Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11 : Medicine

Luella's POV

It's pageant night. Nasa backstage kami ngayong apat nina Farrah, Klane at Janice, naghahanda. Si Farrah ang nag-aasikaso kay Klane since wala kaming nakuhang mag-aayos sa kaniya. Ayaw kasi umambag ng mga kaklase namin. Hindi daw nila afford at may babayaran pa raw sa subject namin kay Prof Allere. Ang kaya lang daw nilang I-ambag ay boses ng mga medicine students. Hindi na ako umapila kahit gustong-gusto ko nang kutusan ang mga singit ng mga kaklase ko. Ayoko rin naman silang pilitin kung ayaw talaga nila o walang-wala talaga. Desisyon naman nila iyon at isa pa nand'yan sila para sumuporta.

Wala kaming nagawa kundi sarilihin na lang ang buong preparations. Sinawalang bahala ang mga professional make up artist sa aming tabi at mga designers na kilala sa ibang bansa. Taray, mayayaman nga naman.

Hindi naman pabonggahan ng designer at make up artist 'to. We are here to show our skills and represent our college, which is the college of medicine, and not to show our arrogant side.

Habang naghahanda sa backstage, nagsasalita naman ang dalawang bading sa labas ng stage. Kinakamusta ang mga audience, ni-entertain at kinausap. We heard our classmates yelling outside, sa sobrang lakas non, natuwa ang dalawang bading dahil active na active daw ang medicine. Syempre hindi magpapahuli ang law na katapat lang namin. Todo cheer din sila, mas nilakasan pa nila kaya hindi namin maiwasang hindi mapairap ni Janice.

Palaban talaga ang mga law students. Hindi papatalo.

Kaya ako naiinis dahil kapag nagyi-yell ang mga kasamahan namin, dinudugtungan nila. Parang may nangyayaring collaboration between our yells, may connection kasi. Gusto ko sanang palitan iyon kaso ayaw no'ng nag-handle kaya hinayaan ko na lang. Tuwang-tuwa yatang katapat ang law students. Sa bagay, maraming pogi at magaganda doon. Isa na si Dante na dinagsa ng likes at comments kaninang umaga. Eksenang-eksena naman ang Hershey, maraming sumuporta sa kaniya dahil kasama nito si Dante. They were all rooting for them.

I understand. This is a competition. Kailangan din naming manalo.

"We need to make a statement," Farrah interrupted. Bakas ang competitive sa kaniyang boses. "We need to show them what our college is about. Dedication, intelligence, compassion."

Binalingan ko ng tingin si Janice. Tahimik lamang itong tumango habang ang mga mata ay palipat-lipat sa fitting room, pinagmamasdan ang ibang representative sa kabilang colleges. Naubusan yata ng sasabihin ang gaga kaya nanahimik ito ngayon. I heard from Klane din na medyo pumaos daw ang boses nito dahil sa kakasigaw kaninang umaga sa amin.

I laughed a bit. Umiwas ako ng tingin at muling binalik kay Farrah ang atensyon. I can feel na competitive itong si Farrah. Gusto niyang ipanalo ang college namin. Gano'n din naman ako, I'm here to win, hindi lang magpasikat.

"We need to show them that we can be both beautiful and brilliant," aniya, hindi pinansin ang pananahimik ni Janice sa gilid. Magkalaban talaga.

"Yes, but we need to be careful not to come off as arrogant," dugtong ko, trying to inject some reason into the conversation. We are med students after all. We were trained to be practical, not performative.

"Arrogance is confidence, Luella." Kinindatan niya ako. "And confidence is what we need to win."

"Huwag kang kabahan, Rose. This is a competition." Sabi ni Janice. Seryoso ang boses na para bang binantaan akong huwag mahumaling ngayon kay Dante. Ewan ko lang kung kakayanin ko.

Napailing ako. Natahimik kami nang biglang umingay ang mga tao sa labas.

It's starting.

Binasag ng dalawang bading ang namayaning pag-uusap sa backstage. Sinabihan kami ng isang staff na maghahanda na raw dahil swimsuit ang unang isasabak. Kabadong-kabado naman ako dahil first time kong magsuot ng swimsuit. And hindi ko alam kung anong magiging reaction ni Dante kapag makita niya ako mamaya. Magagalit, Luella. Sesermunan na naman ako non sa mansyon. Hays.

Iisipin ko pa lang parang ayaw ko nang umuwi mamaya. A one-piece pink swimsuit ang napili ni Janice sa mga pinamili naming bikinis dahil mas bagay daw iyon sa balat ko. Lilitaw ang pagka-mestiza ko. Sumang-ayon ako at medyo hindi pa sanay no'ng una dahil lagi kaming naka lab coat sa loob ng room. Paminsan nagsusuot ng uniform, pero nangingibabaw talaga ang days ng lab coat namin since iyon ang kurso namin.

Naka topless naman si Klane. Kitang-kita ang kaniyang six pack abs na mukhang ilang araw, months, years yatang pinaghandaan. Paniguradong maraming tutulong laway ngayong gabi. Lalo na kay Dante! I can't wait, gusto ko ring makita ang katawan niya, hoay! Ang landi, Luella. Hindi ko pa kasi nakikita ang katawan non, laging naka-shirt sa mansyon e. Takot yatang bosohan ko. Naks!

So, balik tayo sa pageant. Malaki na ang ngisi ngayon ni Janice, parang nanalo na. Lumapit siya sa akin at inayos ang strap ng bikini ko habang may sinasabi. Hindi ko maintindihan iyon since bulong lang.

"Uy, ano 'yon? Sinusumpa mo ba ako?" tanong ko sa kaniya.

Tumawa siya. Kinurot niya ang pisnge ko. "Gaga. Hindi! Pinagdasal kita na sana manalo ka sa gabing ito at matauhan ka na hindi ka type ni Dav-"

"Sige, ituloy mo ipapatalo ko talaga 'to," takot ko sa kaniya.

Imbes na masindak ay tinawanan lamang ako nito. Nakisali pa ang dalawa na tila tuwang-tuwa sa sinabi ni Janice.

"Huwag ka nang magdasal. Nagpapanggap ka na namang maka-diyos kahit halatang demonyita ka."

"Hiyang-hiya naman ako sa'yo? Sa pagkakaalam ko once a month ka lang nagsisimba, ah?"

Hinarap ko siya. "Ang kapal ng budhi mo! Ni hindi mo nga ako nakitang nagsisimba e! Palibhasa kasi, puro ka shared post ng mga kababalaghan sa facebook at patama sa twitter! Kapal mo ah!"

Nanlaki ang kaniyang dalawang mata. "Nakita mo 'yon?"

"Alin do'n? 'Yung ni-mention mo si Wade? At sinabihan mo-"

"Okay! Okay! Tama na, magsisimula na. Ipanalo mo 'to, ah? I'm rooting for you kaya huwag mo akong bibiguin, Rose,"

"Wow. Nakaka-pressure ka naman."

She flipped her hair, tumama iyon sa mukha ni Farrah dahilan nang pag-asim ng mukha nito at akma na sanang sisigawan si Janice nang biglang nagsalita ang emcee.

Sabay daw kaming lalabas. Hayup! Magkikita kaming lahat sa stage.

"Don't mind him. Hindi naman siguro iyon mags-skandalo sa labas, hindi ba?" she was referring to Dante na swimsuit hater.

Sa akin lang yata siya swimsuit hater. Nakakaloka, may crush yata sa akin iyon. Idaan pa sa hindi ako type, sus! Galawan ng mga lalaki.

"Hindi mo sure. Hinila nga niya palabas ng mall 'yan noong nakara-"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil lumabas na kaming dalawa ni Klane. Iniwan namin ang dalawa sa loob habang nagbabangayan.

Rumampa kaming dalawa ni Klane. Sa kabilang pinto, naroon sina Dante at Hershey, kalalabas lang din. I can't deny na may ilalabas din palang awra itong si Hershey. Ang sexy-sexy niya sa suot nitong black one-piece. Pinaresan iyon ni Dante ng black shorts. Tangina! Ang pogi!

Syempre hindi ko siya nilingon. Baka magtama na naman ang mga mata namin at magsisisi na naman ako sa desisyon.

"Wow! Look at these beautiful ladies here, partner. Nakaka-iingit ang kasexihan at kagandahan!"

Palihim akong napalunok. Tumama ang mata sa akin no'ng isang bakla. Malaki ang kaniyang ngisi habang hawak ang sariling mikropono.

"Hello! Coming from?" he asked me.

Tumikhim ako. Bago magsalita, isang malakas na hiyawan ang namayani sa buong gym. Tinaas ng mga kaklase ko ang malaking tarpaulin namin ni Klane at sinigaw ang yell namin.

"Ang ganda mo, Jancinta!"

"Number two! Panalo na!"

"Crush na yata kita, Luella!"

"Mine two!"

"GO MEDICINE!"

"Ang active talaga ng med students ngayong gabi, partner!"

"Sino namang hindi gigising kung ganito kaganda at kapogi ang kanilang representative, partner. Look at this lady, coming from the medicine pala,"

Lumapit na rin 'yong isang bakla.

"What's your name, girl?"

"Beauty and brain nga ba lang talaga ang Medicine?"

Lumapit ako sa microphone. Hinawakan ko ang katawan non at ngumiti sa maraming tao, lalo na sa mga kasamahan at kaklase namin. They are now cheering and rooting for us.

"Good evening, everyone. I am Luella Rose Jacinta, coming from the college of medicine. I stand here not only as a representative of this event but also as the one who serves the people around me who kept believing in me that I can do it. As a medical student, we need to be brave and believe in ourselves," atake. Parang question and answer na.

I paused. Ginala ko ang buong tingin sa paligid. Lahat sila ay naka-pukos sa akin, tahimik, at tanging mahinang musika lamang at bawat hinga ko ang naririnig.

"We are not just beautiful, and we are not just smart," patuloy ko habang ang boses ay unti-unting tumatag. "We are healers. We are caregivers. We are the ones who stand by the bedside every day and night, holding the hands of those who are suffering while whispering words of comfort and hope."

Naalala ang mga memoryang pinagdaanan ko noon sa ospital nina Dante. When I was there, I witnessed their sufferings. Hindi maganda, hindi madali. Masakit.

"Kami ang laging gumagabay sa mga pasyente na halos hindi na makatulog ng maayos dahil kailangan namin silang tulungan. Kami ang nag-aalis ng sakit sa kanilang nararamdaman. We are the ones who shoulder the responsibility, not only to save lives but also to serve humanity." I said kasabay nito ang malakas na hiyawan na nanggaling sa audience at judges na kasalukuyang nakaupo ngayon sa aming harapan.

Ngumiti ako. "Again, I am Luella Rose Jacinta, coming from the college of medicine. We are not just beauty and brain. We are also a savior and continue to serve!"

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro