CHAPTER 46
HINDI maintindihan ni Zairus ang sarili. May kaba siyang nararamdaman pero hindi niya alam kung para saan. Panatag naman siyang kausap si Louisse kanina ngunit pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda.
Ipinilig na lang niya ang ulo saka nag-focus sa pagpirma ng mga papeles na nasa ibabaw ng kan'yang desk. Makakapal ang mga iyon at naipon dahil ilang araw rin siyang nawala simula nang dalhin niyang muli si Louisse sa kan'yang isla.
Nabalik siya sa reyalidad nang tumunog ang telepono sa kan'yang gilid. Napabuntong-hiningang binitawan niya ang papeles na hawak, pati na rin ang suot-suot na eyeglasses. Sandali niya pang hinilot ang sintido bago napagpasyahang kunin ang telepono at ilagay sa kan'yang tainga.
"Zairus speaking!"
[Yo!]
Nangunot ang noo niya nang makilala ang taong nasa kabilang linya. Ang alam niya ay busy ang lalaki sa mag-ina, kaya nga ito pansamantalang nag-leave sa trabaho.
"What do you need?"
[Wow!] amusement will be heared from Ezekhiel's voice. [Don't you miss me?]
"Ibababa ko na ang telepono kung wala kang magandang sasabihin," seryosong babala niya sa pinsan.
[Chill! Tinalo mo pa ang nagmi-menopause na babae niyan.]
Sandaling tumahimik ang kabilang linya. Hindi rin naman nangahas si Zairus na magsalita. Hanggang sa marinig niyang muli ang boses nito.
[Well, I just called because it's just feel weird that Reese was being silent for this past week.]
Nang mabanggit nito ang pangalan ng lalaki ay tila bumalik ang kabang nararamdaman ni Zairus kanina. Hindi man niya gustong pagtuunan ng pansin ang sinabi ni Ezekhiel pero tama naman ito. Walang araw na hindi bumibisita si Reese sa kumpanya para lang guluhin siya. May mga ilang beses pang bigla na lang siyang nakakatanggap ng tawag mula rito para lang asarin siya, which he found childish act of the man.
"Isn't it a good thing?" He said it as if he's unbothered then he rest his back to the swivel chair.
[I don't know. Mas gusto ko pa yatang palagi kayong nagbabangayan kasi atleast alam natin kung ano ang ginagawa at kung anong pinaplano niya. Hindi tulad ngayon na ilang araw na siyang walang paramdam. Alam mo naman kung gaano kalalim ang galit at inggit no'n sa'yo. Nag-aalala lang ako.]
He sighed. "Just focus on your family, Khiel. I'm hanging up the call."
Ezekhiel was about to say something but he already hang up the call.
Ilang oras na rin ang lumipas ngunit hindi na niya magawang mag-focus sa trabaho. Kaya buntong-hiningang kinuha niya mula sa drawer ang cellphone. May pinindot siya mula sa screen saka niya pinagmasdan ang nakuhanang footage. Hindi man niya gustong gawin ngunit naglagay siya ng security camera sa bahay kung saan namamalagi si Louisse.
Napatayo siya nang may lumabas na pamilyar na lalaki mula sa bahay, kasabay nito si Louisse.
"Damn it!"
Nagmamadaling kinuha niya ang susi ng sasakyan saka tinawagan ang numero ni Ezekhiel. Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag. Bago pa ito makasagot ay nagsalita na siya.
"We need to go somewhere, Khiel. I'll send you the location. Bring your men with you. I'll be needing them to get back someone who's important to me that was stolen by this rat."
Hindi na niya hinintay na sumagot pa ito at nagmamadali na siyang lumabas ng kan'yang opisina. Ramdam niya ang galit na umuusbong na sa kan'yang puso pero pinipilit niya pa ring kumalma.
It's a good thing that he installed that camera. "Don't you dare lay your finger to my woman, Reese! I will never forgive you if you dare." Hindi na niya napigilan maisatinig nang sumakay siya sa elevator.
TAHIMIK ang buong bahay nang pasukin nila iyon. Isa sa mga tauhan ni Ezekhiel ang lumapit sa nakahandusay na lalaki sa sahig saka ito tumingin sa gawi nila.
"Boss, humihinga pa siya."
Sumenyas lang si Ezekhiel kaya naman walang pagdadalawang isip na binuhat nito ang nakahandusay na lalaki palabas ng bahay. Habang si Zairus ay inilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Mas lalo lang nagngingitngit sa galit ang kan'yang kalooban maisip lang na may ginawang masama si Reese sa babaeng minamahal.
"Halughugin niyo ang buong bahay. Tingnan niyo kung may iba pang tao rito," utos ni Zairus sa ibang mga tauhan ng pinsan.
Huminga siya ng malalim saka inakyat ang hagdan papunta sa silid na naaalala niyang pinasok niya no'n kung saan niya natagpuan si Louisse. Katahimikan ang bumungad sa kan'ya ng pasukin niya ang silid.
Bago pa siya muling makahakbang ay narinig niya ang boses ng isa sa mga tauhan ni Ezekhiel. "Boss, may mga iba pang mga taong nandidito."
Malalaki ang hakbang na tinungo ni Zairus ang pinanggalingan ng boses ng mga ito. Bumungad sa kan'ya ang dalawang taong nakabusal ang mga bibig at nakatali ang mga kamay, magkatalikod ang mga ito. Mas una niyang nilapitan ang babaeng pamilyar sa kan'ya. Mabilis niyang tinanggal ang busal sa bibig nito, pati na rin ang piring sa mga mata.
"Z-zairus," hindi makapaniwalang bigkas nito sa kan'yang pangalan. "A-anong ginagawa mo rito?"
Imbes na sagutin ang tanong ni Eya sa kan'ya ay binato rin ito ni Zairus ng tanong. "Where's my wife? Where's Louisse?"
Doon lang ito tila natauhan. "Save her. Save her, please." Nagmamakaawa ang bakas ng boses nito, pati na rin ang kislap ng mga mata.
"I will," tipid niyang sagot saka na tumayo. "Kalagan niyo sila saka kayo sumunod sa akin."
Tumalikod na siya saka lumabas sa kuwartong iyon. Akma na siyang muling bababa ng hagdan nang tumunog ang cellphone sa kan'yang bulsa. Hindi siya nagdalawang-isip na kunin iyon dahil kutob niya ay galing ang tawag sa taong hinahanap nila.
Unknown number ang bumungad sa kan'yang screen pero wala siyang pag-aalinlangan na sinagot ang tawag at inalagay sa kan'yang tainga ang cellphone.
[Long time no see, Zairus.]
"Where are you?" He seriously asked.
[Aww. Hindi mo man lang tinanong kung kumusta na ako. That hurts me. Anyway, mukha namang excited kang makita ako. Don't you?]
"Cut the chase, Reese. I knew you did not call me just for chitchats. Nasaan ang mag-ina ko?"
[Don't worry, magkakasama rin kayong tatlo. Why don't we play for a little, huh?]
Naikuyom niya ang kamao. "Just send me the location and I will go there."
Si Reese ang unang nagpatay ng tawag saka siya nakatanggap ng text mula rito. Mabilis pa sa alas-kuwarto ang naging galaw ni Zairus nang mabasa ang ipinadalang mensahe nito. Nakasunod lang sa likod ng lalaki ang apat na tauhan ni Ezekiel pati na rin ito.
Tukoy ni Zairus ang lugar na kalakip ng mensahe ni Reese kaya siya na ang nagmaneobra ng sasakyan papunta roon. Habang lumilipas ang minuto ay mas lalo lamang siyang hindi napapanatag para sa kan'yang mag-ina. Lumuwag ng bahagya ang kan'yang pakiramdam nang tuluyan nilang marating ang warehouse.
Sa labas pa lamang ay may tatlong armadong lalaki na ang nakabantay sa nasabing warehouse. Kaya natitiyak ni Zairus na maraming tauhan si Reese ang kailangan nilang mapatumba bago niya magagawang makita ang kan'yang mag-ina. Ngunit gagawin niya ang lahat, mailigtas lamang ang mga ito sa kamay ng lalaki.
PILIT pinatatag ni Louisse ang kan'yang loob kahit tila nginangatngat na sa sobrang kaba ang kan'yang dibdib. Natitiyak niyang tatlong oras na simula nang lisanin nila ang hideout. Magpa-hanggang sa oras na iyon ay nakatali pa rin sa kan'yang likuran ang kamay habang nakapiring pa rin ang kan'yang mga mata.
Maya-maya lang ay may marahas na kamay ang nagtanggal sa piring sa kan'yang mga mata. Kinailangan niya iyong ipikit-ipikit para makapag-adjust sa liwanag ang kan'yang mga mata, saka niya pa lang napansin na lahat ng tao sa kuwartong kanilang pinasukan ay nakabaling ang tingin sa kan'ya.
Mula sa kan'yang peripheral vision ay nakita niya ang isang malaking monitor, nakapatay pa iyon pero tila may hinihintay na ipalabas mula ro'n ang mga armadong lalaki na nasa harapan no'n.
Nakuha ang atensyon niya ng yabag sa kan'yang likuran saka niya naramdaman ang pag-akbay ng kamay ng kung sino sa kan'yang balikat. Tila gusto niyang magwala nang marinig ang boses ni Reese.
"This is Louisse Anastacia Alejo. I want you all to familiarize with her face. Since she's the most..." sadyang pinabitin ng lalaki ang sinasabi kaya napilitan si Louisse na iangat ang tingin para lang masalubong ang nakakaloko nitong tingin sa kan'ya, nagawa pa ng lalaki na ngumisi. "...precious person to Zairus."
Nang lingunin niya ang mga armadong lalaki, iisa lamang ang nakikita niya sa mga mata ng mga ito — pagkamuhi. Natitiyak ni Louisse na maiging pinagplanuhan ni Reese ang pagkidnap sa kan'ya, natitiyak niya ring inipon nito ang mga taong may galit kay Zairus para maghiganti. Bagay na hindi niya maintindihan kung bakit nito ginagawa. Tanda niya pa noong kasal nila Ezekhiel at Sachza ay iba ang naging asal nito sa harapan nila ni Zairus, pero hindi niya akalaing sukdulan ang galit nito sa lalaki.
Sandaling naglaho ang iniisip ni Louisse nang maramdamang tinanggal na ni Reese ang kamay sa kan'yang balikat saka ito biglang pumalakpak. "The show is about to start," anito saka siya muling nilingon. "Watch carefully, darling."
Mas lalong hindi nagustuhan ni Louisse ang bakas ng mukha ni Reese. Mas lalo lang din kumakabog sa sobrang kaba ang kan'yang dibdib. "Sumama ako sa'yo para makita ang anak ko. Bring me to him," paglalakas-loob niyang sambit.
"Later," ani lang nito saka nilingon ang lalaking kanina pang nasa likuran niya. "Untie her," utos nito saka muling nilingon ang mga armadong lalaki na kapwa nakatutok na ang mga tingin sa nakapatay pa ring monitor. "Kayo na ang bahala sa kan'ya. I'll just be in the other room." Sabay-sabay lamang tumango ang mga ito.
Nagtatagis ang bagang ni Louisse nang kindatan lang siya ni Reese saka na siya nito nilampasan. Emosyonal na sa mga oras na iyon si Louisse sa sobrang pag-aalala sa anak. Habang lumilipas ang bawat minutong hindi niya ito nakikita ay parang pinipiga sa sakit ang kan'yang puso at mas lalo lamang tumitindi ang pag-aalala niya. Especially that she doesn't have a clue what Reese capable to do.
Nang makalag ang tali sa kan'yang kamay ay sapilitan siyang itinulak ng lalaki at pinaupo sa mono block chair, sa likuran ng mga armadong lalaki. Maya-maya lang ay bumukas muli ang pinto, buong akala ni Louisse ay papasok muli si Reese pero gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang iniluwa ng pinto si Tonyo. Gano'n pa rin ang lagay nito, bugbog-sarado, balot sa pasa ang mukha at putok ang labi. Ni hindi man lang nag-abalang ipagamot ito ni Reese.
Kahit may galit siya kay Tonyo dahil sa nagawa nito sa kanilang mag-ina ay hindi pa rin maaatim ni Louisse na makita ito sa ganoong estado. Kaya nang tumumba ang lalaki ay hindi siya nagdalawang-isip na takbuhin ang distansiya nila para alalayan itong makatayo.
"L-louisse," it came out in his mouth as a whispered.
Inalalayan niya si Tonyo na makaupo sa inupuang mono block chair kanina. Hindi rin nagtagal ay nawala ang pokus niya sa lalaki nang bumukas na ang monitor at naghiyawan ang mga lalaking nasa loob ng kuwartong iyon.
Naikunot ni Louisse ang noo nang makita ang mga armadong lalaki na natitiyak niyang nasa warehouse. Pero gano'n na lang ang pagkabog ng dibdib niya nang makita kung sino ang nahagip sa monitor.
Tila hirap na hirap huminga si Louisse. Kung hindi lamang siya napahawak sa sandalan ng mono block chair ay natitiyak niyang bubuwal ang kan'yang katawan.
"Z-zai." Her body trembled as she said his name.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro