Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11: Block 1

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

People are whispering from everywhere I go. Hindi na ako nagtataka sa mga ikinikilos nila. Naaalala ko pa rin ang buong pangyayari kahapon sa arena—kahit minsan, pakiramdam ko'y hindi na ako ang nagsasalita kun'di si Hecate mismo—kung papaano ko napatumba ang personal knight ng prinsipe sa kahariang ito at natapos nang mabilisan ang laban mula sa mga halimaw. Ang ipinagtaka ko lang ay ang mapang-akusang tinging ibinibigay nila sa akin; animo'y nakagawa ako ng isang mabigat na kasalanang hindi ko naman alam.

All I did was to fight and survive to be with my friends. Did I do wrong?

"Don't mind them," bulong ni Lily sa gilid ko. Hindi ko siya pinansin at nanatili lamang ang tingin ko sa daanan. I heed no attention to them, my strong senses made me aware of their stares.

Kasama ko ngayon si Lily at Gehlee kagaya ng nakagawian. Ang kaibahan lamang ay ang pupuntahan naming lugar. Ngayon ang unang araw ng aming pasukan bilang mga estudyanteng mayroon nang block na kinabibilangan. Isang araw lang ang ibinigay na pahinga ng headmaster, at kahapon iyon. Nagkuwentuhan lamang kami sa dorm room ni Lily na kaharap lang ng kuwarto ko.

At hindi ko talaga alam kung matutuwa ba ako o ano sa pinagsasabi nilang nangyari kahapon. The mist made those scenes, which I think the reason that the students were eyeing me badly.

Ayon kay Lily, mabilis kong natapos ang laban sa mga halimaw kontra kay Trevor na halos dalawampu't dalawang minuto bago nakatapos. Tama naman iyon. Ang kapangyarihan ko raw ay delikado pero epektibo, lalo na sa kawal ng prinsipe. Nagtanong pa nga siya kung isa ba akong wizard mage dahil sa spells na binanggit ko. Tumango na lamang ako at pinakinggan nang maigi ang kuwento nilang tila nakakasabik para sa mga bata.

"I really can't imagine a wizard mage is still present up to these days! Akala ko ay mga descendant nila na nag-v-voiceless incantation nalang like the royals ang natira." I still remembered how Gehlee said that excitedly. "Like, gosh! You made their blood splattered everywhere in a single spell! Gaano ka kaya kalakas, Ruby?"

"Shut up, Gehlee. You're being creepy."

"I'm just telling her the replay of her fight, duh? And isa pa, ang hot n'yo talagang tingnan ni Sir Trevor sa arena!"

"Gehlee, ano ba! Ruby is being uncomfortable."

"Anong sinasabi n'yong hot? Hot ba ang magpatayan?"

Lily laughed nervously. "Uh, maybe in your case? I can't explain. Gehlee will do the honor."

"Okay, fine! Salamat naman at magkasundo tayo ngayon. So, ayun na nga! Imagine, naghintay ka ng ilang minuto tapos no'ng lumabas na si Sir Trevor from the forest, you two talked! A sweet talk! Sir Trevor was flustered upon seeing you, and you know what? Ang sexy ng dating mo kahapon, as in! You seduced him!" tila maiihi na ito base sa kaniyang itsura, nagpipigil.

Hindi ko pa siya maintindihan kahapon pero pilit ko pa rin siyang sinakyan kahit nandidiri na sa lumalabas sa kaniyang bibig. "T-Talaga?" nanginig ang boses ko, gusto nang masuka.

"Yes! What's wrong? Para namang hindi mo naaalala. Well, anyway, after mong mang-seduce using those words na medyo nakalimutan ko, you immediately went to Sir Trevor and pinned him in the tree. You said something again, words we can't understand. Siguro ancient language? Basta, dahil sa sinabi mo'y nabali ang punongkahoy kung saan mo isinandal si Sir Trevor. Then, lumayo ka sa kaniya. You're gesturing something in your hand kaya lumabas ang liwanag na hindi naman namin masyadong nakikita. Kulay lila iyon at parang lumalaki nang lumalaki. Sir Trevor unlock his necklace, and then suddenly, the catastrophe begins. Nawasak lahat ng nakapaligid sa inyo. Nabahala pa kami kasi parang masisira na ang barrier. But you two stood still. Naglapit kayong dalawa. And—" pansamantala siyang tumigil na siyang ipinagtaka ko. Bigla-bigla'y tumili siya at parang kinukuryente. "—Sir Trevor and you almost kissed! It was like he was hypnotized by your beauty, and supposedly, ikaw ang mahihypnotize sa titig mo sa kaniya!"

Wala akong makapang salita sa narinig. Tila naghaharumintido ang takbo ng aking puso, hindi dahil sa ikinuwento ni Gehlee kun'di sa naglalagablab kong inis sa mist na gumawa ng sarili nitong kuwento. Bakit sa lahat ng puwedeng isadula sa harap ng mga normal na mga mata ay ganoon pa?!

Sumingit na si Lily sa usapan nang matahimik, kinakabahan pa ang awra nito sa hindi ko malamang dahilan habang panaka-nakang nakatingin sa kilos ko. "W-Well, looks like you just made her remember her nightmare, Gehlee. Don't worry, Ruby, it was just an almost. Hindi naman nangyari. Delusyonal lang talaga si Gehlee at binibigyang—"

"I am not! Sir Trevor's stares were just so . . ."

"Tahimik na, okay? Gusto mong makatikim ng spell?"

"Eto na, tatahimik na. Hmpf!"

Nagising ako sa paggunita ng kahapon nang tumigil kami sa tapat ng naglalakihang pinto. Kusa itong bumukas para makapasok kami. Sa pagtapak ng aming mga naunang paa, kulang nalang ay kuliglig para masabi kong nasa kagubatan kami sa sobrang tahimik.

Napakalawak ng silid, kasinglawak nito ang kalahating palapag ng kastilyong tinitirhan ko sa loob ng dalawampung taon. Mayroong malaking entablado sa harap at isang lamesa't upuan. May parihabang kulay crystal blue ring nakalutang ibabaw sa entablado ngunit nakasentro ito. Sa tingin ko ay roon isinasadula ang mga pagtuturong gagawin. Sa harap ng lugar kung saan pupuwesto ang mga Master ay ang mga hile-hilerang upuang paakyat. Mula sa pinakamataas na bahagi hanggang sa lumebel ng kaunti sa entablado. Malalaki ang espasyo nito at parang may sariling espasyo pa sa gilid ng bawat upuan. Walang lamesa para sa mga estudyante.

Sa dami ng upuan at sa laki ng espasyo ng silid, pakiramdam ko'y sobra-sobra ito para sa estudyanteng nakatakdang nandito. Pinili naming tatlo ang upuang malapit lang sa pinto para makaupo kaagad dahil sa nakaiilang na hanging nakapalibot sa loob. Nakasasakal dito, parang nagtatagisan ng lakas.

Pakiramdam ko sophomore students ang karamihan dito dahil walo lang naman kaming freshmen ang nakapasok. Nang ilibot ko ang aking paningin, labinlimang sophomores ang nabilang ko base sa kulay ng uniporme nila. Kung kulay old rose sa aming mga freshmen, carnation pink naman ang sa kanila, at pastel pink naman sa seniors.

Walo kaming freshmen, labinlimang sophomores, at labing-isang seniors ayun kay Gehlee na alam halos lahat. Sumatutal ay tatlumpo't tatlo kaming nasa Block 1. The maximum number of students of Block 1 is 40, yet we're still outnumbered. Gaano kaya kataas ang kuwalipikasyon upang mapunta sa Block 1?

Natigil ang maingay kong pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan. Pumasok doon sampung taong nakasuot ng pastel pink na uniporme. Mga seniors, pero kulang ng isa.

Ang seseryoso ng mga mukha nila, lalong-lalo na ang huling pumasok. Nagtama ang paningin naming dalawa. Ang mga mata niya'y nag-aalab sa hindi ko mawaring sensasyong kaniyang pinapalabas. Halos manigas na ako sa magkahalong lamig at init ng kaniyang mga tingin, pero hindi pa rin ako bumitaw.

He walks slowly like there's no tomorrow, igniting the fire he's trying to create. Not until a master entered the room, too. Napakurap siya na siya ring nagawa ko. I sighed heavily. Hindi ko namalayang hinahawakan ko na pala ang paghinga sa titigan namin. Walang kuwenta.

Pumasok si Master Ferio Terria sa silid. Maaliwalas ang mukha nito kagaya noong una ko pa lamang siyang nakita. Umakyat siya sa entablado at umupo sa upuang nakalaan. Nang ilagay niya ang nakasiklop na mga kamay sa lamesa, bigla na lamang siyang humalakhak. Kaagad akong napatakip sa tainga sa lakas ng boses nito. Hindi nagtagal, sumabay na sa kaniya ang iba.

Kinalabit ako ni Gehlee na tumatawa rin pero halatang peke. "Tumawa ka kahit ayaw mo. Ayaw ni Master Ferio na tumatawang mag-isa."

Kumunot lamang ang noo ko at binaling ulit ang tingin kay Master. Tumigil na siya sa pagtawa pero ang mga mata niya'y nakatingin sa akin. Napakurap ako't umiwas sa tingin niyang nang-uusisa.

"Alright!" dumagundong na naman ang boses niya sa malawak na silid. Siguro ay sasanayin ko na ang sarili ko sa araw-araw niyang panggugulat. "We don't need to introduce to each other. That's your first task, freshmen, to know all of us. Remember that the system and the academy itself meticulously chose all of you as someone best of the best, so I assume that you'll always do your best. Nothing beats a polished diamond over a rusted copper. You need and you must protect the continent with all your might, diamonds."

Kaagad kong naintindihan ang sinasabi ng 'di katandaang propesor. He's putting pressure on the students to unleash their full potentials, to be competitive enough, and to protect the continent with all their lives. So, this is Block 1.

Mukhang mahihirapan nga ang Drakia sa pagpapatumba ng kontinenteng ito. Ano kaya ang laman no'ng librong pinapakuha nila?

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro