Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8.2

Nang makarinig siya ng katok sa pinto, tuluyang binawi ni Louisse ang kamay niya kay Zairus. Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga nito at saka tila napilitang sabihin ang mga katagang, "Come in."

Pagpasok ni Gin ay nakita niya ang pagdaan ng gulat sa mga mata nito nang makita siya. Tila nagtataka itong naroroon pa rin siya sa oras na iyon. Ngunit ang gulat ay napalitan ng pormalidad.

"What is it, Gin?"

Yumukod si Gin kahit hindi ito nakikita ni Zairus, saka ito muling tumayo nang matuwid. "Sir, can I talk to you?" Pasimple pa itong tumingin sa kan'ya. "Alone?"

Tumikhim si Louisse. "Ah, Zai, uuwi na ako. You can two talk privately."

Tumayo na siya at mabilisang kinuha ang mga tupperware sa table ni Zairus saka iyon muling ibinalik sa paper bag. Bago pa man siya makahakbang palabas ay narinig niya pa ang pagtawag ni Zairus. "Lena."

Mabilis niyang ipinihit ang ulo sa gawi ng lalaki. "Bakit?"

"I want you to wait for me on our bed tonight, honey."

Nanlaki ang mga mata ni Louisse. Ni hindi niya magawang lingunin si Gin, kahit na ang totoo ay malapit lang naman ito sa kan'ya. Ramdam niya rin ang pamumula ng pisngi dahil sa tahasan nitong pagkakasabi. Not minding that his assistant is also in his office.

Tuloy ay kung ano-anong senaryo na ang pumasok sa utak ni Louisse, dahilan para uminit ang kan'yang pisngi. Hindi pa nakatulong na nakita niya ang pag-angat ng sulok ng labi ni Zairus, tila nabasa nito ang tumatakbo sa isip niya.

"I'm not thinking of anything, honey. Your idea seems so tempting. But I really just want to cuddle with you later."

Kunwaring naubo na lang si Louisse, ni hindi na nagawa pang makasagot at tuluyang lumabas ng opisina nito. Nasapo niya ang dibdib nang tuluyan niyang isinara ang pinto at sumandal doon. Humugot muna siya ng malalim na hininga, saka na tuluyang naglakad patungo sa direksyon ng elevator.


MAGHAPON na namalagi si Zairus sa opisina nito. Kahit na sinabi nitong hanggang umaga lang ito roon. Kaya naman nagluto siya ng tanghalian ni Zairus saka inihabilin na lang niya at ipinadala kay Manang Pasing. Hindi niya gustong muling bumalik sa opisina nito at maabala ang lalaki. Lalo na at nang umalis siya ay mukhang seryoso ang pag-uusapan ng dalawa.

Nang mahagip ng mata ni Louisse ang digital clock na nasa ibabaw ng bedside table ay muling bumalik ang kabang kan'yang nararamdaman. She was torn between just acting asleep or fully awake to wait for her husband.

Husband...

Namasa ang kan'yang mga mata nang maalala ang naging proposal sa kan'ya ng dating kasintahan, pati na rin ang pagsuot nito sa kan'ya ng engagement ring. Ngunit ngayon ay ibang singsing na ang nakasuot sa kan'yang daliri. Mabilis niyang pinunasan ang tumulong luha. Hindi iyon ang tamang panahon para alalahanin ang taong namayapa na.

Napaigtad si Louisse nang may kumatok sa pinto saka niya narinig ang boses ni Gin mula sa labas. Nang maalalang tanging silk dress lang ang suot ay mabilis niyang kinuha ang puting roba saka iyon isinuot. Isiping nasa likod ng pintuang iyon si Zairus ay huminga siya ng malalim saka na tumayo.

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kan'ya ang dalawa. Gin is tall but Zairus is still towering him. Nang dahil matangkad ang dalawa ay naging maliit siya sa harapan ng mga ito. Nasa likod lamang ni Zairus si Gin, bagay na napansin ni Louisse sa ilang araw na pamamalagi sa mansyon. Mukhang hindi sanay si Zairus na inaalalayan. O tamang sabihing sinanay nito ang sarili para makatayo sa sariling mga paa.

Nabalik sa reyalidad si Louisse nang magsimulang mangapa sa hangin si Zairus. Hanggang sa mapahawak ito sa hamba ng pintuan. Napaatras siya at sumikdo ang kan'yang puso nang magsimulang maglakad si Zairus papasok ng k'warto.

"Where are you?"

Ang buong akala ni Louisse ay si Gin ang tinatanong nito kaya napatingin siya sa lalaki. Ngunit nang umiling ito at sumenyas sa kan'ya ay inalis muna niya ang bara sa kan'yang lalamunan bago sumagot. "I'm here."

Kumapa itong muli sa hangin, tila hinahanap ang pinaggalingan ng kan'yang boses. Kusang naglakad ang mga paa niya at ginagap ang kamay nito. Mabilis siya nitong hinila saka pumaikot ang kamay nito sa kan'yang beywang.

"Okay na ako rito, Gin. You can rest. I know you're also tired."

May nakita siyang kakaibang kislap sa mga mata ni Gin ngunit sandali lamang iyon at naging blangko muli ang ekspresyon nito, yumukod at kusa pa nitong isinara ang pinto. Hanggang sa marinig niya ang papalayo na nitong yabag.

Maya-maya lang ay lumuwag na ang pagkakayakap ni Zairus sa kan'yang beywang. Louisse thought that she can now breathe properly, but she was so shocked when his hand went up and landed on both of her lower arms.

"Is this my bathrobe?"

Napakurap siya sa tanong nito saka paos na sumagot. "O-oo."

Bumilis ang tibok ng kan'yang puso nang magsimulang maglakbay pataas ang kamay nito sa kan'yang braso. Manipis lang ang suot niyang roba pati na rin ang kan'yang silk dress, kaya ramdam niya ang init ng palad nito.

Napaigtad si Louisse sa sumunod na naging aksyon ni Zairus. Naramdaman na lang niya ang mainit nitong palad sa nakalantad niyang balat. Hindi niya kasi maayos na naisuot kanina ang suot na bathrobe. Walang lakas ang dalaga para pigilan ang ginagawa nito. Namalayan na lang niya na tuluyang nahubad na ni Zairus ang suot niyang roba at hinayaan lamang nito iyong mahulog sa sahig.

Sa sandaling iyon ay tanging suot na lamang ni Louisse ay ang panty at ang silk dress. Ramdam niya rin ang pagtayo ng tuktok ng kan'yang dibdib. The silk dress doesn't even help as she felt it against her perky breast.

Malamig ang buga ng aircon pero hindi maipaliwanag ni Louisse ang init na nararamdaman. Intensyon niyang sawayin si Zairus, pero naging iba ang dating ng tono ng kan'yang boses nang tawagin niya ang pangalan nito. "Z-zai."

Louisse didn't want to think it that way. But she sounded needy and... aroused at the same time.

Lumapit ang mukha ni Zairus sa kan'yang tainga saka ito bumulong. "Time to bed."

Napalunok na lamang siya at wala sa sariling napatango. "Y-yeah."

Magkaagapay silang naglakad papunta sa malaking kama na naghihintay sa kanilang dalawa, saka sabay na nahiga roon.

"Goodnight, honey."

Nasilayan niya ang muling pagngiti ni Zairus. Bahagya itong lumapit sa kan'ya saka hinila siya pahiga sa braso nito. Hanggang sa naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kan'yang noo.

"May gusto akong sabihin," panimula niya.

Hindi man nagsalita ang lalaki ay sapat na ang pagtango nito bilang senyales na nakikinig ito.

"Hindi totoong hindi kita gustong makatabi," pagpapatuloy niya. "Mali ang iniisip mo kahapon at gusto ko iyong itama ngayon." Hindi niya na napigilang isatinig.

Iyon naman kasi talaga ang totoong dahilan kung bakit siya maagang nagising kanina at ipinaghanda pa ito ng agahan. Nakalimutan niya nga lang magpaliwanag kay Zairus dahil sa mga pinaggagawa nito sa kan'ya sa opisina nito.

Naramdaman niyang nanigas ang katawan nito. Nang tingalain niya ito ay tila malalim ang iniisip ng lalaki.

"Naisip ko lang kasi na dahil galing ako sa ampunan at pinalaki ni Sister Cecilia ay hindi tamang magsama tayo sa iisang bahay. Lalo na't sa iisang kuwarto at kama pa, nang hindi pa tayo ikinakasal. I'm so sorry if you misunderstood it," dugtong niya pa.

Narinig naman niya ang paghugot nito ng malalim na hininga. Tila kalmado na rin ang katawan ng lalaki. "Don't worry about it. I understand. Kung ako lang ang masusunod ay bukas na bukas din ay magpakasal na tayo," pagbibiro nito.

Natawa naman si Louisse saka pinanggigilan ang tungki ng ilong nito. "Let's make it happen when you finally had your eye transplant. I want to tell my vow in front of you while looking at your eyes, reflecting what I've feel for you using our eyes."

Napangiti naman ang lalaki, saka mas lalo pa siyang hinigit payakap sa katawan nito. Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang ibaon na lamang ang kan'yang ulo sa dibdib nito.

"I love you, Lena. I really do."

Hindi ipinahalata ni Louisse ang kan'yang pagkabigla. Hindi lamang dahil sa binigkas nito ang pangalan ng kaibigan. Kung hindi dahil ramdam niya ang pagiging sincere nito sa binitiwang salita.

You're lucky, Lena.

Bago pa niya napigilan ang sarili, kusang lumabas sa bibig niya ang katagang, "I love you too, Zai."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro