Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10: O' Deity

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Magkasalubong ang aking mga kilay habang nakatingin sa harapan. Kanina pa ako kinukulit ni Gehlee. Nagtatanong na naman siya kung sino ang makakalaban ko at bakit ang tagal. Hindi ko siya sinasagot dahil pagkatapos ng labang pinapanood namin ngayon ay sa akin na.

Ako na laban kay Trevor del Vellares.

Nawala na ang barrier at parehong duguan ang nasa loob. Walang panalo. Parehong mapupunta sa Block 4 ang dalawa. Hindi pa nila masyadong naipapalabas ang potensyal ng kanilang kapangyarihan. Malayo pa ang mararating nila sa lagay na 'yon.

Kinuha na sila ng mga manggagamot at nilinisan saglit ang entablado habang inaanunsyo ni Master Ferio Terria ang susunod at huling maglalaban. Malapit nang maghatinggabi at inaantok na talaga ako. Mabuti nalang at ako na, sa wakas.

"Wait, don't tell me-" ang lakas ng boses ni Gehlee.

"The last and the luckiest freshman for the assessment test, Ruby the Orphan! Her opponent will be one of big three, a member of Pyramid, Sir Trevor del Vellares!"

Akala ko'y nakabibinging sigawan na naman ang mamamayani gaya ng mga nauna, ngunit hindi. Bulungan at medyo nakakailang na katahimikan. Nararamdaman ko ang umaapaw na pangungutya at awa mula sa kanilang mga mata. Ayaw na ayaw ko sa mga ganoong tingin. Pakiramdam ko'y bumalik ako sa kastilyo.

Nanginginig na tumayo ako mula sa kinauupuan. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Gehlee na humawak sa aking papulsuhan. Nang lingunin ko ito, nangungusap ang kaniyang mga mata. Tumatakbo rin si Lily papunta sa aming gawi na parang walang mga sugat kani-kanina lang. Siguro ay totally healed na siya.

"I-go mo 'yan, Ruby! I know you can do it! Chance mo na 'yan para . . . gumanti." Binulong ni Gehlee ang huling salita. Napatawa ako ng kaunti. Oo nga naman.

Napakapit sa akin si Lily nang makarating galing sa pagtakbo. "G-Galingan mo . . . wooh! Kapagod tumakbo. Basta, galingan mo't dapat ay magkasama tayo sa iisang block," nakangiting pahayag ni Lily nang humihingal.

Blangko lamang ang tingin ko pero binigyan ko pa rin sila ng ngiti at pasasalamat. Nagwawala ang emosyon ko dahil sa mga taong nagbubulungan. Hindi ko na rin nakokontrol ang aking kakayahan sa pagbasa at pakikinig sa iniisip nila. Nakakasuka ang kanilang pinagsasabi. Mas malala kaysa sa mga banat ni Ama. Pero siguro ay mas masakit pa rin kapag galing sa mismong pamilya.

"Kawawa naman siya. Orphan na nga, malulumpo pa."

"Iniwan ng mga magulang? Papaano siya nakapasok dito? Mukhang wala naman siyang alam sa basic education."

"Ang suwerte naman niya, baguhan pa lang pero makararanas na ng impyerno."

"I pity her."

"Go, Sir Trevor! Lumpuhin mo ang baguhang 'yan!"

"What a nuisance. Wala naman siyang mga magulang, sana tuluyan na siya ni Sir Trevor."

"Block 5 kaagad ang bagsak! Hahaha!"

"Anong problema mo sa Block 5, 'teh? Galing ka ngang Block 4, e, yuck."

Habang naglalakad, huminga ako nang malalim at pumikit. I need to control my emotions. I need not to entertain their useless barks. Hindi sila alaga ni Irish para pagtuunan ko ng pansin.

Nang makarating ako sa gitna, dumating na rin si Trevor. Seryoso lamang siya pero alam kong natatawa ito base sa paraan ng kaniyang pagtingin. Lumiwanag ang aking paningin, unti-unting nabubuo ang barrier at ang ilusyon ng kagubatan. Hindi ko na rin siya nakikita, marahil ay napunta na sa kabilang bahagi ng gubat.

Huminga ako nang malalim at tumingala. Wala roon ang timer na nakikita ko sa labas. Yumuko ako at nasa papulsuhan lang pala ang timer. Nagsimula na ang tatlumpong minutong palugit. Hindi ko nakikita ang mga nakatingin na siyang ikinahinga ko nang maluwag. Mabuti iyon at nang walang sasagabal sa pokus ko.

Napakagat ako sa aking ibabang labi habang nakatingin sa harapan. Hindi ako makapagdesisyon kung anong kapangyarihan ang gagamitin ko at paano gamitin. Mas lalong magdududa si Lily kapag iyong pinag-aralan kong mahika ang gagamitin ngayon.

Pumikit ako't yumuko habang nakasiklop ang dalawang palad. Magtatawag na lamang ako ng tulong. Bahala na.

As I close my eyes, I can feel the thick fogs materializing everywhere from where I am. Concentrated energy then emerges from the bottom of my core. Kahit nakapakiti ako, nakikita ko sa aking balintataw ang pag-usbong ng nakasisilaw na puting liwanag. I clasp both of my hands as I let the energy flow into it. Thinking her name and the glory she might give, I started to recite the enchantment I personalized for years of training.

O' deity of the Sphere of the Gods,

Omnipotent descendant of Perses and Asteria.

The pristine maiden who cherished the moon;

a guide for hunters, warriors across the lawn.

As altruistic as an endearing mother of youth,

Her charisma radiates, a lullaby to soothe.

In a beam of light, she protects,

Wicked spirits, she projects-

Punishment she shall utter,

Boundaries she must hover.

O' thou shall embrace your motherly protection;

thou shall obtain your malignancy as a crone;

and thou shall acquire your infinite power in a maiden's projection.

In the name of Hecate-

the goddess of magic and witchcraft,

the night and the moon,

master of ghosts, sorcery, and necromancy,

beholder of dimensional crossroads-

let there be guide as an unfathomable source,

as her magic extends beyond the realms of universe.

I, a descendant from someone above, shall summon you!

Be the spirit in my soul,

a compass for my mind,

and a shield for my heart.

Let me be you.

Sa pagtatapos, kagaya pa rin ng dati. Malamig ang kapaligiran habang ako'y hinahabol ang hininga dahil sa enerhiyang kinuha sa pagsambit ng mga katagang iyon. Kaagad akong lumutang mula sa mamasa-masang lupa. Nang ibuka ko ang aking mga mata, ganoon pa rin ang paligid-napupuno ng hamog at liwanag. Ngunit sa gitna ng aking paningin, mayroong pigura ang lumabas.

It's been awhile since I last saw her . . .

With the burning torch she always bear, Hecate is wearing her long, fairly white chiton. Underneath is a pair of hunter boots. In front of me is the maiden. In her left side, a crone was shown with her wicked visage. Nakangisi ito habang hinihimas-himas ang isang ahas. Sa kanang bahagi naman ay ang mother. Dogs are silently barking alongside herself. Nagliliwanag ang mga mata ng tatlong personang ipinakita ng dyosa sa akin. Napapalibutan siya ng lilang mist at kumikinang.

"Use my power with good intentions, child of time . . ." she uttered silently, voice echoing thru my mind with powerful soundwaves that the barrier almost broke. Napalunok ako bago tumango, kahit hindi ko alam kung bakit niya ako tinawag ng gano'n. The purple mist evaporated, so as her, as she turned into a purple light. Without delay, the light entered right through my heart as it spread in my entire mind and body.

The divine goddess just let me borrow her powers. I shall use this with efficiency.

Nang tingnan ko ang orasan ay limang minuto na ang kinain ng pagtawag ko. Totoo ngang mabilis ang oras dito sa loob. Siguro ay pinagtatawanan na ako ng mga estudyante at mga magulang sa labas dahil sa aking ginagawa. But I shouldn't be worried. These thick fogs that are covering me serves as mist that can create illusions for them.

Naririnig ko na ang mga kaluskos. Simula noong mahiram ko ang kapangyarihan ng dyosang si Hecate, naging awtomatikong ginto ang aking mga mata't buhok. Nakasuot din ako ng chiton. Indeed, I borrowed her essence, so as her maiden's pristine image combined with mine.

Marami silang paparating. Mukhang lahat ng mga nilalang ay matutuntun na ako. Napangisi ako sa taktikang naisip. Matagal na rin mula no'ng huli kong ensayo.

I just stood there, waiting for the enemies to pry on me. They're coming for me not because they've noticed my presence, but because I am using charisma. Umaapaw ang karismang lumalabas sa akin na pati ang maliliit na ibon ay nagsilapitan na. Nang unti-unti kong nakikita ang mga nilalang, halos malula ako sa dami. Mas madami pa ito kaysa sa mga nakita kong nilabanan noong mga naunang laban.

It feels like I have awakened some real sleeping monsters.

Nakalutang pa rin ako. Since I am excited to face my real enemy, I just raised my right hand and manipulated all the blood vessels inside them. From being enraged, the peasants showed their satisfying in-vain expressions. Twirling my hand, gesturing it as I played their insides, then squeezed it afterwards. I saw how they blasted easily, blood scattered everywhere. Nagkalat ang kanilang mga lamang-loob sa lupa pero nandoon pa rin ang takot at sakit sa kanilang mga mukha.

That's molecular reconstruction for you.

Gross but oddly satisfying. I wonder what illusion did the mist showed them inside the illusion they made.

I smiled from that I just witnessed. "You made the hunters suffered by your existence, so I shall execute your punishment as a protector of my devotees."

From levitating, I finally set my foot on the ground. I already called the hungry, grieving souls of dead from the underworld to clean the mess I created. Dahan-dahan akong naglakad sa kagubatan, hinahawi ang mga humaharang na dahon. Madali kong naubos ang napakaraming nilalang. Hindi ako nalugi sa limang minutong pagtatawag. Mayroon pang dalawampung minutong natitira sa oras.

I just spent two minutes of figuring the moves I must execute, five minutes of calling the goddess Hecate, and three minutes of punishing the pests. The time given, 30 minutes, by the academy headmasters were too lengthy to begin with.

When I reached the center aisle, the mist around me still did not fade. From here, I can smell the bravery of the knight I will be fighting. Hula ko'y hindi pa siya tapos sa pag-ubos ng mga kinakalaban niya. Nilapitan din siguro siya sa mga nilalang na naakit sa karismang ipinalabas ko kanina.

Nang limang minuto na lamang ang natitira sa timer, nakita ko siyang dahan-dahang lumabas mula sa mga mahahabang talahib at malalaking puno ng kagubatan.

What a gorgeous peasant.

° ✧ ° ✧ °

Trevor del Vellares

Hinihingal kong hinawi ang mga naglalakihang talahib sa aking dinadaanan. Walong minuto nalang at mauubos na ang tatlumpong minutong ibinigay para ubusin ang mga halimaw. Medyo naubos ang lakas ko sa pagpaslang sa kanila. Wala akong ginamit na kapangyarihan ko pero tila may kumukuha ng enerhiya sa magic core ko. Isa pa, nakapagtatakang napakadami ng mga halimaw na nilabanan ko kanina. Hindi iyon normal.

From observing the numbers of creatures every person will fight within 30 minutes, there are just 25 monsters. Yet, in my case, they are more than 50. And thinking about it, the face of the seemingly weak girl who keeps bumping me suddenly crossed my mind. Muntik pa akong mapahinto sa paglalakad. Oo nga pala, siya ang makakalaban ko. Kung ganoon karami ang aking nakalaban na mga halimaw, sa kaniya rin ba? She seemed too weak to handle those kind of creatures. Bakit ba kasi siya ang nakapares sa akin? Puwede namang si Gehlee na anak ng kaibigan ni Ama. Malakas ang babaeng iyon kahit mukha ring mahina sa panlabas.

Nang tingnan ko ang oras sa papulsuhan, limang minuto nalang. Dahan-dahan kong hinawi ang mga dahon at sa wakas ay nandito na ako sa gitna. "Maybe that girl was still fighting from-" Napahinto ako. Paulit-ulit na kurap ang aking ginawa. I squinted my eyes to confirm what I just saw.

Nandoon na ang babae. Inip na inip ang mukha at mukhang kanina pa naghihintay. Pero hindi ako sigurado kung siya ba talaga iyon. Ginto ang buhok nito at nang mas lumapit pa ako sa sentrong bahagi, nakita ko ang pagkislap ng ginintuang mga mata niya. She's wearing a fairly white chiton dress with hunter boots as a pair. Wala siyang hawak na kahit ano-nakatayo lang.

Pero bakit parang hinihigop ang lakas ko? Mas lumala ang pakiramdam kong parang ginagamit nang todo ang aking kapangyarihan kahit hindi ko naman ginagamit.

"W-Who are you?" pati sa pagsasalita ay nanginginig ako. What the hell is happening with me?

Her perfectly shaped brows met as she rolled her eyes. "Congratulations, peasant. It is a privilege to see the true form of someone divine as me."

Humangin ng malakas. The nature just agreed of what I thought about this girl. Mahangin.

Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang timer sa papulsuhan ko. Nagsisimula na ang oras para sa aming dalawa. Nang mag-angat ako ng tingin ay nasa mismong harapan ko na siya, titig na titig sa dalawang pilak kong mga mata.

"Hmm, a cursed one."

Kakaiba talaga ang babaeng ito. Hindi siya naaapektuhan ng passive ability ko. At anong sinasabi niyang cursed? Sa tingin niya ba'y isinumpa ang mga mata kong itinuturing ng karamihan na pinakamakapangyarihang mata sa buong kaharian ng Lireo? Sino ba siya para sabihin iyon, bukod sa isa siyang ulila?

"Stop staring, you might-"

"What? It's ineffective. Your curse cannot be inflected for someone alike."

Hindi ko pa maproseso ang kaniyang sinabi nang bigla na lamang akong tumilapon sa malaking puno. Ang malakas na puwersa nito ang siyang dahilan ng pag-ubo ko ng dugo. My toes are curling from the unexpected fall she caused. Dahan-dahan akong tumayo, nanghihingi ng suporta sa punong pinagbagsakan ko.

I think I will use this magic again, after a long time.

Bago ko pa man makita ang ginagawa niya sa kaniyang mga kamay na umiikot, tinanggal ko na ang kuwintas kong may simbolo ng G clef. Naramdaman kong nagliwanag ang aking mga mata habang nakatutok sa babaeng nakalimutan ko ang pangalan. Nagsimulang maglabasan ang iba't ibang nota mula sa aking bibig habang ako ay nakalutang. The artificial sun from the barrier reflects upon me as if I am a mirror.

Narinig ko ang namamanghang pagsinghap at hagikgik ng babae. "Oh, what a magnificent breed of magic! A combination of the curse of Medusa and a blessing of Apollo. Too bad, Apollo overdid it."

Hindi ko siya inintindi dahil hindi ko naman talaga alam ang pinagsasabi niya.

"But, sorry not sorry!" mga katagang huli kong narinig bago nagsimula ang larong kaniyang tinapos.

Ever since I was a child, I was forbidden to undo the lock of my G clef necklace which was created by a sorcerer that died after putting all his might for this necklace to be effective. It is to seal my destructive and harmful power. Aside from having silver eyes with different functions, the notes that keeps going out from my mouth can harm any living beings. It can pierce their flesh, destroy their body. My blinding light can make the cells of living organism tangled and can pop inside their structure, making abnormal cause of death. I cannot take control of these power when it awakened at the age of 3, so my father did everything he can.

Simula nang tinanggal ko ang aking kuwintas, nasira ang mga punongkahoy sa aking paligid na natatamaan ng liwanag at mga nota ko. Nagsimula nang maging lantang gulay ang mga talahib. Nahuhulog na ang mga ibong palipad-lipad sa itaas ng kagubatan. Pakiramdam ko rin ay malapit nang masira ang barrier na ginawa ni Headmaster Jethro.

Pero ang babaeng nasa harapan ko ay prente pa ring nakatayo, nakangisi. Nagpapaikot ang kaniyang mga kamay na parang bumubuo ng enerhiyang itatapon sa akin. Ang itsura ay ang maihahalintulad sa kulay ng kalawakan sa mga pangitain ko. Sa isang kamay naman niya ay kinokontrol niya ang iba't ibang bagay na naaabot ng kaniyang kapangyarihan, hinahagis papunta sa akin. Kaso ay hindi iyon umaabot mismo sa akin sapagkat patuloy pa rin akong kumakanta ng mga nota habang nagliliwanag. Nawawasak ang mga itinatapon niya sa akin.

I cannot use my sword. Nawasak ito sa lakas ng bagsak ko kanina sa puno. I cannot fight her hand on hand. Hindi ako makalapit sa kaniya dahil maaaring lilipad na naman ako sa kung saan gamit ang telekinesis niya. I am hopeless in this fight. For the first time in my 22 years of existence, I felt the emotion of despair. I feel useless.

At last, the spell she keeps chanting was done. Buong tapang niyang itinapon sa akin ang enerhiyang naipon. Napatitig ako roon. Nakikita ko nga ang kalawakan, ang mga bituin, at ang aking sariling parang nakalutang sa kawalan.

Just who is she to make me fall unconscious after she threw that weird galaxy ball of energy towards me?

"Thank you for this limitless magic, Hecate."

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro