Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10: Intramurals

Luella's POV

Ito na ang araw ng intramurals. Ang araw kung saan magsisimula ang kalbaryo ng buhay ko. Pagsikat na pagsikat pa lang ng araw ay nakatayo na ang katawan ko, hindi na hinintay ang namamaos na tilaok ng mga manok sa labas. Ginawa ko kaagad ang mga dapat gawin ngayong araw. Una, naligo, nag-ayos, sinuot ang maiksing palda ng Dreamweaver at pinarisan ng gray na blouse.

Habang nag-aayos sa harapan ng salamin, hindi ko maiwasang hindi mangamba ngayong araw. Alam kong mamayang gabi pa ang pageant pero kailangan naming pumunta sa university dahil may parade at panimulang event sa araw na ito. Hindi nga sana ako pupunta, kaso may attendance. Kailangan ako.

Pagkatapos mag-ayos, kinuha ko ang maliit na bag sa ibabaw ng kama at lumabas na. Nadatnan ko si Dante sa hapagkainan, kumakain habang naka-suot ng all dark brown. Pormang-porma na naman ang Dante niyo. In-game na in-game ang atake.

"Good morning!" bati ko.

Nabaling panandalian ang kaniyang tingin sa akin. Napansin ko ang kaniyang pag irap nang tumama ang kaniyang tingin sa palda ko.

"Wala pa bang I-iiksi 'yan?" umagang-umaga iritado na naman ang Dante.

Sinuklay ko ang buhok ko saka dahan-dahang lumapit sa kaniya. Hinila ko ang isang upuan at umupo, kasabay nito ang pagpasok ni Aling Waning. Fresh na fresh, parang kadidilig lang.

"Ganda mo, ma, ah! Bati na kayo ni Mang Raul?" tanong ko habang sumasandok ng pagkain.

Inabot ni Dante ang adobong baboy at siya na mismo ang naglagay sa plato ko habang abala sa kanin. Napansin naman iyon ni Aling Waning, pero wala siyang sinabi. Umupo lamang siya saka tumikhim na para bang may bumabara sa kaniyang lalamunan.

First time niya yatang nakitang mabait sa akin si Dante. Hehehe. Mabait naman siya, huwag mo lang galitin. Lalabas ang tigre.

"Aga niyo ngayon ah. Anong meron? At bakit ka naka-uniform, Luella?" pinasadahan niya ng tingin ang buong suot ko. Napakagat labi ako nang makitang wala pa sa ayos ang suot kong medyas.

Hayup!

"May parade ngayong umaga, ma. Intramurals namin ngayon kaya need namin pumunta ng maaga. May attendance e," sagot ko. Kung wala lang, baka hindi na ako nag effort gumising ng maaga. Sarap pa kayang matulog.

"Magbaon ka ng marami. Ang payat payat mo na,"

"Sexy 'to, ma! Look oh!" pinakita ko pa ang abs ko.

"Tsk."

"Nga pala, Dante, saan ka pupunta? Bakit hindi ka naka-uniform?"

Inayos ko ang upo ko saka tinanggap ang inabot na kutsara at tinidor ni Aling Waning habang nakatingin kay Dante. Ang seryoso e. Umagang-umaga, mukhang aatake na naman ang attitude niya.

"Hindi ko gusto ang uniform. Pambata,"

Naptingin tuloy ako sa sarili ko. Napanguso. Pambata? Hayup na Dante 'to. "Hindi ah! Ang cute kaya. Mag-uniform ka na next time, baka pagalitan ka ni dean. President ka pa naman," sabi ko.

"Bahala siya sa buhay niya. I don't like their uniform. That's all."

Kapag kausap mo talaga itong si Dante, gusto agad tapusin ang usapan. Paano kami magko-communicate niyan kung gan'yan siya? Nakakaloka.

Pagkatapos kumain, sabay kaming lumabas ni Dante ng mansyon. Ihahatid niya raw ako sa university. Oh 'di ba? Improvement na this. Hindi niya na ako ikinakakahiya. Pero...titigil pa rin ako sa labas ng gate. Doon ako lalabas upang hindi kami makita ng mga estudyante at ng mga fans niya. Ayokong dumugin ngayong araw kaya ingat-ingat sa kalandian, Luella Rose. May ibang araw pa naman. Marami.

"Sa labas lang ng gate, Dante," sabi ko habang inaayos ang strap ng bag ko.

"No. Papasok tayo."

"Ha? Hindi na! Ayos na ako sa labas. Sa gate na lang,"

Nilingon niya ako. Panandaliang nanigas sa kinauupuan nang magtama ang aming mga mata. Putcha! Ang ganda talaga ng mga blue eyes ni Dante. Nakakalaglag ng panty. Pakiramdam ko biglang lumuwag 'yung garter ng panty ko. Tangina. Hindi lang 'yon, naghuhuramentado pa ang puso ko sa kilig! Ahhh!

"May kikitain ka ba sa labas?"

"H-Huh? Wala naman. Ayoko lang ma-issue tayo. Gusto ko pang mabuhay ng matagal noh!" asik ko habang sinasabayan ng mahinang tawa upang ibsan ang kilig at gulat na naramdaman.

Nagkibit-balikat siya. Hindi satisfied sa sinabi ko. "I will send you off. No more buts, Luella Rose. Ipapasok at ihahatid kita sa loob ng Dreamweaver University. Sabay na tayong pumila."

Bago pa man umapila ang gaga, pinaandar kaagad ni Dante ang sasakyan at hindi nga siya nagbibiro. Pinasok niya talaga sa loob ng campus ang sasakyan habang hindi naman ako mapakali sa loob. Naiihi ako sa kaba na baka sundan siya ng mga fans niya at malamang kasama ako.

Binati niya si Manong guard. Hindi ko alam na close pala silang dalawa. Tumango siya rito at nagpasya na huminto sa parking space ng university.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Napansin kong medyo dumami ang mga tao ngayon. Lalo na ang mga kababaihan. Nangisay sa kilig habang hinihintay lumabas si Dante.

"Ano pang hinihintay mo? Pasko? Matagal pa 'yon. Lumabas ka na,"

"A-Ano kasi...mauna ka na, Dante, susunod ako." Ipapahamak mo yata ako sa mga fans mo, Dante, huwag naman. Wala akong matandaan na may atraso sa'yo kaya...

"No. Sabay na tayong lumabas. Hold my bag," at talagang ginawa pa akong katulong mga beh. Hindi lang 'yon, siya na mismo ang humila sa akin palabas ng sasakyan.

Bumungad sa akin ang malakas na singhapan ng mga estudyante. Nanlaki ang mga mata at mapanuring mga titig. Mabuti na lang confident akong maganda ako kaya deadma sa bashers. Sinusundan ko lang si Dante habang naglalakad sa hallway. Dala ko pa ang bag niyang isa lang yata ang laman.

"Ihahatid pa ba kita?" tanong ko sa kalagitnaan ng lakad namin. Sinawalang bahala ang mga chismosang nakasunod sa akin. Pakiramdam ko, matitigok na ako bukas.

"No need. Ihahatid muna kita sa room niyo saka na ako aalis."

"Sigurado ka ba? Hindi na kailangan, Dante. Kaya ko namang pumunta doo-"

Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang bigla itong humarap dahilan nang panlalaki ng mga mata ko at mabilisang pag atras dahil ilang dangkal na lang maghahalikan na kami.

Sayang.

Bakas sa mukha niya ang gulat no'ng umatras ako. Tumikhim siya saka umiwas ng tingin, ngunit hindi nakatakas sa akin ang namumulang niyang mga tainga.

Napangisi ako. Sayang hindi natuloy. Hoay!

"Kinikilig ka ba?" biro ko sa kaniya.

"Bakit naman ako kikiligin?"

"Namumula tainga mo e! Ang cute!"

Natawa ako nang makitang mas lalong namula ang kaniyang dalawang tainga.

"Teka!"

Mas lalo niyang binilisan ang paghakbang. Halos magkadapa-dapa ako sa paghabol. Pambihira. Halata mo naman masyado, Dante. Dapat chill ka lang. I can wait naman. Huyy!

"May crush ka sa akin, noh? Aminin!"

"Disgusting. Hindi ako magkakagusto sa'yo, Luella Rose. Itaga mo 'yan sa baga mo."

Bakit nadamay na naman ang baga ko?

"Weh? 'Di nga? Hindi naman ako magagalit, Dante. Kikiligin pa!"

Hinarap niya muli ako. Gulat at may halong pagtataka ang kaniyang
reaksyon. Hindi ko tuloy maiwasang hindi na naman matawa. Shuta! Muntik ko nang makalimutan na may mga fans pala si Dante dito sa loob ng campus.

Hindi na talaga ako sisikatan ng araw bukas.

"Huwag kang assuming. Hindi ako mahilig sa mga flat-chested."

Nalaglag ang panga ko.

"Hindi ako flat! May dibd-" tinakpan niya ang bibig ko.

"You can go now, may mga paa ka naman. Kaya mo na ang sarili mo, hindi ba?"

"Akala ko ba ihahatid mo ako? Scam ka ah!"

Hindi niya ako pinansin. Kinuha niya ang bag mula sa kamay ko at walang lingon-lingong umalis. Ni hindi man lang nagpaalam ang lolo niyo. Mabilis itong lumisan, natawa pa ako dahil maling building ang napuntahan niya. Putcha ka talaga, Dante. Mabuti na lang hindi ka na beastmode ngayong araw. Pero hindi ako flat! Malaki ang dibdib k-napatingin ako sa dibdib ko sabay palihim pang hinawakan.

Isang mabigat na buntonghininga ang pinakawalan ko. Wala na, talo na. Wala ng pag-asa.

Kailangan ko nang ipaubaya si Dante kahit masakit.

"Huy! Gaga! Kilig na kilig ka naman!"

Hinarap ko si Janice. "Panira ka talaga ng moment, noh? Mag love life ka na rin kaya!" sambit ko. Broken-hearted ako ngayon, Janice. Huwag ako.

Nasa loob kami ngayon ng room. Naghihintay sa saktong oras para sa parade mamaya. At habang naghihintay, bini-buwesit ako ni Janice.

Nakita niya kasi kaming dalawa kanina ni Dante. Ang gaga, ang laki ng ngisi. Parang wala ng bukas habang pinapatay naman ako sa tingin ng mga kaklase ko. Pero deadma pa rin, unbothered ako e. Bahala sila. Isa pa, president si Dante, kapag sinaktan nila ako, isusumbong ko sila. Hoay! Tatay lang? Mukha namang tatay ng university si Dante kaya ayos lang.

"Nakita mo ba si Klane? Kahapon pa wala 'yon ah. Sisipot kaya sa pageant 'yon?" tanong niya habang naglalagay ng kolorete sa mukha.

Napansin ko din na ilang araw nang hindi pumapasok si Klane. Sisipot kaya iyon mamaya? Hayup, baka ma-disqualify kami kapag wala siya. Talo agad.

"Hindi ko rin alam. May number ka niya, hindi ba? Tawagan mo kaya?"

"Wala akong number niya, Rose. Joke lang 'yon, naniwala ka naman."

Napairap ako. Gaga talaga.

"Siraulo. So, anong gagawin natin kapag hindi iyon sisipot? Itutuloy pa rin natin?"

Nagpakawala siya ng hininga. "Hindi. Ayokong mapahiya ka, noh! Baka wala na akong bukas kinabukasan kapag malaman ni Dante iyon. Hihintayin na lang natin siya baka sisipot 'yon."

HINDI nga sumipot si Klane sa parade. Mag-isa kong hinawakan ang tarpaulin namin habang ginagabayan naman ako nina Aia, Farrah at Janice. No'ng una, ayaw pa sana ni Farrah tumulong. Pero Kalaunan sinapian ng kabaitan kaya tumulong na rin.

"Tutulong ako mamaya sa pag-ayos sa'yo, Luella," ilang ulit niya na itong sinabi sa akin. Gano'n pa rin ang laging sagot ni Janice.

"Baka gawin mong laro ang pageant, Farrah. Huwag na. Kaya na namin."

"Gusto ko lang naman tumulong, Janice. Klane is not here! Kapag hindi siya sumabak sa pageant, it's our loss!" ganti naman nito.

Pumikit ako ng mariin. Nasti-stress na sa dalawang 'to. Kanina pa kasi sila nagbabangayan. Itong si Janice ayaw paawat. Papatulan niya talaga si Farrah.

"Talong-talo na tayo sa mga Law oh! Ang pogi ni Davian sa suot nitong suit! Gano'n din si Hershey!"

Binalingan ko ng tingin si Dante at Hershey. Nasa gilid namin silang dalawa, kapwa nakahawak sa malaking tarpaulin. Naka-suit si Dante na para bang kagagaling lang sa isang business meeting, habang naka-dress naman na puti si Hershey, parang kukunin na ni lord. Hindi ko gustong tumawa pero tangina! Parang umatend ng libing ang atake ng Law.

"Parang may hinatid na kabaong sa sementeryo ang atake ah..." bulong ni Janice.

Natawa ako ng malakas. "Napansin mo din pala."

"Kapansin-pansin naman kasi, Rose. Nakakasilaw. Kukunin na ba sila ni lord?" sinabayan pa ng tawa.

"Gaga! Tumigil kayong dalawa. Lakasan niyo pa ang yell ninyo, mga gaga!" malakas na sigaw ko.

"GO MED STUDENT! WE ARE THE SAVIOR!"

"WE ARE THE DEFENDER! GO LAW STUDENTS!"

Ay kabog. Nakisabay din ang mga Law sa yell namin. Ano daw, savior and defender?

"Papunta na raw si Klane. Katatapos lang ng tournament nila sa University of St. De San Pablo sa Isabela,"

"What? Galing siya doon? Kailan lang? Alam niya bang may event ngayon?" oa na reaction ni Janice habang winawagayway ang banner namin.

"WE ARE THE SAVIOR!"

"WE ARE THE DEFENDER!"

Pasikat talaga 'tong mga Law students. Talagang sinasabayan ang yell namin. Parang gusto ko tuloy dagdagan ang yell namin. Dinudugtungan kasi nila.

"Of course, Janice. Matalino iyon at hindi pogi lang ang ambag."

"What are you trying to say? Bobo ako?"

"Wala akong sinabi, Janice. Totoo ba?"

"Hindi."

Tumawa si Farrah. "Iyon naman pala e. O siya, susunduin ko muna si Klane at aayusan. Magkikita na lang tayo mamaya sa field."

Hiyawan, sayawan, banatan ang naging panlaban ng bawat colleges sa Dreamweaver University. Bawat sigaw ng mga estudyante, galaw at palamuti nito sa parada, nagsisilbing representayon sa kanilang kolehiyo.

Nang dunating kami sa malawak na field ng university. Sumabak na naman sa hiyawan ang mga kasamahan namin. Kabog at palong-palo ang bawat sinulat na mga lyrics sa hugyaw. Sinabayan pa ito ng sayaw na nagbibigay aliw din sa mga manonood.

While watching everyone, nakikita ko ang determinasyon sa kanilang mga mata. Lalo na ang pangkat ni Dante. In-game na in-game sa hugyaw. Walang pakialam sa alikabok at mabatong field. Tuloy pa rin ang hamon ng buhay.

"Nandito na si Klane!" malakas na sigaw ni Janice. Unti-unti kong ginalaw ang ulo, hinanap si Klane. I saw him coming, nakasuot na ito ng pormal ngayon. Matching my clothes.

"Taray! Parang prinsesa at prinsipe ang atake!" masayang sambit nito.

Sumunod si Farrah sa kaniyang likuran, bitbit nito ang mga gamit ni Klane. Siya yata ang gagabay ngayon kay Klane. Mabuti naman kung gano'n.

"Hi! Luella! Pasensya ka na kung natagalan. May dinaanan pa kasi ako sa Tagaytay,"

"Mabuti naman nakarating ka, Klane. Kung hindi disqualified na ang Med!"

Ito talagang si Janice, high blood.

"Sorry hehehe. So, anong gagawin? Irarampa namin 'to sa front, right?"

"Oo mamaya, kapag tinawag na ang Med-"

"LET'S ALL WELCOME! COMING FROM THE COLLEGE OF MEDICINE! THE SAVIOR!"

"Uy kayo na! Tangina mo, Klane, ngumiti ka kahit nagmumukha kang natatae! Ikaw din, Luella. Nandyan ang crush mo! Pakitaan mo!"

Anong ipapakita ko? Hindi naman ako type non.

"Grabe mga mare. Parang galing sa royal family ang atake ng college of medicine. Ang ganda at pogi! Matanong ko nga mamaya number niyan, hoayy! Joke lang!"

Natawa kami sa sinabi ng emcee. Siraulo talaga.

Sabay kaming pumasok sa gitna ng field ni Klane. Nirampa namin ang bandera ng medicine sa maraming tao hanggang sa nakarating sa gitna kung saan kami magpapakilala.

Habang rumarampa, hindi ko maiwasang hindi mangamba. Paano ba naman kasi...kanina ko pa napapansin ang nakakamatay na titig ni Dante hindi kalayuan.

Akala ko ba hindi niya ako type? Kung makatitig ito parang pinapanood niya ang pagmamay ari niya. Nakakakilig naman.

"Good morning everyone! I am Luella Rose Jacinta! Coming from the college of medicine!"

"Ang ganda mo, Luella!"

"Anong facebook mo?!"

"Business AD ako pero parang aatakehin yata ako sa kagandahan mo, Ma'am Luella!"

Sari-saring mga komento ang narinig ko, halos galing pa sa mga lalaki.

Ngumiti ako, ngunit kaagad din iyong napawi nang mahagip ko na naman ang mga mata ni Dante. Putcha! Galit na naman ang businessman.

"GO MEDICINE! WE ARE THE SAVIOR!"

"And I am Klane Montemayor! Coming from the college of medicine! We are the savior!"

Savior nga pero bakit hindi ko man lang mailigtas ang puso mula kay Dante.

Hulog na hulog na talaga ako.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro