to look at me, her eyes shining with excitement. "So that I can see you," she said simply.
"But, I'm here with you." I said, gesturing to the space between us.
"No, mommy. I mean, I want to be a star in the sky. That way, I can always see you, no matter where I am."
"That's beautiful thought, Terra." Napalunok ako. "But remember, you don't have to be a star to always be with me. I'll always be here for you, no matter what."
I looked up at the stars again, imagining Terra as one of them. I could see her now, twinkling down at me from her place among the heavens.
I love you, my little Dianne Terra Salvatore.
***
Mas lalong nanikip ang dibdib ko habang pinapanood ang mga kaibigan kong umiiyak sa harapan ng kabaong ni Terra. Nasa malayo ako, hindi kayang lapitan ang sariling kabaong ng aking anak. Hindi ko kayang makita siyang nakahiga, pikit ang mga mata at walang buhay.
Ang sakit. Siya na lang ang natira sa akin kinuha pa. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Wala na akong mapupuntahan. Umalis na silang lahat sa akin! Ako na lang.
Pati si Aling Waning wala na.
Nakikita mo ba ako ngayon, anak? Bakit mo 'ko iniwan? Gusto mo bang samahan kita riyan?
Tumingala ako sa kalangitan habang patuloy na umaagos ang aking mga luha. Walang lakas loob na punasan. Hinang-hina na at gusto na lang bumitaw.
Nakatuon sa isang bituin ang aking mga mata, ngumiti ako nang mapakla nang maalala kong gusto niyang maging bituin. Ngayong nag-iisa, ikaw ba 'yan, Terra? Nakikita mo ba si mama ngayon?
Gusto kong abutin ang bituin. Gusto kong makita ang anak ko. Tangina! Ibalik niyo ang anak ko! Terra, bumalik ka na kay mama, uuwi pa tayo, anak.
Napaatras ako, mas lalong napahagolgol habang sakit lamang ang naramdaman. Gusto kong tumakbo, lumayo sa lugar na ito, pilit sinasabi sa sarili na hindi ko anak ang nasa kabaong ngayon, ngunit isa 'yong kahibangan.
Tanggap na nila si Terra pero hanggang ngayon nababaliw pa rin ako sa kaiisip kailan babalik ang anak ko. Umaasa ako na panaginip lamang ito, binabangungot lamang ako at may bukas pa pero tangina wala na.
"Anong ginagawa mo dito?!" galit na sigaw ni Klaus nang makita nitong pumasok si Dante.
Nakaupo lamang ako, walang emosyon ang mukha habang pinagmamasdan sila sa aking harapan. Wala nang luhang lumabas sa aking mga mata. Naubos na.
Naka-itim na polo shirt si Dante, mugto ang mga mata at tila nawalan din ng lakas.
Dahan-dahan niyang inangat ang ulo. Malumay niyang hinawi sa daan si Klaus ngunit nagmatigas ito. Galit niyang tinitigan si Dante.
"Umalis ka na. Hindi ka kailangan dito!"
"Gusto kong makita ang anak ko, Klaus. Tumabi ka," malamig na sabi nito ngunit hindi pa rin natinag si Klaus.
Lumapit siya kay Dante at malakas itong tinulak palabas dahilan nang pagkatumba nito, tumama ang kaniyang katawan sa mga nakahilerang upuan.
"Umalis ka rito! Hindi ka kailangan ni Terra!"
Pumikit ako ng mariin. Gusto ko lapitan si Dante at tulungang tumayo pero nanigas ako sa aking kinauupuan. Walang lakas na tumayo. Wala ring tumulong sa kaniya, tiningnan lamang siya ng mga kaibigan ko, bakas ang galit at di-pagkagusto sa kanilang mga mata.
Umiwas ako ng tingin. Binalik sa malaking litrato ni Terra.
"That's my daughter, Klaus! Even at the last moment, please allow me to see my child!"
"Makita? You killed your own child!"
"Kill? Tangina. Why would I kill my own child! If it weren't for you, none of this would have happened!"
Tumawa ng malakas si Klaus. Tamang hindi nakatatawa. "Naging kasalanan ko pa ngayon, Davian? Sino sa ating dalawa ang nagbubulag-bulagan, ha? Hindi ba't ikaw? Pinili mo pa rin si Luna kahit alam mong magkaiba sila. Matagal mo nang kilala si Luella pero nanatili ka pa rin kay Luna. Bakit, Dante? Hindi pa ba tapos ang plano mong maghiganti?"
Akala ko wala na akong luhang ilalabas subalit napasinghap na lamang ako nang nag-unahan itong bumagsak sa aking pisnge. Muli ko na namang pinikit ang aking mga mata, pilit sinawalang bahala ang alitan nilang dalawa.
"Ano ba kayo! Doon kayo sa labas mag-away. Respeto sa bata, Davian! Klaus!" kahit nanginginig ang boses, nilaban pa rin ni Janice. Lumapit siya sa dalawa at tinulak ito palabas.
"Gago e! Ang kapal ng mukha! Ikaw naman pala ang puno't dulo ng lahat ng 'to. Bakit nagpakita ka pa ha?"
Kahit nasa labas na sila, naririnig ko pa rin ang kanilang pinag-uusapan.
Inangat ko ang ulo, ngumiti ng pilit sa akin si Janice at niyakap ako ng mahigpit. Tumango lamang ako, gano'n pa rin ang mukha. Walang emosyon.
"Let's not pretend here, Klaus. You already knew, so why did you still take them abroad? To make Luna realize that Luella is better than her, huh? You still hope she'll come back, that's why you used Luella. What did you gain? Did you get it?"
I heard a loud punch. That came from Klaus, which caused Dante to fall silent for a moment.
"Totoo naman, hindi ba? Nagpapakabakla ka! Ginamit mo lang si Luella para agawin ang atensyon ni Luna. Gago! Ang lapit-lapit niyo na hindi mo pa rin kayang kunin? Kulang na lang sampalin ka ni Luna e!"
"Fuck you! You don't understand!Papaano ko kukunin ang taong ayaw naman sa akin! The conversation here is about Terra, damn you, Dante! You don't know the pain and suffering Luella went through when she left Isabela City. Mahal ka non tangina mo pero pinili mong magbulag-bulagan para makahiganti! Ano, masaya ka na ngayon kasi wala nang natira kay Luella?"
Dinamay pa talaga ng mga hayup na ito ang nanahimik na diwa ng anak ko!
"Is it my fault that you hid my child from me, Klaus? Is it my fault that I thought that was your child? If I hadn't seen Terra's eyes, I wouldn't have known that child was mine, Klaus! Yes, I want revenge because the Jacintas killed my dad! They deceived him, toyed him! Do you think I will be happy? Damn you, Klaus. Even though it hurts, even though I don't want to, I still accepted Lola's wish to marry the Jacinta's daughter, even though I hate them ginawa ko pa rin! They made their child pay for the great sin they committed. Do you think I won? Did I kill Luna? Am I the one who killed his parents and am I the one who killed my own child, Klaus? Huwag na tayong maglokohan dito. Alam mo kung sino sa atin ang may malaking kasalanan dito. Inaamin ko na gusto kong maghiganti pero hindi umabot sa punto na kaya kong pumatay. Tangina mo! Attorney ako, hindi mamamatay tao! Alam mo 'yan!"
Panibagong luha na naman ang tumulo sa aking pisnge. Hindi na ako makakahinga ng maayos habang nakikinig sa kanilang dalawa. Miski si Janice ay naguguluhan din sa narinig.
"His father was actually killed. So, who killed your parents and Luna?"
I burst into tears again. I can't look Janice in the eyes. I killed Luna because she killed my daughter!
"Do you still remember the fire that came from the Jacinta's house? I'm not stupid enough not to know that you're the one behind that, Klaus. You burned down Luna's entire house when you found out she was with another man. His parents were also affected, the couple's bodies were burned and turned to ashes. Grandma saved Luella and she acted as Luna. Yes, I admit I was really angry because I remembered what she said to Grandma before, but I still accepted it!"
Hindi nagsalita si Klaus, natahimik ito habang ako naman ay nakakuyom ang kamao habang hininhingal sa kaiiyak. So, si Klaus ang may pakana ng pagsunog na iyon? Muntik na akong mamatay noon! Kung hindi dahil sa Lola ni Dante, paniguradong sunog din ang katawan ko.
Naramdaman ko ang paghaplos ni Janice sa aking braso. Nabaling ang tingin ko sa kaniya, napasinghap ako nang makita ang gulat at pag-aalala sa kaniyang mukha. Galit ako, oo, pero imbes na lumabas at pagalitan si Klaus sa nagawa niya noon sa amin, pinili kong manatili sa tabi ni Terra.
Patong-pato na ang sakit ngayon, nakakabaliw at nakakapanghina.
Lumipas ang ilang minuto, walang nagsalita sa kanila. Narinig ko na lamang na bumukas ang pintuan at niluwa sina Klaus at Dante na kapwa mugto at maraming pasa sa mukha.
Nagtama ang mata namin ni Dante. Nakagat ko kaagad ang labi ko nang makitang bumagsak ang kaniyang mga luha. Pagod na pagod ang mukha at kulang na lang bumagsak.
"Gusto mo bang lumabas?" tanong ni Janice. Lumapit na rin si Aia sa amin at niyakap ako.
"Magiging maayos din ang lahat, Luella. Laban lang."
Tumango ako at ngumiti sa kanila. Ngiting walang kabuhay-buhay.
My gaze landed on Klaus, who was currently standing beside me. Gaya rin ni Dante, tumulo din ang luha nito pero wala akong balak na kausapin siya.
We are all guilty here. Klaus killed my parents because of Luna. Luna killed my child because of me, I killed Luna because of my child, at tanging naging kasalanan lamang ni Dante ay hindi niya pinag-isipan ng maayos ang lahat. Hindi magagawa ni Luna 'yon kung binigay niya ito kay Klaus. He just let it happen. He knows everything but he chose to stay silent and just let it be. Now, we all suffered. Lost.
I didn't cry when we buried Terra. I was just standing there, talking to her silently. I accept that everything can't be returned even though it hurts. Now that my child is ready to break free, I will be strong for her.
I love you so much, Terra. Mommy will never forget you.
Goodbye, my only star.
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro