Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 03: Pamamaalam

Rania Urydie Brielle Yzra Xiomeira

Sunod-sunod na katok ang gumising sa 'kin. Dahan-dahan akong bumangon at tinungo ang pintuan ng kuwarto. Bumungad sa 'kin ang malungkot na mukha ni Irish; nawala ang dating sigla nito kapag papasok siya sa silid.

"Rania . . ." her voice broke.

Nagugulumihang tumitig ako sa kaniya. May nagawa ba akong mali at parang kahit anong oras ay iiyak siya? Nanlaki ang aking mga mata at naistatwa sa kinatatayuan nang pumasok sa aking alaala ang lahat ng nangyari kahapon.

Tumakas nga pala ako at nakasagutan si Ama. Matapos akong patahanin ni Uncle Nai, nakatulog ako. Marahil ay hinatid niya ako rito at buong araw na akong tulog bagama't umaga na ngayon, base sa atmospera.

Hinila ko papasok si Irish at siniguradong nakasarado ang pintuan ng aking kuwarto. Umupo kaming dalawa sa aking kama at hinarap siya. "Tell me, Irish, did Father do something to you as a punishment? If yes, I'm sorry! Patawarin mo ako kung napahamak ka na naman nang dahil sa 'kin. Hindi ko naisip na mapaparusahan ka na naman kapag ginawa ko ang bagay na bawal-"

Pinutol niya ako. "Kumalma ka, Rania. Walang nangyari sa 'kin. Kita mo naman, oh, buong-buo pa ako." Pinasadahan ko siya ng tingin. Totoo ngang maayos lang siya. "Masyadong abala ang iyong ama at ang mga konseho upang mag-isip pa ng ipaparusa sa akin. Inaasikaso nila ang p-pag-alis mo . . ."

Napayuko siya at tuluyan na ngang ngumawa sa harapan ko. Sa gulat ay niyakap ko na lamang siya. "K-Kailangan ba talagang u-umalis ka, Rania?" humahagulgol niyang tanong.

"Gusto kong patunayan sa kanila ang kaya kong gawin. Gusto kong maisip nila balang-araw na mali ang kanilang mga paratang sa akin. Gusto kong may maiambag sa bansa natin, Irish, kahit sa paraang papatay sa 'kin." Kumalas ako sa yakap at pinahiran ang pisngi niyang punong-puno ng mga luha. Kagaya ko'y iyakin din siya. Kaya naman kung umiiyak siya, talagang malaki ang pagpigil ko sa sarili na hindi gumaya sa kaniya kasi hindi ko siya mapapatahan.

"Mag-ingat ka roon, ah? Huwag na huwag mo akong papalitan bilang pinakamalapit! Magseselos ako!"

Humagikhik ako sa tinuran niya. "Don't worry. Hahanapan kita ng pogi ro'n, gusto mo?" Biglang kuminang ang kaniyang mga at sunod-sunod na tumango. Humalakhak ako sa bilis ng pagbabago ng kaniyang emosyon.

"Lumampas na ako sa kalendaryo pero wala pa rin akong natitipuhan dito!"

"Guwapo naman si Uncle Nai, ah?"

"H-Huh? Ano ba, Rania, e wala naman ako sa kalingkingan ng mga nagkakagusto kay Minister Nai. Magtigil ka nga!"

"Don't tell me, you really like him?!"

"Rania!"

Kahit mas matanda sa akin si Irish ng labinlimang taon, kung umasta siya'y parang magka-edad lang kami. Bukod sa tinuturing ko siyang ina, siya rin ang pinakamatalik at nag-iisa kong kaibigan. Tinulungan niya akong mamuhay nang hindi hinihingi ang pagmamahal sa mga taong nakapaligid sa akin maliban lamang sa kaniya at kay Ama na wala namang pakialam sa akin. Si Irish ang aking gabay sa mga bagay-bagay at ang pinakamasaya kapag may naabot akong kakayahan. Kaya hinding-hindi ko siya bibiguin sa bagay na 'to.

Irish helped me pack my things and special belongings. Todo habilin din siya sa mga bagay na dapat kong gawin at mag-ingat. Ilang harutan pa ang nangyari sa 'min bago siya nagpaalam dahil may gagawin pa raw siyang trabaho.

Naiwan na naman akong mag-isa. I sat in front of my old vanity table, watching my reflection again in the mirror. Binalik ko ang aking buhok at mata sa pagiging ginto. Kumikinang ang mga ito. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa taglay na ganda ng aking mga mata at buhok. Ibang-iba sa itim na itim na mga mata at buhok ni Ama.

Was it real that I am not his child? Kaya ba ganoon nalang ang trato niya sa 'kin? Pero bakit ako nandito kung hindi niya nga ako anak? Nasaan ang ina ko?

Ang dami kong tanong pero alam kong hindi ako sasagutin ni Ama. Kaya siguro siya nagkakaganiyan dahil iniwan ako ni Ina sa kaniya, e, mukha namang hindi siya handang maging ama. But it's not right to jump into conclusions. Even if I am already twenty years old, I still don't know the story of my own life. Just how unfair the world is.

Bumuntong-hininga na lamang ako. Napagdesisyunan kong mag-isip nalang ng kulay ng buhok at mata na gagamitin. I will also alter some of my features to fully have my disguise. I shouldn't stand out. Pupunta ako roon upang maging espiya at instrumento, hindi para magsaya at ipagkandalakan ang sarili.

At last, I end up picking brown color with white highlights for my hair and a pair of brown orbs for my eyes. Sa paggamit ng panibagong kulay ng aking mga mata, may natuklasan na naman akong kakayahan. Napapalakpak ako sa tuwa. I got to own an earth magic! Ganoon naman talaga, e. Kapag sinusubukan ko ang iba't-ibang kulay ng aking mga mata, nagkakaroon ako ng mga kakayahang hindi ko naman nagagawa noong pula ang aking mga mata. Nakakalibot at sa parehong pagkakataon ay nakakapagtaka. Paano ko ba ito nagagawa?

Kahit gustong-gusto ko nang subukan nang mas matagal na oras ang bagong kapangyarihan, pinigilan ko ang sarili. Kailangan ko pang ayusin ang mukhang gagamitin ko.

Mayroon akong pantay na sukat ng kilay at mata. Sakto lamang ang laki ng aking mga mata pero kapag ngumingiti na, sumisingkit ito. Mahaba at makapal din ang aking pilikmata. Nababagay rin ang tangos ng aking ilong sa mala-pusong korte ng aking mukha. Ang aking rosas na mga labi naman ay maliit pero bagay na bagay sa aking mukha.

Hindi ko kailanman nakitaan ng pagkahawig ang aking mukha sa kay Ama. Isa sa mga rason upang paniwalaan ko ang sinasabi niyang hindi niya talaga ako anak.

Itinigil ko muna ang pagiging emosyonal at itinuon ang pansin sa salamin. Siguro ay dapat kong gawing pang-manika ang aking mga mata. Hindi ko na iibahin ang aking kilay pero ang aking ilong ay hindi ko masyadong ipapatulis. I want it to be cute, and I also want my lips to be a heart shape one. Napapangiti, pumikit ako at inisip ang lahat ng gusto kong mabago sa aking mukha. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbabago nito. Medyo iniba ko rin ang hugis ng aking mukha.

Nang magmulat, ibang mukha na ang nasa aking harapan. Nagmumukha itong cute na manika. Kahit paulit-ulit kong sinabihan ang sarili na huwag maging kaaya-aya, hindi ko pa rin mapigilan. Mukhang nasa lahi ko ang kagustuhang maging mas lamang sa kanila at hindi ko ito nagugustuhan.

Nang makuntento at naayos na lahat, binalik ko sa dating puti ang aking buhok, pula ang aking mata, at inayos ang mga nabago sa mukha. Gagamitin ko lang ang katauhang 'yon kapag nandoon na ako sa akademya. Hindi nila puwedeng malaman na nakakapagpalit ako ng anyo.

Isang simpleng bestida lamang ang aking suot at sandalyas. Hinayaan ko ring nakalugay ang aking mahabang puting buhok at inilagay ito sa aking balikat. Sakto ring tapos na ako ay may kumatok na sa pintuan.

Nang buksan ko, si Irish ulit ang bumungad. Walang sali-salita'y niyakap niya ako't umiyak na naman sa dibdib ko. "Rania! Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Wala na akong aalagaan . . ."

Ngumiti ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita 'pagkat nakakapit pa rin ito sa dibdib ko't ngumangawa. "Hindi ko naman pababayaaan ang sarili ko roon . . . palagi kong pakatandaan ang iyong mga bilin. Tumahan ka na, please, ayaw kong nakikita kang umiiyak," usal ko't niyakap siya nang mahigpit.

"Pasensya ka na, talagang mamimiss lang kita ng sobra." Nang kumalas ay kaunting hikbi nalang ang kaniyang ginagawa at pinapahiran ang mga luha. Tiningala niya ako-mas matangkad kasi ako sa ibang mga babae rito-at binigyan ng malambot na ngiti. "Dalaga ka na talaga. Parang noon lang ay akay-akay pa kita habang pinagtatanggol sa ama mo."

Niyakap ko siya at sa pagkakataong ito, ako na ang umiiyak.

"Rania, lasapin mo ang pagiging malaya mo roon. Huwag mong isipin ang mga restriksyon. Gusto kong maging masaya ka kahit sandali man lang na wala ka rito sa kastilyo. Alagaan mo ang sarili mo, ah? Wala ako roon para palagi kang paalalahanan... Sana ay maging matagumpay ang misyon mo. Sana ay mahanap mo ang iyong sarili. Sana ay magiging ikaw ka sa mga araw na nandoon ka. Maging malaya ka, Rania, maging malaya ka..."

Hinatid na niya ako sa labas ng palasyo kung nasaan ang lahat. Alam ko namang hindi sila magpapaalam o malulungkot sa pag-alis ko. For I know, they'll be celebrating. Magseselebra sila dahil wala na ang salot sa bansa nila. Nandito lamang sila dahil tradisyon na sa bansa na kung sino man ang nakatira sa kastilyo ang aalis, ihahatid nila ito ng tingin habang papalayo ang karwaheng sasakyan.

Pinasok na nila ang aking mga gamit habang ako ay nakatitig lamang sa mga matang walang buhay'ng nakatingin din sa 'kin. Gusto ko siyang yakapin at sabihing hintayin niya ang pakinabang ko sa buhay niya. Dahil kahit anong tanggi niya, ama pa rin ang turing ko sa kaniya. Pinalaki naman kasi niya ako kahit hindi niya iyon ginusto. Naging responsableng ama pa rin siya.

Nakapagpaalam na ako kay Irish at Uncle Nai. Nasa gilid na sila habang tinatanaw akong sumakay sa karwahe. Rinig ko rin mula rito ang bangayan ng dalawa. Nagpakawala ako ng ngiti para sa kanila, hindi pinapansin ang mga kakaibang tingin ng mga tao sa paligid. Sana ay sa pagbalik ko, may nagpapasaya na kay Irish. Ayaw kong buong buhay siyang mag-aalaga sa akin. May buhay rin siyang dapat ay masaya siya pero sinasayang sa walang kuwentang kagaya ko.

Nang makasakay, kumaway ako mula sa loob. Dalawang tao lamang ang kumaway pabalik sa akin at matagumpay na mga ngisi na ang nakita ko sa iba.

"So long, Drakia . . . I will bring honor to this country. May the god of destruction guide me for this journey."

- eggarru -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro