Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28 : True enemy

Luella's POV

Ngayong araw ang binyag ng anak ni Klane. Imbitado lahat ang mga kaibigan niya gano'n din kami nina Janice. She just came back from America with Wade, na parang wala yatang balak na bitawan si Janice dahil sa hapit nang pagkakahawak niya rito. Mga loka-loka. Kanina ko pa napapansin ang higpit na hawak ni Wade kay Janice. Seryoso? Hindi naman tatakbo si Janice e.

Kung itatanong niyo kung alam na ba ni Janice sino ako at kung sino si Luna? Yes, alam niya na na magkaiba kaming dalawa. Last week pumunta siya kina Luna, kinausap niya ito. Umakto ang gaga na kilala niya ako, mabuti na lang hindi siya pinaalis ni Luna. Ang arte daw at muntik pa siyang idamay sa ka-dramahan nito. Nag-away daw kasi sina Dante at Luna. Hindi niya sinabi anong rason, hindi ko na lang din kinulit pa. Wala naman akong pakialam.

Himala't nakaya niya ang ugali no'n.

"Ang ganda ni Terra talaga, Rose! Namana niya kay ano ang blue eyes niya," she whispered softly while watching my child with Farrah, Klane, and Aia hindi kalayuan. Yes, I'm with my princess right now. I brought her along dahil walang magbabantay sa kaniya sa bahay. The nanny left because she had an emergency at their house. Wala rin sina Daisy at Klaus, may aasikasuhin daw. I didn't pry further because I knew it was a family matter, and Terra and I weren't involved.

Terra is not Klaus's child. Anak siya ni Davian. Noong umalis ako ng ospital noon, 4 weeks kong nalaman na buntis na pala ako. Maraming nangyari, marami akong hinanap na mga bagay na halos iniyakan ko talaga. Mabuti na lang nandoon si Klaus sa panahon na iyon, tinulungan niya ako at nag-desisyon na lumabas kami ng bansa at doon palakihin ang bata. Hindi masama ang loob ko nang malaman kong buntis ako noon, tinanggap ko ng lubos ang anak ko.

Hindi ko rin naman sinabing wala akong balak ipakilala si Terra kay Dante. If he wants to meet his child, why not, right? He has the right to know, pero sa tingin ko ay hindi ito ang tamang panahon para sumawsaw sa gulo ngayon. Ayokong madamay ang anak ko sa gulo nina Luna at Dante kaya mananahimik muna ako at maghihintay ng tamang panahon.

Marahan akong tumango at ngumiti sa anak kong kumaway sa akin. Farrah and Klane already know that my child is a Salvatore. Just by looking into her eyes, it's already obvious. It's impossible for this to be Klaus's child, he doesn't have blue eyes, just like me. Dinaan ko na lang sa tawa kasi hindi ko naman itatanggi. Dugong Salvatore talaga si Terra.

"Paano kung makita siya ni Davian? Anong gagawin mo?"

I turned my gaze towards her. I straightened my posture from my seat and swallowed.

"I won't be surprised anymore, Janice. Maliit lamang ang mundong kinagagalawan namin ngayon. Makikita at makikita niya talaga si Terra. Hindi ko ipagdadamot sa kaniya ang anak niya kung gusto niya,"

"Papayag ka kapag kukunin niya ang anak mo?"

Hindi.

"Hindi. May karapatan siya pero hindi ko siya hahayaan na kunin na lang basta-basta ang anak ko."

He doesn't know what I went through while I was pregnant with Terra. Marami mga kalaban noong sumugod sa akin. Kung wala siguro si Klaus, hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon ni Terra kaya hindi ko mabitaw-bitawan si Klaus dahil ang laki ng utang na loob ko sa kaniya. Mahal ko naman siya, hindi nga lang pareho kay Dante na kinababaliwan ko noon.

"Sa bagay. Davian doesn't know what you went through before, and it's not easy to be a mother. By the way, did you know that Davian is also invited here?"

My ears perked up at what I heard. "W-What?" As far as I know, hindi sila magkaibigan ni Klane, ah.

Kaaway niya nga ito noon. Halos isumpa niya nga si Klane sa harapan ko para lang umiwas ako dati.

"Gaga! Dami mo talagang na-miss. Ninong din si Davian te! Sa kaniya nga galing iyong malaking regalo oh!" Tinuro niya ang malaking regalo sa ibabaw ng lamesa.

I gasped. So, will we meet here? Am I ready? He must know that I'm not Luna, right? Damn it. Why am I so nervous?!

"And speaking of-"

"Mommy! Binigyan ako ng bagong damit ni Tita Farrah!"

It felt like the whole world stopped when our eyes met. He stood in front of us, jaw clenched while staring at me. Damn it.

"Mommy, are you okay? Hello Tita Janice!"

I couldn't move my own body, it felt like I was frozen in my seat. If I hadn't felt the warmth of Terra's hand, my position would remain the same.

I cleared my throat and quickly turned away. I turned my attention to Terra, who was now grinning widely while looking at Janice.

Nagkatinginan kami ni Janice panandalian. Ngumiti lamang ito na parang inaasahan niya na.

"T-Terra, ang ganda nito ah!" mapait na sabi ko habang nanginginig ang aking mga kamay sa kaba. Tangina.

Nararamdaman kong nasa likuran ko pa siya, nakatayo at tila walang balak na umalis.

Pinagpawisan na ako dito oh!

"Talaga, mommy? Gusto ko nga po lahat! Hihi-"

"Luella Rose..."

Nanigas ako sa aking kinauupuan kasabay nito ang unti-unting pagtulo ng aking mga luha at pagbilis ng pagtibok ng aking puso.

Na-miss ko ang boses niya.

Damn it. Heto na naman tayo, aasa ka na naman, Luella? Hindi ba't magmo-move on ka na?

"We need to talk."

"Who is he, mommy? Why does he have blue eyes too?"

Nagkatinginan muli kaming dalawa ni Janice habang palipat-lipat naman ang tingin ni Terra sa aming dalawa ni Dante. Hindi ko alam kung anong naging reaction niya nang makita niya si Terra pero isa lang ang masisiguro ko. May alam na siya.

Mas lalong kumunot ang noo ni Terra. Bago pa man ito magsalita muli ay tumango ako kay Janice. Sinenyasan ko siyang kunin muna ang anak ko.

"Baby, gusto mo bang kumain ng cupcake? Halika, sasamahan kita," nakangiting aya niya kay Terra.

"I don't like sweets po, Tita Janice," nakasimangot niyang sagot. Gosh, anak, sumama ka na sa Tita mo. Kanina pa ako pinagpapawisan dito, kabadong-kabado na sa magiging reaksyon ni Dante.

"Ah, ano na lang?" hilaw na ngumiti si Janice, palihim niya pang kinurot ang tagiliran ni Wade upang humingi ng tulong dito.

"You want to play with your Tita's child? Marami silang mga toys," nakangiting alok ni Wade.

Unti-unting sumilay ang ngisi ni Terra dahilan nang pagngiti din ng dalawa. Mukhang nakahinga na nang maluwag.

Lumapit si Janice kay Terra at binuhat ito bago tumango sa aming dalawa ni Dante. Lumapit sila kina Farrah at Klane na ngayong nakatingin na pala sa amin.

Nang makita nilang papalapit ang tatlo, kumaway si Farrah kay Janice at ngumiti.

Muli na naman akong napatikhim nang maramdaman ang presenya ni Dante. Pumunta siya sa aking harapan at umupo.

Calm down, Luella Rose. Si Davian Terron Salvatore lang 'yan. Tangina.

"Anong pag-uusapan natin?"

Kinuyom ko ng mariin ang aking kamao.

Nagpakawala muna siya ng malalim na buntonghininga saka tumitig sa akin. Muli ko na namang nakita ang asul niyang mga mata, matang bumihag sa puso ko noon. Inaamin ko na na-miss ko ang mga matang iyon at gustong umiyak sa kaniyang harapan pero pinipigilan ko ang sarili.

"How are you?" simula niya.

"I'm doing well, Dant-Davian. You, how are you?" I was caught off guard.

Gusto kong yakapin at hagkan si Dante dahil matagal ko na siyang gustong makita. I'm just holding myself back because I don't want to get hurt. Now that he is in front of me, I can't help but feel restless. Siya pa rin ang tinitibok ng aking puso. Tangina.

"I'm also fine, Luella Rose," diniin sa huli ang pangalan ko.

Nanginginig kong inabot ang basong may lamang tubig at hilaw na ngumiti sa kaniyang habang umiinom.

"K-Kumusta kayo ni Luna? Alam mo naman siguro ang lahat, hindi ba?" matigas kong sabi.

He leaned back in his seat. The intense gaze is still fixed on me.

"Matagal ko nang alam na magkaiba kayo ni Luna. Noong umalis ka sa mansyon sa Isabela, iyon din ang araw na nalaman kong si Luna ang kasama ko. Bakit ka umalis, Luella?"

Napalunok ako.

"Dahil hindi ako ang totoo mong asawa, Dante. Kakambal niya ako na nagpapanggap na siya kasi wala akong ch-"

"Alam ko ang parteng 'yan. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit ka umalis at sumama kay Klaus, Luella? Dinamay mo pa ang anak natin!"

Nanigas ako. Inaasahan ko nang makikilala niya ang anak niya. Hindi na ako nagulat, hindi ko rin naman ipagdadamot si Terra sa kaniya pero...

"Anong dinamay, Dante? Umalis ako dahil hindi ako si Luna!"

"Sinabi ko bang si Luna ang gusto ko?" matigas niyang tanong.

Galit ko siyang tinapunan ng tingin. "Unang-una pa lang, Dante, hindi na ako ang mahal mo! Si Luna ang asawa mo. Hawak ko lang ang buong pagkatao niya kaya 'yang nararamdaman mo noon at ngayon ay para kay Luna!"

"Tangina. I was just waiting for you to admit it, Luella! I waited for you to speak for yourself, but you still chose to hide and conceal yourself behind Luna's identity! How can I tell you I love you if you don't even want to fight for your own feelings? How can I fight for my love for you when you, yourself have distanced yourself, Luella?"

I shook my head. No, he doesn't understand me. Kailangan ko nang umalis bago pa man magkagulo. I know Dante, he won't stop until he gets the answer he wants.

"A-Aalis na ako. Saka na lang tayo mag-usap kapag handa-"

"No one is leaving. You will stay here, Luella. We will finish this conversation and clarify what needs to be clarified."

"Dante, naririnig mo ba ang sarili mo? We are both happy now, so please don't dig up the past because I've already moved on! Don't worry, I won't keep our child from you!"

I bit my lower lip hard to stop the tears from welling up. Damn it! I stood up slowly and was about to leave when he grabbed my hand.

Galit ko muli siyang tiningnan. "Bitawan mo ako, Dante," mariin kong sambit.

Hindi siya nakinig, sa halip ay hinila niya ako palabas ng reception. Nakita ko pa ang gulat sa mga mata nina Janice, at mukhang may balak pang sundan kami ngunit sinenyasan ko sila na huwag na.

Bantayan niya na lang ang anak ko baka hanapin ako.

Lumabas kami ng gate ni Dante. Dinala niya ako sa sasakyan niya pero hindi ako pumasok.

"What do you need from me, Dante? I clearly stated the reason why I left you! I left because that was the right thing to do!"

Galit niyang sinuntok ang pader dahilan nang pag-atras ko. "Malinaw? Tama? Tama na iyon sa'yo, Luella?" He laughed bitterly.

"Fuck! Kung tama sa'yo, sa akin hindi! We had sex, Luella! I was more than ready to marry you again after your graduation, but you chose to hide again! Sa tingin mo tama 'yung pagpunta ni Luna doon? Bullshit, if that's the case, she messed up my life even more!"

Hinilot niya ang kaniyang noo.

"Article 1306, the obligations arising from contractual bond-" 'yan na naman siya. Siningit niya na naman. "You abandoning me is the breach of that contract! You can't just walk away!"

Naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng aking mga luha nang makita ang sakit sa mga mata ni Dante habang umiigting ang panga nito sa galit.

Pumikit ako ng mariin. "Dante..."

"I tried to act like it was nothing, Luella. That you are the one I face every day. But I can't! Magkaibang-magkaiba kayong dalawa ni Luna. You are the one I want to marry, you are the one I want to see when I wake up in the morning, and you are the one I want to be with. I want only you, Luella. I don't like Luna..."

Unti-unting dumaosos ang kaniyang katawan sa pader. Dali-dali namang akong lumapit sa kaniya at inalayan siya. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at para akong sinaksak nang makitang umiyak ito. Tangina.

"I-Ikaw ang gusto ko, Luella Rose. Hindi si Luna..."

"H-hindi ko mahal si Luna, Luella. Nanatili lamang ako sa kaniya dahil iyon ang pinili mo sa para sa akin. Naghintay ako, Luella na piliin mo rin ako pero pinili mo si Klaus. Mahal mo na ba?" hinarap niya ako. Umaasa ang mga mata.

"Dante..."

"Huli na ba ako, Luella? Hindi na ba puwedeng humabol? Mahal na mahal kita, Luella. Ikaw lang ang gusto ko. Kaya kong talikuran ang lahat para sa'yo."

I shook my head. Instead of answering him, I just hugged him while we both bathed in our tears. I stroked his hair while comforting him. His embrace tightened even more, as if he didn't want to let me go.

Ngumiti ako kahit nasasaktan. Ayokong magpadalos-dalos sa desisyon. Kasama ko na ngayon si Klaus habang kasama naman niya si Luna. Pareho na kaming masaya.

Napalunok ako. Pareho nga ba?

"Mahal mo si Luna noon, hindi ba? Nabasa ko sa diary niya na ikaw ang una niyang minahal," mahinang sabi ko.

Hindi siya bumitaw sa akin, mas lalo lamang humigpit ang kaniyang kamay.

"We don't have a relationship. Lola just arranged it because she wanted someone to take care of me before she leaves this world. But Luna couldn't handle that, she even yelled at Grandma on the phone when we called her. Hindi daw siya alipin para pagsilbihan ako. Nagalit ako sa kaniya noon kaya pinilit ko si Lola na huwag si Luna pero mapilit si Lola. Gagawin niya ang lahat para sa akin..." Unti-unti siyang bumitaw sa yakap.

Hinarap niya ako at marahang hinaplos ang aking pisnge. Pinunasan niya ang luha kong patuloy pa ring umaagos.

"When you came into my life, I was really angry because I still remembered what Luna said to us before. Akala ko ikaw si Luna. Ngunit, habang tumatagal nakikilala kita. At mas lalong lumalim ang pagkagusto kong alamin ang totoong pagkatao mo, hindi lang ang pangalan mong Luella Rose Jacinta,"

Walang bumitaw sa aming dalawa. We stared at each other while battling our own emotions. I want to hear everything from Dante's mouth. I'm tired of avoiding the truth. Now that he said it to my face, I will accept whatever words he will say.

"Pumasok ako sa NightClub. That's where I found out that Luna was a member there. Klaus is there too. I became even more curious, so I asked Klaus why Luella was there, and he was confused. I pointed to the picture and he said that Luna's name is not Luella Rose Jacinta. He didn't say its real name. He said he would tell me if I start working at the club. I immediately agreed because I wanted to know your true identity. He let me choose a door at the club. The job I chose is a decent one. Just right for my course. I work at night as a lawyer, but I don't receive any money from them. They took everything from me in exchange for the information I wanted. Tumagal ang trabaho ko sa kanila, there were days when I wanted to give up, but they wouldn't let me. I worked for them for five years just to know your identity, Luella. I only achieved that on our last day in college,"

Napasinghap ako nang unti-unting lumandas na naman ang kaniyang mga luha sa pisnge.

"Gusto kong ikaw ang umamin, Luella. Gusto kong sa'yo mismo manggaling na hindi ikaw si Luna. Hinintay ko 'yon, ilang buwan kong pinaghandaan ang sarili ko pero wala akong narinig mula sa'yo. Ayokong pangunahan ka, naghintay muli ako pero mukhang napagod ka na sa akin kasi umalis ka at iniwan mo ako,"

"P-Patawad, Dante..." nanginginig kong paumanhin.

Umiling siya at ngumiti. "Okay lang, Luella. Alam kong hindi ka pa handa noon, hindi ko lang matanggap na iniwan mo ako. Nasaktan ako e, hindi lang ikaw ang nasaktan, Luella. Ako rin na nasanay na sa'yo. Nang nalaman kong bumalik kayo ng Pilipinas ni Klaus? Nag-desisyon akong sa pagkakataon na ito na hindi na ako maghihintay. Ako na ang gagalaw, ako na ang lalapit at itama ang lahat, Luella..."

Panibagong luha na naman ang lumabas sa aking mga mata. Tangina. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

He gently lowered his palm and brought it to his pocket. My eyes immediately widened when he took out a small red box.

"Dante..."

Hindi ako makapaniwalang bumaling sa akin. Nakaawang ang bibig ko, walang lumalabas na salita habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Dante.

A-Anong gagawin niya? Huwag mong sabihin...

"Hindi ko na ito patatagalin pa, Luella. Aangkinin muna kita bago ko aalisin ang mga putangina dito sa mundo. Gusto kong may uuwian pagkatapos ng laban. Alam kong biglaan at hindi mo inaasahan ito, pero pinapangako ko na handa na ako sa lahat, Luella. Na handa na akong lumaban para sa'yo,"

"Will you marry me-"

Hindi natapos ni Dante ang kaniyang sasabihin ng isang pagsabog ang aming narinig dahilan nang pagbaling namin sa loob ng mansyon.

"Terra!"

Bigla akong ginapangan ng kaba nang maalalang nandoon si Terra.

Narinig namin ang hiyawan ng mga tao sa loob ng reception. Dali-dali kaming pumasok ni Dante at hinanap ang puwesto kanina nina Janice pero wala na sila doon. Nagkagulo ang paligid, nagsitakbuhan ang mga tao palabas, nagtulakan, mabuti na lang hawak ni Dante ang kamay ko.

Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay. Hindi ako mapakali. "Dante, si Terra! Kailangan natin siyang hanapin!" natatakot na sabi ko sa kaniya. Mabilis naman siyang tumango at hinila ako papunta sa malaking bahay nina Farrah at Klane ngunit bago pa man kami makapasok ay isang pagpihit ng gatilyo ang aming narinig kasabay nito ang malakas na sigaw ni Terra sa aming harapan.

"Mommy! Mommy!"

"Anak!"

"Mommy! I'm here!"

"Terra-"

What the hell.

Tatlong putok ang aking narinig. Nabingi ako, nanlalabo ang aking paningin dahil sa luhang walang tigil sa pag-agos.

Kumawala ang walang buhay na kamay ni Dante sa akin. Hinang-hina.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan, mas lalong humigpit ang kapit ko sa aking damit nang harap-harapan kong nasaksihan ang paghihirap ng mahal ko. Three bullets were fired, three bullets that caused me to sink and freeze in my tracks.

Gusto kong sumigaw at lumapit pero nabibingi ako. Nasaksihan ko ang sigaw niya, nasaksihan ko ang sakit na kaniyang naramdaman, nasaksihan ko ang huling hininga ng aking minamahal.

No..

Tangina niyo. Tangina niyo!

Bakit...Bakit...wake up, baby...

"Hindi kita hahayaang sumaya, Luella. Habang buhay mong dadalhin ang pagsisising ito."

"LUNA!" nagtagis ang aking ngipin.

Galit na galit akong humarap kay Luna. Kinuyom ko ng mariin ang aking kamao at walang pagdadalawang isip na nilapitan siya at sinuntok ang kaniyang mukha.

Naging alerto naman ang kaniyang mga kasama pero sinenyasan niya itong huwag gumalaw.

"Hayup ka! Tangina ka! Mamamatay tao ka! Lahat-lahat na lang gusto mong angkinin! Pati mahal ko sa buhay pinatay mo! Tangina ka, Luna! Hindi kita mapapatawad at habang buhay mong mararamdaman ang sakit na gagawin ko sa'yo hanggang sa ikaw na mismo ang bumitaw! Hayup ka!"

Hindi gumagalaw si Dante. Nakatitig lamang siya sa walang buhay na katawan ni Terra.

Mas lalo akong nasaktan.

No. Hindi, panaginip lang 'to, hindi ba? B-Buhay pa si Terra, buhay pa ang anak ko.

"B-Baby, wake up... Mommy is here, bumalik na ako, anak. Terra, mahal ka ni mommy, gumising ka, baby. Uuwi pa tayo kay dada Klaus mo, magagalit 'yon kapag hindi tayo umuwi..."

Pumikit ako ng mariin. Umaasa na panaginip lamang ito pero kahit anong gawin ko nakikita ko pa rin sa harapan ko ang duguan, walang buhay na katawan ng anak ko.

"B-Baby...wake up please. Open your eyes, baby. Don't leave yet..."

Humagolgol ako habang nanginginig sa galit at sakit ang aking katawan. Gusto ko silang patayin lahat! Mga tangina ninyo!

Terra...huwag mong iwan si mommy.

Dahan-dahan akong tumayo.

"Hayup ka, Luna."

Hindi ko namalayan na nahablot ko na pala ang baril na ginamit nila sa anak ko kanina. Hindi ko napansin ang bigat nito, blangko ang aking isipan at walang pag-alinlangang sinugod ang kaniyang mga tauhan. Nagpa-ulan naman sila ng bala. Natamaan ako pero tila namanhid ang buo kong katawan. Wala akong naramdaman.

"Luella!"

"Tangina ninyo!"

Mga pagsabog, sigawan at nakakabinging putukan ng baril ang namayani sa buong lugar. Binuhos ko lahat sa mga tauhan niya ang lakas at galit ko habang siya naman ay pinapanood lamang ako.

Tinulungan din ako ni Dante subalit na tamaan siya sa balikat. "Don't fucking move!" galit kong siyaw sa kaniya.

Sumandal siya sa pader, pagod na pagod ang mga mata. Gusto nang magpahinga.

Pumikit ako ng mariin. Pinatay ko silang lahat, wala akong tinira. Napuno ng dugo ang buong venue, nasira ang mga upuan at bakas sa pader ang bawat tama ng bala.

Tiningnan ko lang sila, walang emosyon ang mukha.

Nakangisi kong dinilaan ang dugo sa aking labi saka tinutok ang baril kay Luna.

"Wala akong kambal na sinsama mo."

Isang butil ng luha ang kumawala sa aking pisnge bago pumutok ang tatlong bala ng baril.

"I'm sorry, Luella."

No. Hindi maibabalik ng sorry mo ang buhay ng anak ko.

Hindi maibabalik ng sorry mo ang ilang taong nakasama ko ang anak ko.

Tangina.

Nahulog ang baril mula sa aking kamay. Nanginginig kong pinagmasdan ang duguang katawan ni Luna sa aking harapan.

"Ina ka rin. Alam mong masakit mawalan ng ina kaya patawad kung may masaktan man sa ginawa ko. Pinili mo ito, Luna. Hinayaan mo ang sarili mong lunurin ng kasinungalingan."

Rest in peace, my little Dianne Terra Salvatore.

Dahan-dahan akong tumalikod. Akala ko dito na magtatapos ang paghihirap ko ngunit ako'y nagkamali.

Isang panibagong luha na naman ang tumulo galing sa aking mga mata. Wala na akong lakas na punasan 'yon kaya hinayaan kong kumawala sa aking pisnge.

Ngumisi ng malaki si Aling Waning. May lalaki siyang kasama sa kaniyang likuran, tiningnan ng mariin ang nakahandusay na katawan ni Terra.

Napaatras ako. Sa pagkakataon na ito, naramdaman ko na ang takot at kaba na hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin kanina. Para bang ngayon lang ako natauhan.

Kinuyom ko ang aking kamao. "A-Aling Waning, anong ginawa mo dito?"

Unti-unting inangat ng lalaki ang kaniyang ulo. Napasinghap ako. Hindi siya pamilyar sa akin ngunit nakakatakot ang kaniyang mukha at tindig. May malaki siyang peklat sa mukha na parang galing sa sunog.

"Humihinga pa ba si Luna?" tanong nito kay Aling Waning.

Binalingan ko ng tingin si Dante. Gusto ko siyang lapitan at tulungang tumayo subalit tila nanigas ako sa aking kinatatayuan.

Humakbang papalapit sa akin 'yong lalaki. Kinagat ko naman ng mariin ang aking labi upang iwasan ang kabang naramdaman.

Tumigil siya sa aking likuran.

"Don't...huwag mong idamay si Luella, Rida! Ako ang kalaban mo-"

"Hindi ako pumunta rito para sa'yo, Davian. Matagal na kitang inalis sa NC pero pabalik-balik ka. Ito ba ang dahilan?"

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.

Kumalabog na naman ang puso ko. Halos lumuwa na ito sa aking katawan dahil sa halo-halong emosyon.

"Kaya mong itaya ang buhay mo para sa babaeng 'to? Nakalimutan mo na ba kung anong ginawa ng mga Jacinta sa pamilya ninyo? Nakalimutan mo na ba ang plano mo, Davian? Ano, nahulog ka sa sarili mong patibong?"

Humalakhak ng malakas ang lalaki. Binangga niya ang balikat ko saka kinuha ang baril na nahulog kanina.

"Ako ang kalaban mo dito, Rida! Ako na lang!"

Napapikit ako. Ito na ba ang katapusan ko? Susunod na ba ako sa anak ko?

Pinihit niya ang gatilyo. Napapitlag ako nang maramdaman ang nguso ng baril sa aking ulo.

"Tangina, Rida! Huwag mo siyang idadamay dito! Ako na lang-"

"Gago! Hanggang ngayon siya pa rin ang pipiliin mo? Paano naman si Luna? Paano ang nararamdaman niya sa'yo ah? Sumali siya sa NC dahil sumali ka doon!"

Napalunok ako. Hindi ko na kaya, please...

"Mag-aminan na tayo dito, Davian! Alam kong minahal mo din si Luna noon pero iniisip mo lang ang sarili mo-"

"Tangina mo! Hindi ko minahal si Luna!"

Panibagong halakhak na naman ang kumawala sa kaniyang bibig at mas lalong diniin ang nguso ng baril sa aking ulo.

Gusto kong lingunin si Dante. Subalit, hindi ko alam papaano. Hindi ko siya makita, nakatuon lamang sa harapan ang aking atensyon. Takot gumalaw.

Natamaan din siya ng bala. Hindi siya makakatayo ng tuwid! Hindi niya ako matutulungan.

"Takot kang makitang masaktan si Luella...?"

Humakbang siya. Sinenyasan niya si Aling Waning na lumapit at pumalit sa kaniyang puwesto. Doon ako napalingon, walang emosyon ang kaniyang mukha. Tumango ito sa lalaki at siya na ang may hawak na baril ngayon.

Napayuko ako. Nasasaktan na kaya niyang gawin sa aming dalawa ni Dante ito. Pinagkatiwalaan namin siya, ng buong Salvatore tapos ito ang isusukli niya? Napakasakit.

"Bakit ka pa umuwi?"

Hindi ako sumagot.

Bumuntonghininga siya. "Dapat hindi ka na umuwi ng Pilipinas, Luella. Mas lalo kang masasaktan dito,"

Napairap ako. "Bakit? Dahil masasaksihan ko ang katrayduran mo, Aling Waning?"

"Wala akong choice, Luella. Nasa binggit din ng kamatayan ang buhay ko!"

Tumawa ako. Tawa na kami lamang ang makakarinig. "Sa bagay. Kung kaya mong traydurin ang buong Salvatore, for sure kaya mo ring pumatay ng tao, Aling Linda. Pull the trigger and kill me, Ma. Patayin mo na ako!" singhal ko at humarap sa kaniya.

Nagulat naman siya sa biglaan kong paggalaw. This time, napunta na sa noo ko ang nguso ng baril.

"Kapag ba mamamatay ako, tatahimik na kayo? Patayin mo na ako, Aling Waning. Wala rin namang saysay itong buhay ko kaya huwag mo na patagalin!"

"LUELLA!"

Hindi ko pinansin si Dante. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa nila sa likuran ko. Pero nang mapansin kong gumalaw ang lamesa, napagtanto kong nagsusuntukan na sila.

Tangina.

Hinaplos ko ang magaspang at kulubot niyang kamay sa aking noo. Hinawakan ko 'yon at akma na sanang ibababa nang hilahin ako nito.

"Aling Waning! Anong ginagawa mo?!"

"Ilalabas kita rito, Luella! Kumapit ka ng mahigpit sa akin! Ilalabas kita sa lugar na ito!"

Pero... si Dante.

"Sandali! Si Dante, Aling Waning! Hindi natin siya puwedeng iwan! Kailangan niya ng tulong-"

"Kaya niya na ang sarili niya, Luella. Ikaw ang nangangailangan ng tulong ngayon. Halika na habang abala pa sila!"

Naramdaman ko na naman ang paglandas ng aking mga luha. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Aling Waning habang tumatakbo kami palabas sa lugar.

"Hindi ka ba natatakot sa taong 'yon, Aling Waning? B-Baka patayin ka rin niya!" bakas ang takot sa aking boses.

Ngumiti lamang si Aling Waning. Mas lalong humigpit ang kaniyang hawak sa kamay ko nang mahagip na namin ang nakaparadang sasakyan sa labas.

Binuksan niya ito at tinulak ako papasok.

"Huwag kang mag-alala, Luella. Babawi ako,"

Umiling-iling ako. "Sumama ka sa akin, Aling Waning! Huwag ka na bumalik doon!"

Imbes na makinig, ngumiti lamang siya. Ngiting hindi ko kayang makita. Para bang nagpapaalam ito sa akin.

Ayoko! Please, tama na.

"Magiging maayos din ang lahat, Luella...pinapangako ko," mas lalong nanikip ang aking dibdib nang mapansin ang pagbabadya ng kaniyang luha.

"No..."

"Patawad dahil muntik ka nang mamatay dahil sa akin...patawad, Luella, anak. Hindi ko intensyon 'yon, inutusan lamang ako. Patawad-"

"No! Hindi, huwag ka nang bumalik please! Lalabas ako-"

"LUELLA! Uubusin ni Rida ang mga Jacinta! Ikaw na lang natira at paniguradong hindi ka niya tatantanan. Papatayin ka rin niya!"

Mas lalo akong humagolgol. Nanginginig ang balikat ko sa takot at sakit na naramdaman. I want to end this, pero hindi ko alam papaano. I don't what to do anymore.

Nasasaktan na ako! I lost my daughter! Ayokong may mawala na naman sa akin. Walang-wala na ako at pagod na pagod na ako.

"Don't do this..." pagmamakaawa ko.

Ngumiti na naman siya tangina!

"Ano ba! Ma! Ikaw na lang ang natirang ina ko, huwag mo naman ako iwan oh!"

Niyakap niya ako. "Shhh...sapat na ang ilang taong paninilbihan sa mga Salvatore. Masaya ako dahil nakilala ko kayo, mahal na mahal ko kayo at tinuring na mga anak ko. Patawad sa pagkawala ng nag-iisa mong anak, Luella. Alam kong masakit mawalan ng anak at hanggang wakas mo ito dadalhin. Subalit, huwag kang huminto lang dito, gusto kong maging masaya ka. Huwag mong hayaan na lamunin ka ng sakit at lungkot," hinawakan niya ang mukha ko. "Magpakatatag ka, anak. Mangako kang hanggang dulo hahawakan mo ang kamay ni Dante. Mahal na mahal ka non at ikaw lang ang babaeng minahal niya. Kung anuman ang nabasa mo o nalaman mo patungkol sa kanilang dalawa ni Luna? Lahat iyon puros kasinungalingan. Plano ni Luna lahat 'yon. Gusto nilang patumbahin ang mga Salvatore."

No. Umiling-iling pa rin ako. Walang balak na bitawan ang kaniyang mga kamay.

"Mangako kang babangon ka muli, Luella."

The moment her hands left mine, para akong binagsakan ng langit at lupa. Parang naging slow motion ang buong paligid. Nabibingi ako sa mga sunod-sunod na putukan at hiyawan. Takbuhan doon, takbuhan dito. Ni isa walang sumubok na lapitan ang pinangyarihan.

Iyak ako nang iyak sa loob ng sasakyan. Habol ko ang aking hininga sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ng mga taong nawalay sa akin. Napakasakit.

Hindi ko inaasahan na darating ako sa puntong magdudusa at magsisisi.

Habang papalayo kami sa lugar na iyon, unti-unting sumikip ang aking dibdib. Ito ang unang beses kong pumunta at ito rin ang magiging huli kong punta.

Yakap ko ang aking sarili. Tulala habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Kanina pa ako kinakausap ng drayber pero hindi ko sinasagot. Wala na akong lakas. Gusto ko nang lumisan sa mundong ito.

I missed my little princess. Kung siguro naging maingat ako hindi mangyayari ito. Damn it.

"Ma'am, kumain muna kayo,"

Tamad akong lumingon sa kaniya. Bumaba ang tingin ko sa leeg niyang may tattoo na rosas at may nakaukit na pangalang 'Maraya.'

"Anong pangalan mo?" walang pakialam sa unang tanong niya.

Tumikhim siya. "Kendric Orson Welles, Ma'am."

Tuluyang nanlaki ang mga mata ko nang may maalala.

The fvck? Ito ba 'yong non-showbiz boyfriend ni Maraya Sustania Montessori?

"Ayoko pong pagalitan ni Sir Davian. Kumain muna tayo, Ma'am."

Umiwas ako ng tingin at lihim na napamura.

Ayoko munang makita si Davian.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro