Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 06: Trevor

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Malawak ang dormitoryo ng mga babae. Bukod sa magkaibang dimensyon ang kwartong nakukulayan lang sa pagkatapak, mayroon ding sariling kusina at sala. Sapat na ito para dito ako manatili kung sakali mang mapagod ako sa pakikihalubilo.

Ang higaang hinihigaan ko ngayon ay kulay ginto, lumiliwanag pero sa mga mata ko'y hindi naman nakakasilaw. Nagsisilbing lampara ang mga letrang nagpalutang-lutang sa paligid ng kuwarto. Hindi sila ordinaryo. Kagaya ito sa mga letrang nasa pintuan ko. Mga letrang aking ginagamit sa pag-chant. Meanwhile, my walls were painted with different mythical divine creatures; there are even gods and goddesses in different timelines. Parallel to my bed is a huge clock in roman numerals. May nakasalong malalaking kamay rito na siyang lumiliwanag at nagpapagalaw ng oras.

This is a safe haven. Wala pa akong dalawang oras sa kuwartong ito pero nakagagaan na ng loob. Siguro dahil sa katotohanang ang sariling kapangyarihan na siyang kakampi ko ay nakadesenyo kahit saan man ako tumingin.

Guminhawa ako at pikit-matang inimahe ang totoong anyo. Nang magmulat, pumunta ako sa salamin kong hawak-hawak ng statwa ng dyosa ng kagandahan at pag-ibig.

Nagpakita sa salamin ang totoo kong anyo. Golden wavy hair, golden eye orbs, perfect face, and body shape. Ngumiti ako sa sarili at pumunta na nang banyo.

Matapos maligo, kinuha ko ang panulat at papel sa kahong nasa gilid ng study table. School supplies are already provided by the academy. Kinuha ko ang handbook at nagsimulang magbasa. Nandito nga ang lahat ng pinagsasabi ni Master Ferio.

Mula sa sistema ng akademya, mga patakaran, mga ipinagbabawal, hanggang sa mga events na gaganapin sa buong school year. Sinasabi rin ditong tatlong taong dapat mamalagi ang estudyante sa akademya, dalawang beses lamang sa isang taong puwedeng bumisita sa pamilya.

There are three division of students in the academy. Freshmen, sophomores, and the seniors. Kami ang freshmen, iyong mga kasama ni Master Ferio sa paglilibot ng akademya. Sumunod naman ang mga sophomores, mga estudyanteng nakapili na kung saang departamento sila nabibilang. At panghuli, ang seniors. Sila ang mga graduating na at kalahati sa pag-aaral nila ay iginugol na para sa experience sa field or department na napili nila.

Apat lamang ang asignatura naming mga baguhan: History, Basic Tactics, Combats, at Magic Wielding. Since it is a common knowledge that almost everyone of us already went to basic education (reading, counting, and the likes), the academy decided to apply subjects that straightforwardly teach students to their potentials.

Sa History itinatalakay ang patungkol sa pinagmulan ng kapangyarihan at ang mga kaganapan sa sinaunang panahon. Sa Basic Tactics naman ay ang mga simpleng istratehiya sa pakikipaglaban, kasali na rin dito ang pagpapatibay ng mental na kapasidad para sa lahat ng aspeto. Combats naman ang asignatura sa pagtuturo ng basic physical defense at paggamit ng iba't ibang sandata. At panghuli na siyang mas maraming oras sa buong linggong klase, ang Magic Wielding. Obviously, it will teach students on how to produce, wield, or control the magic from within.

Kung sophomore naman, dito na naga-apply ang mga mag-aaral ng specialized subjects o departamentong ipopokus nila sa buong taon. Department of Major Elements, Department of Sub-Elements, and Department of Minor Elements. Sa una ay hindi ko maintindihan kung bakit pinaghiwalay pa iyan, e pare-pareho lang namang mahika ang tinatalakay sa mga departamentong iyan. Pero nang mabasa nasa handbook, naintindihan ko na.

By dividing magic expertise into these field, students will likely focus on their own abilities. Each department offers equal subjects, but different expertise. Each department also belong to different job applications in the future. It is also to determine key factors of the environment they should train and socialize.

Although it is too detailed, it gives justice to those who only wants to focus to their major improvements, not on the subjects that can only hinder their development.

Sa kapangyarihang mayroon ako, hindi ko alam kung saan dapat ako mabibilang. But why would I worry about that? As if I will stay here up until my sophomore year. I can finish this mission within half a year. I shouldn't waste time for useless attachments.

In the third and last year, where students are called seniors, half of their year is to train vigorously, and half of their year is to go to dangerous missions and work temporarily in kingdoms as knights, strategists, or magic wielders. Sa parteng ito ko naintindihan nang mas maigi ang mga departamento sa second year. Bukod pala sa major, sub, and minor elements na description, mayroon palang kaakibat na posisyon. Bale, courses in a program. Kung ang ikaw ay nabibilang sa Department of Major Elements, mamimili ka sa kursong kukunin dito. Kung magiging knight, strategist, o magic wielder ba.

The Academy had it all ready. Talagang handa na ang mga estudyante sa kahit anong paparating na delubyo.

If gods will be their enemy, are the preparations still useful?

Napakurap ako sa boses na nasa utak ko. Boses ko iyon pero hindi ko ritmo. Anong ibig sabihin no'n?

I shaked my head and erased the thoughts. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Ang Academia de Lireo ay may student hierarchy pala. Pyramid ang tawag sa tatlong nangungunang mga estudyante sa akademya. Mayroon silang mga benepisyo. Iba rin ang mga opisyal o council na nagpapatakbo at nagpapanatili sa kaayusan sa akademya. Tinatawag silang Konsehal de Mahika, nabibilang dito ang mga estudyanteng ibinoto ng kapwa nila estudyante para sa posisyon.

Sa mga patakaran, mga dapat, at hindi dapat na gawin naman ay simple lamang ito. These are all common rules that a student should follow with a common sense. From wearing the proper uniform, respect, up until the prohibitions.

Natural din ang grading system, pero malaking ambag sa seksyong mabibilangan ang puntos na makukuha sa FAT o Freshmen Assessment Test. Ginaganap ito tuwing ikatlong araw ng mga baguhang estudyante, para sa amin. Iba-iba ang sistema at patakaran ng pagsusulit taon-taon kaya hindi na ako nag-abalang pagtuunan ng pansin.

What goes around, comes around.

Humikab ako at napatingin sa orasang nagliliwanag sa itaas ko. Pasado alas dyis na, kaya pala inaantok na ako. I closed the handbook after signing the last paper, and crawl towards the bed. Napapikit kaagad ako nang dumapo sa aking pisngi ang sobrang lambot na unan.

Kinabukasan, maagang tumunog maingay na siren ng buong paaralan. Halatang simula na ng klase. I bet, there is a fixed morning schedule for all the students here.

Pagkatapos mag-ayos, tiningnan ko ang sarili sa salamin. Sobrang bagay sana ng old rose uniform sa totoo kong anyo, pero wala akong ibang pagpipilian kun'di ang mag-iba ng anyo. Bumalik ang kulay tsokolate kong buhok na may bangs at puting highlights. Naging tsokolate rin ang aking mga mata.

For now, I will portray as Ruby who have an earth attribute and armory as my sub-ability. Having dual magic in this continent is rare, but I cannot behave with only one attribute in my own. Kaya kahit alam kong mapapansin talaga iyon, hindi pa rin magbabago ang isipan ko.

My pride won't let me show only one ability. I don't know why. This is clearly just to show off.

Uminom lang ako ng gatas at kumain ng toasted bread sa almusal. Nang matapos, ilang ulit pa akong guminhawa nang malalim sa harap ng pintuan. Nang makontento, binuksan ko na ito. In coincidence, the woman from next door appeared.

She looks badass with her boots. Her deep blue hair was braided into two, paired with little gem clips on each side. Her lips were covered with dark blue lipstick, too. Kahit sinong titingin sa kaniya ay mapapasabi talagang mukha siyang rebellious.

Tinitigan ko lamang ang malalim na asul niyang mga mata nang higit sampung minuto bago siya talikuran at naglakad. Nang bigla siyang sumabay sa akin.

"Hey, I'm Lily Vitis Peeony from the Water Kingdom of Neptune. You are?" Sa tono niya, parang hindi niya ako sinungitan kahapon sa pagbubukas ng pinto. Mukha na siyang palakaibigan pero may bahid pa ring awrang hindi ko gusto.

"Ruby, an orphan," tanging sinabi ko. Wala namang ibang detalye sa buhay ko bukod sa pagiging ulila. May ama nga pero hindi naman ako binibigyang pansin.

Namimilog ang mga mata niyang napatingin sa 'kin. "H-Hindi halata." Tumango lang ako. "Base sa desenyo ng dormitoryo mo, hindi ko maintindihan ang kapangyarihan mo."

Napakurap ako sa reyalisasyon. Oo nga naman. Iyong desenyo sa pinto ng dormitoryo ko. Hindi siya konektado sa kapangyarihang gagamitin ko sa pagpapanggap. Bakit hindi ko iyon naisip?

Imbes na sagutin siya ay nagkibit-balikat lang ako at mas binilisan ang lakad. Nang makarating sa unang silid-aralan ay nakabuntot pa rin sa akin si Lily. Maaga pa para sa unang klase kaya nama'y napagdesisyunan kong pumunta muna ng banyo para makapag-isip ng maigi.

Nilingon ko si Lily na kanina pa nakatitig sa akin. Binalewala ko 'yon at sinenyas sa kaniyang sa banyo lang ako. She even insisted on going with me but I refused.

Nakikita ko na ang bukana ng girl's powder room nang biglang may matinis na boses ang tumawag sa pangalan ko, kasabay no'n ang malakas na puwersang nagpaupo sa 'kin sa sahig. Sa nangyari, parang bigla akong nawala sa sarili. Bumalik ang ala-alang tinulak ako't sinampal ni Ama noong nagmakaawa ako sa atensyon niya, maraming taon na ang nakalipas.

"Ruby? Ruby! Omg, are you okay?!"

Sunod-sunod na pagtawag ng pangalan ko ang nagpagising sa akin. Ang mukha ni Gehlee ang nasa harapan ko, nakadungaw nang may nag-aalalang mga mata. Sa gilid niya ay ang iritadong mukha ng makisig na lalaki.

Walang satsat akong tumayo at pinagpagan ang suot. "Thank you, I'm okay."

Nakahinga naman ng maluwag si Gehlee at dali-daling pumunta sa gilid. Kagaya ko'y pinasadahan niya ng tingin ang walang modong lalaking bumangga sa akin.

"Auburn hair, clear silver eyes, G clef necklace . . ." she described, eyes wide and hands on her mouth, "Oh, my! Sir Trevor del Vellares!" she yelled before bowing down repeatedly, as if she did something unforgivable in front of this guy.

"Hindi ka ba hihingi ng tawad sa ginawa mong pagbangga?" iritado kong tanong kahit ang kasama ko'y mukha nang baliw rito sa gilid ko.

Inirapan ako ng sinasabi ni Gehlee na Trevor. Hindi ko nga alam kung bakit tinatawag niya itong 'sir', e mukhang normal lang naman na estudyante ito. "Hindi ko 'yon sinadya. Nagmamadali ako. Now, if you'll excuse me." Hindi pa nga ako nakakasagot ay tumakbo na ito.

With my brows furrowed, I stared into the comfort room's wall. Nawala na ang gana kong mag-isip ng plano sa pangalawang araw ko rito nang dahil sa inis. Dagdag pang bigla akong hinila ni Gehlee sa gilid, sinasabing nakaharang kami sa daan.

"Ano?!"

Ngising malapad na naman siya. "Hindi mo ba siya kilala?! Taga-rito ka, 'di ba-"

"Orphan ako," pagputol ko sa kaniya.

"Ay . . . e-eh kasi 'yun nga! Si Sir Trevor del Vellares 'yon! Ikalawang lalaking anak ng Marquessate of House Vellares. He's the personal knight of Prince Meshach of this kingdom!" she explained dreamily.

Oh, tapos? Aanhin ko ang impormasyong-wait, hmm . . . maybe, I can use him.

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro