Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15 : Luna

I woke up because of the sound of my cellphone. Kanina pa ito tumutunog pero ngayon ko lang pinansin. Inaantok pa kasi ako e, pambihira naman. Nakatulog ako sa sahig malapit sa kama dahil sa kakaalaga kay Dante. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata, napadaing ako nang biglang kumirot ang balikat ko. Pucha. Hindi ako komportable sa posisyon ko. Damot kasi ni Dante e, hindi ko naman siya gagapangin.

Anong oras na ba? Shit, ngayon pala kami nagbabasa para sa paparating na patagisan.

Nabaling ang tingin ko kay Dante na kasalukuyang natutulog ng payapa. Nagpakawala ako ng hininga, nagpasalamat that he was still sleeping peacefully. Nag-alala ako kagabi sa kaniya, mas lalo kasing tumaas ang lagnat niya. Mabuti na lang may experience na ako sa mga ganito at isa akong doctor, ano ba! Char, soon.

Dahan-dahan akong tumayo, nagpasya na tingnan ang kalagayan niya. Lumapit ako sa kaniyang kama to check if he's okay. His face was red, but he seemed more comfortable now. I reached for his forehead and cupped it to see if his fever was still high.

Nagulat ako nang unti-unting bumukas ang kaniyang mga mata, revealing his blue eyes.

Napalunok tuloy ako. "Hey," bati niya sa super hot na boses. "What are you doing?"

"Ni-check ko kung bumaba na ba ang lagnat at init ng katawan mo." Sagot ko. My hand is still resting on his forehead.

"Masakit pa rin ba ang ulo mo? Katawan mo?"

He massaged his timple. "No, it's better now," sagot niya sa mahinang boses. "Thanks for taking care of me last night."

Tumango ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya, umupo sa kaniyang kama at inabot ang cellphone. Binuksan ko iyon habang katabi si Dante na titig na titig sa akin. Paano ko nalaman? Naramdaman ko syempre. Gandang-ganda na naman ang isang Salvatore sa akin.

Binasa ko ang mensahe ni Janice. Kanina niya pa pala ako tinatawagan. Sa kaniya nanggaling 'yong nakakarinding tunog kanina na naging dahilan nang pagputol ng panaginip ko.

Hahalikan na sana ako ni Dante, e! Epal talaga.

Napanguso ako. Nagtipa ako ng mensahe. Tungkol sa lesson namin ngayon ang ni-send niya sa akin. Wala na namang pasok sa first sub pero may iniwan na gawain ang prof namin na ipapasa raw next meeting. Tuwang-tuwa syempre ang gaga, tumawag e.

"Are you done flirting?"

Unti-unting gumalaw ang aking ulo. Nilingon ko siya. "Flirting?" saka binaba ang cellphone pagkatapos I-send ang mensahe.

Nagkibit-balikat siya. Kinuha niya ang kaniyang itim na sinelas sa ilalim ng kama at sinuot iyon.

Mukhang magaling na nga talaga siya. Ang galing ko talaga mag-alaga. Pwede na mag-asawa.

"You were smiling na para bang wala ng bukas. Tss." Suplado niyang sagot.

Mabilis naman akong umiling. Kanino naman ako lalandi? Wala nga akong jowa e. "Hindi ah! Kausap ko lang si Janice,"

Gumalaw ang sulok ng kaniyang labi. "Talaga? Tapos ka na? Pwede ka nang lumabas,"

"Sure ka bang wala nang masakit sa'yo?"

"Bakit? Aalagaan mo pa rin ba ako?"

Nginisihan ko siya. "Of course, Dante! Asawa mo ako e!"

Nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis na umiwas. Natawa ako ng mahina nang mapansin ang pamumula ng kaniyang tainga. Ibig sabihin, kinikilig siya!

"Hindi daw type ha. Bakit ka namumula? Kinikilig ka, 'no?"

He looked at me with disgust. "No way! Lumabas ka na nga!"

"Ayieee! May pabebe side ka rin pa lang tinatago, Dan-"

"Get the hell out, Luella Rose Jacinta-Salvatore!"

Sabi ko nga, aalis na.

SINCE walang pasok kanina sa first sub, maaga pa rin akong pumunta ng university. Tutungo kasi ako ngayon sa library para mag-advance reading sa next lesson namin sa second sub at para na rin sa patagisan. Medyo nakakatakot na ang part na ito dahil maraming gagawin.

Ni-text ko na rin sina Janice at Aia na deretso na sa lib mamaya dahil magtatagal ako ngayon. Mahaba pa kasi ang oras. May tatlong oras pa kami.

"Ang boring naman dito, Rose!" iyan kaagad ang reaksyon niya pagkaupo niya sa harapan.

Tumawa kaming dalawa ni Aia. Kagaya ko rin ay may tatlong libro siyang hawak sa kamay, habang si Janice naman ay wala. Sumama lamang ito dahil wala raw siyang gagawin sa next room namin dahil may nagkaklase pa rin daw doon.

"Kumusta naman ang paghahanda sa paparating na patagisan?" baling ni Aia. Nass loob ng bag ko ang dalawang libro. Hindi ko pa nasimulan dahil maraming nangyari nitong mga nakaraang araw. Muntik ko na ngang makalimutan ang tungkol sa patagisan. Hindi rin nagpapakita si Klane. Ewan ko saan 'yon ngayon.

"Hindi ako sigurado, Aia. Naging abala ako nitong mga nakaraang araw." Walang lakas kong sagot.

Tumango siya at nilingon si Janice.

"Mag-aral ka nga ng maayos, Janice. Mahiya ka naman kay Wade na laging nangunguna sa Law Dept," bulong ni Aia.

"Siya kamo ang mahiya, Aia. Nag-aaral naman ako ng maayos, mataas naman ang mga grades ko at maganda pa! Sino dapat ang mahiya sa aming dalawa? Hindi ba't siya?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Aia, sabay iling bilang pagsuko. Wala na 'tong pag-asa si Janice. Hindi na siya titino. Kung anong mayroon o sino siya ngayon, mananatili lamang siya roon.

"Bigyan mo nga 'yan ng libro. Sawang-sawa na ang notebook ko sa'yo e," sabi ko. Natigil ang kaniyang pagso-scroll sa cellphone at hinarap ako.

"Shhh. Nag-aaral ako, guys. Look at this! Bagong issue ng Dreamweaver! Trending ngayon si Hershey. Grabe, hanggang ngayon hindi pa rin siya maka-move on? Sayang 'yung pera. Sana kinuha mo na lang, Rose."

Pumikit ako ng mariin. Sana nga kinuha ko na lang. Sayang din 'yon, ano. Pera na, sinayang pa.

"Anong nakasulat sa page nila?"

"Nakita nilang magkasama si Hershey at Klane...sa NC?! Anong ginagawa nila doon? At bakit mukhang bogbog sarado itong si Klane?"

Nag-igting ang aking tainga sa narinig. NC.

Dahan-dahan kong binaba ang aking hawak na libro. Biglang gumalaw si Aia. Lumapit siya kay Janice at tiningnan 'yung nakasulat sa page ng Dreamweaver. Sa DU Confession. Kung saan, halos mga chismis at issues ang naroroon. Minsan na ako naging trending diyan, hindi dahil matalino at maganda ako. Kundi dahil nadapa ako noong enrollment. Putcha! Ang pangit ko don, pero naka-move on na ako ngayon. Tanggap kong tanga ako minsan.

Anong ginagawa ni Klane diyan? Ito ba ang dahilan kaya niya hindi sinasagot ang mga mensahe ko?

"NC? Ano 'yan?" napalabi ako. Trying to calm myself. That place...

"Ang outdated mo talaga, Rose. Nightclub iyon na pagmamay ari daw ng sikat na drug lord. Hindi ako sure ah, pero iyon ang sabi-sabi,"

What the fuck...drug lord? Seryoso ba siya sa sinasabi niya? At bakit nandoon si Klane. Bogbog sarado pa.

"May nabanggit ba riyan kung anong ginawa nilang dalawa doon?"

Nagkibit-balikat si Janice. "Wala. Picture lang nilang dalawa. Hawak ni Hershey sa balikat si Klane, tila ba nahihirapan habang puno ng mga pasa ang katawan. Napaaway ba sila?"

Tiningnan ako ni Aia. "Hindi lang normal na club iyon, Janice. Gumagawa sila ng mga illegal na gawain diyan." Napansin ko ang paghigpit ng kaniyang paghawak sa libro. Para bang doon kumukuha ng lakas.

Nagkataon lang siguro na magkapangalan sila, hindi ba?

Anong mayroon sa NC na iyon? At bakit hanggang ngayon nakatayo pa rin at dinadayo. Kung drug lord nga talaga ang may ari, bakit hindi hinuli ng mga pulis? Dahil ba mayaman ang taong iyon? Nakakaloka. Imbes na mag-aral sa susunod na subject, ito ang inuna ko. Chismis.

"Paano mo nasabi?"

"Diyan nagtatrabaho dati si papa..." pumikit siya ng mariin. "Ito lang ang kaya kong sabihin sa ngayon. Hindi normal na club iyon. Akala ng iba masayang club iyon dahil dinadagsa ng mga mayayaman, pero hindi nila alam na palihim na pala silang ninanakawan ng impormasyon. At sa tingin ko'y..." binalikan niya ang picture nina Hershey at Klane. "Nakuha na nila ang impormasyon ng dalawang 'yan."

Napalunok ako. "Anong gagawin nila sa ninakaw nilang impormasyon?"

"Hindi ko alam."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Hindi na maibalik sa binabasa ang buong atensyon. Iniisip ko ang sinabi ni Aia.

So, both of them are in danger now? They might kill them sooner? Kingina. Gulong-gulo ako. Hindi ko alam saan maniniwala, sa sarili ko bang iniisip o sa kanila.

Habang abala sila sa bagong post ng page. Inabala ko na lang ang sarili sa pagbabasa. Pinilit ko talaga ang sarili ko na iwasan ang kuryusidad na iyon. Kung anuman ang nangyari sa loob at labas ng club. Labas na kami roon.

"Mag-aral ka nga Janice!"

Iba na ang topic nila ngayon, hindi na tungkol sa NC pero involved pa rin si Klane. Paminsan, hindi na ako makapukos dahil sa lakas ng boses ni Janice. Ilang beses na siyang pinagsabihan ng librarian pero deadma lang ang gaga. Hagikgik pa rin ito nang hagikgik sa aming harapan. Kulang na lang hilahin siya palabas ng librarian, halatang pikon na pikon na sa boses niyang tila nakalunok ng megaphone sa sobrang rindi.

"Gago! Ang bano naman pala nitong mag-basketball ni Klane! Akala ko magaling!"

"Miss Montessori. Huling warning mo na ito." Mataray na sambit ng librarian kay Janice.

Hindi niya ito pinansin, sa halip ay tinawanan niya lamang ito at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi siya nagbabasa. Abala sa facebook, nagbabasa ng memes.

Binalik ko muli ang atensyon sa libro. Akma ko na sanang ibabaling ang pahina nang may narinig akong mahinang tilian mula sa kababaihan at malakas na 'shh' ng librarian.

Inangat ko ng dahan-dahan ang ulo kasabay naman nito ang pagsinghap ko nang makita sa counter sina Wade, Dante at isang lalaking hindi ko kilala. Magkasing-tangkad silang tatlo.

Walang hawak na bag si Dante pero singkapal ng mukha ni Janice ang dala nitong libro. Magbabasa rin sila? Malamang, Luella. Anong gagawin nila sa library, magmimisa? Gaga.

Maghahanda rin siguro sila sa paparating na patagisan. Hindi niya pa alam na ako ang makakalaban niya. Sosopresahin ko, hihi.

"Uy! Sina Wade, oh..."

"Huwag mong pansinin. Kalaban sila."

Napalingon si Janice sa gawi nila. Tiningnan ang tinuro ni Aia.

"Tangina! Anong ginagawa mo dito, Wade Harvi-"

"Miss Montessori. LABAS!"

AYUN nga. Tatlo kaming pinalabas ng librarian. Ang pagkakataong masilayan si Dante ay nawala na parang bula. Hayup na babaeng ito. Nadamay pa kaming dalawa ni Aia, mabuti na lang may nabasa akong kaonti kanina. May isasagot na ako sa recitation mamaya. Bahala na si Janice, kaya niya naman na ang buhay niya.

"Anong kagagahan iyon, Janice?"

"Sorry naman. May kasalanan kasi si Wade, e! Inubusan niya ako ng delata,"

"Afford mo naman. Bakit hindi
ka na lang bumili?" inis na tanong ko. Hindi pa rin maka-get over sa ginawa niya.

"Limited ang allowance ko ngayon mga ante. Nagrerenta ako ngayon sa apartment nina Wade. Ang taas ng kuryente! Grabe, ang takaw ng lalaking iyon!"

Pumadyak-padyak pa ito na para bang doon nilabas ang sama ng loob galing kay Wade.

"Ang laki ng binayad ko tapos sa akin siya magcha-charge ng cellphone?"

Umiling kaming dalawa ni Aia. Kapwa kami may hawak na cellphone ngayon, palihim na binabasa ang articles na binasa namin kanina sa loob ng library.

Hiyang-hiya pa rin ako hanggang ngayon dahil sa ginawa ni Janice. Nakita kami ng tatlong lalaki. Natamaan ko ang seryosong tingin ni Dante at ang pagkunot ng kaniyang noo kanina. He wants to say something pero hindi niya tinuloy dahil bigla akong hinila palabas ni Janice.

Argh! Baka aamin na si Dante sa akin? Pambihira naman oh!

"Anong problema mo?" Siniko ako ni Aia.

"Wala. May gagawin ka ba mamaya?"

"Bakit? Ililibre mo ako? Go na go ako!"

"Pupuntahan natin ang NightClub na sinasabi ninyo."

Napatigil sa paglalakad si Janice habang nanlaki naman ang mga mata ni Aia.

"What? Anong gagawin natin doon? Delekadong club iyon, hindi ba?" seryosong sabi ni Janice.

Tumikhim ako. Gusto kong pumunta doon dahil may gusto akong alamin at makita. Wala rin naman silang impormasyon na makukuha sa akin dahil matagal na akong tinanggalan ng papel. Everything about me right now...is all fake.

I closed my eyes. Naramdaman ko na naman ang unti-unting panginginig ng aking mga kamay.

"Shit."

"Ayos ka lang ba, Rose?"

Lumapit si Janice sa akin. Tiningnan ko lang siya hanggang sa hindi ko na nakayanan.

Bago pa man may mangyaring hindi kaaya-aya, tumakbo ako palabas ng classroom.

Damn it. Ito na naman ang kakaibang pakiramdam. I don't want this!

"Rose!"

"Luella!"

Fuck. This is my trauma.

I heard them calling my name pero hindi ako lumingon. Tinungo ko ang gate ng university at lalabas na sana ngunit isang matikas na kamay ang pumigil sa akin kasabay nito ang unti-unting pagtulo ng aking mga luha.

"Davian..."

"What the hell is wrong with you, Luella Rose?!"

"B-Bitawan mo ako, Dante. May p-pupuntahan ako!"

Sinamaan niya ako ng tingin at hinila pabalik sa loob.

"Calm down," unti-unting pumulupot sa aking katawan ang kaniyang dalawang kamay. Niyakap niya ako habang nanginginig ang aking balikat sa takot, pangamba at pagsisisi.

"It's okay, baby... I'm here. Hindi kita iiwan."

Isang alaala ang pumasok sa aking isipan. Alaalang matagal ko nang kinalimutan at binaon sa limot.

"I'm not her! Wala kayong makukuha sa akin! Hindi ako si Luna!"

Isang malakas na sampal ang nagpaigting sa aking mukha. Nanggaling iyon sa matandang ginang. Walang kapilyo-pilyo ang kaniyang mukha ngunit mapapansin ang awtoridad sa bawat galaw nito.

"You did this to him. Hindi ako tumatanggap ng sorry lang, Luna."

"I'm not her! I did nothing! Wala akong kinakalaman sa inyo. Sa pamilya ninyo. I'm not Luenna Ambrose!"

It's all coming back now. The consequences of my twin's action is now haunting me.

The Nightclub once their home, became my enemy.

And the man in front of me is the man that my twin loved. I'm not her. This is not my story. This is not my written story.

I'm not her.

"Don't cry, Luella. Hindi kita iiwan."

Masakit.

"I-I'm scared..." you might hate me.

He cupped my face. Kitang-kita ko ang hindi maipaliwanag na emosyon sa kaniyang mukha. "Don't be. I won't leave you, Luna.

Luna. Damn it.

Inaral ko ang buong pagkatao mo. Mula pagkabata sinaulo ko lahat para lamang magampanan ko ng maayos ang papel ko sa buhay na sanay para sa'yo.

And my life started to fucked up again.

***
Alam kong maguguluhan kayo dahil biglaang lumabas ang pangyayaring ito, pero ito talaga ang kasunod. Happy reading!

Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro