Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2 : Klane Howitzer

Luella's POV

KINAUMAGAHAN mabigat ang pakiramdam ko. Parang pasan ko ang problema na kinakaharap ngayon ni Maria, 'yong sikat na influencer na biglang nag-viral dahil sa content nitong malalaswa. Kaloloka.

"Umaga na pala..." wala sa sariling sambit ko. Inangat ko nang dahan-dahan ang aking ulo upang salubungin ang liwanag na nagmula sa aking bintana. Sariwang-sariwa pa ang araw.

"Umalis na kaya si Dante?" muli ko na naman naramdaman ang pait sa aking lalamunan. Imbes na alalahanin ang nangyari kahapon, sinawalang bahala ko na lamang. Sa halip inayos ang kumot at unan sa aking paanan.

Wala pa rin sana akong balak bumangon ngunit ako'y napabalikwas nang maalalang may assignment pala ako na ipapasa ngayong araw. Shocks! Sa unang subject ko pa. Lagot, wala pa akong nasagutan. Hindi ko pa nabuksan ang pdf na ni-send sa gc.

Bigla kasing bumagsak ang katawan ko kahapon, pagod na pagod. Mabuti na lang hindi ako ni-sermunan ni Dante. Mukhang wala pa naman sa mood ang Lolo ninyo.

"Anong oras na ba? Bakit hindi ako kinatok ni Dante? Ugh! Hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin. Pasalamat ka, pogi at crush kitang bakulaw ka. Palalampasin ko 'yung ginawa mo kahapon, hindi naman masyadong masakit," bumuntonghininga ako.

Sinubukan kong igalaw ang katawan ngunit hindi ko maigalaw ng maayos ang dalawang kamay, para akong nawalan ng lakas. Gosh! Anong gagawin ko. Tatawagin si Aling Waning? Argh.

Nabasa kasi ako ng ulan kahapon. Dinama talaga ang bagsak ng ulan habang yakap si Janice. Speaking of? Kamusta kaya ang bruhang 'yon, nagkasakit din kaya?

Inabot ko ang cellphone sa tabi ko at hinanap ang pangalan ni Janice sa messenger ko ngunit mabilis na kumunot ang noo ko nang biglang umingay ang group chat namin sa unang subject. Ano na namang kaguluhan 'to? Huwag mong sabihing may ipapagawa na naman si sir? Jusko naman, sana wala.

Binuksan ko iyon at unang bumungad ang pangalan ni Janice na mukhang kagigising lang din dahil sa emoji nito. Nakasaad sa group chat na walang pasok sa unang subject kaya wala ring pasahan ng assignments. Babalik daw next week si sir. May aasikasuhin lang sa La Trinidad.

Unti-unting sumilay ang ngisi sa aking labi. Pinindot ko ang pangalan ni Janice na mukhang tuwang-tuwa din sa balita. Binati ko siya ng magandang umaga at tinanong kung masama ba ang pakiramdam niya.

Mabilis naman niyang ni-seen ang mensahe ko at sinagot na medyo mabigat ang pakiramdam niya, siguro dahil sa ulan kahapon. Ni-english pa ako ng gaga, akala mo talaga kung sino e. Pero may lahi talaga si Janice. Ganda e. Bagay na bagay sa kaniya ang in-born niyang dark brown na buhok at mukha niyang parang model. Wala nga lang siyang pakialam sa mukha niya. Ewan ko ba. Basta mas maganda ako, angat lang siya ng 5 percent sa akin. At isa rin ako sa most beautiful faces ng Dreamweaver, ano. Hindi nga lang nangunguna.

Binaba ko ang cellphone saka dahan-dahang bumaba ng kama. Binuksan ko ang dalawang binata sa aking kwarto, revealing our kapitbahay na sobrang yayaman din. Nasa isang sikat na subdivision kami, tinatawag itong Grand View na pagmamay ari ng mga Santford. Halos mayayaman ang nakatira dito. Marami ring poging nagjo-jogging sa labas kaya laging maganda ang gising ko.

Ikaw ba naman pakitaan ng abs sa umaga, hindi ka ba matutuwa niyan? Lalo na kapag si Dante tatakbo sa labas, hindi lang laway ko ang tutulo, lalaglag din ang panga ng mga kapitbahay namin, at nakakainis na panoorin iyon.

Syempre, gustong-gusto naman ng Lolo Dante niyo, nagpapasikat pa. Sa akin, sobrang cold at suplado niya, sa iba mabait. Mapagpanggap talaga.

Papaano ko kaya paaaumuin ang lalaking 'yon?

Hinawakan ko ang bakal at akma na sanang iiwan iyon nang mahagip ko hindi kalayuan si Dante. May dalang supot habang may headphones sa tainga.

Tumaas ang kilay ko. "Wala bang pasok ang masungit na 'to? Bakit may dala siyang supot. Naubusan na ba kami ng stock sa ref?"

Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Hinanap ko si Aling Waning at nadatnan ko siyang naghahanda sa kusina kasama ang bagong katulong namin na si Farah. Ganda ng pangalan, noh? Kasing-ganda niya rin. Kulang lang sa ligo, ayos at sipilyo itong si Farah.

"Oh, Luella, bumaba ka na at kakain na,"

May ulam naman ah. Anong binili ni Dante sa labas?

"Si Dante, ma? Wala ba siyang pasok?" tanong ko at tumango kay Farah. Ma, ang tawag ko kay Aling Waning kapag nasa mansyon kami, nasanay ako at iyon din naman ang gusto niya dahil wala siyang anak kaya sumang-ayon kaming dalawa na tawagin niya akong anak at ma naman sa kaniya.

"Hindi mo alam?" Tumaas ng bahagya ang kilay niya. Binaba niya ang gold vase na nasa ibabaw ng lamesa at pinalitan ng bago iyon.

"Ha? Bakit? Sa pagkakaalam ko hindi mahilig mag-absent 'yon. Ano kayang nakain no'n ngayon..."

Sumagi sa isip ang article na ni-send niya kagabi. Hindi ko 'yon sinagot. Ni-like ko lang. Asa siya.

"Wala pang kain 'yon, anak. Maagang umalis, may bibilhin daw sa pharmacy. Kumusta ang pakiramdam mo? Basang-basa ka kahapon,"

Nilapitan niya ako at nilagay ang palad sa aking noo sabay tampal ng mahina roon. Umangal naman ako ngunit mahina lamang at tinawanan siya.

"Huwag ka munang pumasok ngayon."

"Kailangan kong pumasok, ma. May gagawin kami mamaya sa laboratory. I can't miss this,"

"Tumigil ka, Luella. Lalala 'yang lagnat mo mamaya. Nagsisimula nang uminit ang buong katawan mo. Kumain ka at uminom ng gamot pagkatapos,"

"Ma naman, e!"

Sinamaan niya ako ng tingin dahilan nang pagnguso ko at pagbukas ng malaking pintuan. Niluwa no'n ang naka-gray jacket na si Dante.

Mabilis akong umiwas ng tingin. Binalik ang atensyon sa pagkain at sinubo ko lahat iyon. Hindi pinansin ang mga yapak ni Dante na papalapit sa kinaroroonan namin.

"Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Aling Waning sa kaniya.

"Hindi muna ako papasok ngayong araw, ma. May aasikasuhin lang." Sagot niya.

Aabsent talaga siya?

Naramdaman ko ang presensya nitong umupo sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon, nakatitig lamang ako sa okra, talong at kalabasa. Nakakainis kasi! Ito na naman ang puso kong sobrang oa. Nagmumukha akong in love nito, e crush lang naman ang nararamdaman ko kay Dante. Paghanga lang gano'n.

Maraming gwapo e, hindi maiwasan.

"Sige. Ikaw, Luella, pagkatapos mo riyan inumin mo ang gamot mo, huwag ka munang lalabas ng mansyon."

"Okay." Wala naman akong magagawa. Desisyon si Aling Waning e, saka unti-unti ko na ring nararamdaman ang totoong epekto ng lagnat.

"About yesterday..."

Pumikit ako ng mariin. "Don't mention it. I understand." Ayan, napa-english ng wala sa oras ang Lola niyo. Akala niyo lang naintindihan ko pero hindi! Naiwan ko pa ang lunchbox ko sa campus. Ang mahal mahal no'n. Bunny pa ang design.

Bibili na naman ako ng bago nito.

He cleared his throat. Kumuha siya ng pinggan at akma na sanang iaabot ni Farah ang adobo nang pigilan niya ito.

"I have hands, I can do it. Finish your work outside." Malamig pa sa yelo na utos nito. Bilang masunuring bata, sinunod naman kaagad ni Farah. Ending, naiwan kaming dalawa ni Dante.

Anong sasabihin ko? Wala akong maisip na topic.

"Nasa akin ang bunny mong lunchbox. Ibabalik ko sa'yo mamaya,"

"So...you have my lunchbox, huh?" may halong pait ang boses. Lasang-lasa ko ang pagka-bitter ko. "Hindi ba't tinapon mo 'yon? Bakit mo naman kinuha?"

"I picked it up after I threw it. " Wow naman talaga, parang nothing happened lang. Gano'n-gano'n na lang 'yon? Paano naman 'yung pagkain na natapon? Ako nagluto no'n. I want to scream, pero pinipigilan ko ang sarili ko.

"You threw it hard. The food spilled all over the campus. Nakatutuwa 'yon?"

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at inabot ang supot na hawak niya kanina.

"Sorry. I cleaned it up. Look, I have it," pinakita niya sa akin ang bunny kong lunchbox. Mas malinis pa sa mukha ko 'yon at naamoy ko ang sabon na gamit niya. Mamahalin.

Ngumuso ako. "Bakit hindi mo binigay sa akin kahapon?"

"I didn't want to admit I was wrong," he muttered, saka umiwas ng tingin.

Inabot ko ang lunchbox at itinabi ko iyon sa akin. "I don't understand why we can't tell anyone we live together," wala sa sarili kong sabi.

Unti-unti siyang humarap sa akin. Salubong ang kilay, hindi magustuhan ang sinabi ko.

Damn.

"Because it's none of their business," he snapped. "Why does everyone have to know everything about our lives?"

Oo nga, bakit? Pero hindi naman kami mag-jowa para itago ang lahat sa kanila, sooner or later they will know about us living together. Hindi naman siguro masisira ang reputasyon niya kung malaman ng lahat. At isa pa, hindi luho ng mga Salvatore ang habol ko. Scholar ako sa Dreamweaver University, gusto kong makapagtapos upang masuklian ang kabutihang ginawa ni Lola sa akin. Iyon lang naman ang gusto ko.

"And why should I buy you food on campus? Do you want everyone to think we're dating?" asik niya. Napansin yata ang pananahimik ko.

Oo, Dante. Pero chos lang, kung 'yon ang gusto niya, bahala siya sa buhay niya. Hindi ko na siya bibigyan ng pagkain sa susunod. Hahayaan ko siyang magutom, charot. Hindi puwede, baka multuhin ako ni Lola. Takot pa naman ako sa mga ghost.

Hindi ko siya sinagot, sa halip tinuon ko muli ang tingin sa lunchbox. Ngunit ako'y napahawak sa aking noo nang bigla itong sumakit.

"Aray!"

"Luella, what happened? Masakit ba ang ulo mo?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Dante.

Pumikit ako ng mariin. Tangina, lalagnatin na yata ako. "Hawak mo ba ang gamot na binigay ni Aling Waning? Paabot naman..."

Naramdaman ko ang pag-alis niya sa aking tabi at maya-maya pa ay bumalik siya. May dalang dalawang tableta sa kamay at isang basong tubig.

"Here, drink this first,"

Napatitig ako nang matagal sa mukha niya. Namangha sa blue eyes niya na namana niya sa kaniyang ina na si Mrs. Cynthia. Ang pogi mo talaga, Dante. Kung hindi ka lang masungit, naku...

"Mamaya mo na ako titigan, Luella. Inumin mo muna 'to..."

"Assuming mo naman!"

"Sus. I'm not blind, you know?"

"Mukha rin ba akong bulag? Bakit naman kita tititigan, hindi naman kita crush,"

Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi dahilan nang panlalaki ng mga mata ko.

Tangina, ang pogi! Oo crush kita pero dapat secret lang.

"Hindi pala crush, ah? Kaya pala marami akong mukha sa kuwarto mo."

"ANONG SABI MO?"

"I saw my pictures inside your room, Luella Rose. Bet na bet mo pa ang abs k-" mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

"MAMA OH, SI DANTE! ANG BASTOS!"

"Nag-aaway na naman ba kayong dalawa, ah!"

***

PANIBAGONG araw na naman at panibagong matutunan na naman. Symepre, hindi na naman kami sabay ni Dante, dahil ayaw niyang ma-issue kaming dalawa. Oa niya talaga. Nauna na siya sa campus habang ako naman nasa jeep pa, nakipagsiksikan, ininda ang malakas na putok ng katabi ko.

Grabe, mukha pa naman siyang fresh pero 'yong putok ng kilikili niya nakapanghihina. Kanina pa ako ilag nang ilag dito. Kakaloka, ang sikip naman.

Day off kasi ng driver ngayon kaya walang maghahatid sa akin. Asa namang isasama ako ni Dante, kaya heto ako ngayon, sariling sikap. Hindi na mukhang fresh dahil sa katabi ko.

Binuksan ko ang cellphone ko at hinanap ang group chat namin. Nagbabakasali na may good news na naman.

Ang mga gaga, may sari-sariling chismis. Nakita raw nila si Dante na may kasamang babae at lalaki. Kapit na kapit daw kay Dante 'yong babae habang naglalakad sa hallway.

Wala silang nilapag na picture. Halos chats lang lahat.

"Sinong babae na naman kaya 'yon?"

Kaya pala ang aga mo, ah. Lagot ka sa akin mamaya sa mansyon. Hoay! Parang mag-asawa. Wala akong pakialam kung sino-sinong babae ang lalandiin niya riyan. Wala rin namang pakialam iyon sa akin kaya quits lang kami.

Nang tumigil ang jeep sa Dreamweaver University, bumaba na kaagad ako dahil hindi ko na mapigilan ang hininga ko.

Binalik ko muli ang cellphone sa loob ng bag at hahakbang na sana nang makarinig ako ng malakas na tawa. Para bang wala ng bukas.

Naagaw niya ang atensyon ko kaya napalingon ako sa kaniya. Lalaki, estudyante din. Kabababa lang ng jeep.

"How was the smell?" ngumisi siya sa akin, revealing his two dimples. Shuta ang pogi. Pero sino ang kinakausap niya?

Ako ba?

"You. Ayos ka lang ba? Mukha ka nang matatae kanina sa loob," at tumawa na naman ang gago. Sayang gwapo sana pero mukhang baliw.

"Ikaw, ayos ka lang ba? Parang wala nang bukas ang tawa mo." Sagot ko at tumalikod upang pumasok na sa loob ng campus.

"Hey! Wait! Anong pangalan mo?"

Sinundan niya ako. "Bakit ko naman sasabihin sa'yo?"

"Because I asked?"

"Luella."

Ngumiti siya, pinasikat na naman ang dimples. Nakakainis!

"I'm Klane, Klane Howitzer." Hinarangan niya ako dahilan nang pagtigil ko. He extended his hand, naghihintay na tanggapin ko 'yong kamay niya.

Kaano-ano niya kaya si Prof Howitzer?

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tamad na tinanggap ang kamay niya.

"Happy?"

"Super happy! Nice to meet you, beautiful Luella. See you around!"

Kumaway siya sa akin habang nasa balikat ang hawak nitong bag. Bukas pa ang zipper. Napailing ako at akma na sanang hahakbang muli
kaso may lalaking huminto sa harapan ko.

Nakakainis naman.

"Who's that guy?" Davian?!

Walang emosyon ang kaniyang mukha. Nakatayo siya sa aking harapan habang hawak ang makapal na libro sa kaniyang kanang kamay.

"S-Sino?"

"That guy. Kilala mo?"

Mabilis akong umiling. "Hindi ah!"

"Then, why did you hold his hand? Nagpakilala? For what?"

Pambihira. Huwag mong sabihing nagseselos ka, Dante? Naku naman, ang cute mo magselos.

"Ano naman sa'yo? Ikaw lang ba ang pwedeng lumandi?"

Sa puntong ito masama na ang timpla ng kaniyang mukha. Napapansin ko rin ang adam's apple niyang bumababa at ugat nitong umiigting sa kaniyang leeg.

Galit na naman.

"Hindi ako lumalandi, Luella Rose."

"Talaga? Sino 'yong babaeng kumapit sa braso mo? Bagong girlfriend mo ba?"

"I don't do girlfriends. Alam mong wala akong oras sa mga gan'yan."

Ngumisi ako. Imbes na masindak sa kaniyang mukha na kulang na lang manuntok, mas lalo ko pa siyang ininis.

"Sad. Ako meron. Kitakits na lang mamaya, Davian! Bye!" sambit ko, subalit nahuli niya ang kamay ko.

Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at pagkuyom ng kaniyang kamao. "Don't talk to that guy again. Do you understand?"

"B-Bakit naman?"

"He's not good for you. See you later."

Ano daw? Not good for me? Eh sino ang right for me? Kung may gusto ka lang sana sa akin edi tayo na ngayon.

"Ang slow mo din, Dante, e. May pa I don't do girlfriends ka pa. E lagi naman kitang nakikitang may kinakausap na babae. Mukha mo."

Ayaw pang amining nagseselos. Hanggang kailan ka magpipigil, Davian Terron?

Nagkibit-balikat ako. Inangat ko ang kamay upang tingnan ang oras sa relos ko. Shit! Magsisimula na ang activity namin sa Lab!

Tinakbo ko ang distansya papuntang Laboratory. Sa likod iyon ng building ng Law. Kahit maraming nakatingin, sinawalang bahala ko dahil kailangan kong makaabot bago mahuli ni Sir Howitzer. Ayokong malintikan. Shuta naman.

Habol ko ang aking hininga nang natanaw ko na ang hindi gaanong kalakihang Laboratory. Nakita ko sina Janice, Aia at Klane? Sa labas, nag-uusap ng seryoso. Huwag mong sabihing kaklase namin si Klane? Ngayon ko lang kasi napansin ang lalaking 'to. O talagang wala lang akong pakialam sa mga kaklase kong lalaki? Pukos ako kay Dante e. Isa pa, wala rin namang gaanong guwapo sa block namin. Papangit nila! Pero ngayon na nakilala ko itong si Klane Howitzer, puwede na.

"Rose! Ang aga mo ah?" sarcastic itong tumawa. Sarap balibagin.

"Nagsimula na ba?" humihingal pa.

"Hindi pa naman. Bumalik si Sir Howitzer sa office, may nakalimutan daw." Nilingon niya si Klane na nakangisi ng malaki. "Ito nga pala si Klane, pamangkin ni Sir Howitzer. Kaklase din natin siya,"

Nag-salute sa akin si Klane. Napangiwi tuloy ako. Mukhang maloko ang isang 'to ah.

"Bakit ngayon ko lang siya nakita?"

Lumapit si Aia sa akin. Hinawakan niya ang braso ko saka iginaya sa loob ng Lab. Naroon na ang mga kaklase ko, may kani-kaniyang ginagawa. Mukhang group activity yata ang gagawin namin ngayon.

"1 month siyang excuse."

"Puwede 'yon?"

Puwede ba 'yon? Anong rason naman kaya? Ang haba kasi ng 1 month e. Papaano siya makaka-cope up sa mga lessons? Ay! Tito niya pala si Sir Howitzer, malamang hindi niya hahayaang maiwan ang pamangkin niya.

Marahang tumango si Aia. "Oo. Ewan ko kung anong rason, basta iyon ang sinabi niya sa amin. Nga pala, kagrupo natin siya sa gagawing activity ngayon,"

Umupo ako. Panandalian kong binalingan ng tingin si Klane. Abala pa rin ito sa pakikipag-usap kay Janice. Seryoso ang mukha habang may bitbit na libro sa kaliwang kamay.

Ano kaya ang ipapagawa sa amin ngayon ni sir?

"Okay lang ba sa'yo?"

"Oo naman, Aia. May ideya ka ba sa gagawin ngayon?" hindi ko maiwasang hindi mapasinghap nang maamoy ko ang loob ng Lab.

"Hindi ako sigurado. Pero nakita namin kanina na may bagong bangkay na naman sa kabilang room. Iyon yata ang ipapagawa-"

Nanlaki ang mata ko. "B-Bangkay?"

Pabiro niyang sinampal ang braso ko. "Gulat na gulat? First time? Hindi ako sigurado, pero baka 'yon ang ipapagawa sa atin. Alam mo namang gusto ni sir na nahihirapan tayo," ngumuso siya.

Sa pagkakaalam ko ibang prof ang naka-assign sa mga bangkay. Bahala na nga.

Pagkadating ni Sir Howitzer, binigay niya kaagad ang gagawin naming activity ngayong araw. Kasama ko sina Aia, Janice at Klane.

Hindi tungkol sa bangkay, kundi tungkol sa emosyon. Emosyon? Anong klaseng activity ito.

Yes, pag-aaralan namin ang emosyon ng bawat isa. Partner ko pa si Klane. Pambihira! Nakakahiya. Kahit nag-iisa ko lang crush si Dante, hindi ko maiwasang hindi mailang kay Klane. Guwapo din kasi siya at malakas ang dating. Mukha ring badboy pero mas dark ang dating ni Dante. Pinaglihi sa sama ng loob e.

"Huwag kang mailang," humalakhak siya.

Sinapak ko naman ang braso niya. "Umayos ka nga. Anong klaseng mukha ba 'yan?" reklamo ko.

Tumaas ang kaniyang kilay. "Ipaalala ko lang sa'yo, Luella. Emosyon ang pag-aaralan, hindi ang buong mukha ko!" at tumawa na naman ang gago.

Buwesit.

Ilang oras ang ginulgol namin sa Lab. Hindi naman mahirap pakisamahan si Klane, masaya siyang kausap kahit minsan naiinis ako. Ang touchy niya rin, parang bakla. Mabuti na lang wala dito ngayon si Dante. Hindi niya makikita ang kalandian ko, hoay! Kalandian talaga?

So, ayon nga, late kaming nakauwi dahil sa activity na akala nami'y madali lang. Pambihira, anong oras na oh. Paniguradong malilintikan na naman ako.

"Sabay na tayo,"

"Wala kang sasakyan? O susundo sa'yo? Mukha ka pa namang mayaman," bulong ko.

Mahina siyang natawa. "Hindi ah. Ano? Tara, baka mauubusan tayo ng mauupuan."

Sabay kaming lumabas ni Klane. Hindi na ako nakapag-paalam sa dalawa dahil abala ito kanina. Kausap ni Janice si Wade habang kausap naman ni Aia ang prof namin. Chat ko na lang sila mamaya na nakauwi na ako.

"Nakita ko kayo kanina ni Salvatore sa hallway. Magkakikala kayo?"

"Oo." Sagot ko habang palihim na pumipikit. Inaantok na ako.

"Mukha siyang galit. Anong pinag-usapan niyo?"

"Chismoso mo naman. Wala lang 'yon, normal lang na expression niya 'yon. Pinaglihi sa sama ng loob e,"

Natawa na naman siya. Saya niya talaga today. "Nga pala, salamat pala sa tulong mo kanina. Kung hindi dahil sa'yo hindi tayo makakausad." Sabi ko at kumaway nang tuluyan na akong nakababa mula sa jeep.

"No problem! See you tomorrow!"

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro