Chapter 23 : She's back
The real wife is here. Luna. Luenna Ambrose Jacinta. That's her real name.
Nakatayo siya sa aming harapan, malaki ang ngiti ngunit alam kong pilit lamang iyon. She's not happy to see me, I saw disgust in her face na kinagulat ko when our eyes met. She's still smiling, palipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa ni Dante.
"Who are you? At sinong nagsabing asawa kita?" galit na untag ni Dante. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak sa aking kamay.
Nabaling naman doon ang tingin ni Luna. Unti-unting naglaho ang pilit na ngiti sa kaniyang labi at napalitan iyon ng inis.
"Is this your wife? Oops, sorry! Hindi ko alam na asawa mo pala ang kaibigan kong si Luella. Hello, Luella! Na-miss kita! Hindi mo man lang ba ako ipakilala sa asawa mo? Nakakatampo ka!" she laughed again pero hindi umabot sa kaniyang mga mata iyon. She was laughing while talking to me using her eyes. Hindi siya natutuwa.
"Ako nga pala si Lina. Kauuwi ko lang galing Canada. I heard from my old friend na nagka-asawa na siya kaya agad akong pumunta dito. I hope you don't mind..."
"It's okay. I'm Davian Terron Salvatore, and this is my wife Luella Rose Jacinta. You can call her Luna,"
Natiglan sandali si Luna.
Kahit na naka-disguised look ito, alam na alam ko na si Luna ito. I want to hug her at sabihin ang katagang na-miss kita, pero hindi gumalaw ang katawan ko. Natigilan lamang ako nang bumungad sa akin ang kaniyang mukha. She's not happy, nakikita ko iyon sa kaniyang mukha. They way she talked to Dante, parang inaalis niya ako sa usapan. That I shouldn't be here dahil siya ang totoong asawa.
"Ang taray ng mansyon! Ang saya mo siguro dito."
Dante invited her to join us since kaibigan ko naman daw si Luna. Lagi itong nagsasalita, walang preno ang bibig. Paminsan tinatawanan siya ni Dante dahil sa kakulitan nito na ngayon ko lang nasaksihan. Tumikhim ako upang balewalain ang bumabara sa aking lalamunan.
I was left alone and hurt. Sa tuwing pinapanood ko sila, parang nanumbalik ang dating ako. Nakatago sa pangalang Luna ang aking totoong pagkatao. Paminsan umiiwas ako sa kanila, ayoko silang istorbohin pero itong si Dante, lagi akong sinasama sa kanilang usapan kaya't laging badmood si Luna. Masaya siya kapag kasama niya sa Dante, kapag kasali ako ay nabubura ang matamis niyang ngiti.
Is this my sister? Ang daming nagbago. Hindi na siya 'yung dati kong kambal na laging inuuna ang mararamdaman ng iba kaysa sa sarili niya. Wala naman akong karapatan e dahil hindi ko naman 'to buhay, I'm just her substitute. Ngayon na bumalik na siya, babawiin niya na ang lahat sa akin. Nakakatawa, sa akin talaga? Gaga ka, Luella, wala kang pagmamay ari. Tandaan mo 'yan
Dahan-dahan kong pinunasan ang aking mga luha. Nasa silid ako ngayon, pinagmamasdan ang buwan hindi kalayuan. Ang tahimik, ito ang gusto ko.
Should I go back? O stay with him?
Panigiradong magagalit 'yon kapag malaman niyang hindi ako ang totoong Luna.
"Hey, you don't miss me? Gulat na gulat ka, ah,"
Napalingon ako sa kaniya. Nasa kama siya nakaupo habang sinusuklay ang mahabang buhok. Hindi niya suot ang kaniyang pang-disguised look ngayon kaya litaw na litaw ang kaniyang kagandahan. Mas humulma ang kaniyang katawan ngayon kumpara dati, mas lalo siyang pumuti at gumanda.
Anong laban ko diyan? Mas malaki pa ang boos niya sa akin. Diyan pa lang talong-talo na ako.
"Patay na sila," kinagat ko ang ibabang labi, trying to calm myself.
Damn. Kung hindi sinabi ni Lola noon, matagal na siguro akong nakatago sa kasinungalingan.
"Matagal ko nang alam 'yan, Rose,"
Hinarap ko siya. "Bakit hindi ka bumalik? Bakit hindi mo sila tinulungan? That's your damn life, Luna! Ikaw nga dapat umayos ng lahat pero pinili mo ang lalaki mo kaysa sa amin!"
"Wala kang alam, Rose!"
Galit akong tumawa. "Talagang wala akong alam, Luna, because you weren't there! Ikaw, alam mo rin ba ang nangyari sa akin noong nawala ka, kayo?"
"I suffered, Luna. Nasunog ang bahay at muntik pa akong mamatay! I met his Lola that night, she helped me, tinulungan niya akong bumangon muli. Pinag-aral niya ako, ginastusan, pinakain at pinatira kapalit ang kaniyang apo na si Dante. Noong una ayoko dahil hindi ako si Luna! Hindi dapat ako ang nando'n sa sitwasyong iyon! Ikaw dapat!"
"But you didn't show up. Hinintay kita, Luna. Dumating pa sa punto na nilapitan ko ang NC para malaman ang totoo. Your face was on their list! They put x on your face! What's the meaning of that, huh?"
Cold. Walang emosyon ang kaniyang mukha habang nakatingin sa kawalan. Sumandal siya sa hamba ng kama at tumawa ng mahina bago tumingin sa akin.
"Hindi ka ba na-inlove sa kaniya?"
Mabilis na kumunot ang aking noo. "Anong klaseng tanong 'yan? Sagutin mo ang unang tanong ko!"
"Huwag na tayong maglokohan dito, Rose. You already fell in love with him! Akala mo hindi ko alam? Tatlong araw akong nanatili dito, Rose, sa tuwing nakikita mo kami I saw pain in your eyes! Ito ba ang sinasabi mong hinahanap mo ako? Na hinintay mo ako? You didn't look for me, Rose! Nagpakasaya ka sa asawa ko!"
"How dare you!" galit kong untag kasabay nito ang unti-unting paglandas ng aking mga luha.
"Hindi ba totoo? Hindi mo talaga ako hinanap, Rose. Nang nalaman mong gaganda ang buhay mo sa piling ng mga Salvatore, kinalimutan mo ako! Bakit? Ilang taon na ang lumipas, Rose, ngayon mo lang naisipan na hanapin ako?"
"Matagal na kitang hinahanap, Luna! Bata pa lang tayo ikaw ang iniisip ko! I fucking saw your diary in your room. You're in love with him pero pinili mo ang iba! And now you act like I was the wrong one here? Wala kang alam, Luna!"
Galit niyang binagsak sa sahig ang aking mga unan at dali-daling lumapit sa akin. Umaapoy sa galit ang kaniyang mga mata.
"I'm not blind, Rose. Alam ko ang lahat sa'yo. Nag-aaral ka pa lang alam ko nang nilalandi mo na si Dante,"
Wala pa ring emosyon ang kaniyang mukha. She sat down again, but this time kuyom na ang kaniyang mga kamao. Ang anghel nitong mukha na lagi kong pinupuri noon, ngayon ay iba na. Wala na akong naramdaman na kahit na ano sa kaniya.
Sapat na ang mga narinig ko. I want to ask her about her child and Klaus but I chose not to. Ito lang naman ang gusto kong marinig mula sa kaniya. Wala rin naman akong karapatan kay Dante kaya kung gusto niyang bumalik sa piling nito, tatanggapin ko.
Hindi ako gusto ni Dante. Laro lamang sa kaniya ang lahat.
That kiss...It was just a mistake. Para kay Luna lahat 'yon at hindi para sa akin.
"Hindi ikaw si Luna. Alam nilang lahat kung sino ka, Luella. Naniwala ka naman na magugustuhan ka ni Dante? Pinaglalaruan ka lang niya. Ako ang mahal niya, ang totoong Luna. Hindi ikaw..."
Unti-unti siyang lumapit sa akin. Inayos niya ang buhaghag kong buhok habang naroon pa rin ang kaniyang ngisi. Walang pilyo, hindi makatotohanan.
"You want to know why I chose to leave him? Because he's dangerous. Gusto niyang maghiganti sa mga Jacinta dahil sa ginawang kasalanan ni daddy sa kanila. Dad killed his father. Lorenzo Salvatore, together with Ella. The ex-girlfriend of Pierson Maxrill Salvatore."
Natigilan ako. Bahagya pang umawang ang aking bibig dahil sa nalaman. I don't know what to feel, tila nablangko ang aking utak.
"Hindi ka niya mamahalin. Sinasabayan ka lang niya. Ayaw mong maniwala? You can ask Klaus, alam niya ang lahat."
Panibagong luha na naman ang aking naramdaman sa aking pisnge. Nagkatitigan kaming dalawa, she's still smiling while I'm crying in front of her.
Damn evil.
***
"Ma'am Luella, kakain na raw po,"
Hindi ko pinansin ang kasambahay. Kanina pa ito katok nang katok sa aking pintuan pero sinawalang bahala ko.
I don't want to eat, wala akong gana ngayon. I want to stay in my room and process everything. Kung anuman 'yung mga nalaman ko kagabi, sa akin lamang i
'yon. Hindi ko sasabihin kina Klaus at Dante. Para saan pa? Luna is back, siya na ang magpapatuloy sa naudlot nilang pagmamahalan. Siya na raw ang bahala kay Dante. Gagantihan niya rin daw ito.
Kapag handa na akong umalis sa pamamahay na ito, doon lamang siya babalik. Sa ngayon. Inaalam niya na ang pasikot-sikot ng mansyon. Gusto niyang makilala ang mga tauhan at katulong ni Dante upang hindi daw siya mahirapan kapag umalis na ako.
Fuck! Tama na ang iyak, Luella. May thesis ka pang gagawin, gaga ka!
"Ma'am Luella, kapag hindi po kayo bumaba aakyat po si Sir Davian,"
Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Padabog akong bumangon mula sa pagkakahiga at walang ganang tinungo ang pinto.
"Tell him to fuck himself! I'm busy, wala akong ganang kumain!" iritado kong sambit.
Napansin ko naman ang pag-atras ng kasambahay. Imbes na pansinin 'yon ay sinarhan ko lang siya ng pinto.
Bumalik muli ako sa aking kama, nilibot ang buong tingin sa kuwarto. Napakagat labi ko nang mapagtantong marami akong mga stolen pictures ni Dante. Nagkakalat iyon sa pader, may pa-heart design pa na parang in love ang gaga.
Dahan-dahan akong tumayo at nilapitan ang mga pictures. Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga saka hinablot ang mga pictures sa pader. Tinanggal ko lahat, kahit picture frame namin noong kasal namin ay tinanggal ko. Pinunit ko ang mga stolen pictures niya at itinabi ang frame namin.
Nang magsawa ay umupo ako. Nagkakalat sa sahig ang mga punit na pictures, love letter at gamit na galing sa kaniya.
"Tangina talaga. Hindi naman kita pagmamay ari. Why collecting these damn pictures!"
Masakit. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang mga litrato niya sa sahig. Those memories were has a value for me. Bawat litrato ay may nakasulat na letter, date at kung anong ganap sa araw na 'yon.
Damn it. Ngayon ay nagkapira-piraso na, wala na 'yung halaga sa akin. Those memories are just part of my thesis. We're not meant for each other, dumaan lamang ako sa kaniyang buhay. Masakit man isipin, iyon talaga ang totoo.
While looking at my thesis, hindi ko mapigilang hindi maluha. Tangina ang sakit.
They were both happy now. Atras ang walang karapatan.
***
"O m g! Thanks G, nakapasa tayo! Ang galing mo talaga, Luella! Ang talino!"
Pilit akong ngumiti. "Sus! Himala't nakasagot ka kanina. Mabuti na lang hindi napanis 'yang laway mo," sabi ko.
Tumawa naman ang gaga at palihim na kinurot ang tagiliran ni Aia. "Ang galing ko rin, hindi ba, Aia?"
"Tigilan mo ako, Janice, broken-hearted ako!"
"Luh! May jowa ka na?" akala mo talaga gulat na gulat e.
"Ano sa tingin mo? Ikaw lang ang puwede?"
"Wala pa akong jowa, gaga! Baka si Luella mayroon. Kumusta naman kayo ni Dante, Luella. Kayo na ba?"
Unti-unting napawi ang hilaw na ngiti sa aking labi. Inayos ko ang aking bag at inirapan siya imbes na sagutin.
"Uy! Kinikilig na 'yan!"
"Talandi nito!"
Tinawanan nila ako habang naglalakad kami sa pathway. Todo iwas naman ako dahil ayokong sagutin ang mga kalokohan nila.
Mukha ba kaming mag-jowa ngayon ni Dante? Nakakaloka.
Habang sa kalagitnaan ng daan, nahagip ko hindi kalayuan si Dante. Nagulat ako nang biglang nagtama ang aming mga mata. He suddenly walked closer to me habang salubong ang kaniyang mga kilay.
Nataranta naman ako. Gusto kong tumakbo at umiwas muli subalit nakalapit na si Dante at isang nakakabinging asaran na naman ang aking narinig mula kina Aia at Janice. Shit!
"Sus! Pakipot. Baka sila na talaga?"
Hindi ko pinansin 'yon. Bahala sila riyan, mga chismosa.
Inayos ko ang aking sarili habang pinapanood si Dante. Tangina ang pogi talaga kahit kailan.
"Iniiwasan mo ba ako?" 'yan agad ang bungad niya.
Oo, Dante, iniiwasan kita.
"Huh? Hindi naman ah!" tumawa ako ng peke upang takpan ang kakaibang naramdaman. Damn it!
"Iniiwasan mo ako dito, Luella! Masaya naman tayo kahapon kasama ang kaibigan mo, ah? Bakit ang cold mo ngayon sa akin. May mali ba akong nagawa? Tell me, Luella. Mababaliw na ako sa kaiisip!"
He was happy yesterday. Mabuti naman kung gano'n. Samantalang ako pilit na ngiti ang nilalabas para lamang masabayan ang kanilang pinag-uusapan. Hindi niya ba napansin 'yon? Ang manhid. Matalino pa naman sana.
So, pinakita niya na kay Dante ang totoo niyang pagkatao. Good for her, paniguradong mas lalong mai-inlove sa kaniya si Dante.
Napalunok ako. Nag-ipon muna ako ng lakas bago sinagot si Dante.
Pilit na ngiti ang aking pinakawalan habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Sa tuwing nakikita ko itong mga blue eyes niya noon, kinikilig at tila nilulunod ako. Ngayon, iba na. Nasasaktan na ako, para bang inaanod na ako nito palayo.
"Haha! Ano ka ba, hindi naman ah. Gutom ka ba? Gusto mong kumain? Tara, libre ko!"
Ngumiti ako. Pilit lamang.
Kahit sa huling pagkakataon, I want to feel that this is our written story.
***
Ending is coming!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro