CHAPTER 3
HINDI maiwasang ilibot ni Louisse ang tingin sa kabuuan ng tinutuluyang apartment. Ilang minuto na lang ay lilisanin na niya ang lugar na iyon.
Napahugot ng malalim na hininga si Louisse bago muling itinuloy ang pag-i-impake ng kan'yang mga gamit - hindi iyon totally mga gamit niya. Ang lahat ng isinilid niya sa maleta ay mga pawang kagamitan ni Lena. Hindi man siya pabor sa mga kasuutang iyon ngunit sa loob ng isang linggo na ginugol niya para lang maging isang Manuella Ortigaz ay pinangatawanan niya na ang lahat ng bagay na nag-u-ugnay sa kaibigan.
Mahinang katok mula sa pintuan ang nakapagpalingon kay Louisse mula kay Eya na noon ay tuluyang pumasok sa loob ng kan'yang silid.
"Are you sure about this L.A.?"
Bahagya siyang tumango. "Ito ang huling hiling ni Lena, Eya. Hindi ko p'wedeng ipagsawalang bahala lang ang sulat na iniwan niya."
Kapwa silang naupo sa kama. Naramdaman pa ni Louisse ang pagdampi ng kamay ng kaibigan sa ibabaw ng kan'yang kandungan. "Hindi ko pa rin magawang makalimutan ang naging huling usapan namin."
"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Eya.
"Wari siyang namaalalam na no'n, Eya. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nasabi niyang ako bukod sa kan'ya ang nararapat para kay Zai."
Hindi nakaiwas sa paningin ni Louisse ang pag-iwas ng tingin ni Eya. Nakagat pa ng babae ang pang-ibabang labi nito.
"Hindi mo pa naman nakikilala ang boyfriend ni Lena, hindi ba?"
Mabilis na bumalik ang tingin sa kan'ya ng kaibigan saka napailing. "Ilang beses na nating sinubukan na makilala siya pero busy nga siya, hindi ba?"
Napatango na lang si Louisse sa isinagot ng kaibigan.
"Hindi ko alam kung tama nga bang magpanggap ako bilang Lena. Ngunit hindi ko rin maaatim na sabihin sa nobyo niya na wala na si Lena. I know how it feels of losing someone important to me."
Bigla ay naalala nanaman ni Louisse ang huling pagkakataon na nakita niya ang nobyo, sa sitwasyon kung saan hindi na niya ito magawang mamukhaan.
"Masakit pa rin ang ginawa sa akin ni Arthur. Kahit hindi ko pa rin alam kung anong dahilan kung bakit hindi niya ako sinipot sa araw ng kasal namin ay hindi ko pa rin maiwasang isipin na mas nanaising ko pang hindi ako ganap na naging Guillermo. Kung kapalit no'n ay ang makita siya sa ganoong sitwasyon."
Lumarawan ang simpatya sa mga mata ni Eya at nagawa pa siya nitong tapikin sa balikat. "Naisip ko rin na ito na lang ang magagawa ko para kay Lena. Nawala siya sa hindi inaasahang pagkakataon. Nadamay lang siya, Eya. Sa kagustuhan niyang tulungan ako ay maaga niyang nilisan ang mundong ito. Ni hindi na nga natin nagawang makapagpaalam man lang sa kan'ya."
Tuluyang naglandas ang luhang dapat ay pinipigilan niya. Mabilis niya iyong pinunasan at tumingin sa kisame. Sa paraang iyon ay nais niyang pigilan muling lumandas ang mga luhang ilang araw niya ring pinipigilan lumabas.
"Alam ko na kung nasaan man ngayon si Lena ay hindi ka niya sinisisi, L.A. Kaya hindi mo kailangang gawin ang bagay na ito. Oo at naiintindihan ko na gaya mo ay magdurusa rin si Zai. Pero naisip mo ba na hindi naman makakatulong kung magpapanggap kang ikaw si Lena?"
Mabilis naman siyang napailing. "Makakatulong iyon, Eya. Lalo na at si Lena na lang ang magiging daan para tuluyang magpa-opera si Zai."
Sa huli ay napatango na lamang ang kaibigan. Tinulungan pa siya nitong tapusing isilid ang iilan pang gamit sa loob ng kan'yang maleta. Nagawa pa nilang bisitahin sa huling pagkakataon ang puntod ni Lena. Noon niya nakita ang fresh pang mga bulaklak na nakahimlay sa ibabaw ng lapida. Hindi niya matukoy kung si Kris o ang Tita Rita nito ang dumalaw sa kaibigan.
Lumuhod siya sa harapan ng lapida nito saka niya ito pinagtirik ng kandila. Malungkot siyang napangiti at tuluyang ipinikit ang mga mata. Sabay silang nagdasal na magkaibigan. Matapos no'n ay sandali siyang iniwan ni Eya.
"Lena," panimula niya. "Isang buwan din akong mawawala rito sa Manila. Hindi na kita magagawang dalawin."
Sandali siyang tumigil saka hinaplos ang lapida nito. "Nakapag-take na rin ako ng leave sa trabaho. Habang hindi ko naman magawang dumalaw sa orphanage. Ayoko kasing magkaroon ng rason para hindi ko tuparin ang kahilingan mo. Lena, ngayon sa harap ng puntod mo ay ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para lang makapagpa-opera si Zai. Darating din ang panahon na masasabi namin sa kan'ya ang totoo at madadalaw ka niya rito."
Idinampi niya ang kamay sa kan'yang labi saka niya iyon idinikit sa lapida ng kaibigan.
"Paalam na, Lena."
Pasimple niyang pinunasan ang tumulong luha saka na tuluyang tumayo. Bahagya lamang niyang nilingon ang katabing lapida ni Lena, lapida iyon ng namayapa niyang nobyo, saka walang lingon-likod na tinungo niya ang kinatatayuan ni Eya at sabay silang naglakad papunta sa sasakyan nito. Si Eya na rin ang naghatid sa kan'ya sa Airport.
Nagpasya si Louisse na hindi na dumalaw sa Angel Eyes Orphanage, dahil naniniwala siyang babalik din siya roon. Mamalagi lamang siya sa poder ng nobyo ni Lena sa loob ng isang buwan - ayon na rin sa naging usapan nila ng tiyahin ni Lena.
HINDI pa rin makapaniwala si Louisse na nakasakay siya sa kauna-unahang pagkakataon sa isang private helicopter. Ngunit patunay ang magulo niyang buhok na hindi lamang iyon panaginip. At ngayon nga ay nasa harapan na siya ng isang magarang mansyon. Bigla ay nabalik sa kan'yang alaala ang minsang pinangarap ng kaibigan.
"Gusto kong makapangasawa ng isang mayamang lalaki."
Sabay na napalingon sila Eya at Louisse nang biglang magsalita ang kaibigan.
"Bakit naman bigla iyang lumabas sa bibig mo?" ang tanong ni Eya.
Kibit-balikat namang tumugon ang dalagita. "Matagal ko na iyong pangarap, Eya. Gusto kong tumira sa isang malaking bahay, iyon bang sa mismong isla? Tahimik pero marangya ang buhay."
Louisse can't deny the fact that 8 out of 10 people she knew is wishing a rich man to have - and Lena is one of them. At ngayon ngang tanaw na niya ang malaking bahay na iyon ay naisip ni Louisse na mukhang nakamtam na ng kaibigan ang matagal ng inaasam nito. Ngunit nang maisip na wala na ito ay hindi niya naiwasang malungkot.
Sandaling inayos ni Louisse ang buhok. Hinayaan niya lang kasi iyong nakalugay at ngayon nga at naka-ponytail na, para hindi na muling magulo lalo na't malakas ang hangin sa islang iyon. Habang nagpatuloy na sa paglalakad si Louisse papunta sa malaking bahay na iyon at tila roon pa siya nakaramdam ng kaba. Bigla ay tila natuyuan siya ng laway sa lalamunan, pati kamay niya ay nanginginig na rin. Sandali siyang tumigil saka humugot ng buntong hininga.
Sa loob ng isang linggo na pamamalagi niya sa tiyahin ni Lena ay tinuruan siya nito kung paano manamit gaya ng kaibigan, sa kung paano siya kailangan magsalita sa harap ng isang Zairus Montell. Pati kilos at pag-aayos bilang Lena ay itinuro rin ni Rita. Ipinakita rin nito ang larawan ng lalaki na unang kita pa lang ni Louisse ay hindi na niya maipagkakailang napaka-g'wapo nito.
Isa sa naging usapan nila ng tiyahin ay kailangan niyang i-distansya ang sarili sa lalaki ngunit kailangan niya ring iparamdam dito na maayos ang anuman sa pagitan nila. Misyon niyang muling paglapitin sila Lena at ang nobyo nito - sa pamamagitan niya. Nang umalis kasi ang kaibigan sa isla, ayon kay Rita ay may hindi pagkakaunawaan ang dalawa. Kaya kailangang kalkulado at tantyado ang magiging galaw niya.
Itong pagpapanggap niya rin ang magiging daan para tuluyang magpa-opera ang lalaki. Bagay na hindi ipinaliwanag nang mabuti sa kan'ya ni Rita.
Louisse can't help but to be suprised when that huge gate automatically open. Kataka-taka rin na wala ni isang guards gayong madaling pasukin ng magnanakaw ang bahay na iyon. Ngunit nang maalala ni Louisse na nasa isang private island siya na pagmamay-ari ng pamilyang Montell ay naisip niyang imposibleng may makapasok doon na hindi kakilala ng pamilya.
Hila-hila sa isang kamay ang bitbit niyang maleta na nagpatuloy sa paglalakad si Louisse. Malawak ang daang tinatahak niya, napapaligiran ng magaganda at bagong trim na mga damo. Halata rin iyong bagong dilig dahil looking fresh iyon. Isa pa sa nakapagpangiti sa dalaga ay nang makitang nasisinagan iyon ng araw na tila lalong nagpaganda sa paningin niya.
Tila na-relax ang isipan niya nang kan'yang ipikit ang mga mata at samyuhin ang natural na amoy ng kapaligiran. Kahit nakapikit ay tila na-vi-visualize pa rin niya ang ganda ng paligid. Rinig na rinig ang paghampas ng alon na de-kalayuan mula sa mansyon. Ngunit may kakaibang amoy ang humalo sa hangin. Hindi iyon masakit sa ilong pero naging dahilan para maikunot ni Louisse ang kan'yang noo.
Unti-unti niyang binuksan ang mga mata at ganoon na lang ang pagsinghap nang makita ang isang lalaking hindi kalayuan mula sa kinatatayuan niya. Bigla ay napagtanto niya na tila mas g'wapo pa sa personal ang nasa harapan niya kesa sa larawan na ipinakita ni Rita sa kan'ya.
"Zairus," tila hanging lumabas sa bibig niya ang pangalan ng lalaki.
Bumakas ang gitla sa noo nito na waring inaanalisa kung sino ang taong tumawag sa pangalan. Hanggang sa dahan-dahang lumapit ito papunta sa kan'yang direksyon, tila kalkulado ang galaw.
Hindi naiwasang maikunot ni Louisse ang kan'yang noo. Iba kasi ang nararamdaman niya. She knew that he is looking at her. But his eyes - it feels like it is empty.
Nabigla pa siya nang tuluyang makalapit sa kan'ya ang nobyo ng kaibigan. Hindi naman nakatakas sa pandinig ni Zairus ang pagsinghap niya nang biglang iangat nito ang kamay. Gamit ang mga daliri nito ay humaplos iyon mula sa gilid ng kan'yang mata, pababa sa kan'yang ilong hanggang sa dahan-dahan iyong napunta sa kan'yang labi.
"W-what are you doing?" napapantikusang tanong ni Louisse.
Hindi na rin niya pinigilan ang sariling mapaatras dahil tila may kakaiba siyang nararamdaman kaninang sobrang magkalapit ang katawan nila sa isa't isa. Ngunit tila hindi nito narinig ang tanong niya at lumapit ulit sa kan'yang gawi. Hinawakan siya nito sa braso na para bang sa pamamagitan no'n ay mapapanatili siya nito.
Mas lalo lang siyang nataranta nang mas lalo pa siyang higitin palapit ni Zairus na naging dahilan para tuluyang mabitiwan niya ang bitbit na maleta. Hindi katulad kanina ay mas dikit na dikit na talaga ang katawan nila. Nakalapat na ang kabila niyang dibdib sa matipuno nitong braso. Ipinapanalangin na lang niya na sana ay hindi nito marinig kung gaano kabilis ang tibok ng kan'yang puso.
Maya-maya lang ay yumuko ito hanggang halos magdikit na ang kanilang mukha. Gano'n na lang ang pagkagulat ni Louisse nang ipihit ni Zairus ang ulo nito at tila sinamyo ang kan'yang buhok. Hindi pa ito nakuntento at gamit ang isang kamay ay napunta iyon sa likurang bahagi niya at naramdaman na lang niya ang paghaplos nito sa kan'yang buhok.
"You smell like strawberry," bigla ay komento nito. "Lena."
Kumabog ang dibdib ni Louisse nang marinig ang pangalan ng kaibigan, saka niya napagtantong nandoon siya para magpanggap bilang nobya nito.
Nang iangat niya ang tingin ay saka niya napagtanto na nakapikit ang mga mata ni Zairus. Ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit tila nakatiim ang bagang nito na tila pigil ang sariling kontrolin ang nararamdamang emosyon.
Maya-maya pa ay tila napapasong lumayo ito sa kan'ya. Nawala na rin ang mainit na pakiramdam niya dahil sa paghaplos nito sa kan'yang buhok, saka niya muling narinig ang boses nito, ngunit may talim na ang tono. "It's been two weeks, Lena. Two weeks."
Nakagat ni Louisse ang pang-ibabang labi. Isang linggo lamang nilang pinaglamayan ang nobyo at kaibigan. Ang isang linggo pang lumipas ay ginugol niya para pag-aralan kung paano maging isang Manuella Ortigaz. Nakalimutan niyang naghihintay nga pala ang nobyo nito sa pagbabalik ni Lena. Sa naisip ay tila nginangatngat nanaman ng daga ang kan'yang puso.
"I just got busy," sa wakas ay natagpuan niya ang sariling boses. Sana lang at hindi nito mapansin ang paggaralgal ng boses niya.
Ngumisi ito saka muling lumapit sa kan'ya na siyang naging dahilan ng pag-atras niya. Ibinubulong ng instinct niya na mapanganib ang taong kaharap kahit na tila ang sarap pagmasdan ng maamo nitong mukha. Hindi pa nakatulong sa kan'ya na ibinubulong ng kabila niyang isipan na huwag ng ituloy ang pina-plano at lumipad muli siya pabalik ng Manila.
"Don't you remember what our deal, honey?"
Hindi malaman ni Louisse kung anong isasagot kay Zairus. Idagdag pa na tila isang matamis na kendi sa kan'yang pandinig ang endearment na ginamit nito. Ngunit pilit na inalis ni Louisse ang isiping iyon at nag-focus sa tanong nito.
Walang nabanggit ang tiyahin ni Lena patungkol doon. Kung buhay lang sana si Lena ay kanina pa siya umalis para tawagan ito. Pero sigurado siyang kung ganoon nga ang kaso, imposibleng nasa ganito siyang sitwasyon ngayon.
"W-what about it?"
Kitang-kita ni Louisse kung paano rumehistro ang disappointment sa mukha ni Zairus.
"Pagdating talaga sa akin ay nakakalimot ka, Lena," may pait sa boses nito. "Well, what do I expect from you? You always make me feel unwanted."
Hindi maipaliwanag ni Louisse kung bakit tila hinahalukay ang kan'yang tiyan. May awa siyang nararamdaman para sa lalaki kahit na ba naguguluhan at hindi magawang ma-proseso ang mga salitang lumalabas sa bibig nito.
"I told you before you leave me that night," panimula nito. "That when you set your foot again on my property, you will no longer turned your back to me. I promise to myself that you will never leave my side again. Never!" pagdiin nito sa huling salita.
Kung nasa ibang pagkakataon lamang sila ay tiyak na kikiligin si Louisse sa mga sinambit nito. Ngunit kahit anong tamis ng mga salita ni Zairus ay hindi no'n maitatago ang tila mabigat nitong emosyon. Hindi na rin napigilan ni Louisse ang lalaki nang tuluyan na itong makalapit muli sa kan'ya. Mabilis nitong natagpuan ang kan'yang kamay hanggang sa may isang malamig na bagay siyang naramdaman sa kan'yang daliri.
Nang iangat niya ang kamay ay ganoon na lang ang pagsinghap niya nang bumungad sa kan'ya ang isang gintong singsing. Nakasisiguro siyang nakakalula ang presyo no'n.
"Hindi ko na muling hahayaang piliin mo nanaman ang iba keysa sa akin, Lena. Ngayon ay natitiyak kong nakatali ka na sa akin."
Hindi malaman ni Louisse kung anong dapat niyang maramdaman. Kung awa ba, paghihinayang para sa dalawa o galit sa sarili dahil alam niyang siya naman talaga itong dahilan kung bakit nawalan ng nobya ang lalaki?
Bumuka-sara ang kan'yang bibig ngunit walang salitang namutawi.
"This time, I'll not let any man to steal you from me. That's a promise, honey."
Iniangat ni Louisse ang tingin. May iba talaga siyang pakiramdam. Tila lampas ang tingin ni Zairus. Ngunit hindi lamang iyon ang tumatakbo sa kan'yang isipin. Kung hindi pati na rin ang lumabas sa labi nito. Ang dating kasi sa kan'ya ay tila may lalaking umagaw kay Lena mula rito. Bagay na hindi naman nababanggit sa kanila ng kaibigan.
Alam niya sa sarili na faithful ang kaibigan sa nobyo nito. Siya nga dapat ang magalit dito, kasi kung hindi pa nawala si Lena ay hindi niya pa magagawang makilala ang lalaking pinag-alayan nang labis na pagmamahal ng kaibigan.
"B-bakit mo ba ito sinasabi, Zai? I'm faithful to you. Kaya bakit tila sa himig ng boses mo ay nagloloko ako?" hindi na niya napigilang maisatinig.
Ngunit mukhang mali ang isinagot niya rito dahil tila nagkaroon ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Tumaas ang kilay ni Zairus saka tila nanghahamon ang mukha nito.
"Really?" natawa ito ng pagak. "Are you sure about that, honey?"
Humugot nang malalim na hininga si Louisse. Hindi niya hahayaang mas lalong magkalamat ang relasyon ng dalawa. Ipinangako niya sa kaibigan na gagawin ang lahat upang maayos pa ang mayroon sa pagitan nito at ng nobyo. Ipinangako niya ring makakapagpa-opera ito.
"Kung anuman ang bagay na hindi natin mapagkasunduan ay gusto ko lang sabihing sumubok ulit tayo, Zai. Gusto kong ayusin ang relasyon nating dalawa."
Hindi niya matukoy kung ganoon nga ba ang magiging sagot ni Lena kung ito ang kaharap ni Zairus.
"Mabilis ka nga naman talagang mag-desisyon, Lena. Now I know."
"What do you mean?" takang tanong niya.
Ngunit bigla nang nawalan ng emosyon ang mukha ni Zairus. Tuluyan na siya nitong tinalikuran, kasabay nang paglabas ng isang matangkad na lalaki. Sa pagkakatanda niya ay ito si Gin Asuncion - ang assistant ni Zairus, ayon na rin kay Rita.
"Gin, ihatid mo na siya sa k'warto niya."
Lalakad pa lamang sana ang lalaki nang muli siyang magsalita. Hindi na niya napag-isipan iyon bago sambitin. "M-magkatabi ba tayo?"
Nakita niyang natigilan ito. Sandaling naging tense ang katawan. "Huwag kang mag-alala, alam kong ayaw mong magkasama tayong dalawa. I'll sleep in master's bedroom if that's the answer you want to hear from me."
Napanganga siya sa isinagot nito. Hindi iyon ang nais niyang palabasin nang lumabas ang katanungan na iyon sa labi niya. Mas lalo lamang tuloy nadagdagan ang pagsisisi na kan'yang nararamdaman.
"H-hindi iyon ang ibig kong sabihin, Zairus." aniya na pinipigilan itong lumakad muli.
Hindi na niya rin napigilan ang sarili nang mabilis siyang humarang sa daraanan nito. But it lead to wrong move again. Nakita niya pa mula sa peripheral vision niya ang akmang paglapit ni Gin ngunit huli na ang lahat.
Nang dahil sa pagharang ni Louisse sa daraanan ni Zairus at hindi rin namalayan ng huli ang naging galaw niya kaya dire-diretso ang naging lakad nito na naging dahilan nang pagbangga ng katawan nito sa kan'ya. Pareho silang nagulantang na dalawa, lalong-lalo na si Louisse. Mas lalong nadagdagan ang pagtataka niyang hindi siya naiwasan ng lalaki na tila ba hindi siya nito nakita.
Biglaan ang pagpulupot ng dalawang braso ni Zairus sa kan'yang beywang na tila ro'n humuhugot ng lakas para ma-balanse silang dalawa.
Mabilis na nakalapit sa kanila si Gin saka nila parehong nahimigan sa boses nito ang pag-aalala. "Are you okay?"
She knows that the question is not for her, instead Gin is asking about Mr. Montell.
Mas lalo lamang humigpit ang yakap sa kan'ya ng lalaki dahil sa itinanong ng assistant nito. Hindi naiwasang maramdaman ni Louisse ang mabilis na pagtibok ng puso ni Zairus ngayong nagkadikit muli ang katawan nilang dalawa.
May biglang pumasok na dahilan sa isip ni Louisse kung bakit gano'n ang naging akto ng nobyo ng kaibigan. Habang nakanganga pa rin ang bibig niya nang dahil sa pagkagulat ay unti-unti niyang iniangat ang tingin sa kabuuan ng mukha nito. Nag-focus siya lalo na sa mga mata ng kaharap.
Kumabog ang dibdib niya nang tila nagkaroon ng kasagutan ang lahat ng kan'yang agam-agam. Hindi malaman ni Louisse kung anong unang mararamdaman ngayong alam na niya ang sitwasyon ng isang Zairus Montell.
Hindi napigilang iangat ni Louisse ang kamay niya at haplusin ang gilid ng mga mata nito. Tila na-surpresa ito sa kan'yang ginawa. Nang sabihin sa kan'ya ni Rita na si Lena na lang ang tanging paraan para magpa-opera si Zairus, ang unang pumasok sa isip niya ay baka opera iyon sa puso. Dahil iyon ang madalas niyang napapanuod sa telebisyon. Ngunit ngayon ay napagtanto na niya ang lahat.
He's blind and eye transplant is what exactly Zairus Montell needed.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro