Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27 : Blue eyes

"Have you seen them? Did Dante see you?" Klaus asked while looking at me intently.

Nasa loob kami ng mansyon ngayon, katatapos lang kumain kasama ang buong pamilya niya. Nakatutuwa nga dahil tanggap nila ako kahit hindi ako ang totoong ina ni Daisy, at hindi totoong Luna. Sinabi ni Klaus sa kanila ang totoo dahil ayaw niyang magtago ng sikreto sa kaniyang pamilya at nirirespeto ko naman ang desisyon na iyon. Hindi lang mahal ni Klaus si Luna, mahal niya rin ang pamilya niya.

Kasalukuyang nasa labas ngayon ang mga bata kalaro ang kanilang lola. Ina ni Klaus. While Klaus and I stayed inside. I told him what happened yesterday, and he got really angry when he found out that Daisy went there. He has long been aware that Dante and Luna had returned back to the Philippines, but he kept it a secret from me since I would not benefit from their return. They betrayed me, used me as bait for the enemies. If it weren't for Klaus, matagal na akong nakabaon sa lupa.

Inaamin ko na nasasaktan pa rin ako. Ilang taon na ang lumipas pero heto pa rin ako nasasaktan sa tuwing nakikita si Dante. Tangina lang talaga. Hindi ko alam bakit hindi ko mabura-bura sa isipan ko si Dante. Sa tuwing kausap si Terra, naalala ko siya. Bumabalik ang mga alaalang matagal ko nang binaon sa limot.

Base sa nasaksihan ko kahapon, masasabi kong natutunan nang mahalin ni Dante si Luna.

I let out a deep sigh. "He didn't see me, but nagtama ang mga mata namin ni Luna."

Gulat na gulat pa ang gaga na parang hindi niya inaasahan na magkikita kami ng gano'n, kasama ko pa ang anak niyang si Daisy. Hindi ba siya naaawa sa anak niya? Araw-araw iyong bumabalik sa mansyon nila para makita lang si Luna pero tila walang pakialam ang gaga.

Pumikit ako ng mariin. "Sa pagkakaalam ko babalik si Luna at Dante sa NC,"

"Why?"

"They're important people in that club, Luella. Dante invested a lot of money in that club so he wouldn't be targeted by his enemies. That's why Luna held on there, you see,"

I remember five doors at the club. Klaus said every door there has a secret. There are illegal activities behind the door. He also mentioned that Dante's work there is not illegal because he is a lawyer. He moves at night while Luna was doing back then was illegal. She is selling illegal drugs. At first, I didn't want to believe it because I thought she couldn't do that, but when I witnessed it myself, it felt like my heart was shattered by what I found out. She is indeed selling drugs quietly. Because of that, she made enemies because a lot of people trusted her; she revealed the truth and exposed the wrongdoings of bold politicians, but she was unable to even admit what she had done to everyone.

Maraming anunsyong nangyari noong umalis siya. Nalaman ng mga pulis ang ginawa niya kaya siya tumakas sa bahay namin noon at ginamit na rason si Louis na matagal na pa lang patay dahil sa kaniya. Louis got caught up in her own actions, and now she's dragging me into her mistakes.

Pero asa namang magpapatalo ako sa'yo, Luna. Ipaglalaban ko ang sarili ko sa pagkakataon na ito dahil hindi ako si Luna. Pero kaya kong lumaban ng patas sa mga kalaban hindi tulad niya na gumamit ng tao para maligtas ang sarili.

"Huwag ka munang magpakita ngayon kay Dante," Klaus said seriously while staring at the large monitor in front of us. People are being watched in NC.

"Anong plano mo? Si Retines? Anong gagawin niya?" sa pagkakaalam ko nagtatrabaho sa big boss si Retines.

"Hindi iyon magsasalita, Luella. Don't worry because I have his whole family under control now. I know his boss can turn the table, so I preempted him."

"Papaano ka nakasisiguro? We don't know what's on the big boss's mind, Klaus. Maybe they already know we're here. May mga bata, Klaus, ayokong masaksihan nila ito."

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. He gently stroked my hair and kissed the tip of my nose.

"Makakapatay ako kapag ginalaw nila ang anak natin, Luella."

***

"Walang hiya ka! Ang ganda ni Terra, may pinagmanahan. Anong sikreto bakit gano'n kaganda ang isang Dianne Terra, ha, Luella?" nakangising tanong ni Janice.

Ka-video call ko siya ngayon. Sabi niya may pag-uusapan daw kami, subalit ilang oras na ang lumipas halos papuri niya sa anak ko ang naririnig ko. Iyon yata ang pag-uusapan naming buong gabi. Nakakaloka ang babaeng ito.

Medyo tumaba si Janice ngayon, mas lalong umumbok ang kaniyang katawan gano'n din ang kaniyang mukha. Maganda pa rin naman siya kahit gan'yan, mas lalong lumitaw ang pagiging half niya. Half abnormal. Char!

"Syempre maganda ako. Saan naman 'yan mamana, sa'yo?" natatawa kong sagot.

Inirapan niya naman ako saka tumawa na parang wala ng bukas. Hanggang ngayon gandang-ganda pa rin ako sa kaniya. Sa kaniya ko yata nilihi si Terra noong pinagbubuntis ko. Lagi kasi akong nag i-stalk sa kaniya noon. Hanggang tingin lang dahil wala pa akong lakas na loob noon na magsalita sa kahit sinuman. I also received messages from my former classmates, Farrah and Klane. I didn't respond to their letters to me. But I'm happy because the two ended up together. I thought Klane would ended up with Hershey, but thankfully he didn't. I don't want him to always get involved in that woman's issues.

"Duh! Hindi ka pa rin nagbabago. Gandang-ganda ka pa rin sa sarili mo. Nga pala, uuwi na kami ng Pilipinas ni Wade bukas!"

Nanlaki ang mga mata ko at mas lalong lumapit sa kaniya. "Talaga?! Bakit?"

Unti-unting nawala ang ngisi niya. Napalitan iyon ng simangot. "Parang hindi ka masaya ah? Malamang uuwi ako kasi gusto kong makita si Terra sa personal, gaga ka!"

Natawa ako. "Hindi naman sa gano'n. I remembered what you said last week that you won't be going back to the Philippines. Why does it seem like the wind has entered your brain now?"

Namula ang kaniyang mukha pero mabilis niya namang winaksi.

"Dahil gusto ko rin kayong makita, Luella. Hindi pa ba halata 'yon? Ang tali-talino mo tapos hindi ka marunong makiramdam? Ang chaka mo. Isa pa, uuwi din ako dahil ginawa akong ninang ni Klane sa anak niya. Magtatampo daw ang bading kapag hindi ako pumunta, pinaasa niya kasi ang anak niya. Loko din e,"

"Binyag ni Cha?"

Kumunot ang kaniyang noo panandalian. "Saan ka ba galing at bakit hindi mo alam ang mga ganap diyan sa Pilipinas, ah? Nababaliw na ako sa'yo, Luella. Oo, binyag ng anak niya. Hindi ka ginawang ninang? Aba hayup ang lalaking iyon ah!"

"Hindi niya ako ginawang ninang dahil alam niyang mas maraming kang pera haha!"

"Madiskarte din ang kumag. Mayaman naman si Farrah, ah. Huling balita ko sa kaniya nagtatrabaho ito sa kompanya ni Madam Hiraya. Mataas ang posisyon niya doon."

Farrah is rich, but she chose to stay with Klane that's why she lost everything. Including her inheritance of their property. I'm not sure what happened to them, but based on their current situation, they are not struggling because Klane runs his own hospital and Farrah makes a lot of money at the company.

I also have my own job, and it's enough for us. Klane has his own company and his family is super rich too. They are selling vehicles and guns. Not in the Philippines, but outside the country where weapons are sold. At first, I was scared because it might be illegal, but he assured me that I wouldn't get hurt and no one would be affected because it was just business and there was sufficient evidence.

KINAUMAGAHAN maaga akong gumising dahil may trabaho ako sa Ospital. Maraming mga papel na dumating sabi ni Eka sa akin kagabi. I need to look at those papers. Matinding kalaban pa naman namin ang Ospital nina Dante. Laging nangunguna.

"Good morning, Mama Luella!"

"Good morning, mommy!"

"Good morning, babe. How was your sleep?"

I kissed Daisy and Terra on the forehead before facing Klaus, who was now drinking coffee in front of me, wearing nothing but a tank top. Kitang-kita ang hulma ng kaniyang katawan na parang araw-araw sinasabak sa laban.

"Ihahatid mo ba ang mga bata, babe?"

"Yes, babe. Ikaw, baka gusto mong sumabay?" Lumapit siya sa akin and wrapped his arms around my waist.

"Ew, daddy! Ang aga-aga lumalandi ka na. Mama hasn't eaten yet, oh!" maarteng sambit ni Daisy dahilan nang pagtawa naming lahat.

"Ang epal mo talaga, Daisy. Halika nga dito!"

"Ew! Hindi ka pa naliligo, daddy! Huwag kang lumapit!"

Hindi nakinig si Klaus, sa halip ay nilapitan niya ang kaniyang anak at hinabol ito habang sumisigaw na tigilan siya ng kaniyang ama.

Baliw na Klaus 'to.

Nagpakawala ako ng hininga saka tumingin kay Terra na ngayong masaya sa kinakain. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya, hinaplos ko ang mahaba niyang itim na buhok na namana niya sa akin.

"Aren't you going to eat yet, mommy?"

Inangat niya ang kaniyang ulo. Natigilan ako sandali nang magtama ang mga mata namin. It felt like time stopped when I saw her blue eyes, which she inherited from her father and the reason why I was so crazy about him before.

So beautiful.

***

Don't forget to vote and leave a reaction. Thank you saur much!

Nararamdaman ko na ang katapusan, sana kayo rin. Hoayyy!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro