Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 32: Rebelasyon

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

It hurts. It's making my heart torn like shreds of paper. Every bit of it stings, as if scratched by an unfathomable beast of eternal darkness. Pamilyar na pamilyar ako sa pakiramdam na ito. Palagi ko itong nararamdaman sa tuwing pinagtatabuyan ako ni Ama. Ang pinagkaiba lamang ngayon ay parang mas masakit at ako pa ang nangtaboy.

It makes me wonder. Did I adapt to the nature of my own father?

Feeling lost, I walked towards the empty hall of the castle. Nang maglaho sa harapan ni Trevor kanina, dumeretso na ako sa Drakia. But I didn't expect this castle to be this quiet. Usually, there will be servants around here and different people with different purposes in the castle. Kapag ganitong tahimik, siguro'y nasa pagpupulong sila. Dahil kahit sa pagpupulong, kasali ang opinyon ng mga katulong.

Dere-deretso lamang ang aking lakad papunta sa silid kung saan ginaganap ang mga pagpupulong. Bago pa man ako makapasok, mayroong malakas na puwersa ang pumigil sa akin. Nilipad nito ang kaunting bahagi ng aking buhok ngunit nanatili lamang dilat ang aking mga mata.

Looking around, I suddenly heard someone saying, "Just listen." That voice was obviously from Cronus. He interfered with my actions again.

Hindi ako makagalaw kaya naman wala akong ibang pagpipilian kun'di ang makinig sa pag-uusap sa loob. Pinatalas ko ang aking pandinig-na sana'y hindi ko na ginawa kung alam ko lamang ang mangyayari pagkatapos nito.

"Hindi ko nga siya anak! Alam n'yo naman ang totoo, bakit pinagpipilitan n'yo pang tanggapin ko ang magiging dahilan ng ating kamatayan?!"

In a second, another set of pain slapped through my being. Nagtubig ang aking mga mata sa narinig.

Totoo ba talagang hindi niya ako anak kaya ganoon na lamang ang pakikitungo niya sa akin? Hindi ko maintindihan. Walang rason na pumapasok sa aking isipan kung bakit ako ang magiging dahilan ng kanilang kamatayan. Alam na kaya ni Ama ang aking buong kapangyarihan?

A loud bang resonated from my hearing. Kasunod no'n ang iba't ibang mga boses ang nagsasalita na hindi ko masyadong makilala bukod sa boses ni Irish at Uncle Nai.

"Kung hindi mo sana pinatay ang ina ng batang 'yan, mangyayari ba ang mga bagay na 'to?!" it's Uncle Nai.

Natuod ako sa aking kinatatayuan. P-Pinatay. . .?

"Hindi ba't nararapat lamang na parusahan ang mga taksil?"

"Nababaliw ka na talaga, Rio! Akala ko'y iba ka sa namayapang pinuno na siyang ama mo. Akala ko'y nagbago ka na nang makilala mo si Yraia."

"Nai. . ."

"Nababaliw?" Tumawa ang aking kinikilalang ama. "Ang babaeng 'yon ang nababaliw! Siya ang may kasalanan kung bakit lumala ang kaguluhang ito! Sino ang nasa tamang pag-iisip na gumawa ng librong puno ng nakamamatay na kapangyarihan? Sinong matino ang papatol sa putanginang diyos na 'yon?!"

"Rio! Tumahimik ka!"

"Pinatay mo na nga 'yong tao, hindi mo pa inaalagaan ang anak niya."

"Tama lang naman ang ginawa ng punong ministro. Taksil naman talaga ang babaeng iyon!"

"Una sa lahat, Rio, ikaw ang pumasok sa kahariang iyon sa utos ng namayapang ministro. Ibig sabihin, ikaw ang may pakana ng lahat ng ito!"

"Hindi ko maintindihan kung bakit kayo nag-aaway dahil sa maliit na bagay na iyan. We're supposedly planning about the book Yraia left. Gumising nga kayo!"

"I'm out of this. Hindi ko alam kung bakit bumabalik pa kayo sa nakaraan."

"At hindi ko rin alam kung bakit naging punong ministro ang lalaking iyan kung may bulok siyang pag-iisip!"

Sunud-sunod na mga kalabog ang namayani sa loob ng silid habang hindi ko na halos makapa ang aking sarili sa sunud-sunod na hikbing aking nilalabas.

This is too much. I. . . want to disappear and be with my mother.

"Oo nga't pinanindigan ko ang katotohanang pinatay ko ang prinsesa ng kahariang iyon, ngunit ginawa ko lamang ang nararapat! Nakipagtalik siya sa diyos! Sumapi sa kaniya ang diyos! Wala na ba akong karapatang parusahan ang pagmamay-ari ko?"

"Oh, gosh. . ."

A chair moved loudly. "You are rotten, Rio. I don't know why I'm still involved in this fucking planning. Drakia has gone mad."

Natahimik sila, hanggang sa nakita ko ang papalabas na pigura ng lalaking tinuturing kong pangalawang ama at ang babaeng nagpalaki sa akin na tinuturing kong ina. Magkasunod silang lumabas ngunit parang naghahabol sa mga lakad ni Uncle Nai si Irish.

Nagkasalubong ang aming tingin ni Uncle Nai. Nanlalaki ang kaniyang mga mata at parang nakakita ng multo. Siguro ay dahil sobrang putla ko na sa kakaiyak kanina pa.

I smiled faintly. "You knew. . . you all knew," I whispered hoarsely. Napaatras ako't napailing. Nanginginig ang buong katawan ko-hindi ko matukoy kung dahil ba sa galit, lungkot, kalituhan, o naghalu-halo na lahat.

Irish finally noticed me as her lips quivered when she mentioned my name, "Rania. . ."

My eyes glistened. Pagod na ako sa araw na 'to. Bakit ba ang bilis ng pangyayari sa buhay ko? Hindi ko na halos masundan ang kaganapan.

Tiningnan ko silang dalawa at binigyan ng mapait na ngiti. "Salamat sa rebelasyong ito. Hindi na ako mahihirapan pang umalis sa lugar na hindi naman talaga ako nararapat."

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro