Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30: Sagradong Libro

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Nakita ko na kung nasaan ang libro. Alam ko na ang hitsura nito base sa memoryang nahalungkat ko galing kay Trevor.

Sa ilang linggo kong pananatili sa akademya, unti-unti kong naintindihan ang gustong makuhang aklat ni Ama. Iyon ang makatutulong sa amin upang makamit ang kapanaluhan sa parating na digmaan. Hindi ko na nais malaman pa kung ano ang puno't dulo ng lahat ng ito—kung bakit gustung-gusto ni Ama na magsimula ng gulo—dahil isa lang naman akong anak na uhaw sa kaniyang pagmamahal kaya ginagawa ang mga bagay na ito. As long as it makes my father happy, I do not care how long the length I should go in order for that to happen.

Nagising ako sa aking pantasya kanina habang inaanunsyo ng magkapatid ng orakulo ang propesiya. Napagtanto kong madaling matapos ang misyong ito kung noon pa ma'y ginawa ko ang bagay na ginawa ko kanina—memory reading—dahil ang mga kasa-kasama ko sa bawat araw ay siyang pinagkatitiwalaang lubos ng palasyo. Ngunit alam ko, sa sarili ko, na gusto ko pang malasap ang temporaryong kalayaang iginawad sa akin. Na kahit pa matagalan ako sa importanteng misyong ito, gusto ko pang maramdaman ang mga emosyong hindi ko naranasan noong nakakulong pa ako sa kastilyo.

I want to, at least, grasp the word 'freedom' in my own vocabulary.

But, the world is cruel. It is cruel for people like me. Kahit gustuhin ko pang manatili sa lugar na ito, alam kong hindi na puwede. I need to end it. I need to finish the mission, to be successful in obtaining my father's whim. I need to gain his favor, his love for me, that I always ever wanted.

Slowly, a single tear cascaded from my right eye. Napangiti ako, ramdam ang sariling lungkot.

Kailan ba ako mabibigyan ng sapat na pagmamahal?

Nang marating ko ang mahabang pasilyo, kaagad kong pinawala ang aking pisikal na anyo. I am now invisible. Next, I lifted the shape-shifting spell from me, revealing my real appearance, to let my body freely feel the flow of magic everywhere. Pumikit ako't inaalala ang lugar na nasa memorya ni Trevor; madilim na daanan, ngunit ang kuwartong pinaglagyan ng libro'y nagliliwanag at parang hinaharangan ang paligid nito. Sa lugar na iyon nilagay ng heneral, kasama si Trevor, ang libro.

Maliwanag ang buong palasyo, wala masyadong madilim na lugar. If it is dark along the way. . . I suppose, that's the underground tunnel. Alam ko na kung saan dadaan papunta rito dahil sa blueprint na ginawa ko sa aking utak noong inimbita kami para sa kaarawan ng prinsipe.

I swiftly guided myself towards my destination. Makalipas ang ilang minuto kong paikot-ikot sa buong palasyo, napunta ako sa isang silid na walang ibang laman kun'di ang malaking painting ng isang babae. Akala ko noong una'y ito ang painting na napagmasdan ko sa pasilyo galing bulwagan no'ng kaarawan ni Prinsipe Meshach, ngunit hindi. Mas malaki ito at kapansin-pansing mas detalyado. Kung noo'y nabighani ako sa ganda ng prinsesa, mas lalo na ngayong mas detalyado ang gawa, mukhang totoong tao talaga ang nasa aking harapan.

Nakanganga kong kinapa ang guhit sa aking harapan. Pakiramdam ko'y kinakapa ko rin ang makinis na balat ng prinsesa. Nang-aakit pa rin ang kaniyang ginintuang may halong asul na mga mata at parang titig na titig sa akin. It's not creepy. Mukhang nasiyahan pa ang sarili kong tinititigan ako ng isang guhit. Ang kumikinang niyang ginintuang buhok ay nakapusod pataas. There are little strands on the sides of her face, but it did not hinder her majestic features.

"Mukha kang diyosa sa sobrang ganda. . ." napabulong ako habang ang mga mata'y nakapako sa gawa ng pinakamagaling na pintor sa buong mundo.

Nang mapunta ang aking kamay sa gitnang bahagi ng kaniyang perlas na kuwintas, mayroong maliit na liwanag ang lumabas. Napakurap ako't nagising sa pagpapantasya.

Malapit kong nakalimutan ang dapat na kukunin ko.

The painting became transparent, as if a person can enter through the wall. It must be magic. Sinubukan kong lumusot doon. Hindi nga ako nabigo dahil kaagad akong napunta sa madilim na kailaliman ng palasyo. Walang ilaw sa paligid ngunit dahil nasa orihinal akong anyo, nakikita ko pa rin ang paligid. I can even feel all the presence, even the still water's.

Guminhawa muna ako nang malalim bago tinahak ang daan kung saan ako papunta. Suddenly, glitters appeared. The next thing I know, I am now following a golden mist of light which I did not know where it came from. Although confused, I still followed the trail of golden light. Doon din naman tumuturo ang aking pandama.

After about three minutes of stealthily walking, I reached a place where a book is floating in the center. My mouth fell agape as my mind seemed to stop, unable to process the things I just saw.

Is this the book what I'm looking for? Is this the thing that can help me gain my father's love and favor?

Due to my uncontrollable excitement, I immediately went near it. Ngunit nang makalapit ako, bigla na lamang akong tumilapon sa sahig. Wala akong maramdaman na sakit dahil sa angkin kong lakas, ngunit nakalilito lamang na ganoon ang nangyari.

Bumangon ako't agad na dinama ang harang na nakapalibot sa nais ko. It is a barrier magic made by a god they called last week. I smirked. If this was made by a god, then I will destroy this using a god.

Nagmamadali, kaagad kong pinikit ang aking mga mata't dinama ang enerhiyang dumadaloy sa aking sistema. When I felt the grasp, I immediately called a random god that can destroy this. Hindi na ako nag-isip pa't nag-summon na ng diyos. Nang magmulat, bumungad sa akin ang mukha ng diyos na nagpapakita sa aking panaginip. Lumaki ang aking mata sa gulat.

"C-Cronus?" I stuttered.

Tumango lamang siya't ginawa na ang aking hiling. Nang maramdaman ko ang puwersa mula sa harang na siyang nabasag na, napaatras ako. He, then, turned his head and looked at me with his cold eyes. "Do what is rightful. Do not be like me."

Biglang nawala ang kontrol ko sa aking utak, parang nawalan ng enerhiya ang aking sistema upang intindihin ang kaniyang mga salita. Nang bumalik ako sa sariling ulirat, nasa labas na ako ng tarangkahan ng palasyo. Nawala ang mahikang invisibility sa aking katawan ngunit nasa totoong anyo ako. Wala sa aking mga kamay ang libro. Dinig na dinig ko loob ang kaguluhan dahil sa aking malakas na pandinig.

Nang mapagtantong wala akong hawak na libro, muntik nang tumulo ang aking mga luha kung hindi ko lamang naisip ang spatial room ko. Nang tingnan ko iyon, halos mawala ang tinik sa aking lalamunan. Tatakbo na sana ako nang biglang sumulpot ang malaking bulto ng katawan sa aking harapan.

His eyes were shining under the moonlight, the only glimmer I can see from his overall shadowed appearance. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman kong emosyon sa oras na pagpapakita niya. Basta ang alam ko, pareho kaming gulat.

Slowly, I walked backwards. Hanggang sa aking paunti-unting lakad ay naging mabilis at naging takbo na. I rummage through woods with all the speed I could muster. Naririnig ko sa likod ang hingal na pagsunod sa akin ng lalaki.

Why the heck is he following me? Does he know I am holding their missing book?

Hindi ko alam kung papaano ngunit ngayon lamang nakalabas ang mga iniisiap ng lalaking ito. It got leakage, his suppressed thoughts booming around the forest. And I almost got frozen from what I've heard.

"I can't be wrong. . . I can feel it. She's Ruby!”

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro