Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

ANG buong akala ni Louisse ay sasakay sila sa daraanang elevator. Ngunit gano'n na lang ang pagtataka niya nang lumagpas sila at sa isang banda papunta. Tiningala niya ang salitang 'EXIT' na nakasulat sa itaas. A man standing on the side of the double door open the one door for them to exit the hotel.

"Kanina pa rito sa loob ng hotel si Mr. Montell. Inaalam niya lamang ang lagay namin. Pero mas pinili niyang sa labas na lang kayo kakain."

Bigla ay nagsalita ang matandang babae. Bagay na naging kasagutan sa tanong ni Louisse.

Naglakad pa sila hanggang sa makita na niya ang mga bahay na natanaw kaninang nasa harapan sila ng hotel. Gawa ang mga iyon sa concrete at wooden materials. Pansin niya pang may isang bahay na gawa sa one-way glass, dahil hindi niya maaninag ni maski furniture sa loob.

Nahagip ng kan'yang mga mata pati na rin ang mga bahay-kubo sa gilid-gilid. Bagay na sa mga probinsya na lamang nakikita, dahil modern houses na ang ipinapatayo sa Manila. Lumiko pa sila na sa hinuha niya ay papuntang seaside. Ang puting tela na tumatabing sa mga nakahilerang lamesa ay tinatangay ng hangin.

Mula sa pagtingin doon ay naagaw ang pansin ni Louisse ng suot niyang summer dress. Maski iyon ay tinatangay na rin ng hangin. Masyadong presko sa islang iyon at kung hindi niya hahawakan ang suot ay tiyak na makikitaan siya, bagay na kan'yang ginawa. Nasa gano'n siyang ayos nang biglang huminto si Misis Ocampo, kaya pati siya ay napahinto na rin.

Sa pag-angat niya ng kan'yang ulo ay napako ang kan'yang mga mata sa taong prenteng nakaupo sa dulo ng pangdalawahang mesa - ang isang Zairus Montell. He's wearing shades that seemed to avoid others from knowing the truth about his condition. Ngunit kahit ganoon ang kalagayan nito ay patunay pa rin ang mga taong nakahilera sa likod ni Zairus na isa itong makapangyarihan at mayamang tao.

Hindi lamang iyon ang nakaagaw ng pansin ni Louisse. Sa harapan nila, sa mismong mesa, nakahain na ang masasarap na pagkain. Mayroon din bote ng wine na nakalagay sa ice bucket at tig-isang wineglass ang inihanda sa tabi ng tila isang mamahaling plato ng bawat isa.

"Mr. Montell, narito na po si Miss Ortigaz," imporma ni Misis Ocampo.

Tila naging pahiwatig iyon kay Zairus kaya tuluyan na itong tumayo. Sumenyas sa kan'ya si Misis Ocampo kaya naglakad na si Louisse papunta sa gawi ng lalaki. Sabay silang pumihit paharap sa mga taong nakahilera na noon ay nilapitan na ni Misis Ocampo.

"I want to formally introduce all of you to my fiancèe, Manuella Ortigaz. You can call her Lena. You will be all incharge to her as we stay here for vacation."

Bumundol ang kaba sa dibdib ni Louisse. Ngunit may mga tanong din na pilit nagsusumiksik sa kan'yang isipan. Iyon pa lang ba ang unang beses na ipinakilala si Lena bilang fiancèe nito? Hindi man lang ba nag-abala ang lalaki noon na ipakilala ang kan'yang kaibigan bilang nobya nito sa mga hotel staff?

"Welcome to Britannica Springs, Miss Ortigaz. Let me introduce to you the hotel staff," panimula ni Misis Ocampo.

Louisse forced herself to forget even for a moment the questions lingering in her mind. She even raise her forehead to show that she's not affected on what's running on her mind and just block it. Then, she give her full attention to Mrs. Ocampo. But later on, she got distracted when she suddenly felt Zairus caress her arm, because one of his hands was already wrapped around his waist so he could do it freely.

"These are the security team, Miss Ortigaz," itinuro ng matanda ang mga lalaking nakasuot ng navy blue na nang bilangin ni Louisse ay nasa sampu.

"While these our the maids," pagturo naman nito sa hilera ng mga babaeng nagawa pang yumuko sa harapan nila. "Sila ang incharge sa housekeeping. Maaari rin po kayong tumawag sa amin in case man na makulangan po kayo ng mga taong pormal na naglilinis sa bahay ni Mr. Montell. And these our online teams. Bilang lamang po ang nakakapasok rito sa Britannica Springs for security purposes na rin po, and they are incharge to the email if either the family or even the relatives of who stay here wanted to have a reservation."

Isa lamang ang pumasok sa isipan ni Louisse habang ipinapakilala sa kan'ya ang mga hotel staff. Exclusive lamang ang Britannica Springs sa mga taong may pahintulot na makapasok at maaaring manatili roon. If it's because of protoccols of Mr. Montell? She didn't have any idea about it.

Nagpatuloy pa ang matanda sa pagpapakilala sa mga natitira pang nakahilera. Mga waiter, waitresses, bellboys, front desk and pati na rin ang dalawang incharge sa bangka na ginagamit papunta roon pabalik sa mansyon.

Matapos na ipakilala sa kan'ya ang lahat ng hotel staff ay bumalik na rin ang mga ito sa kani-kanilang mga trabaho. May mga nagpakilala pa sa kan'ya ngunit sa pag-alis ng mga ito ay nakalimutan niya na rin ang mga pangalan ng bawat isa at tanging hitsura na lamang ng mga ito ang kan'yang natatandaan.

May isang waiter ang naiwan sa kanila na sa hinuha niya ay ang magsisilbi para sa kanila. As a gentleman he is, ipinaghila pa siya ng upuan ng lalaki. Nang makaupo na rin si Zairus sa kan'yang harapan ay kumilos na ang waiter upang magsalin ng kanilang inumin.

"You two can now leave us. I want to spend this moment with me and my fiancèe alone," ani Zairus.

Nagkatinginan pa ang waiter at si Misis Ocampo bago tumango ang dalawa. "Just call me Mr. Montell if you still need anything," pormal na pahayag ni Misis Ocampo saka sabay na yumuko ang dalawa at umalis na.

Louisse couldn't stand it anymore, she drink from her own glass because it seems that her throat felt dry. She was even a little shocked when her lips and teeth seemed to be affected by the cold water. Nang mapansin ang nanginginig na kamay ay ibinaba na niya ang baso sa mesa. Hanggang sa marinig niya ang pagtikhim ni Zairus.

"I know you have a lot to ask or even say, Lena. Bulag nga siguro ako pero pinapagana ko pa rin ang mga natitirang senses ko to reach you out. So, speak up."

Gustuhin man niyang batuhin ng maraming katanungan ang lalaki ay kan'ya na lamang pinigilan ang sarili. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. At isa pa, hindi pa iyon ang tamang panahon. Baka sa isang pagkakamali niya lang ay malaman nito ang katotohanan at ipatapon siya pabalik sa Manila. Hindi pa iyon maaaring mangyari dahil hindi niya pa naisasakatuparan ang kan'yang misyon. Idagdag pa na hindi pa siya handang balikan ang masakit na pangyayari sa buhay niya.

Arthur... Naipikit niya ang mga mata nang biglang bumalik sa alaala ang pag-iyak niya noon sa bridal car, pati na rin ang tagpo sa hospital. Pasimple siyang huminga at muling iminulat ang mga mata. Napasinghap siya nang bumungad sa kan'yang paningin na hindi na suot ni Zairus ang shades nito at waring hinihintay siyang magsalita. Tuloy ay napatingin siya bigla sa paligid.

Kahit may mga bakante pang p'westo na maaaring kainan ng mga guest ay walang nagtangka na lumapit sa gawi nila. Sila ang nasa pinaka-dulong bahagi at ang iba ay malayo na sa kanila. At sa tingin niya, ang ibang guest ay sa loob ng hotel kumakain ng breakfast.

Noon na talaga nakumpirma ni Louisse ang kan'yang hinala. Walang balak si Zairus na ipaalam sa ibang tao ang kalagayan nito. Sa kan'yang palagay ay mga piling tao lamang ang nakakaalam sa tunay na kundisyon ng lalaki. Kaya rin mahigpit ang Britannica Springs sa mga taong makakapasok lamang ay dahil ang security purposes na binanggit kanina ni Misis Ocampo ay para sa seguridad ni Zairus at hindi ng isla. They make sure that those people who stayed in the island will shut their mouth, so no one will spread humor about him.

"Lena?" pagtawag pansin sa kan'ya ng lalaki.

"K-kumain na tayo. Baka lumamig na ang pagkain. Alam kong kanina ka pa naghihintay at gutom na rin naman ako."

Umigting lamang ang panga nito ngunit wala naman siyang narinig na pagtutol. Kaya pareho silang tahimik na pinagsaluhan ang pagkain.

"Inilipat kita sa kuwarto ko kagabi," pagbubukas nito ng topic.

Nagpapasalamat si Louisse na ang lalaki na ang kusang nagbukas ng usapin patungkol sa bagay na iyon. Dahil hindi niya yata kakayanin na itanong iyon kay Zairus kahit na ba kating-kati na siyang magtanong.

"Bakit?" pinalabas niyang walang gana ang boses, hindi niya gustong ipahalata na kanina pa tumatakbo iyon sa kan'yang isipan.

Sandali lamang pinunasan nito ang gilid ng labi gamit ang table napkin. "From now on, you will be sleeping on my bed."

Napasinghap ang dalaga, hindi makapaniwala sa sinambit nito. "Pero ikaw na rin ang nagsabi na may sarili akong kuwarto, Zairus. Hindi natin kailangang magsama sa iisang kuwarto. You have a lot of rooms in your house. Kahit nga sa staff house na lang ako matulog ay ayos lang."

"Bagay na hindi ko pahihintulutan, Lena."

May pinalidad ang boses ni Zairus, waring ipinapabatid nito sa kan'ya na walang anuman o sinuman ang makakapagpabago ng desisyon nito. "You're my fiancèe. Matapos lang ang eye transplant ko ay matutuloy na ang kasal natin. Might as well enjoy ourselves being together."

"P-pero habang hindi pa naman tayo kasal ay maaari pa naman tayong magkahiwalay ng kuwarto. Dapat nga ay hindi tayo nagsasama sa iisang bahay lalo na at hindi pa naman tayo kasal," giit niya.

Tila tuluyang nawaglit sa kanilang isipan na kumakain sila sa mga oras na iyon.

"Then what, Lena? You will run away again? I'll not let that happen," anito saka pinagsalikop ni Zairus ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa.

Frustrated namang humugot ng hininga si Louisse. "Hindi ako tatakbo, Zairus. Can you trust me for once?"

Dumilim nang tuluyan ang mukha nito. Nakagat ni Louisse ang ibabang labi sa isiping tuluyan niyang nasira ang mood ng lalaki.

"Hindi lamang kita pinagkatiwalaan ng isang beses, Lena. Alam mo iyan. Pero anong nangyari? You ended up hurting me," may pait sa boses nito.

"Pero dahil sa sobrang mahal kita ay hinayaan ko lang iyon. Hinayaan ko na gawin mo ang lahat ng gusto mo dahil alam kong babalik ka sa akin. At alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin mo, nandito ako, maghihintay na bumalik ka sa akin. Isa lang naman ang hiniling ko sa'yo, Lena. Kapalit ng kalayaan mo ay ang pananatili mo sa tabi ko."

Iyon na yata ang pinakamahabang sinabi ni Zairus, bagay na lalong dumagdag sa kuryusidad ni Louisse. Nasasaktan siya para sa mga salitang binitiwan ng lalaki. Ngunit sa kabilang parte niya ay naghuhumiyaw na hindi magagawang saktan ni Lena ang nobyo. Alam niyang mahal na mahal ito ng kaibigan.

Alam niya nga ba talaga? O baka naman talagang ang katotohanan ay nasakal na ang kaibigan? Lalo na at ang kapalit ng kalayaan nito ay ang pananatili nito sa tabi ng lalaki? Hindi ba't hindi pa rin matatawag iyong kalayaan?

"B-but this time, I'll not run away again," bulong lamang iyon na lumabas sa kan'yang bibig.

Hindi matukoy kung sino nga ba ang pinapaniwala niya. Dahil alam naman niyang kapag natapos na ang misyon niya ay maglalaho rin siyang parang bula sa buhay nito.

Sumandal ang lalaki sa upuan at kahit hindi siya nito nakikita ay para bang nasusuri nito ni ultimo kaluluwa niya.

"Pero hindi niyan mababago ang desisyon ko. You will sleep in my bed, in my arms, Lena. That's final." Iyon lamang at muli nitong isinuot ang shades at tumayo na. "Kung sakaling uuwi ka na ay tawagan mo lamang si Misis Ocampo. Ipapahatid ka niya kay Ruben."

Wala nang nagawa pa si Louisse kung hindi tanawin na lang ang papalayong bulto ni Zairus. He's acting like there's no problem about him. Naglalakad itong walang kaagapay, ni kahit tungkod man lang o maski umaalalay dito ay wala.

Ilang beses na napakurap si Louisse nang may pumatak na luha sa kan'yang pisngi. Mabilis niya iyong pinunasan at kan'yang pinaniwala ang sarili na tubig lamang iyon na nanggaling sa kung saan at tumulo sa kan'yang pisngi. Ngunit nang sumagi sa kan'yang isipan na muli siyang matutulog sa kama ni Zairus ay kan'yang nasabunutan ang sariling buhok.

Hindi niya maipagkakaila sa sarili na sa kauna-unahang pagkakataon ay noon niya lamang naramdaman ang comfort sa bisig ng isang estranghero. Ngunit kahit saang anggulo tingnan ay mali na kan'yang maramdaman ang bagay na iyon na tila ba normal niya iyong gawain. Dahil kahit nagpapanggap siya bilang Lena ay hindi pa rin tama na sa iisang kama sila natutulog ni Zairus.

Napatingin na lamang si Louisse sa magandang tanawin ng isla saka napabuntong-hininga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro