Kabanata 13: Masters
Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira
"Then, let me answer one of your questions. One more thing, this is your compensation for disrespecting the prince and my loyalty towards him. Don't ask for more." Buong-buo siya kung magsalita. Hindi man lang nabulol.
Umirap ulit ako bago tumango. "Deal."
"Meet me in the Pyramid's quarter at 7 PM, after dinner. A faerie will guide you." Iyon ang mga huling katagang narinig ko bago pa ako makalabas nang tuluyan sa library.
Naglalakad na ako ngayon papunta sa susunod kong klase nang biglang sumulpot si Gehlee at Lily sa magkabilang bahagi ko. Seryoso ang mukha ni Lily habang may nginunguya sa loob ng itim niyang mga labi. Nakatirintas na naman ang buhok niya at may iba't ibang palamuti. Si Gehlee naman ay naka-pigtails na naman ang rosas niyang mga buhok at punong-puno ng ribbon brooches ang uniform niya. Ito pa rin ang suot nila simula no'ng unang klase namin.
"Saan kayo nanggaling?" Kapwa sila napatingin sa 'kin at sabay na nag-irapan. Naglalakad pa rin kami pero hindi ko mapigilang hindi mapahinto sa naging turan nila. "Anong problema? May nagawa ba akong hindi maganda?"
Bigla na lamang akong hinampas ni Gehlee sa balikat. Napakurap-kurap ako sa ginawa niya. "Ikaw dapat ang tinatanong kung saan ka nanggaling! Ang sabi ko kanina bago matapos ang klase ay pumunta tayo sa downtown ng academy. Nagpapasama akong bumili ng mga laso, Ruby! Pero bigla ka nalang nawala no'ng paliko na sa pasilyo." Umismid pa siya pagkatapos.
Nanatili namang tahimik si Lily pero tumatango-tango ito habang ngumunguya pa rin.
Napalabi naman ako sa narinig. Hanggang dito ba naman ay pinapadam ko sa kanila ang pagiging walang kuwenta ko. "Pasensya na. Hindi ko siguro kayo narinig. Dumeretso ako ng library para sagutin ang mga tanong ni Master Hanabi," pagpapaliwanag ko na lang bago umiwas ng tingin.
"You're so studious! At ang lutang mo pa kanina, ano bang iniisip mo? Si Trevor, 'no?!" Sumama ang timpla ng mukha ko. Naalala ko na naman ang demonyong 'yon; ang demonyong nagpaalala sa akin sa mga pighating natamo noong nasa kastilyo pa lamang ako. Hindi ko sinagot si Gehlee at tumuloy na lamang sa paglalakad sa kahabaan ng koridor. Gehlee immediately keep her pace with me while giggling. "Hoy, sorry na! Eto naman, tampo agad! Ako dapat ang nagtatampo, e. Ang daya!"
"I was thinking about the loopholes of the history, that's all," I answered her before entering the room where the Basic Tactic class will be held.
Kakaunti pa lamang ang mga estudyante sa loob. Sabagay, mayroon pang sampung minuto bago ang aktwal na klase. Pagkatapos ng klaseng ito ay saka pa lamang kami puwedeng kumain ng tanghalian.
Tahimik lamang ako habang hinihintay ang master na magtuturo sa amin. Unti-unti na ring napupuna ang malawak na silid-aralan. Naglalakbay ang aking isipan sa saglit na panahong napatitig ako sa mga estudyanteng pumapasok sa loob.
What was Trevor's purpose of asking for a duel? I know there's more than what he reasoned out—more than putting me in a trial for disrespecting the prince and questioning his loyalty.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Sapat na sigurong rason na lahat kayo ay baguhan sa akademya upang ako'y magpapakilala," isang boses lalaki ang kumuha ng ulirat ko tungog reyalidad. Hindi ko namalayang nasa harapan na pala namin ang propesor. Matangkad na lalaki ito, mga nasa anim na talampakan siguro, at may suot na salamin. Buo ang boses niya pero may angking hinhin. Hindi ko maipaliwanag pero talagang maaliwalas ang paningin ko sa kaniya.
"Ako si Boriel Ferinza, ngunit tawagin n'yo na lamang akong Master El. Bukod sa isa akong propesor sa akademyang ito, isa rin akong opsiyal sa emperyo na nakatakdang magbigay ng mga taktika. Marahil ay binata ang paningin n'yo sa 'kin, pero huwag kayong malinlang sa ilusyong kaya kong panatilihin habambuhay."
Dahil sa huling binanggit niya, saglit kong pinalitan ng ginto ang aking mga mata. Nakita ko ang totoong anyo niya. Mas matangkad si Master El kumpara sa kaniyang ipinapakita, ngunit balbas sarado at medyo malaki ang katawan. Kung noon ay nagmumukha lamang siyang nasa edad dalawampu't lima pataas, ngayon ay halatang hindi lalampas sa apatnapu ang kaniyang edad.
Napamaang ako sa nasaksihan. Ang galing. He hid his appearance very well through absolute illusion. Iyon siguro ang passive ability niya.
Nang magtama ang paningin namin, kaagad kong kinurap ang aking mga mata. Napakagat ako sa ibabang labi nang dali-dali siyang lumapit sa akin, may nag-uusisang tingin. Nakataas ang kanang kilay niya. "May nakita ka? O ako ang may nakitang kakaiba?" Hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya. Ako ba o ang sarili niya.
Napayuko na lamang ako nang biglang boluntaryong nanginig ang aking mga kalamnan. Nararamdaman ko na naman ang mga titig nilang nakakapaso. Nandito na naman ang kagustuhan kong tusukin ang kanilang mga mata.
Bakit ba ako ganito mag-isip? Mas masahol pa ako sa tingin ni Ama sa akin.
"Nevermind. Namalikmata lang siguro ako, tama." Narinig ko ang pangungumbinsi ng master sa sarili. Bumalik na ito sa puwesto at nagsimulang magklase. Sinimulan niya ang klase sa pamamagitan ng paglahad sa mga dapat tandaan at bakit mahalaga ang taktika o istratehiya sa pakikipaglaban.
° ° °
Napatayo na ako sa kinauupuan nang makalabas na si Master El. Ang dami kong natutunan sa kaniya. Hindi talaga kawalan ang pagpresenta kong pumunta rito.
I guess Master El will soon blame his self for including me to his class. Since his teachings will definitely backlash the empire he's serving.
Nang maglakad na ako sa palabas, inakbayan ako ni Gehlee kahit hindi niya ako masyadong abot. Nilapit niya ang mukha sa akin kaya todo layo naman ako. Bumulong siya sa may tainga ko, "Hindi ka pa rin sasama sa 'ming kakain sa Cafeteria? Maraming masasarap na pagkain doon!"
Kinuha ko ang braso niyang nakadantay sa akin at pilit na nilalayo ang sarili sa madikit niyang katawan. Umiling ako nang hindi tumitigil sa paglalakad. Nakita ko pa ang pagsimangot niya. May binulong siya kay Lily na parang naiirita na rin sa kalikutan ni Gehlee. Akmang lalapit na naman ito sa akin nang samaan ko ito ng tingin.
"Hindi pa rin ako sasama. Ayaw kong may kasama sa hapag."
Mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating sa dormitoryo. Nadatnan ko sa reception area ang babaeng Pyramid. Palinga-linga ito at parang may hinihintay. Nang magsalubong ang aming tingin, umaliwalas bigla ang kaniyang mukha. Iiwas na sana ako nang maabutan niya ang mga galaw ko. Kagaya noong una ko siyang makita nang malapitan kanina, wagas na naman itong makangiti.
Siguro ay kaibigan niya ang lahat.
"Hi! U-Uhm . . ." Napapakurap siyang nakatayo sa harapan ko, mas nauna pang umangat ang kaniyang kamay kaysa sa sasabihin niya. "A-Ako si Treshia del Vellares, kakambal ni Kuya Trevor. Nice meeting you!" Mas pinalapit pa niya ang nakaambang kamay sa akin.
Napakunot ako ng noo. Kakambal? Totoo pala talagang hindi lahat ng kakambal ay parehong-pareho.
Walang gana kong tinanggap ang kaniyang kamay para may maipakitang katiting na respeto. "Ruby," matipid kong pagpapakilala.
Nagningning ang kaniyang mga mata at bigla na lamang akong sinunggaban ng yakap. Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat. Nanlamig ang aking batok hanggang umabot na sa buong katawan na siyang nakapagpanginig nito. Naramdaman ko ang tila paglayo sa akin ni Treshia bago tuluyang mamanhid ang buo kong katawan. Naguguluhan ang mga mata ng babae nang mapatingin sa kabuuan ko.
"Y-You're cold, you're sh-shivering! A-Are you okay?" nag-aalala niyang turan.
Napaiwas ako ng tingin at pilit kinakalma ang sarili. Ilang beses akong huminga nang malalim bago ko maramdaman ulit ang init ng dugo na dumadaloy sa akin. "Maayos na ako, nabigla lang."
Maluha-luha niya akong nilapitan, bigla naman akong napaatras. "I-I'm sorry . . . gusto ko lang talagang makipagkaibigan. Pasensya na." Pakiramdam ko'y magiging kasalanan ko pa kung sisinghot na siya kaya naman nilapitan ko na lamang siya kahit labag sa loob ko. "Sana pala hindi na ako tumakas."
Luminga-linga ako sa paligid. Mabuti na lamang at nasa Cafeteria ang lahat ng estudyante gaya ng nakasaad sa handbook. Ako lang yata ang hindi sumusunod at ang Pyramid dahil sa espesyal na prebilihiyong natatanggap nila.
"Huwag kang umiyak. Hindi mo naman kasalanan. Reaksyon iyon nang kusa mula sa 'king katawan." Kahit gusto ko siyang bigyan ng kasiguraduhan, nagmumukhang wala pa rin akong pake. Ano bang nangyayari sa 'kin?
Ngumiti ulit siya. Hindi ko na maintindihan ang babaeng 'to. Akala ko iba siya. Kambal nga silang tunay.
Nagpaalam na ako sa kaniya. Kitang-kita ko pa ang pagtutol niya dahil sa kaniyang pagnguso pero wala na siyang nagawa pa. Kaagad akong pumunta sa pilak na hagdanan na hanggang ngayon ay hindi pa ako nasasanay sa bilis ng hanging kaakibat nito.
Nang matapos ang lunch time, bumalik kaagad ako sa kastilyong para sa klase. Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa silid.
Napakalawak nito; kasinlawak ng silid ng Block 1. Ang kaibahan lamang ay wala itong mga upuan, tanging malawak na entablado lamang sa harap kung saan nauna na ang magtuturo, isa pang entablado sa gitna nang may harang na nakapaligid, at iba't ibang sandata sa kaliwa't kanang bahagi ng silid. Indeed, a room for the subject Combats.
Kagaya ng Magic Wielding, tatlong beses sa isang linggo rin ang klase namin sa Combats. Buong maghapon sa Martes at Huwebes, at buong araw sa Sabado.
Iniisip ko pa lamang ang oras na ilalaan para sa paghahasa ng kakayahan sa pisikal na pakikipaglaban ay napapagod na ako. Mas gusto ko pang paglaruan ang kapangyarihan sa kaloob-looban ko kaysa magsayang ng oras sa pakikipagsuntukan. Pero aminado akong kakailanganin ko rin ito upang magkaroon ako ng mas matagal at malaking kapasidad na gagamitin para sa paggamit ng mahika.
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang pumalakpak ng dalawang beses ang maliit na guro sa aming harapan. Lalaki ito at balbas sarado, ngunit halos tatlong talampakan lamang ang taas niya.
T-Talaga bang siya ang tatawaging Master sa asignaturang ito?
"Remove your doubtful stares or else I will poke your eyes out from its sockets voluntarily," the little guy voiced out with his full voice with threat after he clapped his little hands.
Kahit maliit siya, nararamdaman ko pa rin ang lakas ng awra na sadya niyang pinapalabas. Talagang mangmang ang mga kaklase ko't hindi sila nagpatinag dahil nagtawanan pa sila. Ang dalawang babae namang kanina pa pala sa gilid ko'y napahawak sa akin nang may kahigpitan.
Naiirita ko silang tiningnan. "Hands off."
Sabay silang napabitaw at napalunok, bago sabay ring nagpaumanhin, "S-Sorry." Problema ng dalawang 'to? Siguro ay nararamdaman din nila ang nag-uumapaw na kagustuhang manakit ng master sa harapan namin sa mga tumawa sa kaniya.
Ang galing. He was able to control his blood lust. But, I bet a little amount of it will be out of control.
Hindi nga ako nagkakamali. Bigla-bigla'y lumundang ng sobrang taas si Master papunta sa kumpol ng mga estudyanteng malapit lamang sa entablado sa gitna, nagtatawanan at nagbubulungan. Nahinto ang kanilang ginagawa nang makita ang paparating. Parehong nanlalaki ang kanilang mga mata. Umikot ng ilang beses si Master bago bumagsak ang kaniyang maliliit na paa sa katawan ng mga estudyante. Tatlo ang natumba sa lakas ng puwersa, dalawa naman ang napaatras nang may malalaking mga mata.
Despite that, Master gracefully landed on their backs as if he did not do anything. He clasped his hands and put it on his back. Nakadapa pa rin ang dalawang lalaking nasipa niya habang nakatayo naman na ang isa nang nanginginig at paulit-ulit na humingi ng paumanhin.
"Now, now. That was quite a warmup, but I am disappointed in two things." He repeatedly shook his head and raised his two little fingers. "First, with the fact that most of the freshmen under my care are oozing with discriminatory cells in their critical minds. Second, these students I knocked down just by performing a roundhouse kick lacks the power of instinct and physical strength." He stepped down from the students' body and went to the elevated platform again. "Therefore, I declare to have an intensive training for Combats with you all!"
Dinig na dinig ko ang lunukan ng mga kaklase ko dahil maging ang paglunok ko ay hindi ko napigilan. He's fearful enough for his size, his words and strength are terrifying. This is a guy we must not mess. Naparito ako para sa isang misyon, bakit ko ba nararanasan ito?
"Lass and lads, I am born with a blessing from the god of war, Ares. My fate is to teach my wisdom in fighting with great power and wits. I am your Master Lance Zhukov, the empire's War General substitute. Call me Master Zhu if you still want to live."
Namangha ako sa kaniyang katauhan. Talaga nga namang makapangyarihan ang mga master sa akademya. Again, the academy never failed my expectations. They are always ready for future purposes.
Future purposes . . . could it be there's someone on their side who knew what would happen in the future? An oracle? Or someone like Genshi who can time travel?
Naputol ang tanungan ng mga kaklase ko kahit natatakot kay Master Zhu nang biglang may kumatok at pumasok. With her auburn wavy hair, silver eyes, and a blind-worthy smile, there's no doubt who entered. Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?
Yumuko muna siya bilang paggalang. Nagbulungan naman kaagad ang mga kaklase ko. Si Gehlee ay napakapit na naman sa aking mga braso. "Ruby, she's so pretty! I wanna be friends with her!"
Hindi ko siya pinansin para matuon ang pansin kina Master Zhu at Treshia na nag-uusap, pero sadyang mahina talaga ang boses ng babae. Tumatango-tango lang din si Master.
Nang matapos ang usapan nila, kaagad nahanap ng kanilang mga mata ang akin. Napatuwid pa ako ng upo dahil doon. Nagsalita si Master Zhu, "Pinapatawag ka ng Pyramid. You can now skip my class. I just hope you'll be present in our next meeting."
Huh? Napaaga naman yata ang pagpapatawag?
- eggarru -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro