Chapter 12 : Question
Luella's POV
Hindi ko na masundan ang ganap sa pageant. Bihis doon, bihis dito, takbo dito, takbo doon. Halos isumpa ko na si Madam Kaj dahil ngayon lang ito dumating. Sa last hirit pa talaga ng show. Na-traffic daw siya at may magnanakaw daw na nakapasok sa sasakyan niya. Tinanong namin kung nahuli ba, sinagot niya kami ng hindi. Hindi niya pinahuli, sa halip hinatid niya ito sa tinutuluyan dahil nawalan daw ito ng malay.
Magnanakaw ba talaga 'yon? Baka na love at first sight siya kaya niya pinakawalan. Hoay! Ang landi ni accla.
Imbes na sumama ang mukha nina Janice at Klane, binati na lang nila ng nakangiti si Madam Kaj. Putcha! Ang pogi! Kung hindi lang bakla 'yon siguro matagal ko nang naging jowa 'yon. Charot!
So, ayun, siya na ang gumalaw. Siya na ang nag-ayos at naghanda ng mga damit namin ni Klane. At masasabi kong tunay na magaling nga talaga siya. Professional ang accla. Naka-all pink pa ito kanina sa backstage. Litaw na litaw, papansin ang ang atake. Ngayon naka-black na siya kesyo intense part na raw ito ng pageant.
Nakatayo silang tatlo sa gilid, mariing pinapanood ang mga contestants. Lalo na kaming dalawa ni Klane na halos mabaliw na sa kabang naramdaman. Akala mo talaga seryosong tao 'to si Klane e, pero sa nakikita ko ngayon...kinakabahan din siya.
Sino namang hindi? Ikaw ba naman titigan nina Farrah, Janice at Madam Kaj, makangiti ka pa kaya? Halata pa sa mukha ni accla na competitive din siya. Ayaw patalo.
Nakaka-pressure siya sa totoo lang. Parang nanay mo na nay dalang pamalo kapag hindi ka nakinig sa kaniya. Nakakaloka.
Since ito na ang huling stage ng pageant. Ang totoong question and answer. Medyo intense na talaga 'to. Nasa likuran kaming dalawa ngayon ni Klane, naghihintay na matapos ang unang kapares. Medyo kinakabahan ako ngayon dahil ito na ang huling show at paniguradong mas mahirap na ang tanong sa puntong ito.
Kalma, Luella. Matalo man o manalo, tatanggapin ko-hindi! Kailangan naming manalo! Gagawin ko ang lahat maipanalo lang ang unang pageant na ito.
Ayokong umuwing walang korona sa ulo. Ipagmayabang ko pa 'yon kay Dante at Aling Waning. Tahimik lang 'to pero kaya nitong rumampa sa maraming tao habang naka 6.5 heels. Chada!
"Ayos ka lang ba? Kanina ko pa napapansin ang galaw mo. Kalma lang," mahinang tawa ang kumawala sa bibig ni Klane.
Sinamaan ko siya ng tingin kasabay nang pagtawag ng emcee sa amin.
Napalunok ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Klane habang tinatahak namin ang daan papuntang harapan. Ngiting-ngiti naman ang accla na para bang natutuwa sa kabadong mukha ko.
Nang nakalapit binigay sa amin ng emcee ang microphone. Kinamusta niya muna kami saglit, pero hindi na talaga makangiti ang labi ko. Nanginginig na ito ngayon. Gusto nang tumalon ng puso ko.
"Nand'yan pa ba ang college of medicine!"
"OO! MANANATALI HANGGANG SA MATAPOS ANG SHOW! GO NUMBER TWO! GO, ROSE AND KLANE! WE ARE THE SAVIOR! WE ARE FROM THE COLLEGE OF MEDICINE!"
"Gutom na po kami! Kailan ibibigay ang meryenda?!"
"Akala ko tapos na ang show. Ang tagal kasi ni number one e!"
"Parang may gumising sa natutulog kong diwa. Ang ganda mo, Luella!"
"Hindi talaga papatalo ang college of medicine, partner,"
"Kaya nga, partner. Biglang umingay nang nakitang rumampa ang kanilang pambato ngayong gabi!"
Hinarap kami ng dalawang emcee. "Handa na ba kayo?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Klane. "Handa na." Sabay naming sagot.
Tumango ang dalawa sabay baling sa malaking screen tv sa aming likuran. Naroon ang tanong na sasagutin namin. Mayroon lamang kaming 1 minute na sagutan iyon. Shit. Parang ang hirap.
"You have only 1 minute to answer, number two. Take your time."
Binalingan ko ng tingin si Klane. Salubong ang kilay nito na parang walang naiintindihan sa tanong. Pambihira!
Mas lalo akong pinagpawisan dahil sa namayaning katahimikan. Nakatuon silang lahat ngayon sa amin. Lalo na si Dante na kanina pa ako pinapanood. Nakakailang at nakakalunod. Shit.
"May sagot ka na ba?"
Umiling ako. "You can go first if you want."
Tumango siya. Dahan-dahan siyang lumapit sa harapan at ngumiti sa lahat.
"Aba! Ang bilis!"
"What would you do if you were accused of trying to kill someone?"
This is a serious question. We have our own perspectives about this, and how can we handle the situation kapag tayo ang nasa ganitong sitwasyon. I have my own answer na pero hindi ko agad masabi-sabi. I think, I need to think more?
Nagpakawala ng malalim na hininga si Klane.
"Good evening once again. I am Klane Montemayor, coming from the college of medicine," nilingon niya muli ang screen. "Unang-unang sa lahat, idi-deny ko ang paratang sa akin. I would never kill or try to kill someone. I'm not a bad person or a violent one. I will prove my innocence by gathering any evidence that I could find to prove that I was not at the scene of the crime when it happened. I will talk to my witnesses who could vouch for my whereabouts whatever it takes to clear my name." Nilingon niya ako, sinenyasan na ako ang susunod na magsalita. Tangina.
Unti-unti akong lumapit. Medyo mataas pa ang oras kaya uubusin ko na lang 'to. Isang bagsakang sagot agad, Luella Rose Jacinta. You can do this, hindi lang ako maganda, matalino at scholar din ng Dreamweaver University.
Tumikhim muna ako. Muli kong binasa ang tanong bago sumagot.
"Good evening, I am Luella Rose Jacinta. Also, coming from the college of medicine," lumunok ako. "First and foremost, I would remain calm and composed. I would fully cooperate with the authorities and undergo any tests or investigations necessary to clear my name,"
Ngumiti ako sa lahat. "I would also take steps to protect my reputation and well-being. I will talk to my family, friends, and supporters for their love and support during this difficult time. Hindi ko hahayaan na manalo ang kanilang paratang, I know my self. Ako lamang ang nakakaalam sa katotohanan. Naniniwala ako sa kasabihang 'innocence until proven guilty' the respect-" muntikan ko nang hindi matapos ang huling salita nang biglang tumunog ang bell. But, I am happy because I handle the question well. Nasagot ko ang nais kong ipahiwatig sa lahat.
Ngumiti muli ako kasabay nang isang nakakabinging yell na nanggaling sa mga kasamahan namin. Nakaka-proud. Lalo na't first time kong sumabak sa ganitong event. May silbi din naman pala sa ibang bagay ang ganda at talino ko, hoay!
Nilingon ko sina Farrah, Janice at Madam Kaj. Ngumiti sa akin si Farrah at Madam Kaj habang nagwawala naman si Janice.
Natawa ako. "Siraulo talaga."
"Grabe, partner! Narinig mo 'yon? Straight english! Tunay ngang magaling ang mga med students! They can handle the situation well!"
Habang pababa kami ng stage, hindi ko maiwasang isipin ang pinupunto ng katatapos lang na tanong. It was a stark reminder that life is unpredictable, and we never know what challenges we may face. But anuman ang mangyari, dapat tayong laging manatiling tapat sa ating sarili at sa ating mga pinahahalagahan, and trust that justice will prevail.
"Ang taray ng sagot mo, Luella!" salubong sa akin ni Janice. Kinurot niya ang tagiliran ko habang nakayakap ang isa.
"Aray ah! Masakit!"
"Sorry! Palong-palo mo ang question and answer. Kung ako iyon, kulang pa ang 1 minute sa akin!"
Tinawanan namin siya saka nagpasya na mag-retouch ulit dahil hindi pa tapos ang show. Ngayon ang coronation night, hindi na nila ipagbukas dahil may panibagong ganap na naman bukas.
Habang inaayusan, isang malakas na hiyawan ang umagaw sa aming atensyon. Narinig namin sa crowd ang malakas na yell ng law student kaya nagsitayuan ang mga balahibo ko sa narinig.
"Hala! Turn na pala nina Dante. Ano kaya ang tanong ibibigay sa kanila?" Lumabas sina Farrah, Klane at Janice.
Gusto ko rin sanang manood kaso hindi ako pinayagan ni Madam Kaj. Masisira daw ang two hours niyang pag-aayos sa akin kapag ginawa ko iyon. Mabuti na lang masunurin ako, sinunod ko siya.
At saka maririnig ko naman ang boses ni Dante dito. Not bad na rin.
"When your girlfriend is involved in a murder, what will you do?" Napalunok ako. Anong klaseng tanong 'to? Parang related sa tanong namin ni Klane, ah.
"Will you defend her or let her go to jail?"
Katahimikan ang namayani. Pati kaming lahat na nandito sa backstage natahimik. Putcha.
"If she's being accused. I will defend her no matter what happens."
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro