Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27: Katotohanan

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Taliwas sa inaakala kong itsura ni Genshi, isa itong lalaking mayroong makisig na pangagatawan at magandang mukha. Iyon nga lang, mukha itong wala sa hulog. Sayang ang kaniyang kakisigan. Titig na titig kasi ito sa 'kin na parang may kasalanan akong ginagawa.

I mean, yes, I'm a criminal here. He's a time traveller, so, maybe he knew something? Probably, yes.

Nagulantang ako nang bigla itong tumawa. Bumaba ito sa kaniyang higaan at lumapit sa akin. Pakiramdam ko nga'y kahit anong oras ay matutumba siya sa panginginig ng kaniyang mga paa. Mahigit isang dekada ba namang nakahiga ang katawan? Ngunit lingid sa inaasahan ko, tila ba'y sanay na sanay na siya sa ganiyang senaryo ng kaniyang buhay dahil nakaya niyang lumapit sa aming gawi. Sobrang lapit na siyang nagpalaki ng aking mga mata.

"Hmm, no wonder." His words exceeded danger itself. Genshi even nodded his head as if seeing something interested in my face after examining it.

I feel like anytime, he'll expose everything I did in the future. Was it gruesome? Did I succeed in my plan? That makes me wonder.

"Ginoong Genshin, huminahon kayo. Magsabi lang kayo ng kailangan ninyo't matugu—"

"Kailangan ko siya."

Nalilito akong napatitig sa kaniya. "Pinagsasabi mo?" asik ko.

Narinig ko ang sunod-sunod na pagsinghap ng mga nakapaligid, ngunit wala pa rin akong naririnig na kahit anong salita mula sa heneral at hari. Ang prinsipe nama'y mukhang hindi nagsasalita kung hindi siya pinahihintulutan ng kaniyang ama.

"Ruby, he's not someone you can mess with," It was Trevor who interrupted me.

"So? He's invading my privacy." I gritted my teeth in annoyance. What I dislike the most is the unbearable distance one can have from me. It's making me suffocate as I could see my father's face when I got to stare at it longer than I should be.

I stepped back as soon as I stared back at him. Akala ko'y lalamunin na niya ako nang buhay dahil sa pag-angat ng kaniyang mga kamay papunta sa akin, ngunit bigla na lamang siyang natumba sa sahig na para bang tuluyan ng sumuko ang lakas ng kaniyang mga binti. Kaagad siyang inalalayan ng tao sa paligid at pinahiga sa higaang wala ng glass box.

As soon as the king went to his side, Genshi whispered something in his ears that made him nod his head. Pagkatapos ng kanilang mahinang pag-uusap, pinaalis ng hari ang mga nakapaligid sa magalang niyang pahayag. Susunod na sana ako sa paalis na pigura ng aking mga kasama nang pinigilan ako mismo ng hari sa isang tawag lamang.

"Miss, I forbid you to go out," his words were absolute as a king.

Kahit naguguluhan, tumango na lamang ako. Akala ko'y sasamahan nila ako rito sa loob, ngunit maski ang hari at prinsipe ay lumabas ng silid. Ngayon, ako na lamang ang natitira bukod sa lalaking nakahiga sa kama. Ang napakalaking silid ay tila mas lumaki pa nang mawalan ng mga bisita.

"Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira, your plan will not succeed. You will just make yourself a sacrifice for the peace treaty in the future."

Tuluyan ng nakuha ni Genshi ang aking atensyon. Nanginig ang aking kalamnan sa kaniyang sinabi, na para bang sinagot niya ang mga tanong na kanina pang umiikot sa aking utak.

He knows my name, even the plans I had in mind. So, he's not fake. Genshi is a real time traveller and he saw what the future holds.

"What. . . are you saying?" I asked, feeling weak all over my body. Pakiramdam ko'y sumanib sa akin ang kahinaan ng ginoong ito. Walang pagdadalawang-isip, umupo ako sa upuang nasa gilid na kaniyang higaan kung saan siya nakaharap. "Why would I risk. . . my life?"

"That's not important. I have no rights to break the fate that's destined for you. I am just a mere traveller who discovers," Genshi declared firmly.

Napakuyom ako ng aking mga kamay. Halos mawalan na ito ng dugo sa higpit. "You. . . Sinabi mo ang kahihinatnan ko sa labang ito. Pagkatapos ay hindi mo ako sasabihan sa buong detalye? I, at least, want to know!"

Tumawa ito ng mahina at umiling ng ilang ulit. "Sinabi ko na ang kailangan kong sabihin, Rania. Ibig kong ipahiwatig na tumigil ka na sa mga pinaplano mo kung ayaw mong mangyari ang nakatakda sa 'yo. Pero kahit gano'n man, alam kong wala ka nang kawala sa kuwebang na iyong pinasukan."

Hindi ako makasagot. Tama siya at walang salitang hindi ko naintindihan.

Pumikit siya ng ilang minuto noong natahimik ako. Akala ko'y nakatulog na siya, pero noong palabas na sana ako, bigla siyang dumilat.

Napatitig ako sa kaniya. Naalala ko iyong mga nakasulat sa libro. Dahil totoo ang taong ito, marahil masasagot niya ang mga tanong kong patungkol sa librong iyon. Hind ko alam kung iyon ba ang librong pinapahanap ni Ama, ngunit gusto ko pa ring maliwanagan kahit hindi iyon ang pakay ko.

Bumalik ako sa upuan nang mas kalmado na. "Can I. . . ask you a question regarding the book you've written? That Meira."

"Hmm? Sure. I know you've noticed the loopholes." Genshi gently chuckled.

"Um. . ." I hesitated. When our eyes met again, I exhaled the nervousness and started dropping the questions. "Paano nalaman ni Meira ang tungkol sa kasarian ng isang tao kung wala naman siyang kasarian? Totoo ba talagang inaral niyang mag-isa ang kapangyarihang ipinagkaloob ng puno? Talaga bang ganoon kasimple ang kamatayan ni Meira? Bakit hindi sinabi sa libro ang mga pangalan ng naunang babae at lalaki? Talaga bang ganoon lang kasimple ang nakaraan ng mundo?"

Halos hingalin ako sa sunod-sunod kong tanong. Pinagmasdan ko rin ang paglaki ng mga mata ni Genshi at ang unti-unti niyang pagtawa na para bang aliw na aliw siya sa 'kin. Nangunot ang aking noo. Is he not taking me seriously?

"Relax, kid. Sasagutin ko naman 'yan lahat." Tumawa pa siya sa susunod na mga segundo bago tumahan. "Una sa lahat, alam mo namang nakapaglalakbay ako ng panahon, hindi ba? At sa bawat panahong napupuntahan ko, naiiba ang kasalukuyan kung may nagalaw akong pangyayari. . ." humina ang kaniyang boses.

Napatingin siya sa labas ng bintana at napangiti nang mapait. "Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin para baguhin ang nakaraan. Oo't maraming pangyayari na hindi ko isinulat sa libro dahil masisira ang pagkatao ko." Tumigil siya.

Napakurap ako't mahinang nagtanong, "Pero. . . bakit mo ito sinasabi sa 'kin?"

"Because I did not feel any danger around you. You're just a harmless love-deprived kid."

"W-What?" Mas mabuti talagang hindi na ako nagtanong! He'll just keep insulting me.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay nang-irap lang. "Patapusin mo muna ako." Umirap ulit siya. "I was the one who told Meira about sexuality, and I was the one who studied the Tree of Universe for the benefit of Meira. I never knew the original story of how the world evolved throughout the centuries without my involvement, so maybe, that's the reason why I stupidly destroyed the history. And. . . the man and woman Meira created were named Mozalic and Merozia."

"You know what's more surprising? They're my offsprings."

Tumigas ang aking katawan sa aking kinauupuan. Ano raw? Parang nabingi ako.

"It was true that Meira was genderless, but her features and all says she's a she. I was fallen, not minding the fact of her identity. And, little did I know, the Tree of Universe granted my wish. The tree knew all the things I've told Meira, including sexuality and such. Thus, the tree made her an identity."

"The story I've written in the book was true, but part of it were lies."

"Hindi namatay ang minamahal kong si Meira dahil lamang sa katandaan. She's immortal, nothing can kill her. . . unless, it's her own flesh and blood. That's her weakness."

"My wife was killed by our own son. . ." I think I heard his voice cracked as he looked down on his palm. "Sa mga oras na 'yon, bigla akong nabalik sa kasalukuyan dahil limitado lamang ang kaya ng aking katawan sa ibang panahon. Dahil biniyayaan ako ng Puno ng Kalawakan, nagkaroon ako ng imortalidad at nakayanang mabuhay sa nakaraan ng limampung taon. Sa aking pagbalik, umiba ang takbo ng kasalukuyan."

Ilang minuto akong tahimik, pili pinapasok ang impormasyong nasagap sa aking maliit na utak. Para bang isang kamalian ang aking pagtatanong dahil lamang sa kuryosidad. I did not expect his deep story as answers.

"Kaya pala. . . you just look like you're over 30? Your body was stuck. . . at that age?"

Mahina siyang natawa at mahinhin na ngumiti. "Yes, kiddo. Are you now satisfied with these information? Do you have plans on spreading it?" Even if he's smiling daintily, I saw how his mischievous eyes flickered under the moonlight.

Napalunok ako sa katakot-takot niyang tingin bago umiling nang dahan-dahan. "O-Of course not! I'm greedy for information, I wouldn't let anyone know about this without hardwork. Hindi nga nila kinuwestiyon ang kulang mong libro, edi hindi sila karapat-dapat sa impormasyong ito."

But. . . just how crazy that story is? This man is amazing! It turns out, our greatest ancestor and creator was still alive.

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro