Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20 : Promises

Luella's POV

Awkward akong natawa. Maarte kong iniwas ang kaniyang dalawang kamay sa akin at tinawanan muli siya. Salubong naman ang kaniyang kilay. Mukhang nawi-werduhan sa akin.

Patawa kasi e. Siya, magkakagusto sa akin? Sa pagkakaalam ko hindi niya ako type ah. Anong klaseng hangin kaya ang pumasok sa utak nitong si Dante?

"Gutom ka ba?" natatawa kong tanong, pero deep inside umaasa na totoo 'yung sinabi niya.

Umiling-iling siya. Parang hindi makapaniwala sa naging reaksyon ko. Hindi naman kasi kapani-paniwala. Davian Terron Salvatore, magkakagusto sa akin? Baka panagip lang 'to ah. Ayokong umaasa kaya huwag niya akong ini I-echos.

"What?"

"I'm not hungry. Baka ikaw?"

Napanguso ako. "Oo kaya manahimik ka riyan at huwag mo akong kakausapin."

"Anong silbi ng bunganga mo kung hindi ka magsasalita?"

"Anong silbi ng sinabi mo kung wala namang katotohanan? You're just mad at me, Dante. Papaanong nagkagusto ka kaagad?"

Inirapan ko muli siya. Ilang araw kaming hindi nagpapansinan tapos ngayon sasabihin niyang gusto niya ako? Is he playing with me? Higanti niya ba ito sa ginawa ni Luna sa kaniya noon? Pwes, hindi ko siya hahayaan.

Pero tangina...paano naman itong nararamdaman ko? I like Dante. Oo matagal na, noong una kaming nagkita. Hindi naging madali ang lahat sa amin, marami akong pinagdaanan bago kami nakarating sa ganito. Ang hirap-hirap niyang pakisamahan sa totoo lang. Suplado, masungit at maarte. Kung hindi lang 'to gwapo baka noon ko pa tinakbuhan. Chos! Wala na akong mauuwian. Sa isang Salvatore lang babagsak.

"I'm not mad at you. I'm mad because you're thinking too much! I know you're not yet ready to face the truth, so don't fvcking push yourself and focus on your studies. May kasunduan kayo ni Lola kaya imbes na alamin ang buhay ng ibang tao, focus on yourself." Mahabang lintanya niya. Bakas ang inis habang binabanggit niya ang bawat salita.

Hindi ako nakasagot kaagad. Pinili ko na lamang manahimik at abalahin ang sarili sa panonood ng mga puno sa labas imbes na gatungan ang sinabi niya. Totoo naman kasi na may kasunduan kami. Ano namang sasabihin ko? Na handa na ako sa katotohanan? Yes, hindi pa ako handa pero kailangan kong malaman lahat dahil umaasa ako na buhay pa ang kambal ko. Alam kong impossible sapagkat ilang taon na ang lumipas ngunit ako'y nagbabakasakali pa rin na buhay siya at babalikan niya ang kaniyang sariling pamilya. How about Dante? Mahal niya pa rin ba ito?

Napanguso ako. Ang dami niya namang lalaki. Isa rin 'tong si Dante, daming umaaligid na babae. Araw-araw ko na yatang nakikita.

Nakakaloka.

"Saan ka pupunta?" tanong niya nang bumaba ako malapit sa isang pharmacy. Sinabihan ko kasi kahapon si manong na may dadaanan ako.

"Bibili ng gamot,"

"Para saan? Are you sick?" kunot noo na tanong niya.

"I'm not. Hintayin niyo ako dito, mabilis lang 'to." Sagot ko at lumabas na ng sasakyan ngunit nagulat ako nang maramdamang bumaba din si Dante.

"Anong ginagawa mo? Sabi ko hintayin n'yo a-"

"The NC is near here. Sasamahan na kita,"

"I'm fine, Dante. Hindi na ako babalik sa NC!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hinding-hindi na talaga! Now, hayaan mo akong samahan ka."

Wala na nga akong nagawa nang humakbang ito. Siya na ang naunang pumasok sa pharmacy habang nakapamulsa. Edi siya na rin ang bumili, nahiya pa e.

Talandi. Gusto niya lang pala ng atensyon. Ngayon nakuha niya na ang buong atensyon ng mga saleslady. Puwede ka na bang lumabas, Dante? Nakakailang e.

"Mauna ka na," giit ko pa habang pinapanood ang saleslady sa aking harapan.

"Ang tigas ng ulo mo."

"I'm fine, Dante. Magbabayad na ako oh!" gigil na sambit ko ngunit tila walang narinig ang baliw at prente lamang itong nakatayo. Mariing nakatingin sa akin.

Putcha talaga. Bakit ang kulit-kulit ng isang 'to ngayon. Epekto ba 'to ni Stella sa kaniya? Nakakabaliw naman pala.

Binayaran ko ang binili kong gamot. Gamot iyon sa lagnat at ngipin dahil paminsan umaatake ang sakit sa ngipin ko.

Nilingon ko si Dante. Nakapikit ang mga mata nito habang nakapamulsa. Ang pogi talaga kahit kailan. Para siyang modelo sa atake niya ngayon. Nagmumukha siyang hot sa paningin ko, hoay! Partida, naka-uniform at may Law patch pa 'yan sa dibdib.

Luluhuran si Attorney.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Akma ko na sanang ibubuka ang bibig ngunit nagmulat ito, sinalubong ako ng kaniyang mala-dagat na mga mata.

Ayan na naman 'yang mga mata na 'yan.

"T-Tapos na ako." Umiwas ako ng tingin.

"Let me hold that for you,"

"Ako na, hindi naman mabigat,"

"Still. Let me."

Argh. Ang kulit-kulit talaga!

"Ako na nga!"

"Article 3, Section 14 of the Republic Act Regarding Per-"

Shuta! Tinopak na naman siya sa katalinuhan niya. Ayoko na! Bahala siya diyan.

Iritado kong hinagis sa kaniya ang supot bago pa man lumala ang sitwasyon. Nasalo niya naman iyon.

"Nahiya ka pa. Ako na, Luella Rose..."

"Bahala ka nga!"

NANG makarating kami sa mansyon, kumunot agad ang noo ko nang mapansing puno ang garahe namin. May limang sasakyang nakaparada sa labas at mamahalin pa. Shocks! Hindi naman siguro ito parents ni Dante, ano? Hindi sila gumagamit ng mga sports car e. Simpleng van lang.

"May inaasahan ka bang bisita ngayon, Dante?" tanong ko habang ang tingin nasa mga sasakyan.

"My friends." Ikling sagot niya.

Sinong mga kaibigan naman kaya ito.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng mansyon, dali-daling lumabas si Dante. Naunahan niya pa si manong na akmang lalabas na sana.

Mabilis na tumaas ang kilay ko. Ihing-ihi na ba ito?

"Lokong Dante na 'to. May ka-oahan din naman pa lang tinatago," bulong ko.

Inayos ko muna ang bag ko bago nagpasya na lumabas ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko nang buksan iyon ni Dante.

"Anong pakulo na naman 'to ha?"

Hindi niya ako pinapansin. Hinila ako nito palabas. Hayup!

"Ano ba! Napaka-ungentleman mo naman!"

"Ang tagal mo kasi e!" suplado niyang sagot.

"Aba! Sinabi ko bang pagbuksan mo ako ng pinto?" halos sirain ko na ang ngipin ko dahil sa panggigigil kay Dante.

Nagkibit-balikat siya. Hindi ako pinansin. Bitbit niya pa ang supot ko habang tinatahak namin ang daan papasok sa loob ng mansyon.

Hindi lang mga mamahaling sasakyan ang bumungad sa amin, malakas na ingay din sa loob ng mansyon. Natamaan ko ang boses ng isa, parang si Primo. Isa din sa mga campus princes na tumulong sa akin noon. Ano kaya ang kailangan nila kay Dante?

"Magkaklase ba kayong lahat?" tanong ko habang inaayos ang buhok.

"Hindi."

"Anong kailangan nila? May pag-uusapan ba kayo?"

Asawa ako kaya normal lang na mag-tanong, hindi ba? Kailangan kong alamin ang mga nagaganap sa loob ng mansyon.

"Hindi ko alam. Nagtaka nga ako bakit pumunta ang mga hayup na 'yan dito."

"Maka-hayup ka naman," bulong ko pero sapat na para marinig niya.

He looked at me. Nilahad niya sa akin ang supot nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng mansyon.

"Here. Tatawagin kita mamaya kapag handa na ang pagkain,"

"Hindi mo ako ipakilala sa mga kaibigan mo?"

Umigting ang kaniyang panga. "Kailangan pa ba 'yon? You already knew them." Walang pakialam na sagot niya.

"Kahit na! Mangangamusta lang naman ako,"

Napahinto siya sabay lingon sa akin. Kitang-kita ko ang pagkislap ng kaniyang blue eyes. Argh. So pogi! Sinabayan pa talaga ng lights ng chandelier.

"Hindi nila alam na nakatira tayo sa iisang bahay, Luella Rose." May paghahamon ang boses.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kapag nalaman nila na iisang bahay lang tayo iisipin nilang mag-asawa tayo."

Inirapan ko siya. "Totoo namang mag-asawa tayo ah! We already made our promises, Dante. Hindi pa ba mag-asawa 'yon sa'yo?"

"I don't do promises, Luella. I will marry you again and this time...sa simbahan."

Nalaglag ang panga ko.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro