CHAPTER 9
ILANG araw na rin na tila manliligaw na sinusuyo ni Louisse ang pamangkin ni Manang Pasing na si Lineth. Makailang beses man nitong tinanggihan ang mga bagay at pagkaing hinanda niya mismo para sa dalaga ay hindi pa rin sumusuko si Louisse.
Nais niya kasing malaman ang totoong nangyari noon sa pagitan nila Lena at Zairus. Gusto na niyang mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na bumabagabag sa isipan.
Malapad na napangiti si Louisse nang matapos na siyang makapagluto ay siya namang papungas-pungas na pumasok si Lineth sa kusina. Nang makita siya nito ay bahagya itong nagulat. Ngunit kaagad din iyong napalitan ng pagsimangot.
"Good morning, Lineth," masigla niyang bati rito. "Sakto at tapos na akong magluto. We have here a fried rice, hotdog, ham, bacon and of course, a hot chocolate," aniya na itinuro pa ang mga niluto.
"Ano 'yan? Suhol nanaman?" anito.
Gano'n man ang nasa isip ni Louisse ay hindi niya maaari iyong sabihin sa dalagita. Mapatawad pa sana siya ng nasa itaas, pati na rin ni Sister Cecelia dahil sa pagsisinungaling niya.
"Syempre hindi," aniya na sinabayan pa ng sunod-sunod na pag-iling. "Gising na rin ba si Manang Pasing? Hindi ko kasi siya nakita," pag-iiba niya pa sa usapan.
Hinila nito ang silyang malapit lamang sa gawi nito saka ro'n naupo, ilang layo mula sa kan'ya.
"Maagang nagpunta sa hotel si Tita. Nagkulang sila ng isang staff dahil nagpaalam na magti-take ng leave."
Napatango-tango siya. Bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya nito. "Hindi naman ako bobo, Miss Lena."
Akma siyang magsasalita dahil hindi naman iyon ang iniisip niya patungkol dito. Pero kaagad din siya nitong pinigilan. "Malakas din naman ang sense ko, noh? Ano bang kailangan mo at ginagawa mo ito?"
Humugot siya ng malalim na hininga bago hinila ang silya sa harap nito saka pekeng umubo. "Pakiramdam ko lahat kayo naiinis sa akin simula nang dumating ako rito."
Hindi nakatakas sa paningin niya ang pag-irap nito. "May dahilan kami para mainis sa'yo, Miss Lena. Hindi man ako katulad ni Tita na matagal nang nagsisilbi kay Sir, alam ko naman ang mga pinaggagawa mo sa kan'ya."
Kahit may nararamdamang hiya sa katawan ang dalaga ay mabilis niyang kinuha ang isang kamay nito, saka marahan na hinawakan. Nagpapasalamat siya at hindi ito pumiksi sa kan'yang pagkakahawak.
"Can you enlighten me, Lineth? Ano bang ginawa ko kay Zairus?"
"May amnesia ka ba?" mataray na tanong nito habang nakakunot ang noo.
Walang salitang lumabas sa kan'yang bibig, bagkus binigyan niya ito ng nangungusap na tingin. Narinig niya itong marahas na bumuntong-hininga na tila sumusuko.
"Sa tatlong taon niyong relasyon, on and off kayo ni sir," ani Lineth. "Kababayan ko ang isa sa mga naging katulong noon ni sir. Matagal na siyang nagta-trabaho at saksi siya sa mga nangyari sa inyong dalawa."
Narinig niya pa ang paghugot nito ng buntong-hininga. Bakas sa mukha nito na nahihirapan si Lineth na balikan ang nakaraan.
"To make it short. Maraming beses mo nang sinaktan si sir. Pero andyan pa rin siya, hinihintay at iniintindi ka pa rin. Masaya kayo nang unang taon niyo pa lang bilang magkasintahan. Hanggang sa nawala kang parang bula. Pagbalik mo ay gusto mo nang makipaghiwalay kay sir. Pero hindi siya pumayag."
Tumigil ito, huminga ng malalim bago nagpatuloy. "Hindi ko magagawang makalimutan ang araw na kung saan ay dapat ikaw ang mababangga ng paparating na sasakyan. Pero mabilis si sir at nailigtas ka niya."
Hindi matukoy ni Louisse kung ilang minuto siyang nagpipigil ng hininga. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Ngayon niya napagtanto na ang taong nasagip ni Zairus sa kaisa-isang artikulo na nabasa niya patungkol sa aksidenteng kinasangkutan nito ay si Lena.
"Oh my god!" ang tangi niya lamang nasambit, saka binawi ang kamay niyang hawak ang kamay ni Lineth.
"Kaya hindi mo kami masisisi, Miss Lena. Napahanga mo ako nang una kitang makita. Literal na ikaw ang kahulugan ng kagandahan para sa akin. Elegante ka at maganda manamit. Ngunit kahit ano pang ganda ng physical appearance mo ay hindi no'n maitatago na masama pala ang ugali mo," diretsahan nitong pahayag.
Muling lumarawan sa maamo nitong mukha ang pagkamuhing nararamdaman para sa kan'ya, saka na ito tuluyang tumayo. "Hindi ako makakasabay kumain sa inyo ni sir. Marami pa po akong tatapusing trabaho." Bahagya itong yumuko at saka iniwan na siya ro'n.
Nanghihinang naisandal ni Louisse ang likod sa upuan. Hindi niya mapigilang maging emosyonal. Naramdaman na lang niya na sunod-sunod na tumulo ang luha sa kan'yang pisngi.
Paano mo nagawa ang gano'ng bagay, Lena?
Hindi maintindihan ni Louisse kung bakit bigla niyang kinapa sa cotton shorts na suot ang cellphone - cellphone iyon ni Lena na kan'ya nang ginagamit. Iniwan niya kasi sa kan'yang apartment ang sariling cellphone, pati ang kan'yang engagement ring.
Louisse could no longer stop herself from reading the exchange of messages between the two. Louisse can't seem to breathe properly. Because she can no longer count on her fingers the messages that Lena received from Zairus, including his plea for Lena to return.
When she saw the date when Zairus had sent it. She then remembered what Lineth had said earlier. That a year ago, Lena disappeared like a bubble.
Nanghihinang inilapag niya ang cellphone sa mesa at sinisi ang sarili kung bakit hindi niya naisipang basahin ang mga mensahe sa cellphone ni Lena, noong una pa lamang. Ngayon ay nabigyan na siya ng kasagutan sa mga emosyong nakita niya noon sa mukha ng lalaki. Nasaktan ito sa ginawa ni Lena. Ngunit naroon pa rin ang pagmamahal na nararamdaman nito para sa kan'yang kaibigan.
Biglang tumayo si Louisse, ibinalik ang cellphone sa bulsa ng cotton shorts niya at saka nagpasyang ilagay ang nilutong pagkain sa tray. Pagkatapos noon, dinala siya ng kan'yang mga paa sa kanilang silid. Maingat niyang binuksan ang pinto saka dahan-dahang pumasok.
Bumungad sa kan'ya ang natutulog pa rin na si Zairus, pagpasok niya. Nang makita niya ang maamo nitong mukha ay naramdaman niya ang pagkirot ng kan'yang puso, sa isiping nagawa itong iwan at saktan ng mismong kan'yang kaibigan. Hindi man niya kilalang lubusan si Zairus ay may nakapa siyang awa para rito - dahil nakikita niya ang sarili sa lalaki. Magkaiba man sila ng sitwasyon, pareho naman sila ng nararamdaman at iyon ay ang sakit na idinulot ng labis nilang pagmamahal.
Inilapag muna ni Louisse ang tray sa bedside table at saka pumunta sa kurtinang nakasara pa rin. Nang hilahin niya iyon gamit ang lubid ay kumalat ang liwanag sa buong silid. Pagbukas naman niya ng sliding door ay nayakap niya ang sarili nang maramdaman ang lamig na nanggagaling sa labas. Pagkatapos noon ay naglakad siya sa gilid ng kanilang kama. Umupo siya sa kaunting espasyo sa gilid kung saan naka p'westo si Zairus.
Wala sa sariling naiangat niya ang kamay at hinaplos ang buhok nito. Muli ay kan'yang naramdaman ang pagtulo ng luha.
"B-bakit?" garalgal ang kan'yang boses. "Bakit nagawa mo pa rin-" nahinto siya sa pagsasalita saka napapikit. Bakit nagawa mo pa rin manatili sa tabi ni Lena sa kabila ng lahat?
Humugot siya ng malalim na hininga saka muling binuksan ang mga mata. "Bakit nagawa mo pa ring manatili sa tabi ko? Bakit hinintay mo pa rin ang pagbabalik ko? B-bakit.. bakit nagawa mo pa rin akong mahalin sa kabila ng lahat?"
Pigil ni Louisse ang malakas na paghikbi. Hindi niya gustong magising ang lalaki at malaman nitong umiiyak siya. Ngunit gano'n na lang ang pagkabigla niya nang maramdamang hinawakan nito ang kamay niyang humahaplos sa buhok nito, saka unti-unti nitong binuksan ang mga mata.
"Dahil mahal kita."
Nang marinig niya ang salitang iyon mula kay Zairus ay naroon na naman ang mainit na kamay na tila humahaplos sa dibdib ni Louisse.
"I love you even there's nothing left with me. And I'll still love you even I'll not receive anymore of your love. But if you promise me that you will stay by my side, I'll still be the happiest man alive."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro