Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 35

MABILIS na bumaba si Alexandros nang marating nila ang isang pribadong resthouse.

"Alexandros, be careful, baby."

Naiiling na lang siya sa kakulitan ng anak. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng bahay at lumabas mula ro'n si Kris. Nang makita nito si Alexandros ay kaagad nito itong inakay.

"I miss you, Tito-Ninong."

Nang tumakas siya mula kay Tonyo ay sa Pilipinas niya naisipang magtago. Doon ay pinabinyagan niya si Alexandros at naging ninong nito si Kris at ninang naman si Eya. Hindi nakasama si Suzy sa kanila dahil nililito nito ang kapatid. Habang katulad ng sitwasyon nila kanina ay si Drake ang naghatid sa kanila roon. Ito rin ang may-ari ng tinutuluyan ng kaibigan at ni Kris. Sa takot niyang baka pati ang mga ito ay madamay, kaya minabuti niyang pagsamahin ang dalawa sa iisang bahay para mas panatag ang kan'yang kalooban.

Nang lingunin niya si Drake ay dala na nito ang nag-iisang maletang bitbit nila. Kaya nagpatiuna na siya sa paglalakad. Nakipag-beso sa kan'ya si Eya nang tuluyan siyang makapasok sa loob. Matapos ay inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng resthouse. Katulad pa rin naman iyon ng dati, binago nga lamang ang pagkakaayos ng ilang kagamitan. Sa resthouse na iyon siya nag-stay ng ilang linggo noon bago lumipad papuntang Korea.

"Kumain muna kayo. Saktong katatapos ko lang magluto," ani Eya.

Sabay-sabay naman silang gumayak papuntang dining area. Hindi niya napigilang maikunot ang kan'yang noo nang dumapo ang kan'yang tingin sa leeg nito, hindi iyon natatakpan ng suot nitong damit kaya hindi nakatakas sa kan'yang paningin na may maliit na mapulang bagay doon. Nang mapansin ni Eya na nakatitig siya sa bahaging iyon ay nanlaki ang mga nito at mabilis na umiwas ng tingin. Awkward din itong pumihit pakaliwa kaya hindi na niya napag-isipan kung ano ang kan'yang nakita.

Hanggang sa nakuha ni Kris ang kan'yang atensyon, kapapasok lamang nito habang bitbit ang kan'yang anak. Kalaunan ay ibinaba rin nito ang inaanak at kaagad itong nagtungo sa tabi ng kan'yang kaibigan. Habang inabala niya naman ang sarili sa pagtingin sa dalawa dahil malakas ang pakiramdam niya na may something sa mga ito. Lalo lamang lumakas ang hinala niya nang masaksihan ang kakaibang tinginang ibinibigay ng mga ito sa isa't isa. Nandyan pa ang tila makahulugang ngiti ng dalawa.

Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon saka na iniwas ang tingin at napangiti. If ever her friend will end up with Kris, who is she to interfere? Aware naman siya kung gaano kabuting tao ang lalaki kaya alam niyang aalagaan nito ang kaibigan. Sa ilang taon na magkasama ang dalawa sa iisang bubong ay talaga nga namang imposibleng hindi magkaroon ng feelings ang mga ito sa isa't isa.

Maya-maya lang ay may isang babaeng pupungas-pungas ang pumasok. Kaagad sa kan'ya napadpad ang tingin nito. Nanlaki ang mga mata nito at ilang segundo pa itong tila na-estatwa bago tumakbo papunta sa kan'yang gawi. "Tita Louisse."

She opened her arms widely, she smiled and hugged her nephew. Nang kumalas ito sa kan'yang pagkakayakap ay nakita pa niyang may bakas ng luha ang gilid ng mga mata nito na siyang mabilis niyang pinunasan.

"Bakit umiiyak ang paborito kong pamangkin?"

Napanguso naman ito. "You have no other newphew, Tita Louisse. It's just me."

Bahagya naman siyang natawa. "Kaya nga paborito kita e."

Nang maupo na si Nana sa katabing upuan ng kan'yang anak ay nawala na ang atensyon nito sa kan'ya. Naging abala na ang dalagita sa pakikipag-kwentuhan kay Alexandros.

Nang ilagay na nila Kris at Eya ang mga inilutong pagkain ng huli ay doon pa lamang naupo ang mga ito. Nagsimula nang maging maingay ang hapag sa k'wentuhan nila at kamustahan. Kahit papaano ay nakalimutan ni Louisse ang problemang tinatakbuhan nila ng kan'yang anak. Lalo na nang ibaling niya ang tingin kay Alexandros ay magana itong kumakain habang may nakapaskil ng ngiti sa mga labi. Nanubig ang kan'yang mga mata sa tanawin na iyon, lalo na't kapag silang dalawa lang ng anak niya ay palaging seryoso ang mukha nito.

Then, she realized that after all, it's a good thing to stay in the Philippines. Kahit hindi nila alam kung ilang linggo silang mamamalagi roon at kung magagawa pa ba ng mga tauhan ni Tonyo na masundan sila. Ang hiling niya, sana naman ay hindi. Dahil kahit panandalian lang ay gusto niyang matahimik ang buhay nilang mag-ina at maranasan ni Alexandros ang pakiramdam ng pagkabata.


NAGISING si Louisse buhat ng malamig na hanging yumayakap sa kan'yang katawan. Nang makitang bukas ang sliding door ng balcony ay madali siyang bumangon at akmang isasara iyon nang may makita siyang dalawang anino ng tao sa gilid ng pool. Nangunot ang kan'yang noo at napagpasyahang lumabas ng bahay matapos niyang tuluyang isara ang sliding door.

Bahagya niya munang sinilip ang anak para lang makitang mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit alam naman niyang sanay ito sa lamig ay maayos pa rin niyang inilagay ang kumot sa buong katawan nito, saka na siya naglakad palabas ng kuwarto. Sinipat pa niya ang orasan na nasa itaas ng hagdanan at nakitang alas-dos pa lang ng madaling araw.

Maingat ang kan'yang naging galaw, hindi gustong may magising siya. Hanggang sa narating niya ang sliding door papuntang pool. Natigilan lamang siya nang marinig ang mga pamilyar na boses.

"Kris, mas mabuti pa yatang umalis na lang ako rito."

Bahagya siyang sumilip sa sliding door. Doon ay natagpuan niyang kahit may nakaharang na kumot sa katawan ng dalawa ay nasisiguro niyang nakayakap si Kris mula sa likuran ni Eya, dahil nakasandal ang ulo ng huli sa dibdib nito.

"Sa tingin mo papayag si Louisse?"

Umiling si Eya. "Pero ayokong masamain niya ang relasyon nating dalawa."

Hindi na nakatiis si Louisse. Tuluyan na niyang binuksan ang sliding door saka malakas na tumikhim. Kaagad niyang nakuha ang atensiyon ng dalawa. Nanlalaki ang mata ni Eya na napalayo mula kay Kris. Habang kalmado lang naman ang mukha ng lalaki.

"Louisse, that's not what you think." paliwanag ng kaibigan kahit wala pa siyang sinasabi.

"Kanina ka pa ba riyan?" tanong naman ni Kris.

Bahagya siyang tumango, saka naglakad at naupo sa isa sa mga lounge chair na naroon. "Kailan pa?" ang siyang kaagad niyang tanong.

Nagkatinginan naman ang dalawa. Waring nagtatalo kung sino sa mga ito ang magpapaliwanag, sa pamamagitan lamang ng tinginan ng mga ito. Kris sighed, as if claiming his defeat.

"We happened to have feelings for each other this past few months," panimula nito. "Believe it or not, Louisse. We did everything just to avoid each other. But how can we do that if we're staying in just one roof?"

She nodded. "I understand. And I'm not here to interfere with your feelings. I just wanted to ask if Nana already know this?"

Nagkatinginan ang dalawa bago sabay na napailing. "We we're just planning to tell her." Si Eya ang sumagot.

"The better, the sooner," aniya saka na tumayo.

"Louisse," tawag sa kan'ya ni Eya. "Are you mad at me? At us?"

Lumapit siya sa kaibigan saka ito tinapik sa balikat. "Why are you asking me that, Eya? Why would I?"

Napayuko ito. "Because I broke the promise. Ang sabi nating tatlo ay hindi ma-i-involve sa mga magiging ex natin, hindi ba?"

"Pero ako ang naunang sumira sa pangakong iyon. Remember, Eya? I fell in love with Zairus. May Alexandros pa nga kami. So, who I am to judge?"

Muli nitong inangat ang tingin saka siya mahigpit na niyakap. "Thank you for understanding us, Louisse."

Hinagod naman niya ang likod ng kaibigan. May ngiti sa kanilang mga labi nang maghiwalay na silang dalawa, saka na siya muling naglakad. Akmang babalik na siya sa sariling kuwarto pero natigilan siya nang makita si Drake na nakapamulsa, habang nakasandal sa pader, malapit sa pinto ng kuwarto nila ni Alexandros. Nang makita siya nito ay umayos ito ng pagkakatayo. Bakas ang pagiging seryoso sa mukha nito.

"I can't contact Suzy, Louisse."

Binundol siya ng kaba.

"She's not responding on my calls and text. I'm afraid that something bad happen to her. I can't just sit here and do nothing."

"What do you mean?"

Humugot ito ng marahas na hininga. "Pupuntahan ko siya sa New York."

Nanlaki ang ka'nyang mga mata at marahas na napailing. "You can't, Drake. Nakalimutan mo na bang nangako ako kay Suzy? Hindi lamang kami ng anak ko ang nasa bingit ng kapahamakan, Drake. Ikaw rin. Alam mo 'yan."

Frustrated nitong naihilamos ang kamay sa mukha, bago muling tumingin sa kan'ya. "Alam mo ba kung anong nasagap kong balita mula kay Azmar?"

Nanahimik lamang siya.

"Gusto nanamang ituloy ng hayop na iyon ang engagement ni Suzy kay Rasmus!" Nabigla siya nang tumaas ang boses nito, saka ito naglakad pabalik-balik sa pwesto nito. "Baka sakaling kapag nakausap ko ang daddy ni Suzy ay mapigilan ko ang engagement."

"Tapos ano? Sasabihin mo sa kanila ang totoong estado ng relasyon niyo?" Mababa ang tono ng kan'yang boses nang sambitin iyon. "Drake," tawag niya rito saka siya lumapit sa lalaki at marahang hinaplos ang braso nito. "Alam mo namang hindi mo p'wedeng gawin iyon, hindi ba? Lalo na sa tingin ng iba ay magpinsan kayong dalawa."

Nang dahil sa naging pahayag niya ay tila nagising ito sa katotohanan at unti-unting lumayo sa kan'ya. Naipikit niya ang kan'yang mga mata nang suntukin nito ang pader, ngunit muli niya rin iyong iminulat at pinigilan ito. "Tama na."

Galit itong tumingin sa kan'ya saka siya marahas na itinulak. Mabuti na lang at naibalanse niya ang katawan. Aware si Louisse sa susunod na sasabihin ni Drake.

"Kasalanan niyo 'tong mag-ina! Kung hindi niya kayo tinulungan ng araw na iyon ay hindi sana ako babalik ng New York. Hindi sana malalaman ni Tonyo ang relasyon namin ni Suzy. Paano na ngayon ha, Louisse? Paano ko pa mapo-protektahan ang babaeng mahal ko?"

Pigil ni Louisse ang sariling maiyak nang dumausdos ang katawan ni Drake sa pader, saka ito tuluyang napaupo. "I can risk my life for her. But how can I do that if she's taking risk her life just to protect the both of you, huh? Hindi naman niya kasalanan kung bakit hindi niya na-protektahan noon si Belle, hindi ba? Kaya hindi niya kailangang akuin ang kasalanan ng kapatid niya at protektahan kayong dalawa ng anak mo."

Sandali niyang iniwan doon si Drake saka pumasok sa loob ng kuwarto. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang mahimbing pa ring natutulog ang anak. Nagmamadali niyang tinungo ang maleta nilang hindi pa niya nagagawang ilipat ang mga gamit sa closet na naroon. Mula roon ay kinuha niya ang first aid kit. Palagi niya iyong dala dahil na rin may pagkakataon na nadadaplisan siya ng bala mula sa encounter niya sa mga lalaking kanilang tinatakbuhan. Sa sitwasyon kasi nilang mag-ina ay delikado kung pupunta pa siya ng hospital. Kaya siya na lang ang gumagamot sa kan'yang sarili.

Muli siyang lumabas saka binuksan ang first aid kit. Inilapag niya iyon sa tabi ni Drake at lumuhod sa harapan nito. Pinilit niyang kunin ang sugatan nitong kamay, kahit ilang beses na pumiksi ang lalaki. Inabala niya ang sarili sa paggamot sa sugat nito, habang ramdam niya ang tingin nito sa kan'ya. Matapos niyang lagyan iyon ng benda ay doon niya pa lang sinalubong ang tingin nito.

"I'm sorry," panimula niya. "Alam kong hindi mapapagaan nito ang kalooban mo, Drake. Pero sana ay magtiwala ka pa kay Suzy. Ilang beses din ba siyang tumakas, huwag lang matuloy ang kasal? I'm sure that she will do everything for the two of you. Just trust her."

Tila naging maamong tupa ang ekspresyon ng mukha nito saka ito tumango. "Alam kong ganito rin ang magiging reaksyon ng papa ni Alexandros kapag nalaman niyang hindi ligtas ang kan'yang mag-ina."

Nanlaki ang kan'yang mga mata at mabilis na iniwas ang tingin sa lalaki.

"Kay Tonyo lang kayo nagtatago, Louisse. Hindi sa tatay ni Alexandros. Stop hiding from him. Alam kong labas ako sa issue niyo. But I can't help but to search an information about him. Ilang taon na rin pala niya kayong hinahanap. At alam kong kumpara kay Tonyo, mas safe kayo sa kan'ya," anito saka na tuluyang tumayo. Nagawa pa siya nitong tapikin sa balikat. "Pag-isipan mo ang sinabi ko. Alam kong ang kaligtasan ni Alexandros ang priority mo, Louisse. At kung nasa poder kayo ng ama niya, alam kong iyon din ang uunahin niya."

Hindi niya magawang sabihin sa lalaki pati na rin kay Suzy na hindi lamang kay Tonyo siya tumatakbo. Kaya lang naman niya nagawang magpunta sa New York dahil ang unang taong kan'yang tinakbuhan ay si Zairus. Sandali lamang sumagi sa kan'yang isipan ang pangalan nito at naalala ang senaryong nakita niya noon kaya niya naisipang mangibang bansa ay nagdulot sa kan'ya ng pighati. Tila may patalim nananaman na sumasaksak sa kan'yang dibdib.

Ilang minuto rin ang itinagal niyang nakaluhod lamang doon bago niya napagpasyahang tumayo at bitbit ang first aid kit na pumasok sa loob ng kuwarto. Ipinatong niya iyon sa bedside table at naupo sa gilid ng kama. Inabala niya ang sariling pagmasdan ang natutulog niyang anak. Nagawa niya pang haplusin ang buhok nito pati ang noo nito para alisin ang pagkakakunot no'n.

Gano'n na lang ang kan'yang pagkagulat nang biglang magsalita ang anak. "I'll protect you, mom."

Tumulo ang kan'yang luha nang dahil sa narinig. Dumukwang siya at hinalikan ang noo nito. Pipi siyang nangako na dadalhin niya ito sa ligtas na lugar - walang iba kung hindi sa poder ng ama nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro