Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 36

NATAPOS na si Louisse sa pag-i-impake ng nag-iisang bag na dadalhin niya papuntang Manila. Sa buong durasyon ng kan'yang pag-aayos ay nakatingin lamang sa kan'ya ang anak.

"Mom." Tila hindi na ito nakatiis pang magsalita.

Nginitian niya naman si Alexandros at naupo sa gilid ng kama, malapit lang sa p'westo nito. Kagigising lang ng anak at ngayon lang din siya makakapagpaalam dito.

"What is it, baby?"

"I already told you, mom. I'm not a baby anymore," anito at ngumuso pa.

Hindi naman napigilan ni Louisse na haplusin ang mahaba nitong buhok. "But you're my baby."

"By the way, mom..." Paglihis nito sa topic. "Did daddy have a long hair?"

Bahagya siyang natigilan dahil sa tanong nito. Pilit namang inalala iyon ni Louisse. Pero kahit no'ng sandaling nasa ampunan pa sila ay malinis ang pagkakagupit ng buhok ni Zairus. "No, baby. Why are you asking?"

Kumislap naman ang mga mata nito. "Then I need to cut my hair to look like daddy, right, mom?"

Napasinghap si Louisse. "But you already look like your dad, Alexandros."

"Really?" Maya-maya lang ay napalitan ng lungkot ang ngiti nito. "I can't prove that mommy since I have no pictures of him."

Parang sinaksak ng maraming kutsilyo ang puso ni Louisse dahil sa tono ng boses ng anak. Idagdag pa ang lungkot na nakalarawan sa mga mata nito.

Hindi niya ito napakitaan ng pictures ni Zairus dahil wala naman siyang nakatagong litrato ng lalaki. Ang painting nilang magkasama ay iniwan niya sa apartment noon dahil sa kagustuhan niyang makalimutan na ito nang tuluyan. Hindi niya rin magawang kumuha ng litrato sa internet dahil baka ma-trace pa ang IP address nila.

Ayaw man niyang mangako sa anak, pero natagpuan na lamang ni Louisse na nasabi na ang tumatakbo sa kan'yang isipan. "Mommy will go to Manila. I'll try to convince your dad to go with me."

Mabilis na inangat nito ang tingin sa kan'ya, nakaawang ang bibig. "Really?"

Mabilis siyang tumango.

"Mommy, I want to go with you."

She shook her head. "It's not safe for us to go together, Alexandros. Mas safe ka rito kila Tito-Ninong mo."

Bumaba ito ng kama saka hinawakan ang magkabila niyang kamay. "Mommy, I promise I won't bother you. I'll behave myself. Just let me go with you."

Napabuntong-hininga naman siya. "You will stay here for now. I'll call your Tito-Ninong if ever I'll meet your daddy. Then, we will pick you up. Is it okay with you?"

Sunod-sunod itong napatango. "It's okay with me, mom. I'll ask Tito-Ninong to cut my hair later. So that when daddy meet me, he will see on me his younger version."

Wala ng nagawa pa si Louisse kung hindi ang mapatango na lang. Nakatanim sa isip niya ang mga maaaring sabihin kay Zairus patungkol kay Alexandros. Aware siyang galit ang lalaki sa kan'ya, pero hindi na iyon ang importante. Ang mahalaga ay maisama niya ito pabalik ng resthouse at maipakilala rito ng personal ang kanilang anak.

Nang pumasok sa loob ng kuwarto nila si Drake ay nagpaalam na siya kay Alexandros. Ang lalaki na rin ang nagdala ng bag niya, habang nakasunod lamang sila ng anak dito. Huling tingin kay Eya, Nana, Kris at sa anak ay tuluyan na siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Kaagad naman iyong pinasibad ni Drake.

"Saan ka pala tutuloy?" Hindi niya napigilang tanungin ang lalaki. Kahit anong gawing pigil niya kay Drake ay buo na ang pasya nitong alamin ang kalagayan ni Suzy.

"Sa isa sa mga private resort ni Azmar. Malapit lang iyon sa tinutuluyan ni Rasmus kaya mas maaalerto ako kung kasama niya si Suzy. I'll not let him touch what's mine."

She can't help but to smile while hearing the possessiveness on his voice.

KUNOT na kunot ang noo ni Zairus nang lumapag na ang eroplano. Hindi niya matukoy kung masusuka ba siya. Hindi sa biyahe sa himpapawid, kung hindi dahil sa ikalawang beses na proposal ng pinsan kay Sachza. Balak kasi ni Ezekhiel na magpakasal naman ang mga ito sa New York.

He sighed when he stepped out from the airplane. Then, the dazzling sunlight greeted his eyes that became the reason why he suddenly wore the shades he was holding.

He was approaching the exit when he smelled an strawberry scent that stopped him from walking. Ang imaheng pumasok sa kan'yang isipan ang naging dahilan para hanapin ang pinanggalingan ng amoy na iyon. Sinundan niya iyon at dinala siya sa isang babaeng abala sa kakakalikot nito sa hawak na cellphone.

Masyadong naka-focus ang babae sa ginagawa nito na hindi man lang napansin ang paglapit niya. Kita niyang nakasuot ito ng shades dahil na rin nakatagilid ang babae. Pinapakiramdaman niya ang tibok ng kan'yang puso para makumpira kung ito nga ba ang babaeng ilang taon na niyang nais makita, pero tila wala ang pakiramdam ng antipasyon doon.

Hindi na siya nakatiis pa at pekeng umubo. Nang dahil sa kan'yang ginawa ay natigilan ang babae at unti-unting lumingon sa kan'ya. Nagawa pa nitong itaas ang kilay. Kahit hindi niya kita ang kabuuan ng mukha nito dahil sa suot na shades ay aware si Zairus na hindi ito ang hinahanap.

"Do you need anything?" Mataray nitong tanong.

He immediately shook his head. "Sorry. I was mistaken you with someone."

Nagkibit naman ito ng balikat. "That's weird. This is the first time that I was mistaken by someone, tho. I guess you have a poor eyesight," komento nito saka na siya tinalikuran. Bago pa ito makalayo ay muli pa siya nitong nilingon. "I'm hoping that you will find her. Because I have a feeling that she's very important to you."

Important... He didn't know if that's the exact word for that.

Wala ng nagawa pa si Zairus kung hindi tanawin na lang ang papalayong bulto ng babae. Kalaunan ay natagpuan niya na rin ang sarili na naglalakad papalabas ng exit. Natigilan lang siya sa paglalakad nang biglang may humarang sa harapan ng babae saka ito niyakap nang mahigpit. Narinig niya pang binigkas ng lalaki ang pangalang "Suzy" bago niya nilampasan ang dalawa.

Tuluyan na siyang umuwi sa sariling penthouse, doon ay naghihintay sa kan'ya ang investigator na ilang beses na niyang pinalitan. Pinapasok niya ito sa loob at pinaupo sa sofa. Ilang linggo rin siyang hindi umuwi roon dahil palaging sa opisina niya siya sa Makati nag-i-stay.

"Any good news?" Bored niyang tanong saka niluwagan ang suot na necktie.

"Nakauwi na siya rito sa Pilipinas, Mr. Montell."

Natigilan siya nang dahil sa narinig. Umuwang ang kan'yang bibig. Naibuka-sara niya iyon bago ilang minuto ang dumaan bago nakapagsalita. "Kailan pa?"

"Kahapon," tipid nitong sagot. "She was with a guy and a young boy."

Nang iabot nito sa kan'ya ang isang brown envelope ay mabilis niya iyong binuksan. Masyadong balot na balot ang batang akay nito. Habang nakasuot naman ng shades ang babae. Nagtagis ang bagang niya nang makitang nakaakbay ang lalaki sa balikat nito. He was sure that it's not Aiden. The man seems familiar to him. Hindi niya lamang tanda kung saan ito nakita.

Noon ay kumalat ang usap-usapan sa AlZero na hindi na makakabalik ang amo ng mga ito dahil kasal na nga raw sa New York, sa isa mga emplyeado nito. And when he heard about Aiden marrying Louisse, it made him broken. But it didn't stopped him finding her. Pero sadyang malakas talaga ang radar ni Aiden dahil palaging bugbog-sarado pagbalik sa kan'ya ang kan'yang mga tauhan.

But it made him confused. Why Louisse is with another man? Napaisip din siya kung ang bata sa litrato ay anak nito at ng lalaki? Iyon ba ang dahilan kung bakit palipat-lipat ito ng bansa?

"Mr. Montell," pagkuha nito sa kan'yang atensyon.

"What is it?" He asked, still looking on the pictures.

"Nasa Manila na po siya."

Nang dahil sa ipinahayag nito ay naibalik niya ang tingin sa investigator. "Nakita namin siya sa harapan ng dati niyang apartment kanina lang."

Naikuyom niya ang kamao. "Make sure you have your eyes on her. Don't lose her and make a report to me."

"Copy that, Mr. Montell," anito saka na tuluyang tumayo. "Mauna na po ako."

Tumango lang siya saka na muling ibinalik ang tingin sa pictures, nakatutok ang kan'yang mga mata sa babae. "I'll make sure that you will be back in my arms. When that happens, no one will steal you from me. That's a promise."


HABANG tanaw ang dating apartment sa kan'yang harapan ay tila nanumbalik kay Louisse ang mga panahong nakatira pa siya roon. Malinis ang lugar na iyon, tila hindi pinapabayaan. Maya-maya lang ay natanaw niya ang caretaker na hinabilinan niya ng kan'yang apartment.

Masigla niyang sinalubong ang babae na tila nagulat sa kan'yang pagsulpot.

"M-ma'am Louisse?" garalgal ang boses nito. "Kailan pa po kayo nakabalik?"

"Kahapon lang po, Aling Dahlia." sagot niya, saka tumingin sa apartment at muling ibinalik ang tingin sa babae. "Kumusta po pala ang apartment? Hindi ko na po kayo nakontak sa sobrang busy. May tenant po ba ngayon?"

Iniwas naman nito ang tingin. Masyadong naging malikot ang mga mata na siyang ipinagtaka ni Louisse.

"Aling Dahlia?" Muli niyang tawag rito.

"Ano kasi.. Louisse." Hindi pa rin ito makatingin sa kan'ya. "Na-hospital kasi ang anak ko kaya naman wala akong choice kung hindi ang pumayag sa offer niya."

"Offer? Niya? Ano pong ibig mong sabihin, Aling Dahlia?" Naguguluhan niyang tanong.

"May bumili na kasi sa apartment, Louisse."

Napasinghap naman siya. Bago pa siya makahuma ay tumingin na ito sa kan'ya saka siya hinawakan sa magkabila niyang kamay. "Hindi ko naman kinuha ng buo ang bayad. Nasa kan'ya pa rin ang kalahati. Ang sabi ko sa kan'ya ay ibigay sa'yo kapag ka bumalik ka na."

"Pero alam niyo naman pong hindi ko ipinagbibili ang apartment," sa wakas ay nakapagsalita na siya.

"Alam ko naman iyon. Huwag kang mag-alala at babayaran ko rin naman ang iba. Sadyang nangailangan lang talaga kami. Louisse, pasensya na talaga."

Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang mapabuntong-hininga na lamang. Ang apartment na lang sana ang nakikita niyang matutuluyan habang nasa Manila.

"Nga pala, ito iniwan niya. Business card daw," dagdag pa ni Aling Dahlia sabay abot sa kan'ya ng maliit na card.

Kinuha naman iyon ni Louisse. Ganoon na lang ang panlalamig ng kan'yang katawan nang mabasa ang pangalan na nakalagay sa business card na iyon.

"Ang ipinagtataka ko nga ay palagi niyang pinapalinis ang apartment sa amin pero hindi naman siya nag-i-stay diyan. May hinihintay daw kasi siyang bumalik. Ang sabi niya pa sa akin ay magkakilala naman daw kayo. Totoo ba?"

Wala sa sariling napatango si Louisse. "Sobra. Sobrang magkakilala po, Aling Dahlia."

Napapalakpak naman ang ginang. "Iyon naman pala. Sigurado akong mapapakiusapan mo pa siya."

Pagkaraan ay umalis na rin ito at naiwan siyang tulala lamang na nakatingin sa kan'yang apartment. Hindi niya sukat akalain na si Zairus pa ang makakabili ng kan'yang apartment. Iyon na ba ang hinihintay niyang senyales para tuluyang harapin ang lalaki?

Humugot siya ng marahas na buntong-hininga. Akma na sana siyang lalakad papalapit sa apartment nang may marinig na pamilyar na boses sa kan'yang likuran.

"It's been awhile..."

Tila siya binuhusan ng malamig na tubig.

"... Louisse."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro