Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 29: Propesiya

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Papungas-pungas akong bumangon sa aking higaan. Pakiramdam ko'y sobrang ikli ng aking tulog dahil sa kakaibang panaginip ko—o kung panaginip nga lang ba talaga iyon.

Noong nahulog ako sa higaan ay natulog ako ulit matapos tumulala ng isang oras dahil alas dose pa lamang iyon ng umaga. At ngayon, alas sais pa lamang ay pinapabangon na ako ng tunog sa speaker dito sa aking kuwarto.

I've been rest-deprived yesterday, and now, someone's calling for my presence! Was I that important in this place?!

"Miss Ruby, please head to the office of The Pyramid. I repeat, Miss Ruby, please head to the office of The Pyramid." It was Treshia's irritating yet alluring voice.

Inip kong ginulo ang aking magulong buhok. Simula noong napunta sa lugar na ito, iba't-ibang emosyon na ang aking nararamdaman. Kumpara noong nandoon pa ako sa kastilyo, tanging lungkot, desperasyon, at pangungulila lamang ang aking nadarama. Ngayon, halos hindi ko na mapangalanan lahat.

Is this a good thing?

No.

This might hinder my plans to success.

Namalayan ko na lamang ang aking sarili na naglalakad papunta sa opisina ng Pyramid. Tinutusok ako ng mga tingin sa nakapaligid sa akin. Kahit ayaw kong makakuha ng atensyon, sa ginawa ni Treshia, imposible na ang bagay na 'yon.

Noong lumabas nga ako ng dormitoryo ay agad kong nabungaran si Gehlee at Lily na may nag-aalalang mukha. Tanong sila nang tanong kung ano nga ba ang nagawa ko't pinatawag ako sa opisina ng Pyramid na siyang sobrang dalang kung mangyari sa akademya. I just assured them that nothing happened. Hindi ko sila sinagot at umalis na kaagad kahit tutol sila.

Sa reaksyon ng mukha nila, para akong lilitisin ng kamatayan. They're overacting. I'm not used to it.

Kumatok ako sa pinto bago binuksan ito. Naabutan ko silang tatlo sa kani-kanilang upuan at mukhang seryosong nag-uusap. Nang pumasok ako, kaagad silang tumayo at parang aalis na. Litong-lito, nagtanong ako, "Ano'ng nangyayari? Saan tayo pupunta?"

"We're going in the palace," Prince Meshach answered.

Natuod ako sa aking kinatatayuan. Pupunta na naman doon? Kung hindi ito parte ng aking misyon, malamang ay hindi ako papayag. Ngunit malakas ang aking kutob na nandoon ang aking hinahanap na libro. That book is the one who keeps pulling me towards the palace. It's like these three are just instruments to bring me to that place even if I am just an unnecessary guest.

I blinked. "G-Great. May I ask why?" I calmly asked.

Trevor grabbed my wrist as he pulled me outside, at the same time, shortly answered my question, "The prophecy." Hindi na ako nagtanong pa. Ang importante ay makakapunta ako ng palasyo.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa sundong naghihintay. Hindi ko maintindihan kung bakit hawak-hawak pa rin ng lalaki ang aking papulsuhan na para bang inutusan ko siyang gawin iyon. It makes me feel awkward to the situation, knowing the students keep watching us.

"Hey, can you let go of me now?" I gently asked, afraid that people around us might hear.

Pumantay siya sa aking lakad at hinarap ako. He smirked. "Bakit?"

Ang aga-aga pa. Ayaw kong makipag-away sa kaniya. Imbes na sumagot ako, umirap na lamang ako't hindi na pinapansin ang nakahawak niyang kamay.

So, what, if he's holding my wrist? Maybe, he's just afraid of me going anywhere. Right. That's it.

Narating namin ang palasyo nang walang imikan. Nararamdaman ko ang kaseryusohan ng hangin. Pero kahit gano'n, mapaglarong tingin pa rin ang ibinibigay sa 'kin ni Trevor, habang irap naman ako nang irap. Gusto ko ng tusukin ang mga mata niya.

Narating namin ang bulwagan. Awtomatikong pumunta sa harapan si Prinsipe Meshach. After we curtsied, we immediately went to the place where we should be. Akala ko'y kasama ko sa gilid ang kambal, ngunit pumunta rin sila sa harapan, habang ang kanilang ama ay nasa gitna. Ngayon ko lamang napansin ang mga suot nila. The del Vellares are wearing white robes, as if performing a ritual.

Tahimik lamang ako sa gilid, patingin-tingin sa paligid na maraming mamahaling tao. Kahit ganoon, hindi ko man lang naramdaman ang panliliit. Marahil ay hindi sila importante sa aking pananaw. They're just insignificant fools who gather around this area to hear a prophecy that I might. . . fulfill.

Lihim akong napangisi habang tumitingin sa aking mga kuko. I can already feel the presence of Apollo around the corner since the prophets started the ritual. Ngunit sila, hindi pa. Nasa kanilang tatlo ang sasapian, kung sino ang may malakas na enerhiya na tatanggapin siya kahit ilang segundo lamang. Hindi na ako nagulat pa nang si Trevor ang sinapian ng diyos ng propesiya.

The people around them gasps as if seeing a shocking truth. They're fools. Ano sa tingin nila, ang ama ang may maraming enerhiya? That old man is obviously declining compared to his prime.

Blinding light illuminated the throne room. They're covering their eyes which they shouldn't, as this light can give you a prosperity when looked at thoroughly.

Pinagmasdan ko ang pagliwanag ni Trevor. He looked godly. Not only his appearance, but also his presence that screams eternity. Apollo and him are really compatible to merge. Then, the guy started blurting out words from the blessings of Apollo.

As the sun rises at the top of the mountain, one will claim its possession.
As the sky was ablaze with the fire of the setting sun, one will feel regression.

See? They're wasting their time on that little prophecy. They did not even know that it was me that the first sentence pertains to. I just don't understand how Apollo said it is my possession. Ni-hindi ko nga alam ang itsura ng libro, magiging akin pa kaya?

Pero, paano kung. . . hindi talaga ako ang kukuha ng bagay na iyon, kun'di ang totoong nagmamay-ari? Nandito ba ako upang pigilang mangyari iyon at nakawin?

Napakagat ako sa aking ibabang labi nang napagtanto iyon. Masyado akong kampante sa propesiyang unang sinabi sa akin ni Apollo—hindi ko man lang inisip ang totoong mensahe nito.

Nang mag-angat ako ng tingin, nagsialisan na ang mga tao nang may kani-kaniyang opinyon. Paparating naman sa aking puwesto si Trevor habang kinakausap pa ng heneral si Treshia. Trevor's eyes were full of worry which I genuinely don't understand. Saan siya nag-aalala?

"What's with that look?" I bitterly asked.

He sighed. "Mukha ka kasing iniwanan. Sana hindi na ako nagpumilit pang isama ka rito."

Natawa ako. So, it was him who insisted on bringing me here. The book sure knows its way on playing. "Maayos lamang ako." Tumango siya't niyaya akong pumunta sa harapan ng bulwagan. Umiling ako't nagpalinga-linga sa paligid.

It's almost 12 in the afternoon. Our travel from the academy to palace really takes time, and there's no time left for me.

Tiningnan ko sa mata si Trevor at mabilisang hinalungkat ang kaniyang memorya. Sa huli, I smiled at him, saying, "Can I go outside? I want to have fresh air."

Pakiramdam ko'y nagulat siya sa biglaang pagbabago ng personalidad ko. Man, I have no choice but to comply on your desires. My father will kill me if I fail to complete this mission.

"U-Uh, samahan na kita?" Hindi pa rin nakahupa sa gulat ang lalaki. "Wala naman na akong gagawin—"

"No, thanks. I want to be alone."

He slowly nodded, as if an understanding man. "Okay. . . take care." He smiled then turned back.

Kung siya ay nagulat sa aking pagbabagong personalidad, mas lalo na ako. Kailan iyon natutong ngumiti sa aking harapan?! Akala ko'y puro pang-aaway lamang ang alam niyang gawin sa akin. I did not even used hypnosis!

But. . . it's better this way.

I'm sorry, my enemy. Babawi ako.

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro