Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22: Ginintuan

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Lutang na lutang, pakiramdam ko'y nawala lahat ng lakas ko sa katawan. Nahahawa na ang aking suot na bestida't balabal sa mamasa-masang damo ngunit parang wala pa rin akong ganang tumayo. Sa tingin ko nga'y bumalik ako sa pagkabata. Bumalik ang lakas ko sa pagkabata.

Looks like my chaotic emotions is taking a toll on me.

Nang tumingala ako, ang sinag ng araw ang sumalubong sa akin at ang nagkakasalubong na mga dahon ng malalaking punongkahoy. Natanggal ang nakatabing na balabal sa akin, sanhi ng pag-alon at paglipad ng buhok ko. Natigilan pa ako nang makita ang kulay nito—ginintuan. Kalauna'y napangiti rin nang luminaw ang aking paningin at parang nakikita ko na ang kahit katiting na detalye.

Nasa aking orihinal na anyo ako. Talagang pinagdiskitahan ako ng aking sariling emosyon dahil kahit kontrol sa aking kaanyuha'y nawala. Mahina na lamang akong natawa sa nararanasan.

Emotion is my weakness, huh? Akala ko'y kaya ko ng gawin ang lahat, ngunit ang pagkontrol ng nararamdaman lang pala ang sisira sa mabuting imahe ko sa sarili.

Habang nakapikit, nakatingala, at dinadama ang malamig na simoy ng hangin, kusa na lang kumalma ang aking naghaharumintidong damdamin. Nanunumbalik na ang aking lakas, siguro nga'y kaya ko ng tumayo at makipaglaban sa isang halimaw. . . na sabi ni Ama'y ako. Ngunit kahit gano'n, hindi pa rin bumabalik sa dati ang aking anyo.

Nagkibitbalikat na lamang ako bago tumayo at pinagpagan ang nabasang manto. Sa aking pag-ikot, nawala na ang mumunting basa sa aking kasuotan.

Nagsimula na akong maglakad sa napadparan kong kagubatan. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito kaya nakakalitong napunta ako rito nang mag-teleport ako, hindi iniisip ang tamang lugar na pupuntahan.

The only things inside my mind earlier was peace. . . and acceptance—that led me here. What's this place, anyway?

Pamilyar ang hubog ng lugar. Kamukha nito ang gubat na madadaanan bago ang malaking tarangkahan ng akademya. Ngunit hindi naman ito ang eksaktong porma. Gusto ko mang gumamit ng kapangyarihan upang makabalik na aa dormitoryo, parang may humihila sa aking manatili muna rito at lasapin ang kapayapaang dulot nito.

Ginawa ko ang tawag ng aking puso. Dahan-dahan ang aking paglakad kahit walang kamuwang-muwang sa patutunguhan, nakapikit at tanging malakas na pandama lamang ang pinaiiral. Sa bawat paghakbang, tila'y sa akin lamang nakaikot ang oras. Dinadama ko pa ang ang masarap at malamig na samyo ng hangin, hinahaplos ang mahapdi ko pa ring pisngi. Nagkakantahan din ang mga ibon sa paligid na parang dinadamayan ako sa bigat ng aking nararamdaman.

Napahinto ako nang makalanghap ng kakaibang amoy. Sariwa. . . sariwang amoy. Sariwang amoy ng tubig. Kaagad kong minulat ang aking mga mata't binaybay ang naaamoy kong tubig. Hinahawi ko pa ang mga talahib bago napahinto sa may kumikinang na lugar.

Nandoon ang naaamoy ko.

I slowly let my feet stride towards the enchanting place. Payapa pa rin dito. Kahit maliwanag ang sikat ng araw, nagliliwanag din ang anyo ng tubig na aking nahanap. Napapalibutan ito ng malalaki't maliliit na batong may lumot habang natatabingan ng malalaking sanga ng punongkahoy. Kahit gano'n, hindi naging sagabal ang mga nahuhulog na dahon sa lawa. Nagmistula itong hudyat upang mas kuminang ang lawa.

Malalaki ang aking mga mata sa mangha nang mas lumapit pa ako. I've never seen this kind of body of water before, but I can tell this one's different from the rest. Naupo ako malaking bato na walang lumot. Ginawa kong upuan ang hinubad kong puting balabal bago napasandal malaking katawan ng punongkahoy sa 'king likuran.

Magaan ang aking loob habang pinagmamasdan ang lawa. Pakiramdam ko nga'y kinuha nito ang lahat ng agam-agam sa aking buhay habang tumatagal ang titig ko rito. Nagmistulang napakalaking dyamante ang lawa dahil sa misteryosong pagkinang nito.

"That lake is the 'Lake of Yraia.'"

Halos mahulog ako sa kinauupuang bato nang may marinig na malalim at kalmadong boses. Nang lingunin ko ito'y nakita kong nandoon si Trevor, nakasuot ng puting uniporme para sa mga kabalyero, nakatingin sa lawa. Nang lingunin niya ako, hindi ako nag-iwas ng tingin. Nagtitiigan pa kami hanggang siya na mismo ang umiwas ng tingin dahil sa pag-upo niya sa batong tatlong metro ang layo mula sa akin.

Umiwas ako ng tingin at pinagmasdan muli ang kumkinang na tubig sa payapang lawa.

Nagsalita ulit ang lalaki, "Hindi ka pamilyar. Who are you?" Wala siyang sagot na narinig mula sa 'kin. Nanatili lamang akong tahimik hanggang sa marinig ko ang pagak niyang tawa. "You look like someone I knew."

Napantig ang tainga ko sa narinig, kasabay ng pag-alon ng aking ginintuang buhok at pagkunot ng aking noo. Nang lingunin ko siya, binigyan ko ito ng matipid at pilit na ngiti—nagpapahiwatig na hindi ko nagugustuhan ang presensya niya sa paligid ko.

"I am who I am, Mister," I finally answered, voice laced with undeniable coldness.

"Tell me you're a threat without telling me you are a threat, then."

Sinuklian ko ang kaniyang nanghahamong tingin saka ngumisi. "Why would I? Treat me as a threat if I look like one."

Tumayo ito mula sa prenteng pagkakaupo. He held his sword's scabbard as if his life depends on it. "I'm a knight here. It's my duty to protect this empire. If you are a real threat, then, I have the right to eliminate you." His silver eyes flickered. Yumuko ito at bumulong, "Hindi lang pala sa iisang tao hindi gumagana ang aking kakayahan. . ."

Umiwas ako ng tingin. "Why would you waste a second in eliminating me? I am nothing but a bird inside a cage, an eagle without wings," I softly whispered.

"Just who are you, lady?" he asked with obvious irritation. As usual, he never succeeded in controlling his temperament.

"I don't think I have a name." Nilingon ko siyang muli. "Who are you thinking at the moment? If that's me, then, that's who I am."

Nakita kong umusbong na ang nalilito niyang mga tingin. Mahina akong natawa sa nasaksihan. Napagtagumpayan kong lituhin ang matinik na kawal. Natigil lamang ang mahihina kong hagikgik nang magsimula na itong humakbang papunta sa 'kin. Mabibigat ang kaniyang mga yakap na parang nagtitimpi lamang siyang huwag ilabas ang labis na nararamdamang inis. Ang malamig na simoy ng hangin ay nililipad ang kaniyang pulang kayumangging buhok. Tumatama rin sa kaniyang balat ang sinag ng araw kaya nagmimistula siyang nagliliwanag na mismong araw sa gilid ng kumikinang na lawa.

Muntik ko ng mahigit ang sariling hininga nang lumapit kaniyang mukha sa akin. Hindi man nito malalampasan ang ganda ng mga diyos na aking kilala, nagtataglay pa rin siya ng kakaiba at kaakit-akit na itsura. Napakurap ako sa naisip, pinapagalitan ang sarili.

"Y-You and that person have different features." Umiling ito't lumayo na sa akin. "Kung ikaw man ang taong nasa isipan ko ngayon, imposible."

Kumunot ang noo ko bago siya tiningnan mula ulo hanggang paa, pinagmumukha ang sariling nandidiri sa kaniya. "Do you really think I am who you're thinking now? I am no peasant like yourselves." Inirapan ko siya't tumayo na. "Excuse me, human, you're in my way."

Tumalikod ako, paharap sa lawa. Natapos ko ng paikutin ang aking kapangyarihan sa paligid. Ginawa ko ito habang nakikipagpatintero sa personal na kawal ni Prinsipe Meshach. Napag-alaman kong nasa likuran pala ako ng akademya, labas sa matatayog na tarangkahan, kalahating kilometro ang layo. Kaya pala nandito ang lalaking ito. Dahil tungkulin niyang panatilihing ligtas ang prinsipe, marahil ay nasa gawain niya ang paglilibot upang maghanap ng posibleng makapanakit sa prinsipe. Nasaktuhang dito ako napadpad sa padalos-dalos kong emosyon habang nasa orihinal na anyo, wala na talagang takas ang pagkakakilanlan kong ito.

I won't erase his memory of me. I want him to remember me—a threat he should be aware.

Akmang maglalaho na ako nang maramdaman ko ang talim ng patalim na isang pulgada na lamang ang layo mula sa aking tagiliran. Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga bago siya hinarap. Nakita ko pa ang bahagya niyang pag-atras dahil sa gulat. Ibababa na sana niya ang espada nang pigilan ko ito.

Ngayon ay hawak-hawak ko na ang kaniyang kamay na may hawak sa espada. My lips stretched uncontrollably, making him look scared that he stepped back again.

Naramdaman kong kuminang ang ginintuan kong mga mata bago kusang bumuka ang aking bibig, "It's been awhile since I experienced pain from a weapon. Good thing you insisted this. Can you. . . do me a favor?" my voice is low, trying to lure him.

Ilang segundo siyang tumitig sa aking mga mata. Ngingiti na sana ako nang sa tingin ko'y tumalab ang aking panghihipnotismo pero bigla na lamang siyang kumurap. "A-Are you trying to hypnotize me? Y-Y-You can't. . . that's my ability, I know h-how to counterattack it." Sa sinabi niya'y muntik na akong hindi maniwala dahil sa hirap niyang pagsasalita. Mukhang naglalaban pa ang kaniyang kalooban.

Ngumiti ako. "Hmm, alright. Then, continue your plan on killing me. Make me feel pain physically."

"W-What? That's crazy!"

"Do it!"

"No—" bago pa siya makapalag ulit, agaran kong sinaksak ang hawak niyang espada sa aking tagiliran. Lumaki ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin bago bumaba ang tingin kung saan ko sinaksak ang sarili.

Pagak akong napatawa habang ninanamnam ang kiliti sa bawat labas ng likidong nagmumula sa aking katawan. Nang tingnan ko ang lokasyon, ang puting bestida ko'y nagkukulay ng ginto. Napangiti ako ng matamis.

Ichor.

"H-Hindi ka tao. . ." nanginginig niyang komento. Nang iangat ko ang aking tingin, nakita kong napatingin siya sa aking kabuuan. Nanginginig na rin ang kaniyang kamay nang hugutin niya pabalik ang espada. Natutuliro na rin ang kaniyang paningin, hindi mapakali sa nasaksihan. "Sino. . . sino ka ba talaga?!"

Nagbaba ako ng tingin. "Even I, don't know." Hawak-hawak ang aking tagiliran, tumalikod na ako. Nararamdaman kong hindi pa rin siya gumagalaw sa kaniyang puwesto, nakatuod at parang natatakot na gumawa ng kilos.

Bago ko maisipang maglaho, tiningnan ko muna siyang namamangha ng nakatingin sa umaagos kong kakaibang kulay na likido.

"Behold, the end is near. Time is unstoppable, hold your dear. Help me. . . help her unravel the truth. Make everything possible to grasp, wise man. The realm's life is in your hands."

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro