CHAPTER 8
"SALAMAT po, Mang Ruben," ani Louisse matapos niyang makababa ng bangka.
"Walang anuman po, Ma'am Lena."
Iyon lamang ang naging interaksyon nila ng matandang lalaki at tuluyan na siyang naglakad. Alas-sais pa lamang ng umaga kaya expected na ni Louisse na kaunti pa lang ang guest na nasa labas. Tiyak siyang mahimbing pa ang tulog ng iba sa kani-kanilang mga kuwarto.
Kanina ay matapos nilang magluto ay tinawagan niya sa telepono ng mansyon si Gin. Nagpasundo siya kay Manong Ruben sa pamamagitan nang paghingi niya ng tulong sa lalaki. Napag-alaman niya mula rito na kahit late na natulog kagabi si Zairus ay maaga pa rin itong nagising at nasa opisina na nito. Nag-book lang ng isang kuwarto sa second floor si Zairus at doon natulog.
Nakangiting tiningnan ni Louisse ang hawak na lunchbox pati na rin ang simpleng bracelet na ginawa niya kagabi. Halos manakit ang likod niya matapos gawin iyon. Gawa ang bracelet sa mga seashells na nakolekta niya kahapon.
Natagpuan niya si Gin na nasa bungad na nang hotel. Nang makita siya nito ay nagtanguan lamang silang dalawa. Sabay silang naglakad at parehong sumakay ng elevator papunta sa opisina ni Zairus.
"Has he ever eaten his breakfast?" hindi na napigilan pang itanong ni Louisse. Sa kan'yang palagay ay masasayang lamang ang kan'yang niluto kung hindi iyon kakainin ng lalaki.
"Hindi pa po, Miss Ortigaz. Saktong tumawag ka kanina ay magpapahanda pa lamang sana ako kay Mrs. Ocampo."
Napatango siya at kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Nakatutok ang mata niya sa nakasarang pinto ng elevator, doon ay pinagmasdan niya ang repleksyon ni Gin. Nakasuot muli ito ng pormal suit and tie. Maayos ang tindig at amoy niya ang tila mamahalin nitong pabango. Bigla tuloy ay sumagi sa kan'yang isipan kung ilang taon na itong naninilbihan kay Zairus.
Bubuka pa lamang sana ang bibig niya para magtanong nang bumukas na ang pinto ng elevator, senyales na narating na nila ang tamang palapag.
"This way," ani Gin na naunang lumabas ng elevator sabay lahad ng kamay.
Tumango lamang siya saka na tuluyang lumabas ng elevator. Hindi niya pa naiwasang tingnan kung paano muling sumara ang pinto no'n. Malawak ang floor na iyon. May red carpet kaya hindi nag-echo ang takong na suot ni Louisse. Tulad ni Gin ay pormal din ang suotan ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sobra niyang pinagtuunan ng pansin ang pag-aayos, gano'ng ihahatid lamang niya ang pagkain ni Zairus.
Naglakad sila hanggang sa dulong bahagi ng palapag na iyon. Hanggang sa natapat sila sa malaking pinto na tila purong ginto ang disenyo. Dalawang beses na pinindot ni Gin ang maliit na red button sa gilid ng pinto, bago nila parehong narinig ang boses ni Zairus.
"Come in!" Bakas ang awtoridad sa boses nito.
Bahagya lamang siyang nilingon ni Gin saka na nito tuluyang binuksan ang pinto, saka muling inilahad ang kamay. Naintindihan naman iyon ng dalaga at tuluyang pumasok sa loob. Not unlike a typical office of some CEO vibes, iba ang bumungad sa mga mata ni Louisse pagpasok sa opisina ni Zairus. Bukod sa sofa, coffee table at office desk nito ay wala ng iba pang furniture sa loob.
Hindi napigilang mahigit ni Louisse ang kan'yang hininga. The man sitting on a swivel chair is a breath taking view, dinaig pa yata nito ang kagandahan ng New York. With his messy hair and even wearing a simple t-shirt on, Louisse can't deny the fact that Zairus is still a good looking man despite of his stress look.
"Mr. Montell, your fiancée is here," imporma ni Gin sa amo.
Napakurap siya nang marinig ang boses ng lalaki. Noon niya lamang napansin na abala si Zairus sa pakikipag-usap sa telepono. Nakita niya pa ang pagkunot nito ng noo nang marinig ang sinabi ni Gin. Narinig niya pa ang pagtikhim ni Gin, kinukuha ang atensyon ng huli. Ngunit hindi man lamang nag-abala si Zairus na tapusin ang tawag sa telepono.
"It's okay, Gin. Maghihintay na lang ako rito."
"Are you sure, Miss Ortigaz?" pormal nitong tanong.
"Yes," tipid niyang sagot.
Tumango lang ito at akma na sanang lalabas nang bigla ay tawagin niya ang pangalan nito, dahilan nang muli nitong paglingon sa kan'ya. "And please, refrain calling me by my last name. My name will be fine."
Nakita niya ang pagdaan ng pag-aalinlangan sa mga mata nito pero kalaunan ay tumango lang ang lalaki. Nang tuluyan itong makalabas ay umupo na siya sa single sofa na naroon, inilapag ang mga bitbit niya at muling sinulyapan si Zairus. Sandali lang niya itong pinagmasdan at iniwas din niya kaagad ang tingin sa lalaki at itinutok ang atensiyon sa paglabas ng lunchbox sa dalang paper bag. Binuksan niya ang mga tupperware at maayos na inilapag ang mga iyon sa coffee table.
Nang muli niyang lingunin si Zairus ay abala pa rin ito sa pakikipag-usap sa telepono. Ngunit hindi nakatakas sa paningin niya ang mariin nitong pagpikit na tila may inaamoy. Kung iyon ba ay dahil sa mga pagkain na niluto niya ay hindi niya alam.
"What brings you here?"
Napaigtad si Louisse nang tuluyang marinig ang boses ni Zairus. Tuluyan na nitong ibinaba ang telepono at pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng table nito, bakas pa rin ang pagkakakunot ng noo.
"I brought you a breakfast," pilit pinasigla ni Louisse ang boses. "Gusto ko kasing sabay tayong kumain."
"Bakit?" walang ganang tanong nito.
"Peace offering ko. Dalawang beses ka kasing nawala sa mood kahapon."
Nagulat naman si Zairus dahil sa naging sagot niya, saka muling nagseryoso ang mukha nito. "Are you already bored here?"
"Ha?" naguguluhang tanong ni Louisse. Out of nowhere naman kasi ang tanungan nito.
"Ginagawa mo lang iyan kapag may kailangan ka. Diretsuhin mo na lang ako, Lena. Anong kailangan mo?"
Hindi napigilan ni Louisse na paikutin ang mga mata. "Wala akong kailangan, Zairus. You see, I'm also working for this relationship. Kaya kaysa sa magkwestyuhan tayong dalawa ay magkasundo na lang tayo. After all, I want a peaceful breakfast, okay?"
Naglaho na ang gitla sa noo ng lalaki dahil wala na ang pagkakakunot ng noo nito. "Okay. Come here."
"Ayaw mo bang dito na lang kumain?" manghang tanong niya.
"I want to eat here, Lena. So, put up your ass and get up here."
Muli nanamang napaikot ni Louisse ang kan'yang mga mata. Lalo na at bakas ang pagka-bossy sa boses nito. Wala na siyang nagawa pa at tumayo na, bitbit ang mga pagkain na hinanda ay tuluyan siyang naglakad sa table nito.
Mabuti na lang at malinis ang table ni Zairus at walang maski ni isang papeles ang nakapatong doon kaya malayang nalapag ng dalaga ang mga tupperware sa ibabaw ng mesa nito. Ang problema niya nga lang ay wala siyang makitang maaari niyang maupuan.
"Wala akong mauupuan dito, Zairus." Hindi na niya napigilang maisatinig.
Ang sunod nitong aksyon ang pinagtaka ni Louisse. Gamit ang paa nito ay iniurong nito paatras ang swivel chair.
"You can sit down on my lap."
Napanganga siya at napatangang napatitig sa hita nito. "What?"
Alintana ni Louisse na napataas ang tono ng boses niya kaya nang ibaling niya ang tingin sa mukha ni Zairus ay hindi na siya nagulat nang nakataas na ang kilay nito.
"G-gusto mong maupo ako r-riyan, Zairus?" Napababa man na ng dalaga ang boses ay mababakas pa rin ang gulat niya dahil sa ipinahayag nito, ni hindi niya rin napigilang mautal.
"I didn't see any problem with that, Lena."
"Zairus!" muli ay tumaas ang boses niya.
Hindi napaghandaan ni Louisse ang sunod na naging hakbang ni Zairus. Naramdaman na lang niyang tumama ang paa nito sa takong ng suot niyang sandals saka niya nakita ang bahagyang paggalaw nito sa swivel chair. Tila naging kalkulado ang naging galaw ni Zairus, naramdaman na lang niya ang paglapat ng kamay nito sa kan'yang beywang. Paunti-unti nito iyong ipinulupot paikot saka siya tuluyang hinila at diretso siyang napaupo sa hita ng lalaki.
Aware si Louisse na hindi nakatakas sa pandinig ni Zairus ang pagsinghap niya dahil gumuhit ang ngisi sa labi nito.
"Sitting on my lap is better than sitting on any chair, honey."
Kahit malamig sa opisina ni Zairus ay ramdam pa rin ni Louisse ang pag-iinit ng kan'yang pisngi. Lalo na nang mas humigpit ang pagkakayapos ng mga braso ni Zairus sa kan'yang beywang. Inayos pa nito ang pagkakaupo niya sa hita nito.
"M-mabigat ako," aniya.
"I won't mind." Bakas pa rin ang ngisi sa labi ng lalaki.
"Zairus, pwede bang doon na lang tayo kumain sa coffee table mo? Para sa sofa ako nakaupo at hindi rito sa kandungan mo," pagpupumilit pa rin ng dalaga.
"Don't make me repeat what I've said, Lena."
Tuloy ay namula nanaman ang mukha ng dalaga nang maalala ang sinabi nito. Nang maramdamang lumuwag ang pagkakayakap nito sa kan'ya ay mabilis pa sa alas-kuwatro na naipulupot ni Louisse ang dalawang braso sa batok ng lalaki. Isiping bibitawan siya ni Zairus at mahulog mula sa kandungan nito.
"Stay still, Lena. Hindi pa kita bibitawan," tila pagbasa nito sa tumatakbo sa kan'yang isipan.
Bahagya na lamang napatango si Louisse saka kusang umayos sa kan'yang pagkakaupo sa kandungan nito. Pero laking gulat niya nang maramdaman niyang may matigas na bagay na tumama sa kanyang pwetan, saka niya narinig ang tono ng boses ni Zairus na animo'y galit. Napahawak pa ito nang mahigpit sa kan'yang braso.
"Z-zairus, may problema ba?"
Unconcious pa ring natatamaan ni Louisse ang bagay na iyon. Gusto niyang tumayo at alamin kung ang belt bang suot na pants ni Zairus ang natatamaan niya. Ngunit imbes na masaktan siya ay tila may kakaiba siyang nararamdaman.
"D-don't." Tila hirap na hirap na pahayag ni Zairus saka napunta ang kamay nito sa hita niya na ikinalaki ng kan'yang mga mata.
"Z-zairus."
Pigil niya ang hininga nang bigla na lang ibaon ni Zairus ang ulo nito sa kan'yang leeg. "Don't fucking move, Lena. Bago ibang pagkain ang makain ko."
May kung ano sa pakiramdam ni Louisse na hindi niya maintindihan. Mas matindi pa ang nararamdaman niyang init sa loob ng kan'yang katawan kaysa sa pag-iinit ng kan'yang pisngi kanina. Hindi pa nakakatulong na ramdam niya ang bawat buga ng hininga nito sa kan'yang leeg na nagdulot ng kiliti sa kan'ya.
Nang tila kumalma na ang paghinga ni Zairus ay inangat na nito ang ulo. Habang si Louisse naman ay hindi na mapakali dahil ramdam na ramdam niya ang bahagyang paghaplos ng lalaki sa expose niyang hita. Tuloy ay hindi niya matukoy kung sisisihin ba ang suot niyang damit na kalahati lang ng hita niya ang haba o ang mababang neckline ng dress na suot na ngayon lang naalala ni Louisse?
Nang kanina kasing naghahalungkat siya sa mga dalang gamit ay ang dress na iyon kaagad ang nakaagaw ng kan'yang pansin. Kulay pula iyon at plain lang, walang kahit na anong disenyo. Iyon ang unang beses na nagsuot siya ng ganoong damit. Nasanay kasi siyang hindi nakikitaan ng balat.
Dis-oriented pa si Louisse nang bigla na lang magsalita si Zairus. "I want to touch you, Lena."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro