CHAPTER 31
HINDI pa nakuntento si Zairus sa pabalik-pabalik na paglakad sa salas, nagawa niya na ring sumilip sa window glass para lang tingnan kung paparating na ba ang sasakyan ni Ezekhiel at mula roon ay bababa si Louisse.
"She said she will see me everyday. But I guess she lied again. But what would I expect from her? She's a liar." Naiiling na pagkausap niya sa sarili at lumayo na sa bintana, habang hawak sa isang kamay ang shot glass.
When he looked at the door to the dining area, Zairus felt even more annoyed. Kaya napagpasyahang niyang maupo na lamang sa sofa at inisahang lagukan ang whisky. It gives his mouth a bitter-sweet cinnamon taste with lingering flavors of vanilla.
Pagkatapos ay muli niyang sinalinan ng alak ang kan'yang shot glass. When he was about to drink it, the door suddenly open. Naibaba niya ang shot glass sa coffee table at kunot ang noong tinitigan ang kapapasok lang na si Ezekhiel. Even how many times he denies it, he's still anticipating that someone is behind him. But found nothing.
"Expecting someone?" tila nang-aasar na tanong nito.
Inalis niya na ang tingin sa pinto at muling kinuha ang shot glass, pinaglaruan lamang niya iyon sa kan'yang kamay, saka muling tumingin sa pinsan niyang naupo na sa kan'yang harapan. Ilang araw na ang nagdaan pero bakas pa rin ang pasa nito sa mukha.
"What are you doing here?"
Nagkibit ito ng balikat. "Checking on you."
"There's no need to check on me."
Muli niyang inisahang lagukan ang whisky at muling nagsalin.
"Aren't you curious why Louisse didn't show up? How many days you haven't see her?"
Natigil siya sa akmang pagsasalin ng alak. Ibinaba niya ang whisky bottle pati na rin ang shot glass. "Why would I be curious to the woman who decieved me?"
"I can't answer that, buddy. But you can. What do you think?"
"Kung wala kang matinong sasabihin ay bukas ang pinto ng bahay ko, Khiel. You can now leave and don't pester my peaceful drinking."
Naiiling lang naman ito sa sinabi niya. "Anyway, auntie Mabel finally moved into your mansion in Britannica. Sa wakas ay nakumbinse ko rin siya na mas safe siya sa lugar na iyon. Kailan mo siya balak dalawin? May balak ka pa bang bumalik sa Britannica?"
Natahimik lamang siya. Ultimo sa sarili niya ay hindi niya magawang sagutin ang tanong na iyon. Ano pa nga ba ang pumipigil sa kan'ya para lisanin ang Manila at tuluyang bumalik ng Britannica?
Louisse...
Nang sumagi sa kan'yang isipan ang pangalan ng babae ay kumuyom ang kan'yang kamao at nag-igting ang kan'yang panga. She couldn't be the reason.
Ramdam niyang nanatiling nakatingin pa rin sa kan'ya si Ezekhiel, waring binabasa ang tumatakbo sa kan'yang isipan. "I'm sure you're not here just to inform me about Tita Mabel. Spill the tea, Khiel. I'm not a fortune teller."
Lumapad ang pagkakangisi nito, ngunit kalaunan ay naging seryoso na rin ang mukha. "Yeah, right." Tatango-tangong anito. "I just came here to tell you that Louisse isn't the only one you've lost."
Tuluyan na nitong nakuha ang kan'yang atensyon. "What do you mean?"
Matalim itong tumingin sa kan'ya. "You just lost the person who will meant the world to you. She had a miscarraige, buddy. You just lost your baby."
Sandaling huminto ang kan'yang mundo. Sa mga oras na iyon ay pakiramdam ni Zairus ay nabingi siya at parang bombang sumabog sa harapan niya ang rebelasyon ng pinsan. Hindi rin siya makahinga nang maayos dahil tila may nakaharang na mabigat na bagay sa kan'yang dibdib.
"I intentionally tell you this late because I don't want you to run to her."
Nakaramdam ng pagrerebelde si Zairus. Bago pa niya napigilan ang sarili ay tuluyan na siyang tumayo at mahigpit na hinawakan ang collar nito. "Nasaan si Louisse? At bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin ang lahat, Khiel?" Tila alak na mapait na lumabas ang salitang iyon sa kan'yang bibig.
"What for? It's better for the both of you to part ways. What will you do if you know this sooner, huh? Nothing, right? You will two end up hurting hurt each other. Hindi matatapos ang sakit at galit na mararamdaman niyo sa isa't isa, Zai. Because you two didn't healed yet."
Marahas niyang binitawan ang collar nito at hindi na pinigilan ang sarili na magsisigaw. "Sawang-sawa na ako na palaging minamanduhan ang buhay ko, Khiel. Una, si Lena. Pangalawa si Louisse. At ngayon ay ikaw naman. Anong karapatan mo para magdesisyon para sa akin?"
Tumayo na rin ito at nakapamulsa siyang hinarap.
"Nothing. But I end up understanding her because Zaneya told me everything. She's suffering too much, Zai. You don't even aware how difficult it is for her. First, she was cheated by the man who supposedly to be her husband. Her fiancèe and bestfriend both died and she blames it to herself. She doesn't given a chance to called Lena her sister because it was too late for her to found out that they are twins. You doesn't even know how hard it is for her to pretend in front of you. You doesn't know how badly she's hurt because she fall in love with you, when in fact her fiancèe just died a month ago. And the worst part is, she lost her baby."
Hindi siya nakaimik.
"You see, you've been hurting her without knowing that she suffered a lot. She misjudged her sister because she mistreated you. All this time buddy, she was just thinking about you. But you... you just broke her heart."
Nanghihinang napaupo siya sa coffee table. "I broke her heart? But Khiel, she's still breaking mine."
Sandaling natahimik ang pagitan nilang dalawa bago siya muling nagsalita. "I'm also suffering, Khiel. I was supposedly planning my future with Lena. It's better if she just told me the truth."
"Then, what?" You will commit a suicide?" He asked. "Lena sacrifice everything just to make sure that the two important people in her life will end up with each other."
Naihilamos niya ang palad sa kan'yang mukha. Ezekhiel made things clear to him. He realized a lot because of him. Tuluyan na siyang iniwan doon ng pinsan matapos ng huling sinabi nito. Habang lumipas pa ang ilang minuto bago niya natagpuan ang sariling naglalakad paakyat ng second floor at nagpunta sa kan'yang opisina. Mula sa drawer ng kan'yang office table ay kinuha niya roon ang brown envelope na naglalaman ng mga impormasyon patungkol kay Louisse.
Bago niya pa iyon mabuksan ay may biglang pumasok na alaalala sa kan'yang isipan.
"Hindi pagmamahal ang nararamdaman mo sa akin, Zai. You just want to keep me by your side para hindi mo na muling maranasan ang maiwan. Takot ka lang, Zai. Takot ka lang na iwanan kita kagaya ng mga totoong magulang mo. Yes, we can say that you found on me the comfort you're missing. But you just misunderstood your feelings. And one more thing, huwag kang maging mapagpatawad sa akin. Marami na akong ginawang mali sa'yo. Nagawa na kitang harap-harapang lokohin. Zai, don't be so selfless. Magtira ka para sa sarili mo. Para kapag nahanap mo na ang babaeng para sa'yo, masasabi mong mahal mo siya dahil nagawa mo nang mahalin ang sarili mo."
Nanatiling malamig ang tingin niya sa kasintahan.
"Kaya pakawalan mo na ako. Pakawalan na natin ang isa't isa."
"Ano bang pinagsasabi mo, Lena? I love you, okay? Siguro ngang na-love at first sight ako sa'yo noong nagkausap tayo sa balon at sinagip mo ako. But don't give me such an invalid reason para lang hiwalayan ako. Dito ka lang sa tabi ko, Lena. Dito ka lang."
"No! I can't stay by your side, Zai. Huwag na nating lokohin ang sarili natin. At isa pa, tungkol sa balon, hindi ako ang sumagip sa'yo."
Sunod-sunod na napailiing si Zairus. "I'll accept whatever lies you will tell me, but not this one, Lena. Kung ito ang ginagawa mong paraan para tuluyang umalis sa tabi ko, I'm sorry to say this, but you failed."
"Noon pa lang pilit mo nang sinasabi sa akin ang totoo. But I was too blind and I chose to be deaf even you were telling me the truth. Ako ang may kasalanan kung bakit nagkagulo-gulo ang lahat. Kung sana noon pa lang ay pinakinggan na kita, hindi sana tayo umabot sa ganito. I wish I had just let you go. I'm sorry, Lena."
Determinado niyang hinawakan ang brown envelope. "I also want to apologize because this time, I'll not really let your twin go. I'll do everything for her to come back to me. That's a promise, Lena."
Matapos niyang makuha ang susi ng kotse niya ay dire-diretso na siyang naglakad palabas. Nakasalubong niya pa si Mr. Ben, ang caretaker ng kan'yang penthouse. Tinanguan niya lamang ito at tuluyang naglakad sa parking space. Determinadong pinasibad niya ang sasakyan patungong apartment ni Louisse.
Nang makarating doon ay nagmamadali siyang bumaba. Ngunit ang salitang 'apartment for rent' na lang ang bumungad sa kan'ya. Naramdaman niya ang tila pagtarak ng kutsilyo sa kan'yang puso. Then, he realized what those emotions are. Iyon ang pilit niyang iniiwasang i-entertain. At ngayong wala na si Louisse ay saka pa lang niya naramdaman ang sobrang paghihinayang.
Maya-maya lang ay may babaeng lumapit sa kan'ya. "Hello, sir. Ako po ang caretaker ng apartment. Balak mo bang rentahan iyan?"
Wala sa sariling tumango siya. "Pwede ko bang makita ang loob?"
Mabilis naman itong tumango. "Sure, sure. Come!" pag-aya nito saka na binuksan ang pinto ng apartment.
Sandali siyang iniwan ng babae. He takes his time looking around. Maliit lamang ang apartment na iyon. Ang living room ay halos sakupin na pati ang kusina. Kaunting lakad lang ay ang pinto na papuntang banyo. At ang isang pinto nang buksan niya ay kuwarto. Hanggang sa makuha ang atensyon ni Zairus ng isang bagay na natatakpan ng puting tela. Unti-unti siyang naglakad sa direksyon no'n at tinanggal ang pagkakatakip.
Lalaki siya pero natagpuan na lang niya ang sariling umiiyak habang tanaw ng kan'yang mga mata ang painting nilang dalawa ni Louisse. Ngayon ay kitang-kita niya na ang ngiti na nakarehistro sa mukha nito. Ngunit hindi maipagkakaila ang lungkot sa mga mata nito. He was sure that she's sad because that was the last day she's in Britannica.
Hinaplos niya ang painting at napangiti ngayong napagtanto niya kung gaano kaganda ito sa suot na sleeveless dress. Mabilis na pinunasan ni Zairus ang pisngi nang marinig ang papalapit na yabag. Muli niyang ibinalik ang puting tela sa pagkakatakip no'n sa painting. Saktong papasok na sana sa loob ng kuwarto ang babae nang lumabas siya.
Malapad itong ngumiti sa kan'ya. "Okay ba, sir? Type niyo po ba itong apartment?"
He nodded. "I want to buy this apartment." He said while still looking around.
Sa gilid ng kan'yang mga mata ay hindi nakatakas sa kan'ya ang pagkunot ng noo nito. "Teka sir! Ang bilin kasi ng may-ari nitong apartment ay renta lang. Hindi niya raw ito ipinagbibili."
Na-tense si Zairus. Sigurado siyang si Louisse ang tinutukoy nito. Mas lalo lamang tumindi ang kagustuhan niyang bilhin ang apartment. Sa isipan niya ay baka sakaling umuwi ito kapag nalamang naibenta iyon. He was hoping that the apartment has a sentimental value to her.
"I'll double the price."
Halos lumuwa ang mga mata nito. Tila binibilang na sa isipan ang magiging parte nito kung sakaling maibenta ang apartment.
"You can choose if you want cash or check," dugtong pa niya.
"Ay mas bet ko iyong check, sir. Parang yayamanin."
"Sure. Just tell me the price. Then, I'll call my assistant to bring me my checkbook."
Nang mapagkasunduan nila ang presyo ng apartment ay tinawagan niya si Gin. Ilang minuto lang ang lumipas ay kaagad nakarating ito sa apartment. Matapos niyang bayaran ang babae ay inabot na nito sa kan'ya ang susi, nakangiti at tila masaya sa hawak na check.
"Mr. Montell are you sure about this apartment?"
He nodded. "Make sure that you will hire someone to take care of this apartment. I want it clean everyday. Then, you will see a painting inside the room, I want you to hang it to the place that I can see right away," utos niya.
"Noted, Mr. Montell. Leave it to me."
Sa mga sumunod na araw ay naging abala si Zairus sa paghahanap kay Louisse. He even hired an investigator just to know where she is. Pero palaging walang good news na dumadating sa kan'ya. He can't even remember how many times he went to AlZero to find out where Aiden is. Malakas ang kutob niyang ito ang nagtatago kay Louisse, dahil nagawa pa nitong magluklok ng acting president sa kumpanya nito.
Even her friend, Zaneya, he can't locate her. While Ezekhiel doesn't want to give a hand to help him. He got frustrated but he doesn't want to give up. He can't give up especially now that he made clear his feelings. He will find her no matter what happens.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro