Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 37

PILIT na pinakalma ni Louisse ang sarili habang nakaharap sa salamin. Kanina niya pa naisuot ang red contact lens kaya sunod naman niyang isinuot ang rubber mask. Kahit makati iyon sa mukha ay kan'ya na lamang tiniis iyon. Nang matapos makapagsuot ng panibagong damit ay saka niya itinapon sa malapit na basurahan ang damit na suot niya kanina.

Huling tingin sa salamin ay tuluyan na siyang lumabas sa pampublikong banyo. Luminga-linga sa paligid at nakahinga ng maluwag nang masiguro niyang walang nakasunod sa kan'ya. Hindi niya matukoy kung sini-swerte nga lang ba siya na nakatakas mula kay Tonyo kanina? O hinayaan talaga siya nito na makatakbo?

Nang biglang pumasok sa isip niya ang anak ay kaagad niyang kinapa mula sa bulsa ng suot niyang faded jeans ang de-keypad na cellphone. Mabilis niyang hinanap sa contact number ang numero ng resthouse. Ilang ring pa ay may sumagot na.

"This is Louisse," kaagad niyang pagpapakilala.

[Louisse.] Boses iyon ni Eya. [Nasa Manila ka na ba? Ayos ka lang ba?]

"Oo. Nandito na ako sa Manila. Nandyan ba si Alexandros? Gusto ko siyang makausap."

Sandaling tumahimik ang kabilang linya bago narinig ni Louisse ang boses ng anak.

[Mom. Are you okay?]

Noon pa lamang napatanag ang loob ni Louisse.

"I'm okay, baby. How are you?"

Nagsimula na siyang maglakad habang hawak pa rin sa isang kamay ang cellphone.

[I'm fine, mom. By the way, Tito Drake and Tita Suzy is here.]

Muling napahinto sa paglalakad si Louisse dahil sa naging pahayag ng anak. Bago pa siya makahuma ay may nagsalita na mula sa kabilang linya.

[Hey!]

"Suzy!" Hindi makapaniwalang bulalas niya.

[It seems that you miss me, girl.]

Napangiti siya sa sinambit ng babae, pero naglaho rin iyon nang biglang may maalala. "Bakit ka napadpad ng Pinas, Suzy? Kailan ka pa bumyahe papunta riyan?"

[Kanina lang. Si Drake ang sumundo sa akin.] Sandaling tumahimik ang kabilang linya bago niya nahimigan na naging seryoso ang boses nito. [Louisse.]

Rinig niya ang paghugot nito ng marahas na hininga bago muling nagsalita. [For sure, alam mong nasa Pinas na rin si kuya. Kaya ako rito napauwi ay dahil nandito na siya. At ikaw talaga ang puntirya niyang puntahan.]

"Nagkita na kami kanina."

[Ayos ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan? I think it's better if you go back here.]

Umiling naman siya kahit hindi siya nito nakikita. "I'll stay here for atleast one week, Suzy. I had a promise with Alexandros. I'll bring him his dad."

Tuluyan na nitong ibinaba ang tawag matapos siyang habilinin nito na mag-iingat. Habang sumakay naman siya ng jeep patungong Kundiman. Sa biyahe ay nagpaplano na siya sa susunod na hakbang. Ngayon na nasa Manila na rin si Tonyo ay kailangang mas maging maingat pa siya. Kailangan niya munang masabi ang buong katotohanan kay Zairus bago pa mahuli ang lahat. Nang marating ang lugar ay bumaba na si Louisse. Muntik na siyang mabangga ng mga batang naghahabulan kung hindi lamang niya mabilis na naiwas ang sarili.

May kalayuan ang Kundiman sa kan'yang apartment, kaya sigurado siyang ilang araw pa bago maisipan ni Tonyo na roon siya napadpad. Nagsimula na siyang naglakad at nagtanong-tanong doon ng bedspace for rent.

"1,500 ang downpayment. Kasama na ang ilaw at tubig," ani ng matabang babae, ito ang landlady ng bahay na itinuro sa kan'ya ng may-ari ng tindahan sa kanto.

Nang makuha ang tamang amount ng pera mula sa kan'yang wallet ay ibinigay na iyon ni Louisse sa babae. Binilang pa nito iyon bago iabot sa kan'ya ang susi.

"Tatlo kayong tenant diyan. Ayoko ng maingay lalo na sa gabi. At mas lalo na ang magdala ng lalaki."

Nang tumango siya ay saka pa lamang ito naglakad at tuluyan na siya nitong iniwan do'n. Bumungad sa kan'ya pagkapasok niya ng bahay ang babae na abala sa pagkutkot nito ng kuko. Bigla ay inangat nito ang ulo at sinalubong ang kan'yang mga mata. "Hi!" anito. "I'm Jannice."

Matipid naman siyang ngumiti, saka saglit niyang inilapag ang bag sa kamang itinuro nito at muling nilingon ang babae. "I'm Louisse."

"Mukhang bago ka lang dito ah," komento pa nito.

"Ah, oo. May dati akong apartment kaso napagbenta na."

Tumango-tango naman ito. "Anong pinunta mo rito?"

Sandali siyang natigilan. "Magbabagong buhay."

Napangisi naman ang babae saka na ulit pinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka naman kriminal?"

"Hindi," naiiling niyang sagot. "Siya nga pala," muli niyang pagkuha sa atensyon nito, kinapalan na niya ang kan'yang mukha. "May alam ka bang mapapasukan?"

"Sakto iyang tanungan mo. Naghahanap kasi ng makakatulong ang tita ko sa flower shop niya. Keri mo ba?"

Lumiwanag naman ang kan'yang mga mata. "Oo. Kaya ko 'yan."

Sandali nitong hinipan ang kuko saka na tuluyang tumayo. "Tara! Ipapakilala kita sa kan'ya."

Kaagad naman siyang sumunod sa babae pagkatapos niyang tanggalin ang suot na rubber mask. Natigilan lang siya nang bigla itong sumigaw. "Tonyo!"

Nanigas ang katawan ni Louisse. Unti-unti ay nilingon niya ang likuran, nakahinga siya ng maluwag ng isang payat na lalaki ang papalapit sa kanila.

"Dalhin mo kami kay Tita Oswald. Dalhin mo motor mo, ha? Doon ka na namin hintayin sa kanto."

Nang tumango ang lalaki ay muling naglakad si Jannice. Nakita niya pang bahagya itong natigilan nang lingunin siya. Marahil ay nagtaka ito dahil iba ang hitsura niya kanina nang dahil sa suot na rubber mask. Ngunit nagpatuloy din naman ito sa paglalakad kaya mabilis siyang sumunod sa babae.

Kagaya ng sinabi ni Jannice kanina ay sa kanto nga nila hinintay si Tonyo. Kaagad silang sumakay nang inihinto nito ang tricycle sa kanilang harapan. Malayo-layo rin ang naging byahe nila bago narating ang isang flower shop.

Daily Flower Shop. Pagbasa ni Louisse kan'yang isipan sa pangalan ng shop na nasa kanilang harapan.

Muli lamang siyang sumunod kay Jannice nang dire-diretso itong naglakad at buksan ang sliding door. Sinalubong sila ng mababangong amoy ng bulaklak sa loob. Habang bumungad naman sa kanila ang isang ginang na abala sa pag-i-spray sa bulaklak na nasa paso.

Muntik pang mapaatras si Louisse nang tuluyang humarap sa kanila ang ginang. Nakakatakot ang mga mata nito dahil sa sobrang kapal ng eyeliner, pati ang eyebrow nito ay masyadong makapal na sa hinuha ni Louisse ay ginuhit lamang. Masyado ring masakit sa mata ang sobrang kapal at pulang-pula nitong lipstick.

"Louisse, this is Tita Oswald, ang may-ari nitong flower shop," pagpapakilala ni Jannice sa ginang.

Tipid namang ngumiti si Louisse. "Good afternoon po," magalang niyang pagbati rito.

Hindi niya maiwasang mailang nang pasadahan siya nito ng tingin, mula ulo hanggang paa.

"Tita, huwag niyong tinatakot ang bagong tenant. At isa pa, fit siya para maging assistant mo rito."

Malakas namang pinalo ng ginang sa braso si Jannice. "Sinabi ko na kasi sa'yo na ikaw na lamang ang tumulong sa akin dito sa shop. Hindi ko naman kailangan ng assistant-assistant na 'yan, saka alam mo namang marami na akong kakumpetensyang gaya-gaya ngayon. Anong ipapasweldo ko riyan?"

Hindi na nakatiis pa si Louisse at sumingit na siya. "Ayos lamang po sa akin kung isa or dalawang linggong walang sahod. Kahit makakain lang po ay ayos na."

Nagkatinginan ang magtiyahin, bago tumikhim ang ginang. "Sige at mukha namang nangangailangan ka ng trabaho. Bukas ng 8am sharp ay dapat nandito ka na," anito saka may ibinigay sa kan'yang susi. "Hindi ako nagkokolekta ng mga papeles kemi kaya naman ay hire ka na. Isa lang ang ayoko at iyon ay ayoko ng late, okay?"

Tumango naman siya at malapad na ngumiti. "Maraming salamat po."

"Oo na. Umalis na kayong dalawa at naaabala niyo na ako."

Nagawa pang humalik ni Jannice sa pisngi ng tiyahin bago sila naglakad na palabas.

"Maraming salamat, Jannice," aniya sa babae nang muli na silang makasakay ng tricycle.

"Walang anuman. Hindi ko lang naman ginawa iyon para sa'yo. Syempre ay para na rin sa akin. Para hindi na ako guluhin at tantanan na talaga ako ng tuluyan ni Tita Oswald. Mukha ka namang mapagkakatiwalaan kaya napapayag mo ang Tita ko."

"Kapag nakaluwag-luwag ako ay ililibre kita."

"Sige ba. Aasahan ko 'yan kaya ihanda mo ang wallet mo," pagbibiro nito.

KAGAYA ng naging habilin sa kan'ya ni Mrs. Oswald, saktong alas-otso ay nasa Daily Flower Shop na siya. Wala pa man ito ay binuksan niya na ang shop. Bago pa ito makapasok ay may tatlo pa siyang naging customer.

"Mukhang ikaw na yata ang swerte ko," bigla ay komento ng ginang nang malaman nitong may naging customer na kaagad siya. "First time mangyari na maaga pa lang ay may customer na ang shop. Mga lalaki ba?" Tanong nito.

"Dalawang lalaki at isang babae po, ma'am."

Tumango-tango ito. "Ihanda mo ang sarili mo kapag dinayo tayo ng maraming lalaking customer dito."

Nangunot naman ang noo ni Louisse na mukhang napansin ng ginang. "Sa ganda mong iyan ay talaga namang bibisitahin tayo ng mga customer," dugtong pa nito.

Pinamulahan naman ng pisngi si Louisse pero ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Hindi na siya teenager para ma-flutter pa sa mga simpleng compliment gaya no'n. Hanggang sa naging abala na sila sa mga sumunod na oras. Kagaya nga ng sabi ni Mrs. Oswald ay marami nga silang naging customer, karamihan ay mga lalaki. At halos lahat sila ay malagkit ang tingin sa kan'ya. Pilit na lamang iyong inignora ni Louisse at nagpokus na lamang sa trabaho.

Parehong lupaypay ang katawan nila ni Mrs. Oswald nang maupo sa kani-kanilang rocking chair, nangalay pareho ang kanilang mga kamay.

"Ikaw ba ay may nobyo na?"

Ilang minuto ang dumaan bago siya nakapagsalita. "Wala pa po. But I have a child," nagpakatotoo niyang sabi sa ginang.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Hindi halata sa katawan mong nanganak ka na. Alaga mo siguro ang katawan mo."

Tipid lamang siyang ngumiti. Ang buong akala niya ay huhusgahan siya nito o kaya ay magtatanong patungkol sa ama ng kan'yang anak. Hanggang sa nakalimutan niya iyon nang bigla ay maalala niyang isang linggo lang niyang ipinahinga ang katawan pagkatapos ipanganak si Alexandros. Sa tulong ni Drake ay napag-aralan niya ang mga basic self-defense at pati na rin ang tamang paghawak ng baril. Kalaunan ay iyon na ang naging routine niya sa umaga.

"Minsan ay maganda rin ang maging single parent," maya-maya ay dagdag nito. "Pero minsan naman ay maiisip mo na sana ay may katuwang ka sa buhay. Wala ka bang balak mag-asawa?"

Sa totoo lang ay hindi iyon kailanman sumagi sa isipan ni Louisse dahil sigurado siyang magpapaka-ama lamang si Zairus kapag nalaman nitong anak nito si Alexandros. Wala naman itong nararamdaman sa kan'ya kahit noon pa man. Who knows if he still have feelings for Lena? At isa pa, hindi rin naman niya nakikita ang sarili na magpapakasal sa ibang lalaki.

Hindi niya na nagawa pang sagutin ang ginang dahil may pumasok na muling bagong customer sa shop at ito na ang nag-assist doon. Hanggang sumapit ang alas-sais ng gabi ay nagsara na sila.

"Kunin mo ito," anito sabay abot sa kan'ya ng ginang ng isang sobre. Balak niya pa lamang sanang tumanggi nang pinangmatahan siya nito. "Maliit lamang iyan kumpara sa naging sales natin. Kaya hindi ka maaaring humindi."

Sa huli ay walang ibang nagawa si Louisse kung hindi ang ilagay iyon sa kan'yang suot na backpack.

"Tonyo, mag-iingat sa byahe, okay?" Ang huling habilin ng ginang bago ito sumakay sa tricycle na ang anak nito mismo ang nagda-drive.

Mabilis na ring sumakay si Louisse sa tricycle ni Tonyo nang nagawa pa siyang kindatan ng anak ni Mrs. Oswald bago nito pinasibad ang tricyle. Tuloy ay naghatid iyon ng kilabot kay Louisse.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro