CHAPTER 7
MASAYA si Louisse habang pinupulot niya ang ilang shells na nakikita. Nang makuntento sa mga nakuha ay tuluyan na siyang naupo sa buhanginan. Kahit ang white sand ay maganda sa kan'yang paningin. Sinulyapan niya lang saglit ang mga shells na inilagay niya sa maliit na balde bago muling tumingin sa dalampasigan.
Nanatili pa siya roon ng ilang oras matapos ang usapan nila ni Zairus, ngunit hindi na niya muli pa itong nakita. Ayon kay Misis Ocampo ay naging abala ito sa opisina na nasa ikatlong palapag ng hotel. Noon nalaman ni Louisse na kahit nagkaroon ng kundisyon sa mata ay nanatiling dedicated pa rin ang lalaki sa pagpapatakbo ng business nito. Tuloy ay nakaramdam si Louisse ng paghanga rito.
Naipilig na lamang niya ang ulo at pinagpagan ang buhangin na kumapit sa kan'yang palad. Akmang tatayo na siya nang makita ang anino sa buhangin.
"Why are you still here?" malamig ang boses ni Zairus sa kan'yang likuran.
Tuluyan na siyang tumayo at nilingon ang lalaki. Suot na muli nito ang shades. "Paano mo nalamang nandito ako?"
"I know your scent. Sinabi ko na sa'yo, Lena. Bulag lang ako pero napapagana ko pa rin ang ibang senses ko."
Tumango naman siya kahit hindi nito nakikita. Bigla ay naalala niya ang mga shells kaya kinuha na niya ang maliit na balde saka nagsalita. "Papaalis na sana ako kanina nang makita ko ang isang guest na may hawak na iilang shells. Nawili ako sa pagtingin sa kanila na hindi ko na napansin na pati ako ay namumulot na rin. Balak kong gamitin ang mga ito para gumawa ng anklet or bracelet."
Nangunot naman ang noo nito. "At kailan ka pa natutong gumawa niyan?"
Naglaho ang ngiting nakaguhit sa labi ng dalaga at tila siya binuhusan ng malamig na tubig. Sa sobrang sayang nararamdaman niya ay nalimot niyang si Lena nga pala siya sa lugar na iyon. Tumikhim siya at umiwas ng tingin.
"Masyado ka yatang abala. Hindi ba ako nakakaistorbo sa'yo?" pag-iiba niya ng topic.
Mula sa kan'yang peripheral vision ay nakita niyang inilagay ni Zairus ang dalawa nitong kamay sa magkabilang bulsa ng suot na black pants.
"No. Kung ako lang ang masusunod, I'll check you time to time."
Biglang pumihit ang ulo niya sa gawi nito saka bigla na lang naiusal ang salitang, "Bakit naman?"
Umigting ang panga ni Zairus. "I told you, I'll not give you another chance to run away from me."
"And I already told you too, Zairus, I'll not do that again."
"Let's see." Nakangisi ito na tila nanghahamon.
"Uuwi na ba tayo?" paglihis niya sa usapan.
Hindi niya na muling gugustuhing may masabi nanaman na makakapagpabago sa mood nito. Kagaya ng nangyari kanina.
"Iyan ang dahilan kung bakit kita hinahanap."
"What do you mean?" naguguluhang tanong niya.
"Hindi ako makakauwi. I'll stay here until tomorrow morning. Papunta na rito si Mang Ruben, siya na ang bahalang sumundo sa'yo at mag-uwi."
Sa maghapon ay nilibang ni Louisse ang sarili para malimutan ang isiping muli silang magkakatabi ni Zairus sa kama nito. Kaya nang marinig ang sinabi nito ay tila siya nabunutan ng tinik sa dibdib. Ngunit ang ginhawang nararamdaman niya ay naglaho at tila hinalukay ang kan'yang tiyan nang makitang naging tensyunado si Zairus.
"Zairus, may problema ba?" hindi na niya napigilang magtanong.
Laking pagtataka niya nang maging seryoso ang anyo ni Zairus at mukha na itong galit.
"It's really obvious that you don't want to sleep with me," anito. Napasinghap si Louisse at balak na sanang sumagot ngunit natikom niya rin ang bibig. "Why, Lena? Am I not still a boyfriend material for you? Dahil ba sa bulag na ako at hindi mo na kayang maipagmalaki?"
Napakurap siya. "Z-zairus."
"You said you were one of those people who dream for a rich man. Isn't it enough for you that I'm a billionaire and have a lot of business that can keep up with the world? You change of heart because of my condition, isn't it?"
Lalo lamang siyang naguguluhan dahil sa mga lumabas sa bibig nito. "T-teka, Zairus. Ano bang ibig mong sabihin?"
"Huwag na tayong maglokohan, Lena. Hindi kita nakikita pero mas malakas ang pakiramdam ng mga katulad ko. You're relieved when I told you that I'll stay here until tomorrow morning. So, it's an advantage for you because you will not sleep with me tonight."
Namangha si Louisse sa isinagot ni Zairus. Hindi naman niya magawang maitanggi na tama naman ang sinabi nito. Ngunit iyon ay sa kadahilanan na kung iisipin, kahit siya pa ang totoong Lena ay hindi pa sila p'wedeng magsama sa iisang k'warto. Lalo na at nakatatak pa rin sa kan'yang isipan ang habilin sa kanila ni Sister Cecilia. Iyon ay kailangan munang maikasal ng dalawang tao bago magsama. Nalipasan man na nang panahon ang paniniwalang iyon para sa iba, ngunit iyon ay pinanghahawakan pa rin ni Louisse.
Magpapaliwanag pa sana ang dalaga para matigilan lang nang kan'yang marinig ang tunog ng paparating na bangka. Napatingin siya roon at nakita ang pagdaong no'n sa pampang saka bumaba mula roon si Mang Ruben. Mabilis itong lumapit kay Zairus at humingi ng paumanhin na noon lang ito nakarating.
Isa kasi sa rason kung bakit hindi natuloy sa pagbalik si Louisse sa mansyon ay sa kadahilanang ni-rentahan ang dalawang personal na bangka na ginagamit pabalik ng mansyon. Nataon kasi na ang bangka na para sa mga guest ay nalaan sa ibang staff na sinamahan ang iba pang guest na maagang namasyal.
Nakita pa ni Louisse ang pagtango ni Zairus. Mababakas pa rin ang galit sa mukha nito. "Ihatid mo na si Lena sa mansyon, Mang Ruben."
Magsasalita pa sana si Louisse para tumanggi ngunit naitikom niya rin ang bibig nang tuluyan na silang talikuran ni Zairus. Nakita niya pa ang patakbong paglapit ni Gin sa huli, umagapay sa paglalakad nito. Napabuntong-hininga na lamang siya at saka tahimik na nagpatulong kay Mang Ruben na makasakay sa bangka.
MAAGANG nagising kinabukasan si Louisse. Tinotoo talaga ng lalaki ang sinabi nitong magdamag na hindi makakauwi. Kaya naman ay malaya siyang nakatulog sa sariling k'warto. Pati si Gin ay mukhang sa hotel din nagpalipas ng gabi.
Nang matapos sa kan'yang routine ay kaagad na bumaba ang dalaga. Dumiretso siya sa kusina at natagpuan niya na naghahanda pa lamang sila Manang Pasing at Lineth ng mga sangkap para sa mga lulutuin. Nang lingunin siya ng mag-tiyahin ay mababakas ang gulat sa mukha ng dalawa.
"Good morning," ngiting pagbati niya.
Nagkatitigan muna ang mga ito bago ang pagkagulat ay napalitan ng pagtataka.
"Bakit maaga kang nagising, Miss Ortigaz?" takang tanong ng matanda na siyang unang nakabawi sa pagkagulat.
Nang dahil sa tanong ng matandang babae ay lalong lumawak ang ngiti na nakapaskil sa labi ni Louisse. "Balak ko kasing ipagluto si Zairus, Manang. Pupuntahan ko siya sa hotel after nito. Tutal naman at wala akong planong gawin sa maghapon."
"Sige po," pagsang-ayon ni Manang Pasing.
Hindi hinayaan ni Louisse na maging tahimik ang pagitan sa kanilang tatlo. Kaya naman hindi na niya pinigilan ang sariling magtanong. "Ano po ba ang paboritong pagkain ni Zairus, Manang?"
Umalingawngaw sa apat na sulok ng kusina ang mahinang pagtawa ni Lineth na kasalukuyang nasa gilid lamang ni Manang Pasing.
"Ni ultimo paboritong pagkain ni sir ay hindi niya alam," komento nito.
Bulong lamang iyon pero sapat na para marinig ni Louisse. Nakita niya pang bahagyang siniko ni Manang Pasing ang pamangkin at pinandilatan ito ng mata. Bagay na naging dahilan nang pagnguso ni Lineth.
Naiilang na napangiti si Louisse at hindi na lamang inalintana ang pagkapahiya. Hindi niya inakalang mag-iiba ang ihip ng hangin. Kumpara sa unang tagpo nilang dalawa ay tila nag-iba ang pakikitungo nito sa kan'ya.
"Pasensiya na. Alam kong hindi ako mabuting kasintahan kay Zairus. But I'm doing my best as his fiancèe."
Narinig na lang niya ang pagtikhim ni Manang Pasing. Ngunit tila hindi pa rin nakuntento si Lineth. "Hindi mo naman maiaalis sa amin na mag-alala, Miss Lena. Isang taon ka ring nawala. Tapos nang nabulag pa si sir nang dahil sa'yo ay umakto kang masaya pa rin sa piling niya. Malamig man nga siguro ang pakikitungo sa'yo ni sir, pero hindi ibig sabihin no'n ay nagbago na ang nararamdaman niya sa'yo. Hindi katulad mo," mahaba pa nitong komento.
Lumarawan ang pagtataka sa mukha ni Louisse. Isang taon?
"Anong ibig mong sabihin, Lineth?" ngali-ngaling tanong ni Louisse kung hindi niya lamang napigilan ang sarili.
"Lineth, tama na." Mahinang pagsaway ni Manang Pasing sa pamangkin saka tumingin sa kan'ya. "Pasensiya na po, Miss Ortigaz. Marahil ay kulang lamang po sa tulog ang pamangkin ko kaya kung ano-ano ang mga nasasabi."
"Totoo naman ang sinabi ko," pagpupumilit pa rin ni Lineth ngunit kaagad ding naitikom ang bibig nang may babala na ang tingin na ibinibigay ng tiyahin nito.
Kahit naguguluhan ay tumango na lamang si Louisse, senyales ng pang-uunawa. "Huwag po kayong mag-alala, Manang Pasing. Wala lang po sa akin iyon."
Nang lingunin niya si Lineth ay nakita niya pa ang pagtaas nito ng kilay at pag-iwas sa kan'ya ng tingin. Sa pagkakataon na iyon ay pakiramdam ni Louisse na si Lineth na ang magiging daan niya para malaman ang nangyari noon sa pagitan nila Lena at Zairus. Gagawa siya ng paraan mapalapit lamang sa dalagita para makakuha ng impormasyon. Kahit na ba nakalarawan sa mukha nito ang disgusto sa kan'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro