Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14 : Sick

Luella's POV

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kanina pa ako hindi mapakali. Nasa laboratory kami ngayon. I sat silently while watching my classmates talking with each other. Our professor had left us with an assignment. That is the examination of the human body. He meant closely inspecting the lifeless body that lay before us on the cold steel table.

Binalingan ko ng tingin si Janice. Halos hindi na maipinta ang kaniyang mukha habang nakatingin sa harapan, sa taong wala ng buhay. Kanina ko pa napapansin ang kaniyang pagkagat sa labi, hindi rin mapakali gaya ko. First time niya kasing makakita ng wala na buhay na tao. Biglaan pa itong activity kaya nakakagulat talaga. Hindi lang kami ang kinakabahan, gano'n din ang mga kaklase namin.

Ito ang unang gawain namin kay Prof Joey. He's our new professor at isa siyang doctor sa kilalang hospital sa lugar. Ang pogi! Kaya lang umalis siya. Nag-iwan lang ng gawin sa aming harapan. Babalik daw siya mamayang lunch to check our reports. Shit! Nagsimula na ang unang grupo, samantalang kaming dalawa ni Janice, nanigas sa kinauupuan. Narandaman ko na ang pamamawis, punyeta! Ang sarap sarap ng ulam ko kanina sa mansyon tapos dito ako babagsak? Anong connect non, Luella? Nakakaloka. Mukha kasing pork 'yung katawan. Huy! Putlang-putla na 'yung bangkay sa aming harapan, nakalambitin pa ang mga kamay at paa mula sa malaking lamesa.

Dahan-dahan lumapit sina Aia doon. Sinundot-sundot niya ang paa ng bangkay. The fvck talaga ang babaeng ito. Bakas sa mukha na hindi siya natatakot.

"Kaya mo na ba?" baling ko kay Janice.

"Puwede naman sigurong umalis, hindi ba?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Unang gawain natin 'to kay sir Joey, Janice. Kapag umalis ka hindi kita ililista sa grupo."

"Joke lang! Hindi ka naman mabiro! Tara na!" at siya na mismo ang humila sa akin papalapit doon sa bangkay.

Napalunok ako ng ilang beses bago naglabas ang notebook. Nilista ko roon ang mga kagrupo ko. Bawat grupo ay may limang members. Kasama ko sina Janice at Aia.

"Malambot naman," rinig kong komento ni Aia.

Nakita ko ang palihim na pagngiwi ni Janice. She followed Aia at sinubukan ding hawakan ang bangkay, pero mabilis ding nandiri. Tumalon-talon pa ito na para bang hindi niya na kaya at handa nang mag-walkout. Pero hindi niya gagawin iyon, hindi ko kasi siya isasali sa grupo kahit kaibigan ko pa siya. This is a group activity and we are tasked to do this. Kung individual ito ay walang kaso sa akin. Sadly, group activity ito. Score ng isa ay score ng lahat.

"Can you believe that is what we're doing for our assignment?" bulong niya, medyo nanginginig pa ang boses. Nasa tabi niya si Aia, inaral na ang buong detalye ng katawan. She's really serious about this. Mas mukha pa nga siyang may alam sa amin.

Nagkibit-balikat ako, trying to play it cool even though I was just as freaked out as she was.

"It's certainly a unique experience. At least we'll have a lot to write about in our report."

Tumango si Janice, but I could tell she was still worried. She glanced up at the clock on the wall and groaned. "Ugh! I can't believe we still have hours left to do this! Gusto ko nang kumain sa labas, naghihintay na roon ang siomai at takoyaki ko."

"Hindi naman natin kailangan tapusin ang oras. Patapos naman na ang report natin kaya ayos lang na lumabas ka muna at kumain. Huwag ka lang magtatagal doon baka biglang dumating si Sir at mag-check ng attendance," sabi ko sa kaniya habang inaayos ang papel na ipapasa ng mga ka grupo ko. Maraming mali doon, parang ni eme-eme lang nila ang report. Ang nakagawa lang ng tama ay kaming tatlo. Hindi kasali si Janice na ni-drawing lang ang boobs ng tao. Jusko! Saan ang report doon? Boobs? Nilakihan niya pa para daw lumaki ang score namin. Punyeta!

"Talaga?"

"Oo. Umalis ka na." Bulong ko.

Ngumiti siya sa akin at kinindatan muna ako bago lumisan. Napansin siya ni Aia at akma na sanang tatawagin nang senyasan ko siya na huwag.

"Kamusta ang pinasa nila?" Lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang papel na nipasa ni Janice. Napasampal na lamang siya sa kaniyang noo nang makita roon ang malaking boobs na ginuhit niya.

"What the hell is this?" mahinang bulong niya.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Yan lang daw ang kaya niyang I-ambag sa grupo." Parang sumuko na ang boses.

Umiling-iling si Aia. Medyo disappointed pa ang mukha. Ang dami niya kasing tinuro kanina kay Janice, mukha pang nakuha niya lahat ang sinabi ni Aia. Subalit, ito ang natanggap ko. Boobs ng babae. Aanhin ko iyon. Shuta ka talaga, Janice.

Wala talaga kaming mapapala.

Hindi nagtagal, bumalik din ang aming professor. Nakangiti ito sa aming lahat na para bang may magandang nangyari sa kaniyang araw.

Sa amin wala, Sir. Sama ng loob mayroon.

"Good job, everyone," he said while eyes looking around at the groups of students. "I can say that you put all your efforts into this assignment. I'm impressed."

Dapat lang talaga Sir na ma-impressed ka dahil hindi madali itong unang pinagawa mo sa amin. Ngayon ka na nga lang pumasok, nakakatanggal pa ng kaluluwa ang iniwan mo. Chos! So far naman ay natapos namin ng matiwasay ang pinagawa sa akin. Hindi siya masaya, kung itatanong niyo. Nakakakaba mga anteh. Pero normal lang naman sa amin ito, biglaan lang talaga.

Nagkatinginan kaming tatlo. Mabuti na lang natapos namin ang group assignment ng matiwasay at tama.

"Uuwi na ba kayo?" tanong ni Aia. Kalalabas lang galing cubicle.

"Uuwi na ako. May gagawin pa akong assignment," sagot ko sabay baling kay Janice.

"Hindi muna ako uuwi. Hihintayin ko pa si Wade,"

"Kayo na ba?" lumapit kaming dalawa sa kaniya habang abala ito sa kinakain na takoyaki.

"Ew! Anong kayo? Mandiri nga kayo. Walang namamagitan sa amin, 'noh! Friends lang kami!" mabilis niyang reklamo pero halatang namumula ang mukha.

May something sa dalawang 'to e. Last week ko pa napapansin. Napadalas ang pagkikita nilang dalawa. Sabay umuwi, sabay kumain at naghihintayan. Seryoso? May hindi ba kami alam sa dalawang 'to?

Tiningnan niya ako. "Alam ko ang titig na 'yan, Rose. Walang something sa aming dalawa ni Wade, magkaibigan lang talaga kami!"

Ngumisi ako, nakita si Wade hindi kalayuan. "Talaga? Kung sakaling mangligaw si Wade. Sasagutin mo ba?"

Tumawa siya. "Gaga! Anong klaseng tanong 'yan? Syempre hindi! Study first ako e. Saka na ang boyfriend boyfriend na 'yan kapag handa na ako,"

Kung maka-study first 'to akala mo talaga nag-aaral ng maayos e. Baka food first? Habang sa kalagitnaan ng klase, naghahanap ng pagkain. Hindi na siya makapukos. Ewan ko bakit matataas padin ang mga grades nito. Ayoko rin naman siyang I-judge pero napapatanong talaga ako. Saan niya nakuha ang kakapalan ng mukha? Chos!

"Weh? Wade! Wala kang pag-asa kay Janice! Hindi ka raw niya sasagutin!"

Nanlaki ang mga mata ni Janice at muntik pang mabilaukan nang makita si Wade papalapit sa amin. Nakapamulsa, kunot ang noo habang may hawak na makapal na libro. Law.

"Punyeta ka! Traydor ka! Hindi naman nanliligaw 'yan e!" asik niya. Pilit inaayos ang sarili.

Tumawa lamang kaming dalawa ni Aia habang pinapanood ang dalawa sa aming harapan. Himala at hindi niya kasama ngayon si Dante. Absent siya? Hindi ko kasi siya nakita kaninang umaga sa mansyon. Wala rin si Aling Waning. Hindi na ako nag-abala na hanapin siya dahil wala ang sasakyan niya sa labas. So, I assumed na nauna na siyang pumasok.

"May nakalimutan ka yata, Wade?" kunot noong tanong ni Aia. Palinga-linga ito na parang may hinahanap.

Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Wade. Hinila niya si Janice papalapit sa kaniya sabay kuha ng takoyaki mula sa kaniyang kamay at sinubo ito.

Hayup!

"Si Davian, hindi mo kasama?" dugtong ni Aia. Unbothered sa kalandian ng dalawa.

Tumikhim ako. Gusto ko rin sanang itanong subalit pinili kong manahimik dahil halata namang hindi niya kasama si Dante. Baka busy iyon sa council, president siya e. Pero nakaka-miss siya. Ang sarap ng kape niya mga mare! Natikman ko last week, ginawan niya ako. Akala ko joke joke lang iyon pero hindi. He did made it for me. Syempre kinilig na naman ang gaga, toda highest level. Tuwang-tuwa nga si Aling Waning, akala niya tuluyan na kaming nagkaka-mabutihan ni Dante.

Nahalata ko rin naman na parang may pagbabagong nangyari, madalang na lang siyang nagsusungit sa akin. Paminsan, kusa siyang gumagalaw para sa akin. Sa paghahanda ng pagkain tumutulong siya. Naghuhugas na siya ng pinggan at naglilinis na sa mansyon. Effective yata 'yung swimsuit ko, hoay! Mabuti na lang nakalimutan niya 'yung sinabi niyang pupunitin niya ang bikini ko. Ayaw pa kasing aminin na naglalaway din sa katawan ko e. Dami pang pahirit.

"He went home already. Masama yata ang pakiramdam." Seryoso sagot nito sabay baling sa akin.

Masama ang pakiramdam. Anong ibig niyang sabihin? Natatae ba si Dante?

"May lagnat yata. Putlang-putla kasi siya kaninang umaga. Halos hindi din nakapukos sa klase dahil sumasakit daw ang ulo niya."

May sakit siya! Kailangan ko nang umuwi.

"Mauna na ako sa inyo, Aia, Janice and Wade!" paalam ko sa kanila.

Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Tinakbo ko ang hindi kalayuang gate at kaagad na sumakay sa jeep. Sakto isa na lang ang kulang kayat kaagad na humarotrot ang jeep pagpasok ko.

Pagdating ko sa mansyon, walang lingon-lingong akong pumasok. Nadatnan ko pa si Aling Waling sa kusina, nagluluto. Naamoy ko ang amoy ng champorado.

"Oh! Luella, bakit ka nagmamadali?"

"Nasaan po si Dante, ma?" tanong ko imbes na sagutin ang kaniyang tanong.

"Nasa loob ng kwarto niya. Halika ka dito, dalhin mo 'to sa kaniya,"

Kumuha siya ng bowl at nilagay doon ang champorado. Sheesh! Mukhang masarap. Kakain ako niyan mamaya pagkatapos kay Dante.

"Ayos lang po ba si Dante?"

"Hindi. Ang taas ng lagnat niya kanina no'ng umuwi iyon. Mabuti na lang may gamot akong naiwan, iyon ang pinainom ko sa kaniya. Dalhin mo ito at ipakain mo sa kaniya," inabot niya sa akin ang bowl. May babasaging plato iyon sa ibaba para hindi tamaan ng init ang kamay ko.

"Hindi naman siya umiyak o nagreklamo?"

"Anong akala mo sa batang iyon iyakin kagaya mo?" tumawa si Aling Waning.

Napasimangot ako. "Sige na, I-akyat mo na 'yan. Kumatok ka ah? Baka sigawan ka. Kahit may lagnat iyon handa pa rin ang bibig non."

Tumango ako at nagpasalamat sa kaniya. Tinungo ko ang hagdan, dahan-dahan na hinakbang ang mga paa patungo sa kaniyang silid. Kumatok ako ng tatlong beses at maya-maya pa ay bumukas iyon.

Bumungad sa akin si Dante. Balot na balot ang katawan, putlang-putla ang mukha at punit naman ang pang-ibabang labi. He's really sick. Kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagod at panghihina.

"What are you doing here?"

Inirapan ko kaagad. "Buksan mo ang pinto, hindi ako makapasok," sagot ko.

Kaagad niya namang nilakihan ang siwang ng pinto. Pumasok ako at nilapag sa kaniyang maliit na lamesa ang champorado.

"Wala ka ng pasok?"

"Uuwi ba ako kung mayroon?" pilosopo niyang sagot. Sarap bigwasan. Pasalamat siya't crush ko siya at handa siyang pagsilbihan ngayong araw.

"Kumain ka muna. May biningay ba na gamot si Aling Waning? Saan?"

Lumapit ako sa kaniya. Naramdaman ko ang init ng kaniyang katawan kahit balot na balot ito ngayon. Mataas nga ang lagnat niya.

"Here."

"Kaya mo bang igalaw ang katawan mo? Kumain ka muna,"

"Hindi naman ako lumpo. I can still move, Rose."

Pumikit ako ng mariin. Pinakalma ang sarili. Kalma lang, Luella, may lagnat 'yong tao.

"Bababa lang ako kukuha ng tubig-"

"I have my own refrigerator here. No need to go downstairs,"

"Hindi pwede ang malamig na tubig, Dante! At bakit ka may ref dito? Anong laman ng mga 'yon?"

"You can check it if you want."

Ang unfair ng lalaking 'to. Gusto ko ring magkaroon ng ref sa loob ng kwarto ko pero hindi nila ako pinayagan. Baka hindi raw ako bababa. Bababa naman ako e! Issue talaga si Aling Waning.

Binuksan ko ang kaniyang ref. Tumambad sa akin ang limang maliliit na beers, limang bottled minerals at junk foods na pwedeng palamigin. Ewan ko kung ano iyon. Ang masasabi ko lang ay...nakakainggit.

"You can have those," nagulantang ako nang naramdaman ko ang kaniyang maiinit na katawan sa aking likuran.

Shuta! Muntik nang ma-attack ang puso ko!

"A-Ano?"

"Umiinom ka ba ng beer? You can have those,"

"Hindi noh! At bakit may mga beers dito?"

Tumatagay yata ng palihim ang damuho na ito.

"Para makapukos ako sa pag-aaral."

"Maglalasing? Seryoso?" medyo tumaas ang boses.

I heard him chuckled. Mahina lamang iyon pero sapat na para marinig ko. He sat down again habang mariing nakatitig sa akin.

Napalunok tuloy ako dahil hindi ako sanay.

"You sound like a girlfriend. If you don't like it, you can take it away, baby."

***

Maka-baby oh!

Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro