Chapter 1 : Lunchbox
Luella's POV
"May assignment ka na ba? Pakopya naman, Luella. Nakatulog kasi ako kagabi e,"
"Talaga, Janice? Ayaw mo lang talagang sagutan 'yon."
Napakamot siya sa kaniyang noo. Umaasa na pakokopyahin ko. Ke-ganda ganda ng babaeng 'to tamad nga lang gumawa ng assignment. Pang-ilan niya na 'to. Para siyang si Rain Celeste, tamad gumawa ng mga takdang aralin. Kung ako sa kanila gayahin nila ako, hindi lang maganda, scholar, kundi matalino din. Perfect na perfect! Itong si Janice, ganda lang yata ang ambag niya, chos! Matalino naman siya. Tamad lang talaga.
Lagi niyang bini-bwesit si Wade sa kabilang building, which is ang Law building na katabi nitong building namin. Kaklase ni Wade ang isa sa mga Campus Princes na si Davian Terron Salvatore. Matagal ko nang crush 'yon, since hayskul. Nga lang, hindi ako pinapansin, minsan napapansin pero iritado at galit naman lagi ang mukha. Imbes na umatras, sinawalang bahala ko na lamang at mas lalo pa siyang ginalit.
Tigas kasi e.
May ginawang kasunduan ang pamilya namin noon. Kasunduang kinatawa ko nang todong-todo at kinagalit naman ni Davian. Hindi naman halatang hate na hate niya ako, noh? Kulang na lang hawakan ako no'n sa braso at itulak palabas ng mansyon. Pero asa naman siya.
Simula ngayon...sa mansyon niya na ako titira at aaktong asawa niya sa papel. Tapos. Wala siyang gusto sa akin. Mamamatay daw muna siya bago niya ako magustuhan. Tinawanan ko lang siya. Asa namang magpapakamatay iyon.
Lagi kaming nag-aaway sa loob ng mansyon, kulang na lang sigawan kami ni Aling Waning dahil sa bangayan namin. Mapa-umaga o gabi man 'yan. Walang katapusang bangayan. Ang arte-arte kasi.
Ikaw ba naman bigyan ng article galing sa libro niyang law. Makakasagot ka pa kaya? Sarap tahiin ng bunganga e.
Sabi ni Lola, pagmamay ari ko na rin daw ang mga gamit sa mansyon kaya hinawakan ko lahat at hindi sinadyang nahawakan ang gitara ni Davian. Galit na galit ang lolo niyo, muntikan pa akong bangisan. Mabuti na lang nakita ni Aling Waning at pinigilan kami.
Kitang-kita pa ang mga ugat niya sa noo.
Galit na galit usto manakit.
"Sinong nagsabing hawakan mo ang gitara ko? Hindi pa ba malinaw ang sinabi kong huwag kang mangialam sa mga gamit ko? Alin doon ang hindi mo maintindihan?!" galit niyang sambit habang masama ang tingin sa akin.
Umiwas ako ng tingin. Tiningnan ko si Aling Waning, hinihilot nito ang kaniyang noo na para bang sumuko na. Ayaw na sumali sa bangayan naming dalawa ni Dante. Ito kasing si Dante e! Hindi ko naman sinasadya. Titingnan ko lang naman ang arte.
"Come on, Dante, it was just an accident. Hindi ko intensyon hawakan 'yan! And it's just a guitar!"
"It's not just a guitar! It's mine, you know, touching my property has legal implications and-"
"Legal implications?" hindi makapaniwala kong tanong. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. "Are you seriously bringing up your articles on property law right now? Hindi ko sinadya iyon!"
Ang kitid naman ng utak nito.
"Hindi sinadya doesn't excuse trespassing," sabi niya na parang nagri-recite sa law textbook niya. "You might want to consider Article 109 of the Civil Code, which discusses the rights of ownership. Or maybe Republic Act 8293-"
Tumikhim ako. I can't take this anymore. Hindi ako law student. I understood were those outlining patient care and anatomy, and not ownership and rights.
"Dante, please! I'm studying medicine. I don't know what you're talking about!"
"But you should know about respect for other's property!"
Tumango na lamang ako bilang pagsuko. Ayoko na. Mababaliw ako sa kaniya.
Ang hirap makipagtalo sa matalino. May resibo.
Napagkasunduan din namin ni Davian na huwag ipagsabi ang tungkol sa aming dalawa. Akala mo talaga may kami e. Habang nasa Dreamweaver University kami kunwari hindi namin kilala ang isa't isa kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko maiwasang hindi magpapansin kaya hanggang Dreamweaver inis na inis siya sa akin. Laging umiiwas kasama 'yong childhood friend niya kuno na si Stella. Mas maganda pa nga ako do'n, malaki lang ang hinaharap niya. Matangkad, mas maputi at mas maganda naman ako kumpara sa laking probinsya na babaeng iyon.
Nakilala daw ni Dante sa Isabela.
Doon siya lumaki kasama ang nakakatanda niyang kapatid na si Pierson Maxrill Salvatore, kasalukuyang nagtatrabaho ngayon sa BGC kasama ang girlfriend nitong si Hiraya. Shocks! Sinong hindi makakilala sa babaeng iyon? Heller! Founder siya ng Thread & Treasures, kilalang brand iyon sa buong bansa, hindi lang Pilipinas, buong world talaga. She's also pretty! May fashion sense siya. Gaga, fashion designer nga pala siya.
Balik tayo kay Davian Terron Salvatore. Super rich nila, ako lang ang hindi pero maganda at matalino naman kaya bawing-bawi na. May mga negosyo sila dito sa Manila gano'n din sa Isabela kung saan sila lumaki.
Pinamumunuan ni Pierson ang mga negosyo nila doon habang pinapatakbo naman ng palihim ni Davian ang H
ospital na iniwan ng kaniyang Lola bago ito namatay last year. Hindi lang si Davian ang binigyan niya ng responsibilidad, may iniwan din siya sa akin. Kapag nakapagtapos kami ng pag-aaral ni Davian, ako raw ang mag-aasikaso ng kanilang ospital.
Lola talaga e. Isasama pa ako sa kamalasan ng buhay ni Davian. Chos!
Syempre, hindi natuwa no'ng una si Davian, akala niya inaagaw ko lahat sa kaniya. Pinaliwanag sa kaniya ni Aling Waning ang lahat, hindi lang ospital ang hahawakan niya kundi ang buong lupa nila sa Tagaytay. Yayamanin talaga. Ibibigay din sana ni Lola sa kaniya ang maisan sa Isabela ngunit tumanggi siya. Ayaw niyang manatili ng pansamantala o magtagal sa Isabela. Mas gusto niyang magtrabaho sa New York, Canada at Maynila.
Abay ewan ko, chismosa lang.
Sa ngayon, hawak ng kaniyang ina na si Mrs. Cynthia ang ospital dahil nag-aaral pa si Davian. Kapag tumuntong na ito sa tamang edad saka na ibibigay sa kaniya at ako ang mamamahala. Grabe naman, ang gulo kausap ni Lola. Sana nasa heaven na siya ngayon. Natutuwa siguro iyong marami siyang iniwan na responsibilidad sa amin. Chos! Rest in peace, Lola. We love you!
Binaba ko ang hawak na ballpen nang mapansin ang mukha ni Janice sa aking harapan. Katatapos lang kopyahin ang buong sagot ko. Pahamak talaga 'tong si Janice, e, malilintikan na naman ako nito sa prof namin at magagalit na naman si Davian sa akin. President kasi siya ng Dreamweaver, kapag nasasangkot ako sa gulo, laging hinahanap ang pangalan niya. Sesermunan na naman ako no'n buong gabi. Parang tatay ko lang.
Sa kasamaang palad, wala na akong mga magulang. Kinupkop lamang ako ni Lola, Lola ni Davian na naging Lola ko na rin dahil gusto niyang tawagin ko siyang Lola. Aish basta! Lola naming dalawa ni Dante. Nabubulol ako sa kaka-Davian, pwede namang Dante. Tunog probinsyano.
"Sinulat mo talaga lahat?" tanong ko sa kaniya habang hawak ang notebook ko.
Ngumiti siya sa akin, revealing her clean and pantay-pantay na mga ngipin. "Hindi naman lahat..." bulong niya.
Kumunot ang noo ko. "Sigurado ka?" pagdududa ang boses.
"Oo. Hindi ko kinopya lahat, Luella. Kapag sinali ko ang pangalan mo malilintikan tayo at mapapatawag na naman kaya iniwan ko ang pangalan mo at sinulat lang ang mga answers mo. Tama naman, hindi ba?"
Napasapo ako sa aking noo.
"ADELINE JANICE MONTESSORI!"
BREAK TIME na namin ngayon. Hindi pumasok si Professor Howitzer subalit may iniwan siyang assignment na naman sa gc na ipapasa bukas. Grabehan na talaga ito, walang katapusang assignment. Ni hindi pa naituro iyon. Binigyan lang kami ng pdf file at boom, kami na bahala. Baka iniisip no'n sobrang talino na talaga namin dahil Medicine ang kurso namin.
Kakaloka ka naman, Prof Howitzer. Nakakabaliw ang mga tambak na assignments mo. Lagot ka sa akin sa teacher's evaluation. Charot!
Binalingan ko ng tingin si Janice, kasalukuyang ngumunguya ng burger. Walang pakialam sa mga taong nagmamasid sa amin.
Sino naman kasing hindi mapapatingin sa amin, aber? Lalo na kay Janice na parte ng most beautiful faces ng Dreamweaver University. Ganda talaga ang ambag ng babaeng 'to, imposibleng hindi mahuhulog si Wade dito. Magaganda at sexy ang type no'n e.
"Dahan-dahan, Janice, hindi ka mauubusan ng pagkain," bulong ko sa kaniya at akma na sanang isusubo ang kanin nang mahagip ko hindi kalayuan ang pigura ni Dante. Kasama niya ang apat na tinagurian ding Campus Princes. Tumatawa iyong dalawang kasama niya habang wala namang emosyon ang mukha niya.
Suplado talaga.
Sumilay ang mapanlarong-ngisi sa aking labi. Napansin naman iyon ni Janice kayat napatingin din siya sabay halakhak ng malakas na naging dahilan ng pag-ubo niya. Gaga, nabilaukan.
"May gagawin ka na naman bang kalokohan, Luella? Huwag muna ngayon, mukhang badmood si pres, e."
Mukha ngang badmood si Dante pero wala akong pakialam. Bibigyan ko lang naman siya ng pagkain. Naiwan niya kasi 'yung lunchbox niya sa mansyon o sinadya niya talagang iwan dahil luto ko iyon. Gago talaga.
"Saan ka pupunta?"
"Alam mo na, Janice..."
Nanlaki ang mata niya. "Huwag mong sabihing guguluhin mo naman ang nanahimik na diwa ni Davian, Luella?"
"Wala namang masama kung bibigyan ko ng pagkain si Dante, Janice. Naiwan niya kasi ang lunchbox sa man-" shit! Muntik ko nang masabi ang mansyon. Hindi niya pa alam na nagli-live in na kami ni Davian. Hoay ang oa.
Normal lang sa mag-asawa ang mag-live in. Issue din kayo e.
"Baka guguho na naman ang buong Dreamwaver dahil sa inyong dalawa, ah, labas ako diyan."
"Kailan ka nasangkot sa bangayan namin, aber? Ini-enjoy mo pa nga," asik ko.
Tumawa siya at tinapik ang balikat ko. "Sino namang hindi mag I-enjoy, Luella? Kilala ng lahat si Davian, nirerespeto siya ng lahat pero bini-bwesit mo lagi. That sight is worth watching."
"Ewan ko sa'yo. Kumain ka na nga lang. Pupuntahan ko lang saglit." Baka mumultuhin ako ni Lola dahil hindi ko inaalagan ng maayos si Dante kahit halata namang binubusog ko siya sa bahay. Dinadaan ko lang kay Aling Waning dahil paniguradong hindi niya kakainin ang mga hinanda ko.
Pakipot pa e, sarap na sarap naman.
Kinuha ko ang lunchbox ko sa ibabaw ng lamesa. Hindi ko pa nabawasan iyon, nasa ayos pa rin ang lagay. Tinakpan ko ito at mabilis na tinakbo ang hindi gaanong kalakihang distansya namin ni Davian.
Nang mapansin niya akong papalapit, sinamaan niya ako ng tingin at ambang liliko na sana sa kabilang building nang naunahan ko siya.
"Davian!" Lumapit ako sa kaniya saka kinuha ang kaniyang dalawang kamay. Nilagay ko do'n ang hawak na lunchbox at ngumiti ng malaki sa kaniya ngunit kunot noo lamang ito at masama pa rin ang tingin sa akin.
Napanguso ako. Napansin ang pag-atras nina Jace at Primo. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Primo ngunit sinawalang bahala ko dahil kaharap ko ang cold prince ng Dreamweaver University.
Mapapalaban na naman ako sa english speaking nito. Nagta-tagalog lang kapag good mood.
"What's this?" he looks up. Nahimigan ko ang iritado doon. Lagi namang ganito, sanay na ako. Kung ibang tao 'to baka kanina pa ako tumakbo sa ugali ni Davian.
Huminga ako ng malalim. "I brought you something for lunch!" mas pinasaya pa ang boses subalit mas lalong kumunot ang kaniyang noo. Nakakatakot na siyang tingnan, parang angry bird.
"Seriously, Luella?" panandalian niyang binalingan ng tingin ang mga kaibigan. Napansin ko ring pinagtitinginan na kami ngayon ng mga tao. Shit! Bakit ako naiilang ngayon? Lagi ko namang ina-approach si Davian, ah. Ngayon lang ako nailang dahil siguro sa apat na mga Princes?
"B-Because I thought you might like it. I made your favourite ulam!" naging paborito ko na rin dahil ang sarap. Nakalimutan ko ang pangalan, nalaman ko lamang mula kay Aling Waning. Lagi niya kasing nilulutuan nang gano'n si Davian kaya naisip kong subukan baka magustuhan niya ngunit sa reaksyon niya ngayon, sermon na naman ang aabutin ko.
His expression doesn't soften as he glares at the lunchbox. Gano'n pa rin, matigas pa rin. Ang suplado talaga ng Dante na 'to, mas lalo niyang kina-gwapo.
"You think I actually want anything from you?"
"I just wanted to help..."
Mahigpit niyang hinawakan ang lunchbox, akala ko itatago niya iyon ngunit nagulat ako when he throws it into the ground.
Kumalat ang mga pagkain.
"Davian! Pambihira ka naman oh! Sayang ang pagkain!" galit kong sigaw sa kaniya at nilapitan ang lunchbox sa sahig. Tapon na ang mga pagkain.
Shit! Bakit ako naiiyak? Stop it, Luella.
"Why do you keep bothering me? Just leave me alone, Luella. Mahirap bang intindihin iyon?"
Nakikita mo ba 'to, Lola? Ang bastos ng apo niyo. Ang sarap niyang bigwasan kung hindi lang crush ko...
"Don't touch that! Hindi ka ba nandidiri sa ginagawa mo, Luella? You look desperate!"
"Huh! Desperate? Siguro nga but I don't care if you hate me! I'll keep caring for you mo matter what, Dante. At wala kang magagawa!"
"You really don't get it, do you? Caring? For me? You're just making it worse!"
Ang sakit ah.
Galit siyang umalis sa harapan ko. Sumunod sa kaniya ang tatlo, pero tumigil si Primo. Lumabas sila ng campus. Mukhang uuwi na.
Nilapitan ako ni Primo at hinawakan ang kamay kong may bahid na ulam. Nilabas niya ang kaniyang panyo, pinunasan ng dahan-dahan ang aking kamay.
"It's okay."
Hindi ko na napigilan, napaiyak na talaga ako ng tuluyan kasabay nito ang paglapit ni Janice sa akin at yakap na naging dahilan ng sandalan ko. Umiyak ako ng mahina sa kaniyang balikat, walang pakialam sa mga matang nanunuya, naaawa at natatawa.
Isang malakas na pagbagsak ng ulan ang bumagsak sa aming mga katawan kalaunan. Biglaan iyon kayat hindi kaagad kami nakagalaw. Nanatili ako sa balikat ni Janice habang inaanod ng ulan ang laman ng lunchbox ko.
"Kaya mo na bang tumayo?"
Dahan-dahan akong tumango sa kaniya, nagulat pa nang madatnang nanatili din pala si Primo sa aming tabi.
"Primo, bakit nandito ka pa?"
Inanod na rin ng ulan ang luha kong nagbabaya kanina. Tangina mo talaga, Dante. Mamaya ka sa bahay, ipapakita ko sa'yo ang ugali kong hindi ko mailabas dito sa Dreamweaver.
"May dala ba kayong sasakyan? Ihahatid ko na kayong dalawa. Let's go,"
"Ikaw, Primo, ah, bakit ang bait mo? Huwag kang gan'yan kung ayaw mong magustuhan kita!"
Inirapan ko si Janice at palihim na kinurot ang kaniyang balakang. Ang landi talaga.
"Joke lang naman! Pero why not naman, hindi ba, Pri-"
"Ano ba, Luella! Ang kj mo! Ikaw lang ba ang may karapatang magkaroon ng cru-wait, nasaan na si Primo?"
Sumilong kami sa parking space. Umupo ako sa sementadong upuan at hinanap ang phone ko. Baka may mensahe si Aling Waning. Lagi kasi akong inaa-update no'n tungkol kay Davian. Paniguradong nakauwi na iyon ngayon.
Hindi pa ba ako caring sa lagay na 'to? Ang lala mo, Dante.
Hindi nga ako nagkamali, mayroon nga ngunit mabilis na kumunot ang noo ko.
"Luella, umuulan. Nakasakay ka na ba? Kakaalis lang ni Davian, susunduin ka raw niya."
"Susunduin?"
"May susundo sa'yo?" napalingon ako kay Janice. "Paano si Primo? Ihahatid daw tayo."
"Kay Primo tayo sasakay ngayon, Janice, hi-"
"Sinong nagsabing sasakay ka sa iba, Luella Rose Jacinta?"
Nanlaki ang mata ko at kumalabog ng malakas ang puso ko nang makitang nakatayo sa aming harapan si Davian. May dalang payong gano'n din si Primo na kararating lang.
"Dante..."
"Let's go home, Luella." At hindi na nga ako nakapalag nang hawakan nito ang kamay ko at iginaya sa kaniyang sasakyan.
What the hell.
"Bakit bumalik ka pa? Sana hinayaan mo na lang ako," mariin kong kinuyom ang aking kamao.
"Hahayaan naman talaga kita kung hindi lang ako pinagalitan ni Aling Waning. Ang tigas din kasi ng ulo mo e, sabing hindi ko kailangan ng pagkain!"
"Baka nakakalimutan mong hindi ka kumain kanina, ah? Gusto ko lang naman panindigan ang papel ko sa buhay mo, Dante."
Niliko niya ang sasakyan sa subdivision namin. "You know I don't need those, Luella. We're still young and still studying. I can take care of myself, so instead of messing with my life, take care of yourself first."
Pumikit ako ng mariin. Naalala ko na naman ang lintik na pangyayari kanina. Kung paano tumilapon ang mga pagkain sa sahig. Marami pang nakasaksi, isa na roon ang nililigawan niyang si Stella. Malungkot ang kaniyang mga mata kanina habang sinusundan niya ng tingin si Dante.
Hindi niya kaya susungitan si Stella kapag siya ang nagbigay ng pagkain sa kaniya?
Pakipot din kasi 'tong si Dante, e. Hindi ko naman siya lalasunin.
Pagkarating sa mansyon, hindi ko siya pinansin. Dumeretso ako sa loob habang nakasunod naman siya sa akin.
"Basang-basa ka, anak. Ayos ka lang ba?"
Pagod akong tumango kay Aling Waning. Akma na sana akong aakyat nang pigilan ako ni Dante. "Ano na naman, Dante? Kung tungkol ito sa nangyari kanina, kalimutan mo na lang."
Hindi siya sumagot. Sa halip ay binitawan nito ang kamay ko at tumalikod. Lumabas ng mansyon.
Baka tatambay na naman sa Pavilion. Lagi 'yang nandoon e.
Napabuntonghininga ako. "Ayos lang ba kayong dalawa? Nag-away na naman kayo?"
"Suplado kasi ni Dante, e," umirap ako.
"Parang hindi ka na nasanay. Alam mong suplado na talaga 'yan noon pa. O siya, umakyat ka na para hindi ka magkasakit. Bumaba ka pagkatapos, ah? Bibigyan kita ng gamot."
Ngumiti ako saka tumango kay Aling Waning bago umakyat sa second floor.
Nilapag ko sa ibabaw ng lamesa ang aking bag gano'n din ang aking cellphone. Lumapit ako sa kabilang bintana at binuksan iyon. Mabilis naman akong napasinghap nang makita sa Pavilion si Dante. May hawak na naman siyang textbooks na related sa kurso niya.
May malaki siyang eyeglasses sa mata. Salubong ang kilay habang sinusundan ang binabasang libro.
Napanguso ako. Ang pogi talaga kahit kailan. Kung hindi lang masungit, naku!
Bago pa man niya ako mapansin, sinirado ko na ang bintana kasabay nang pag-ting ng messenger ko.
"Sino na naman kaya 'to?"
Labis akong nagsisisi nang mabasa ang mensahe ni Dante. Isang article ang kaniyang nilapag. Iyon lang pero alam ko ang ibig sabihin nito.
"Ipapasagot niya sa akin ito!"
Pambihira. Asa namang sasagutin ko 'yan. May kasalanan pa siya sa akin na kailangan niyang panindigan.
Bahala ka! Makatulog na nga.
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro