Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 34

SINIGURO ni Louisse na hindi kahina-hinala ang lakad niya. Mahirap na at baka matiktikan siya. Nang masigurong walang nakatingin sa kan'ya ay kumanan na siya at binagtas ang masikip na daan patungo sa maliit na apartment na inuupahan.

Huling sulyap at tuluyan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob, saktong kalalabas lang ni Alexandros sa kuwarto habang bitbit ang paborito nitong libro.

"Mom."

Mabilis itong lumapit sa kan'ya na siya niya namang sinalubong nang mahigpit na yakap.

"You're okay?" Tanong nito matapos niyang pakawalan mula sa kan'yang yakap.

"I'm fine. Do you already pack our things?"

Tumango ito. "Where are we going this time, mom?"

Nakaramdam ng lungkot si Louisse para sa anak. Sa takot niyang mahanap sila ni Tonyo ay lumaki ito na palipat-lipat sila ng bansa. Ang kapatid nito ang tumulong sa kan'ya makatakas lamang sila sa poder ni Tonyo nang gabing iyon. Sa lumipas na limang taon ay namuhay sila nang patago.

There was a chances that the man that Tonyo send in different countries, close in finding them. But they were lucky enough to escape them. She can feel the ache in her heart knowing that her son can't live freely and in peace.

Gumagamit silang dalawa ng iba't ibang identities sa tulong ni Suzy. Ngunit hindi niya na ito nakakausap sa loob ng higit dalawang linggo. Alam niyang nag-iingat din ang babae para hindi malaman ng kapatid nito na ito ang tumulong makatakas lang sila. Nangako rin ito na gagawa ng paraan tigilan lamang sila ng kapatid. Hindi rin pumapalya ang babae na maglagay ng pera sa ibinigay nitong bank account sa kan'ya, kahit ilang beses na niya iyong tinanggihan.

"Mom?" Tawag pansin sa kan'ya ni Alexandros.

"Were going back to the Philippines."

Nanlaki ang mga mata nito. Kitang-kita rin ang excitement na mababakas roon. "That's the country you grew up mom, right?"

Tumango siya at tipid na ngumiti. "Yes. That's why, we need to prepare ourselves and be sure that our flight will be safe."

Mabilis itong tumango at nagawa pang mag-salute sa kan'ya. "Alexandros Montell will be prioritize your safety, ma'am."

Napangiti si Louisse dahil sa sinambit nito, saka niya muling niyakap ang anak at hinayaan na itong kunin ang inimpake nitong maleta. Habang abala naman niyang pinagmamasdan ito. Pigil ni Louisse ang sariling maiyak sa isipin na hindi man lamang naranasan ng anak ang magkaroon ng normal na buhay.

Dapat sa gulang nitong limang taon ay ini-enjoy ni Alexandros ang childhood nito. Pumapasok sa eskwelahan, nakikipaglaro at nag-aaral kasama ng marami nitong kaibigan. Higit sa lahat, uuwi ito galing sa school nang walang takot at pag-aalinlangan siyang mararamdamdan saka niya ito yayakapin ng buong higpit. But instead of experiencing that, Alexandros childhood was filled with running, escaping and the worst part is, living in no particular address because they need to fly in different countries.

But then, she realized that it's better for them to live like that. Atleast she knew that Alexandros is safe in her arms. She doesn't want her son to be with Tonyo because she doesn't know the worst thing that he can capable to do.

After hearing the story from Suzy, about his late fiancèe - Belle. Mas lalo lamang tumindi ang kagustuhan niyang makaalis. Ilang linggo rin silang patagong nagkikita ng babae bago siya nito nakumbinse. Dating kaibigan ni Suzy si Belle. Nagkakilala ang dalawa dahil nagtatrabaho ang huli sa company ni Tonyo, under HR Department. Hindi niya rin napigilang banggitin sa usapan nila ang babaeng empleyado na nagpakita ng pag-aalala sa kan'ya na kalaunan ay sinabi nitong isa sa kaibigan din nito.

Kay Suzy niya nalaman na pinilit lang din ni Tonyo si Belle na maging fiancèe nito. He was obssessed with her, to the point that he pointed a gun in her head, scared her that he will discharged her grandfather to the hospital and the old man will not be under surgery. Belle was so desperate that time because the old man is the only family she have. That's why, she was forced to agreed to his proposal. But later on, Belle found out that Tonyo just deceived her. Her Lolo died in the hospital without taking care. And because she can no longer being locked by Tonyo, Belle commited a suicide. But Tonyo made a speech that Belle involved in the car accident, losing their child. It was spread on the news and the saddest part is, Tonyo received the sympathy. He used his money to cover up what really happened.

Nabalik sa reyalidad si Louisse nang lumapit sa kan'ya si Alexandros. Aware siyang may nais itanong ang anak. Lalo na't habit na nito ang paglalaro sa kamay sa tuwing may bumabagabag sa isipan nito. She smiled, encouring him to ask away. Sinuklay niya rin ang makapal at may kahabaan na nitong buhok. Habang lumalaki ang anak ay mas nadi-define na kamukha nito ang ama. Ang dimples lang niya yata at ang ibang habit nito ang namana sa kan'ya.

"What is it, baby?"

Ngumuso ito. "Don't call me baby, mom. I'm now a grown man."

Hindi napigilang mapangiti ni Louisse. "May gusto ka bang itanong kay mama?"

"Will me meet papa in the Philippines?"

Na-tense ang kan'yang katawan. Open siya patungkol kay Zairus sa anak. Hindi niya ipinagkait at itinago rito ang totoong pagkakakilanlan ng tunay nitong ama. Ayaw niyang pati iyon ay maipagkait dito. Iyon nga lang at iyon pa lang ang pangalawang beses na nagtanong ito patungkol sa ama.

Napailing siya. "We can't, Alexandros. You know that, right? But no worries, daddy loves you so much. Soon, the three of us we'll be united and no longer be apart. I promise you that. But for now, we need to stay safe. That's the least that we can do for your papa."

Tumango ito. Sa edad na limang taon ay iniintindi ng anak ang lahat ng kan'yang sinasabi. He never doubted her. Lahat ng sinasabi niya ay sinusunod nito. And she can say that he grow up such as smart kid.

"I know we're safe, mom. Because we trusted each other." Inabot nito ang kamay niya at mahigpit iyong hinawakan. Nang dahil do'n ay nanubig ang kan'yang mga mata. Pinigilan naman niya ang sariling maiyak at tumango na lamang.

She was about to stand up when they both heared a knock on the door. Nangunot ang kan'yang noo dahil wala naman siyang inaasahang bisita. Isang linggo na ang pinakamatagal na nag-i-stay sila sa isang lugar, kaya wala siyang panahon na makipagkaibigan sa mga nagiging kapit-bahay nila kaya palagi silang napagkakamalang masungit at matapobre ng mga ito.

Nilukob siya ng kaba nang may taong pumasok sa kan'yang isipan. Maingat siyang tumayo. Nang dahil sa galaw niya ay nakaunawa ang anak, maingat itong bumalik sa kuwarto at kinuha ang isang maletang naglalaman ng mga damit nilang dalawa. Sinenyasan niya si Alexandros na pumunta sa back door, lalo na't may alam siyang shortcut doon.

Kalmado siyang naglakad palapit sa pinto at sumilip sa maliit na butas na ginawa niya roon. Tila siya napapasong napaatras nang makita ang tatlong matatangkad na lalaking nakasuot ng itim. Ito rin ang mga lalaking muntik ng makahuli sa kanila noong nasa Korea sila. She made sure that she's been careful and she doesn't leave any trace. Pero mukhang nasundan pa rin sila ng mga ito.

Dahan-dahan siyang lumapit sa anak at lumuhod sa harapan nito. "You need to go first, Alexandros. You will see an alley, that's the shorcut to the bus station. Remember that don't entertain people. If you noticed a person who will harm you, shout mama's name and I'll be there for you. You got it?"

Walang imik na tumango ito saka maingat na lumabas mula sa back door, bitbit ang maleta nila. Nang matanaw niya ang papalayong bulto ng anak ay mabilis niyang kinuha ang maliit na backpack na naglalaman ng mga kagamitang pang-self defense niya at binitbit iyon.

Bago pa siya makasunod sa anak ay bumukas na ang pinto, sinira iyon sa pamamagitan ng pagsipa roon ng isa sa mga lalaki. Naging mabilis ang galaw ni Louisse na hinugot ang baril sa gilid ng kan'yang beywang. Nabaril niya sa tuhod ang lalaking sumipa sa pinto. Habang nakapagtago naman ang dalawa.

Mabilis ang naging galaw niya na tumakbo papasok sa alley. Napayuko siya nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Lumakas ang kabog ng kan'yang puso nang makitang tumama ang bala sa kahoy na nasa gilid niya, pero hindi naging sapat na rason iyon para huminto siya. Nang makakita ng mapagtataguan ay lumusot siya roon. Mabilis ang kamay niyang binaril sa puso ang lalaking papalapit sa gawi niya. Tumalsik ito at duguang humandusay sa sahig.

Sa p'westo niya ay naging malinaw sa kan'yang pandinig ang mga sigawan ng mga tao. Nang magawi ang kan'yang tingin sa anak na nasa bungad ng alley ay mabilis siyang tumakbo sa gawi nito at binuhat ito. Tumakbo siya nang mabilis habang buhat-buhat ang anak. Maingat siya at may pagkakataon na tumitingin sa kan'yang likuran kung nakasunod ang dalawang natitirang lalaki.

Ganoon na lang ang paghinto niya nang muntik na siyang bumangga sa sasakyang huminto sa kan'yang harapan.

"Get in!" sigaw ng driver.

Nangunot ang kan'yang noo habang mahigpit na hawak ang baril, nakahandang iputok iyon. Pero nang ibaba nito ang suot na shades ay nagmamadali siyang sumakay sa passenger seat. Mabilis na minaobra ng lalaki ang sasakyan hanggang sa makalayo sila nang tuluyan sa lugar na iyon.

"Thank you, Drake. Ipinadala ka ba rito ni Suzy?" makaraan ay tanong niya.

"Sino pa ba?" May irita sa boses nito. "I can't get her. Why she's risking her life just to protect you and your son?"

"Don't talk to my mom like that, Mister!" ang kan'yang anak ang sumagot kay Drake.

Mabilis naman niya itong sinaway. "Alexandros, don't say that. Apologize to your Tito Drake."

Disappointed namang tumingin sa kan'ya ang anak. "Mom, why would I apologize? He said bad things to you. He should be the one who needs to apologize, right?"

She shook her head. "No, he didn't. Alexandros," tawag niya sa pangalan nito nang may babala.

Wala naman itong nagawa at napabuntong-hininga na lamang. "Sorry, Tito Drake."

Tumango-tango naman ang lalaki. "Pasensiya na rin, Louisse. Masyado akong nadala sa bugso ng damdamin. Alam mo namang hindi ko pinadadapuan ni maski lamok si Suzy. Kaya hindi ko maaatim kung sariling kapatid pa niya ang makakapanakit sa kan'ya. Knowing Aiden, walang sinasanto ang lalaking 'yon."

"I understand."

Natahimik sila ng ilang minuto bago ito muling nagsalita. "She ordered me to take you both to the private chopper that we bought yesterday. So, you can now take a nap and rest. I'll bring you both safe and alive to the Philippines."

"Thank you."

Nang magpumilit si Alexandros na umupo sa back seat ay hinayaan niya lang ang anak.

"Put your seatbelt," habilin niya rito.

Tumango naman ito at sinunod ang kan'yang utos. Nang masiguro niyang safe na sa backseat ang anak ay inabala naman niya ang sarili sa pagtingin sa mga punong naglalaho dahil sa mabilis na pagpapatakbo ni Drake.

Maya-maya lang ay napahugot siya ng malalim na hininga saka tuluyang naipikit ang mga mata. Dulot ng pagod at ilang araw na walang tulog ay hindi namalayan ni Louisse na tuluyan na siyang kinain ng kadiliman at nakaidlip panandalian.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro