Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19 : I Like You

Luella's POV

"Anong nangyari sa'yo? Ilang araw ko nang napapansin ang pananahimik mo. May nangyari ba sainyong dalawa ni Davian?"

Nasa labas kami ngayon ng cafeteria. Usual, kumakain. Hindi namin kasama si Aia dahil may practice ito sa cheer dance. Gusto ko rin sanang sumali kaya lang ay magkaaway kami ngayon ni Dante. Paniguradong hindi niya rin ako papayagan. Desisyon siya e, kahit galit iyon, buo pa rin ang atensyon niya sa akin. I'm his wife after all. Sa ganda ko ba namang 'to, sinong hindi mauulol?

Ilang linggo na kaming hindi nag-uusap ni Dante, gano'n pa rin ang ganap. Madalang ko na rin siyang nakikita sa mansyon dahil lagi daw itong may lakad sa gabi sabi ni Aling Waning. Inusisa ko pa pero 'yun lang talaga ang alam nito. Ewan ko kung anong ginagawa ni Dante sa gabi, o baka naman iniiwasan niya ako. Grabe namang galit 'yan, inabot talaga ng three weeks? Oo tatlong linggong walang pansinan. Sinusubukan ko naman itong kausapin ngunit siya itong laging umaalis.

Napagod ako. Hinayaan ko na lang siya. Naintindihan ko naman siya kaya maghihintay ako kung kailan niya ako kakausapin.

Kailan naman 'yon, Luella? Hindi na puputi ang uwak. Imposible namang habang-buhay ang galit ni Dante. Nagtatampo lang iyon dahil iniwan ko daw siya noon-I mean ni Luna. Iniwan siya ni Luna. Isa rin ang lukaret na iyon, nakaka-stress maging siya. Salong-salo ko ang kamalasan ng buhay niya.

May itsura nga ang naging jowa pero halos problematic naman. Si Louis kaya? Hindi ba siya nagsisi na kasama niya ito ngayon? Malamang, Luella. Hindi na nga bumalik.

Napabuntonghininga ako. Tinaasan ko ng kilay si Janice. Kanina niya pa ako tinatanong kung bakit lagi akong galit sa tuwing pumapasok ako ng classroom. Hindi ko siya sinagot, sa halip ay hinayaan na lamang. Naghi-heal ako mga anteh.

"May chismis ako!"

"Ano na naman 'yan?" walang pakialam kong sagot at nilantakan ang burger sa aking harapan.

"Tungkol 'to kina Davian at Stella. Hindi ba't magkaibigan sila? Napansin kong napapadalas ang pagsasama nila ah. Alam mo na ba 'yon?"

Last week ko pa alam na nandito si Stella. Nakalimutan niya yatang sa kaniya nanggaling ang chismis na ito.

Laging umaaligid si Stella kay Dante saan man ito magpunta. Paminsan naiirita ako kasi parang girlfriend umakto ang bruha na 'yon. Sarap sigawan na 'hello, nandito ang asawa, mahiya ka naman' mabuti na lang mabait ako. Pinahiram ko muna si Dante dahil galit ito sa akin. Kung hindi baka kanina ko pa hinila si Dante mula sa bruhildang iyon.

Sino namang tangang hindi makakapansin sa kanilang dalawa. E halos pinuno na nga nila ang group page ng Dreamweaver University. Natambakan 'yung pagkapanalo ko sa intramurals. Araw-araw silang trending at usapan-usapan ng lahat. Kahit saan naririnig ko ang pangalan nilang dalawa.

Nakakairita. Halos hindi na ako makapukos sa pag-aaral dahil sa kakaisip sa kanilang dalawa. Hindi naman sila bagay. Anong nagustuhan ni Dante sa manang na iyon? Bulag ba siya? Matagal na niyang gustong ligawan ang Stella na iyon, hindi nga lang natuloy dahil kasama niya ako. Ewan ko lang kung hanggang ngayon gusto niya pa rin si Stella. Wala siyang sinabi e.

Maganda naman si Stella. Medyo may pagka-morena ang atake ni bruha. Matangkad at nakahulma ng maayos ang mukha gano'n din ang katawan. Ang malaking ekis lang ay 'yung pananamit niya. Para siyang sinaunang tao. Hello, nasa bagong panahon na tayo ngayon, I-improve mo naman ang fashion style mo. I-ayon sa panahon. Parang iniwan na ng panahon e. Iyon yata ang mga type ni Dante. Hindi ako na inform na mala-Maria Clara pala ang type niya. Edi sana nag filipiniana ako.

"Ano naman ngayon?"

"Nagseselos ka?"

Muntik ko nang maibuga ang pagkain sa pagmumukha niya mabuti na lang napigilan ko.

"Bakit naman ako magseselos?" inirapan ko siya ngunit tinawanan lang ako nito.

Ang aga-aga nambuwe-buwesit na. Nakakawalang gana tuloy gumawa ng assignment. Wala na siyang makokopyahan.

"E kasi nga may gusto ka kay Davian? Hindi mo ba siya ipaglalaban? Hahayaan mo na lang na manalo ang Stella na iyon? Manok pa naman kita."

"Walang dapat ipaglaban, Janice. Hindi ko pagmamay ari si Dante. Walang kami."

Kumunot ang kaniyang noo. Hindi siya sumagot. Tinuon niya lamang ang atensyon sa written report. Yes, may reporting kami mamaya at ka-grupo ko si Janice. Ang malas, hindi ba? Sa kayrami-raming makasama, sa kaniya pa ako bumagsak.

"Pag-aralan mo ang report natin mamaya, Janice, baka magtatanong si Sir."

"Hindi 'yan. Mga kaklase natin panigurado."

Ang topic na binigay sa akin ay Legal Medicine. Isa ito sa mga subject namin at sa akin pa talaga inatas sa akin ni Dr. Howitzer. Nakakaloka. Pinuyatan ko 'to, dapat malaki ang score ko.

Habang ina-adjust ko ang projector sa lectern, nilingon ko ang mga kaklase ko. Abala ang halos sa kani-kaniyang ginagawa. Mayroon din namang interesado pero mabibilang lamang. Others were busy chatting, kahit na mahina ang mga boses naririnig pa rin namin.

I took another breath. Letting the air fill my lungs and then I began.

"Magandang umaga sa ating lahat! Ngayong araw ay itatalakay ko ang patungkol sa legal medicine. May ideya ba kayo kung ano ang legal medicine?" Ginala ko ang tingin sa mga kaklase. Grabe, ang sigla. Wala man lang tumaas ng kamay.

So I decided na ipagpatuloy nalang ang report. "Legal medicine is involves the application of medical knowledge to legal problems. It's an essential field that helps the gap between medicine and law," Bahagyang nanginig ang boses ko noong una, ngunit hindi nagtagal ay nakahanap ako ng tamang tiempo na simulan ang paksa na aking tatalakayin ngayong umaga.

Ibinahagi ko ang tungkol sa mahalagang papel na ginagampanan ng forensic medicine sa mga pagsisiyasat sa krimen, na kumukuha ng mga halimbawa kung saan tumulong ang mga medikal na propesyonal upang malutas ang mga kaso na tila hindi malulutas.

"Have you ever heard of invisible witnesses?" tanong ko habang nakatingin sa aking mga kaklase. Palihim akong natawa nang mapansing umiiwas sila sa akin.

"That's what forensic pathologist are often called. Maaari nilang matukoy ang sanhi ng kamatayan, tantiyahin ang oras ng kamatayan, at kung minsan ay matukoy pa ang mamamatay-tao sa pamamagitan ng mga natuklasan sa autopsy at iba pang mga medikal na pamamaraan."

Habang lumilipat ako sa mga slide, sinalubong ako ng mga tango ng pangsang-ayon mula sa mga kaklase ko.

Huminto ako sandali, inalala ang isang partikular na kaso na nakabihag sa bansa.

"Mag-isip kayo ng isang senaryo where a patient dies in a hospital under suspicious circumstances," patuloy ko.
"The medical examiner must navigate not just the complexities of human anatomy but also the maze of legal protocols. Did the doctors follow proper procedures? Was it negligence? This is where legal medicine becomes crucial."

Napansin ko ang paggalaw ni Dr. Howitzer. Ang aming propesor sa subject na ito, nakaupo sa likod. Nakayuko siya pero nakatitig sa akin ang mga mata. Nakakailang naman 'to si Sir. Halatang hindi niya palalampasin ito. Magbibigay padin siya ng singko.

"Ang galing mo, Rose! How to be you po?!"

"Quite class. Respeto sa reporter. Magtatanong ako next week kaya makinig kayo."

My classmates groaned. Binaba nila ang kanilang mga cellphones at tumitig sa akin na parang naging kasalanan ko pa na magtatanong next week si Sir.

Nakakaloka. Makinig kasi kayo.

Tumikhim ako. "As a future doctors, we must understand that every decision we make can profound legal implications. It's not only about healing, but also about upholding justice."

Naging maganda ang takbo ng aking discussion. Para na rin akong nagtuturo sa kanila pero ni isa walang sumagot sa mga tanong ko. Nakakaimberna.

It's time to ask and answer. Syempre, handa ako, ano. Ano akala niyo sa akin hanggang landi lang? Nagmu-multitask ako bhe. Expert na 'to, hindi nga lang halata.

Isa sa mga kaklase ko ang nagtaas ng kamay. Halata sa kaniyang mukha na hindi pa siya nakuntento sa mga sinabi ko kanina. Kanina ko pa kasi napapansin ang pagkailang niya.

"What about the challenges faced by medical professionals in legal cases? How do they cope with pressure?"

Napangiti ako. Isa ito sa mga tanong na pinaghandaan ko habang naghahanda kanina.

"Medical professionals often face pressure, lalo na kapag ang kanilang mga nasaksihan ay maaaring maka-impluwensya sa buhay o kalayaan ng isang tao. They focus on the facts rather than getting entangled in the emotion of the case and continuing education and physiological support are vital for those in the field."

Isang malakas na palakpakan ang namayani sa loob ng classroom. Sinasabayan pa ng tawa ni Janice, akala mo talaga may malaking nai-ambag sa report eh. Halos ako na nga ang nagsasalita. Mabuti nalang good mood ngayon si Dr. Howitzer. Hindi niya pag-iinitan ng ulo si Janice.

Habang inaayos ko ang projector at written report sa lamesa, I felt a wave of relief wash over me. Sa wakas natapos din ako. Exam na lang ang iisipin ko next week.

Nararamdaman ko na ang hell week. Argh! Hindi lang 'yon, may ojt pa kami. Hindi pa sinabi ni Ma'am kung kailan. We need to observe and help again. Hindi nga lang sa hospital nina Dante. Sa iba. Abay ewan ko kung bakit.

Medyo kinakabahan nga ako pero keri lang. Matatapos din ang lahat. Huwag lang ang buhay ko.

"Uuwi ka na, Rose? Sabay na tayo!"

"May sundo ako, Janice. Si Wade? Bakit hindi mo kasama?"

She rolled her eyes. Mahina niyang tinulak ang braso ko dahilan nang pagtawa ko ngunit kaagad ding nawala 'yon nang magtama ang mga mata namin ni Dante.

Unti-unting bumaba ang tingin ko sa kamay ni Stella na nakakapit sa kaniyang braso.

Ang landi.

"Oh shit...ang kapal naman ng mukha,"

Umiwas ako ng tingin. Kumirot na naman ang piste kong puso. Crush lang naman ang nararamdaman ko sa kaniya pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Nakakabaliw naman.

"Rose!"

Hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako ngayon. Shuta! Baka iisipin niyang may gusto ako sa kaniya? E totoo naman.

"Hoy gaga! Anong nangyari sa'yo? Umiiyak kaba?"

"W-What?" Hinawakan ko ang pisnge ko at palihim na napamura nang nakapa ang basa sa aking pisnge.

Damn.

"Don't tell me... you're falling in love with him, Rose...?"

Hindi ako sumagot. Nanatiling tikom ang aking bibig. Tila ba nanumbalik ang lungkot na pilit kong iniiwasan. Yes, I'm in love at hindi alam ni Dante 'yon.

I can't stop my heart from falling. Kahit suplado at topakin ang lalaking 'yon nagkagusto pa rin ako. Anong gagawin ko? Gusto kong mag-bati na kami.

"Huwag mong sabihin sasakyan ka-"

"Hindi ah! Ikaw naman, ang oa mo. Broken-hearted?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala akong boyfriend, Janice. Bakit naman ako mabo-broken?"

"Weh? Sa nakikita ko ngayon...kahit hindi pa kayo ni Davian, nasasaktan ka na. Paano na lang kaya kung kayo na? Kakayanin mo kaya?"

Mabilis akong umiling. "Walang pag-asa. Hindi magiging kami ni Dant-"

"Tabi."

Sabay kaming napalingon ni Janice kay Dante. Walang lingon-lingong itong pumasok ng sasakyan. Nang mapansing hindi ako gumalaw, sinamaan niya ako ng tingin.

"Matagal ka pa ba? Mauuna na ka-"

"Sige, Janice, bukas na lang ulit. Mag-iingat ka!"

"Ikaw kamo ang mag-iingat, Rose. Ang puso natin ha!"

Inirapan ko siya instead na sagutin ang kaniyang sinabi. Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago pumasok sa loob. Katabi si Dante.

"Anong pinag-usapan ninyo?"

"H-Ha?" nakakagulat naman 'tong si Dante.

"Bingi ka ba? Sabi ko, anong pinag-usapan ninyo ni Janice? I heard her say you're falling in love. With whom, Luella?"

Napatitig ako ng matagal sa kaniyang mala-dagat na mga mata. Para na naman ako nitong hinihila, inaanod papalayo kay Dante. Alam kong simula pa lang...wala akong pagmamay ari. I'm just her twin sister. Hindi ko pagmamay ari si Dante. Wala akong karapatan.

Umiwas ako ng tingin, nagpasya na aliwin na lang ang sarili sa labas ng sasakyan.

Subalit... ako'y napatigil nang maramdaman ang kaniyang kamay sa aking beywang, marahan niya itong hinahaplos at hinila papalapit sa kaniya.

"Dante..."

Tangina. Ito na naman ang puso ko. Umaasa na naman na pwede pa. Na kaya pa naming isulat ang sarili naming kuwento.

"Are you still mad at me, baby?"

Naramdaman ko ang unti-unting pagtayo ng aking mga balahibo sa katawan.

Hindi lamang doon nagtatapos. May panibago pa. At this time nakakatunaw na.

"I like you, Luella Rose. The real you."

Let's not make this an unwritten thesis out of fear.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro