Kabanata 23: Kalituhan
Trevor del Vellares
I. . . just saw something I think I should not. One word I can describe her, it's gold.
How in the world a creature—I don't think she's a human—like that exist? Sa libro ko lamang nababasa ang mga nilalang na may ganoong likido sa kanilang katawan. Could it be I accidentally met one earlier? O baka nananaginip lamang ako ng gising kanina?
Hindi. . . Naramdaman ko nga ang mainit niyang palad no'ng sinaksak niya ang sarili gamit ang aking espada.
"Vellares, ayos ka lang? Kanina ka pa tulala."
Napatingin ako sa prinsipeng simula bata ay kasa-kasama ko na. Ako ang naatasang maging personal na kawal para sa kaniya dahil bukod sa matalik kaming magkaibigan, alam nilang kaya kong ibuwis ang aking buhay alang-alang sa prinsipe ng emperyong ito. Kilalang-kilala ko na ang buong pagkatao niya. Sa mukhang ipinapakita ng prinsipe ngayon, alam kong nasa seryoso at totoo itong sarili, si Axel.
Tahimik akong tumango bago ibinalik ang tingin sa bintana. Nasa opisina ako ngayon ng Pyramid, at mula rito sa aking kinatatayuan, makikita ko ang likurang bahagi ng akademya na nasa labas ng tarangkahan. Hindi ko man nakikita ang Lake of Yraia, alam ko naman kung saan ito naroroon; doon ako eksaktong nakatingin.
"Ang weird mo ngayon. Maayos ka lang ba talaga?" tanong ulit ng prinsipe.
I sighed in frustration. "I don't know."
"Is this because of Ruby's lineage? Or is it about her previous master?" Narinig kong umusog ang upuan. Nagdaan ang ilang segundo, nasa gilid ko na siya't nagmamasid na rin sa paligid. "Matagal na tayong magkaibigan. Kung hindi ka naman komportableng pag-usapan—" pinutol ko ang kaniyang dapat na sasabihin.
"It's not about her, idiot," I snorted.
From my peripheral vision, I saw how he dramatically held his chest—as if he's really hurting. Napairap ako. Hindi na si Axel ang nasa kiliran ko ngayon, kung hindi si Meshach na purong katangahan sa buhay ang alam.
"Grabe ka naman, Trev! Nakakasakit ka na sa kaka-idiot mo, ah! Suntukan, oh!" maangas na hamon niya. Nilapit pa niya ang mukha sa 'kin na naging sanhi ng pagkawala ng kagubatan sa 'king paningin.
Inis ko siyang tinitigan pabalik kaya't napaatras siya. "Tumabi ka nga, nanghaharang ka ng paningin," masungit kong pagtataboy.
Hindi pa rin siya tumatabi pero lumipat ang kaniyang tingin sa kagubatan. Napakamot siya sa ginintuan niyang buhok. "Ano ba kasi'ng tinitignan mo riyan? Kanina ka pa, ah, hindi mo na nga ako pinapansin, e."
Napasinghap ako nang makitang ngumuso ang prinsipe. Dahil sa pandidiri, naitulak ko siya. Napaatras lamang siya sa may bintana ngunit umaakto itong nasaktan ng todo. Inirapan ko si Meshach bago bumalik sa upuang para sa akin.
"I saw. . . I meet someone who has the same hair like yours in the Lake of Yraia," I started. He finally rested on his chair, interest on what I might spill. He's Axel again. "She's ethereal."
"What do you mean, Vellares? Sinabi ba niya ang kaniyang pangalan?" Umiling ako kaya't napalabi siya. "Nasa'n siya ngayon?"
"Hindi ko alam. Bigla na lamang siyang nawala nang masaksak siya ng espada ko."
I won't tell anyone about what I exactly saw. I want to gatekeep it. . . that color, that face, that voice. But. . . I need to report. Which is which, the important thing is I saw her first.
"Masaksak?" mahinang tanong ng prinsipe.
Tumango ako bago napatingin sa mataas na puting kisame. Ngunit bago ko pa man ginawa iyon, nakita kong halos lumabas na ang eyeballs sa kaniyang eye socket. That's Meshach. Ang bilis niyang magpalit talaga.
"Nakasaksak ka, Trevor!? P-Paano kung estudyante pala siya rito? M-M-Malalagot ako kay. . . kay. . ." hindi na siya mapakali.
Bagot ko lamang na tiningnan ang usual panic attack niya sa katauhang hindi alam ang salitang seryoso. "Ibalik mo si Axel, may importante kaming pag-uusapan."
Tinitigan niya ako pabalik gamit ang isang matalim na tingin. Sumimangot muna siya bago umupo nang walang pagrereklamo.
Napangisi ako sa pagiging isipbata niya sa katauhang si Meshach. Papaano kaya siya natagalan ng Mahal na Hari noong bata pa lamang? Kakaiba ang prinsipe, dalawang tao ang nananahan sa kaniyang katawan. Hindi ko alam ang dahilan pero narinig kong sanhi raw ito ng pressure noong bata pa lamang siya. Kahit gusto kong kaawaan siya, hindi ko magawa. I know that he despised receiving such emotions.
"Full statement, Vellares. Meshach might insert again without warning."
Tumango ako bago umiwas ng tingin. Alam kong mahahalata niyang may kulang sa kuwento ko kapag sa kaniya ako nakatingin habang nagsasalita. If I am described as a sharp one in deducing lies in stories and crimes, then he's a master.
"I was roaming around the forest earlier when I decided to rest in the Lake of Yraia. Then, I saw that woman who have the same hair as yours, golden, so as her eyes. Literal na kumikinang na ginto ang kaniyang mga mata. She's just wearing a white dress under her white cloak."
Napahawak sa lamesang nasa harapan ang prinsipe, nag-iisip. Napabuntonghininga ito bago tumayo at pumunta sa bintana. Kalauna'y sumilip siya sa kagubatang kanina ko pa pinagmamasdan. "Golden hair and eyes? That's odd. Wala akong kakilalang nagmamay-ari ng purong ginintuang mga mata. Aunt Yraia has golden eyes but mixed with the shade of blue, resembling Queen Hiraya's eyes but more dominant."
Tumango-tango ako sa pahayag ni Axel.
"Hindi siya estudyante, tama ba? Kasi kung oo, dapat ay pamilyar na siya sayo. . ." Tumigil siya't lumingon sa 'kin. Nagtagal ang titig niya bago bumuka ulit ang kaniyang bibig. "Sinabi mong sinaksak niya ang sarili, hindi ba? Sa anong dahilan?"
Kumurap ako't napalabi. "Hindi ko alam, Mahal na Prinsipe. Tinutukan ko siya ng espada sa kiliran habang nakatalikod siya dahil sa mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. Kahit anong pagtanong ko kung sino siya, pilit niyang pinapaliko ang usapan at binibilog ang ulo ko. She even tried to hypnotize me, ang lakas ng hatak niya na halos hindi ko na makontrol ang sarili. Wala naman siyang ginawang masama bukod sa pagsaksak ng sarili at pagbilin ng nakakakilabot na mga kataga."
"What words?"
"Behold, the end is near. Time is unstoppable, hold your dear. Help me. . . help her unravel the truth. Make everything possible to grasp, wise man. The realm's life is in your hands," I repeated the words I heard earlier.
Hindi ko naintindihan ang pinagsasabi ng babaeng 'yon. Sino ang tutulungan at sino ang tutulong? Ano'ng katapusan ang ibig sabihin niya? Totoo nga't hindi napipigilan ang oras, pero bakit napunta sa akin? Bakit nasa 'kin ang buhay ng mundong ginagalawan namin?Ang dami ko pa sanang tanong sa ginintuang babae pero bigla na lamang siyang maglaho. Napansin ko ring tumigil ang paglabas niya ng gintong likido mula sa kaniyang sugat bago pa siya mawala.
Hindi ko na narinig ang boses ng prinsipe. Nang tingnan ko ito, nakatulala na lamang ito sa isang sulok. Napahinga ako ng malalim. Ganitong-ganito siya kapag napapaisip ng sobra.
"Do you think gods and goddesses can interfere in human crisis?"
Kaagad na bumalik ang tingin niya sa 'kin nang may magkasalubong na mga kilay. "Bakit mo natanong? Hindi ba't nasa babaeng ginto ang usapan natin?"
Muntik na akong matawa sa ginamit niyang pantawag sa babae. "I'm just curious. Hindi mo ba naisip 'yon? I mean, it could destroy the balance, right?"
"Yes, and it could even cause a war. Masisira ang mundo kapag nangyari iyon."
Napasandal at napatahimik ako sa narinig. Kung gano'n, iyon ba ang ibig sabihin ng babae kanina? The end is near. . . sa anong klaseng paraan at bakit?
° ° °
Habang naglalakad papunta sa classroom ng Block 1, nakasalubong ko ang babaeng palaging nagpapasalubong ng mga kilay ko. Malayo ang tingin niya habang prenteng naglalakad sa kung saan. Walang klase ngayon kung kaya nakabestida lamang ito. But, what is she doing inside this building?
Tiningnan kong muli ang babaeng nagngangalang Ruby mula sa likuran ko. Nakalayo na siya sa paglalakad at mukhang hindi talaga ako napansin. Paliko na siya sa isang pasilyo kaya kaagad ko siyang sinundan.
I don't know what urged me to do so, maybe curiosity? O baka naiinis na naman ako sa pagiging padalos-dalos niya.
Lumiko pa siya sa isang silid habang hindi pa rin ako napapansin. Papunta siya sa silid-aklatan. Bakit ba napapadalas ang pagpunta niya sa silid-aklatan? May hinahanap ba siya?
She's being careless, and I really hate that side of her.
Nang makapasok siya, pumasok na rin ako. Umupo ako sa puwestong may anggulong makikita ang puwede niyang puntahan. Mayroong iilang mga estudyante sa loob kaya alam kong hindi niya ako mapapansin dito. While staring at her, observing her moves and actions, I realized things.
They emit the same aura, posture, and the way they talk—hypnotizing.
Could it be. . . no. May sugat ang babaeng iyon kaya hindi siya masyadong makagagalaw at ibang iba pa ang kanilang itsura.
Pero bakit gano'n? Naghahatid sila ng masamang balita sa akin. Sa bawat titig ko sa kanilang mga galaw, sa bawat salitang lumalabas sa kanilang mga bibig, at sa mga hindi ko mawaring intensyon, pinapabilis nito ang tibok ng aking puso. Pumipintig din ang ulo ko sa inis tuwing may gagawing katangahan si Ruby, samantalang pumintig ang ulo ko kanina habang kausap ang ginintuang babae dahil sa pagiging pilosopo nito—parang si Ruby.
Magkaano-ano ba sila? And why am I feeling this way?
- eggarru -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro